You are on page 1of 37

12

FILIPINO
UNANG MARKAHAN – MODYUL 2
Iba’t ibang Uri ng Paglalagom

1
Filipino- Ikalabing Dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Akademikong Sulatin ayon sa Layunin, Gamit,
Katangian at Anyo

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Cristine Mea Mundo


Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino
Tagasuri at Tagalapat: Dr. Liezl R. Borlasa
Tagaguhit: Ramesh A. Rosillo, Jim Ryan Dela Cruz
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Wifreda D. Bongalos, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Dr. Marcelita S. Dignos, CESE
Curriculum Implementation Chief : Dr. Oliver M. Tuburan
EPSVR – Filipino : Dr. Herminia N. Leyson
EPSVR – LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng, Dibisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu


Departmento ng Edukasyon – Rehiyon VII, Central Visayas
Office Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel. No. (032) 410-4525
Email Address: oliver.tuburan@deped.gov.ph

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang-12 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul na tumutugon sa layunin ng programang K to 12 ng
Kagawaran ng Edukasyon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mga mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

3
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang-12 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul na batay sa Kurikulum K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

4
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o
sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
ng mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

5
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, na makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
12

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 2
Iba’t ibang Uri ng Paglalagom

7
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo

CS_FA11/12PN-0a-c-90

Mahilig ka ba magbasa ng mga sulatin o kaya ay lathalain? Naranasan mo na


bang muling isulat ang isang akdang iyong nabasa o kaya ang isang buong kwento sa
isang libro o nobela ngunit sa hindi sa kahabaang paraan?
Sa moderno at madaliang mundo na ating ginagalawan natin ngayon gusto natin
na ang lahat ay mabilis nating natatamo o kaya naman natatapos ang isang bagay.
Katulad ng sa pagbabasa ng isang kuwento o nobela kalimitan ay ating muling
kinukuwento ito sa iba ngunit sa masmaikling bersyon ng pangyayari ngunit nanatili ang
mga mahahalagang pangyayari sa estorya na ating tinatangkilik upang sa ganoong
paraan ay madama at malaman parin ng ating pinagkukuwentuhan ang pangyayari at
ang takbo ng estorya ngunit sa masmabilis na paraan. Sa madaling sabi ikaw ay gumawa
ng paglalagom sa isang kuwento upang masdali at masikli na lamang ang pagbasa o
pakikinig ng taong iyong pinagkukuwentuhan ng mga pangyayari.

Dito sa aralin na ito ating matutuklasan kung ano nga ba ang isang paglalagom at
ang uri nito. Ikaw ba ay nanabik na? Ating tunguhin ang aralin upang mabigyang liwanag
ang mga tanong sa iyong isipan at magkaroon ng karagdagang kaalaman.

LAYUNIN:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng paglalagom;


2. Natutukoy ang layunin, gamit, katangian at anyo ng iba’t ibang uri ng
paglalagom;
3. Naiisa-isa ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng
paglalagom;
4. Napapahalagahan ang gamit ng iba’t ibang uri ng paglalagom para sa pangaraw-
araw na gampanin ng isang tao;

8
Panuto: Bashin at intindihing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Pumili ng sagot
sa loob ng kahon. Ilagay ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Abstrak I. Pagsulat
B. Akademya G. Panlipunan o Sosyal

C. Arrogante (2007) K. Personal o Ekspresibo


D. Dyornalistik na Pagsulat L. Propesyonal na Pagsulat

E. Kasanayang Pampag-iisip M. Reperensiyal na Pagsulat


F. Mabilin (2012) N. Sinopsis
J. Malikhaing Pagsulat O. Wika

H. May Pananagutan

_____ 1. Maaring mawala o maglaho ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalaman na
kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.
_____ 2. Nararapat bigyang pagkilala ang mga nakalap na datos o impormasyon at
sanggunian na ginamit.
_____ 3. Dapat ang manunulat ay mapanuri, may lohikal nap ag-iisip at maging
obhetibo sa pagsusulat.
_____ 4. Ito ay naghahatid ng aliw, nakakapukaw ng damdamin, at nakakaantig ng
imahinasyon at isipan ng mambabasa.
_____ 5. Isa sa dalawang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na tinatawag rin na
transaksiyonal.
_____ 6. Ayon sa kanya na ang pagsusulat daw ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailaman ay hndi maglalaho sa isipan ng mambabasa sapagkat
ito ay maaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
_____ 7. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong
nais sumulat.
_____ 8. Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na nakabatay sa sariling
nadarama, pananaw o karanasan.
_____ 9. Batay sa taong ito na ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende
sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.
_____ 10. Ang konseptong papel, tesis at desertasyon ay halimbawa ng anong uri ng
pagsulat?

9
_____ 11. Ito ay bahagi ng isang akademikong papel na kadalasang isinusulat sa
huling bahagi ngunit kadalasang inuunang basahin.
_____ 12. Anong sulatin ito na may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng
balita, lathalain at iba pa.
_____ 13. Isang institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng
mataas na kasanayan at karunungan at kung saan rin kadalasang
naisasagawa ang isang pangakademikong pagsulat.
_____ 14. Ang anyo ng pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng sa
doctor, nars guro at iba pa.
_____ 15. Isa itong uri ng lagom na kadalasan ay ginagamit sa mga tekstong naratibo at
isang sulating pangakademiko rin ito.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng cross word puzzle. Hanapin sa loob
ng cross word puzzle ang mga salitang tumutugon sa mga katanungan sa
ibabang bahagi at bilugan ito.

K A T I P A M P A G I I S I P U
A T A N U A K A L A M A N M G A
S R T A N W G P A K S A W H O Y
E A M K A E M S P A W I T I N U
P N H I N S T E U S I T A M A D
I S T E K N I K A L K U R I Y W
W A S P W E S A T L A D G O R I
O K Y B A L T D I T O T R A W K
B S M A N U N U L K L N I T L A
H I M I G I N K I R A Y E N U I
E Y E M O S A M A L I K A O O Y
T O L N P O E W I P O R M A L K
I N K G U D P S A I S P I N I R
B A I M A P T L S A G O T I N K
O L T K R I M O G L A Y U N I N
M G A O K I N A L A M A N W Y O

10
KATANUNGAN:

1. Ito ay isang gamit o pangangailangan sa pagsulat na magsisilbing giya mo sa


paghabi ng mga datos o nilalaman ng inyong isusulat.
_______________________________________________________________
2. Isang uri ng pagsulat na nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan.
_______________________________________________________________
3. Ito din ay katawagan sa panlipunan o sosyal na layunin sa pagsasagawa ng
pagsulat.
_______________________________________________________________
4. Anong uri ng pagsulat ang may kaugnayan sa pamamahayag?
_______________________________________________________________
5. Ito ay isang gamit o pangangailanagan sa pagsulat at isa rin itong kasanayan na
sa pagsusulat ay dapat ang manunulat ay mapunuri, may lohikal nap ag-iisip at
maging obhetibo.
_______________________________________________________________

ALIBUGHANG ANAK

May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Ang bunsong anak ay kinuha
ang lahat ng kanyang mana siya ay umalis sa poder ng kanyang ama at ginugol sa
maka mundong gawain ang lahat ng kanyang minana. Dumating ang panahon na ang
bunsong anak ay lubos na naghirap at nagdalita. Siya ay namuhay nang masahol pa
sa katayuan ng alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa mga hirap at sakit na kanyang
pinagdaanan na pagtanto niya ang kanyang masamang nagawa. Siya ay nagpasyang
bumalik sa poder ng kangyang ama, magpakumbaba, at humingi ng kapatawaran.
Dulot ng labis na pagmamahal ng ama sa kanyang anak, buong pusong tinanggap ng
ama ang kanyang anak sa muling pagbabalik nito. Sa saya ng ama na bumalik na ang
kanyang anak ipinagdiwang niya ang pagbabalik nito sa kanilang tahanan na siyang
ikinasama ng loob n panganay na anak dahil ni minsan hindi naranasan ng panganay
na anak na ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit inamo ng ama ang kanyang
anak na panganay at ipinaliwanag niya rito na lagi niya itong kapiling at ang lahat ng
ari-arian niya ay para lamang sa kanya ngunit ang bunsong anak na umalis ay
itinuturing nang patay ngunit muling nabuhay, Nawala, ngunit muling nasumpungan.
Hinango mula sa Magandang Balita Bibliya, Lukas 15:11-32

11
Katanungan:

Anong uri ng akademikong sulatin ang nasa kahon na iyong binasa na may
pamagat na Alibughang Anak? Pumili ng kasagutan sa ibaba at lagyan ng tsek ang bilog
ng iyong sagot.

PANUKA-
LANG
ABSTRAK SINOPSIS BIONOTE
PRO-
YEKTO

KATITIKAN POSIS-
TALUM- YONG
AGENDA NG
PATI
PULONG PAPEL

REPLEK- PICTO- LAKBAY-


TIBONG RIAL
SANAY-
SANAY- ESSAY SAY
SAY

Ang buod o paglalagom ay isa sa mga kasanayan na mahalagang matutunan ng


bawat mag-aaral. Isang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda ang
tinatawag nating lagom. Napakahalagang makuha ng isang mambabasa o tagapakinig
ang buong kaisipan na nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Maliban sa
nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang
teksto ay marami pang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang gumagawa

12
ng isang paglalagom. Una nautuhang magtimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa at kanyang natutukoy kung ano ang pinakamahalagang kaisipan
ang nakapaloob at gayundin ang mga pantulong kaisipan. Dapat tandaan sa pagsulat ng
paglalagom mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o ng isang
teksto. Pangalawa natutuhan ang pagsuri sa nilalaman ng kanyang binabasa at
nakatutukoy kung alin sa mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigya ng malalim na
pansin sa pagsulat ng paglalagom at kung alin na man ang hindi gaanong importante.
Pangatlo nahuhubog ang ang kasanayan sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng
mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad
nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat nakakatulong din ito sa pagunlad o
pagpayaman ng bokabularyo dahil sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga
salitang naangkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM

ABSTRAK

Isang uri ito ng lagom na kariniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel


tulad ng tesis, papel na syentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Kadalasan itong
bahagi ng isang tesis o desertasyon na makikita sa unahan ng panananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito rin ang naglalaman ng pinakabuod ng
buong akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to
Write an Abstract (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, taglay nito ang
mahahalagang bahagi o element ng isang sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon. Ito ay naiiba sa kongklusyon
dahil ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat. Layunin nitong
mapaikli o mabigyang buod ang akademikong papel. Ito ay may katangiang hindi
gaanong mahaba, oragnisado ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman. Mula aklat
na Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan -Akademik (2016) at
https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

• Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat


ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel;
ibig sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit
sa ginawang pag-aaral o sulatin.

13
• Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figure o table sa abstrak sapagkat
hindi ito nangangailangan ng isang detalyadong pagpapaliwanag na magiging
dahilan para humaba ito.
• Gumamit ng mga simple, malinaw, at derektang pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
• Maging obhetibo sa pagsulat nito at ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan
at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
• Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral
na ginawa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ISANG ABSTRAK

Ang abstrak ay bahagi ng isang akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat


ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya
naman dapat lang na maging maingat sa pagsulat nito. Sa ibaba ang mga hakbang sa
pagsulat ng isang abstrak:

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng


abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi
ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng
papel.
4. Iwasang maglagay ng mga illustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lang kung
sadyang kinakailangan talaga.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang
kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Hango mula sa Mula aklat na Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan -Akademik
(2016)

Hangga’t maari ang isang abstrak ay kinakailangang maisulat gamit ang isang
buong pahina ng bondpaper, subalit may mga gumagawa nito na sobrang detalyado kung
saan ito ay hinahabi batay sa pagkakalagom ng bawat bahagi ng sinulat na papel.
Kadalasang makikita ang agnitong uri ng abstrak sa tesis at desertasyon. Nasa ibaba
ang halimbawa ng isang abstrak. Bashin ito at suriin.

14
ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Address/Kinatatayuan: Sta. Mesa, Maynila
PAMAGAT: PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP, AT
PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA
MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT
PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO
MAY-AKDA: ROMERO P. PENA, GRACE A. MORENO, AIZA R. GONZAGA,
JOY ZERLAINE S. FELLIZAR, ARNEL C. BALAURO, OLIVER
GLENN S. OMAC AT ROLINA B. CASTILLO
Kurso: Batselyer ng Artes sa Filipinolohiya minor sa Komunikasyong Pangmadla
Pondo: Personal at sa mga magulang
Petsang Nagsimula: Oktubre, 2006
Petsang Natapos: Oktubre, 2007

I. Panimula
Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang
pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at
gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon.

Sa pagpili ng tatlong pangunahing pang-estadong unibersidad sa Pilipinas tulad ng


UP, PUP, at PNU, ihahain sap ag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging
ginagampanan kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman
sa wikang Filipino kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.

II. Mga Layunin ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na mga
katanumgan:

1. Bakit pinili ng mga mag-aarl sa tatlong piling unibersidad ang kursong may
malaking kinalaman sa wikang filipino?
2. Ano-ano ang mga pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling
unibersidad sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang
Filipino?
3. Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad
sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang
Filipino?
4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon
ang mga sumusunod:

15
a. Layunin ng programang pang kolehiyo na may kinalaman sa wikang Filipino
b. Mga kurso o assignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang .pangkolehiyo
na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.
5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyo sa tatlong piling
unibersidad sa Pangkalahatan Edukasyon na inihain ng CHED?
6. Ano ang saloobin ng mga mag-aaral sa mg preperensiyang pangwika kaugnay sa
pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino na maaring ihain ng kurikulum ng
programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

III. Saklaw at Limitasyon


Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na may
kabuoang bilang na pitumpu’t lima (75) na kumukuha ng programang pangkolehiyo
na B.A. filipino, B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in
Filipino (PNU)

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik


Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong pamamaraan. Nagamit
ang pamamaraang ito sapagkat inilarawan ang kasalukuyang ginagamit na kurikulum
ng UP, PUP, at PNU. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay kumunsulta ang
mga mananaliksik sa iba’t ibang silid-aklatan gaya sa Pambansang Aklatan, Ninoy
Aquino Learning Resources Center, at Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at
Linngwistika upang makapangalap ng mahalagang datos na may kaugnayan sa pag-
aaral. Kumuha rin ng mahalagang impormasyon sa web site ng tatlong piling pang-
estadong unibersidad. Humingi ng pahintulot sa pamagitan ng pormal na liham ang
mga mananaliksik sa dekana at tagapangulo ng nakasasakop sa mga nabanggit na
programang pangkolehiyo upang mapahintulutan na makapagsarbey sa ilang piling
mag-aaral na may bilang na dalawampu’t lima (25) sa bawat unibersidad. May
kabuoang pitumpu’t limang (75) binahagian talatanungan ng mga mananaliksik at
maays na ipinaliwanag ang nilalaman nito sa mag-aaral.

V. Buod ng Natuklasan at Kongklusyon


A. Mga Natuklasan
1. Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapili ng kursong kanilang kukunin
pagtuntong nila sa kolehiyo.
2. Malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP, at PNU na magiging
daan ang programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat, at
B.A. Araling Pilipio sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa
PNU sa pagaangat sa kamalayan bilang tunay na mamayang Pilipino.
3. Higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sa propesyon bilang
tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o tianatwag na guro.

16
4. Ang isang mag-aaral na mapapabilang sa mga nabanggit na programang
pangkolehiyo ay Malaki ang posibilidad na mapayabong ang kanyang pagmamahal
sa wikang Filipino. 5. Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang
mag-aaral tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay ang bahagi ng kopya nito.
6. Sa wika, higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo.
7. Intelektwal na pagkatuto ang inihahain ng mga asignaturang nakapaloob sa
kurikulum ng programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at
BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa
PNU.
8. Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensiya opisyal ay isa sa
mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
9. Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa sa epektibong
paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
10. Ang pagbasa ng iba’t ibang basahin na nakasulat sa wikang Filipino ay isa sa
mabiasang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlas ang wikang Filipino.
11. Ang paggamit ng Filipinp sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay isa sa
epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
12. Ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong mabatid ng
maraming Pilipino ay isa sa mabisang paraan upang lalong pang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino.
13. Ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ikinakahiya ay isa sa epektibong
paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
14. Ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino uoang dumami ang
anggunian ng mga mag-aaral ay kailangan upang lalo pang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino.
15. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang paraan
upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
16. Ang pagtangkilik sa pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo
pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
17. Ang pagpapahayag ng kuro-kuro at saloobin gamit ang wikang Filipino ay
makakatulong upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
18. Ang pakikisa sa kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino ay
isang daan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.
19. Ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikang Filipino
ang midyum ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino.

B. Mga Kongklusyon
1. Ang pagpili ng mag-aaral sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman
sa wikang Filipino.

17
Sa masusing pagsasarbey ngmga mananaliksik ay napagalaman na kaya
pinipili ng mga mag-aaral na pumasok o mapabilang sa programang pangkolehiyo ay
dahil ito ang kagustuhan nila. Naging Malaya ngayon ang mga mag-aaral sa pagpili
ng kursong kanilang kukunin na hindi kailangan ng impluwensya ng magulang at ng
ibang tao. Sa kabilang banda, malaki rin ang ang bahagdan ng mga mag-aaral na
napagsarhan o nawalan ng pagkakataon sa gusto nilang kurso.

2. Sa pagsasarbey sa kabuan nagging instrument upang maiangat ang kamalayan ng


mag-aaral bilang isang Pilipino ang programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA
Malikhaing Pagsulat, at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE
major sa Filipino sa PNUay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34
na mag-aaral na may katumbas na 45.33%.
Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin ang programang
pangkolehiyo sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang maynila sa
pag-angat sa kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino at sa pagmamahal
sa wikang Filipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na makahanap
agad ng magandang trabaho ang layunin nito at naniniwala rin ang mga mag-aaral
na magiging dalubhasa sila sa wikang Filipino sa pamagitan ng nabanggit na
programang pangkolehiyo sapamagitan ng paghahasik ng kaalaman o pagiging
guro.

3. Ang pagkatuto-napatunayan na sa wika talaga higit na nakasentro ang mga


nabanggit na programang pangkolehiyo dahil sa napakaraming mag-aaral na
tumutugon nito.
Naikintal ang pagkatutong intelektwal sa mga mag-aaral ng programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wika.

4. Ang pagtangkilik at paggamit ng wikang Filipino sa mga gawaing pang unibersidad


ng mga mag-aaral na may kinalaman sa pagpapaunlad nito.
Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pamagitan ng panonood ng mga
palatuntunang Filipino, pagsasalita ng wikang Filipino upang dumami ang
sanggunian ng mga mag-aaral sa pamagitan ng panonood ng mga nakasulat sa
wikang Filipino, pagbasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino,
pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ikinakahiya, pagpapalimbag ng aklat sa
wikang Filipino upang dumami ang sanggunian ng mag-aaral at ang pangtangkilik
sa pelikulang Pilipino.
Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa gawaing pang unibesidad gaya ng
sa ulat at korespondensiya opisyal, pagsulat ng sulating pampanitikan, pagsasalin
sa Filipino ng mga banyagang sulatin, sa pagtatalumpati at pagpapahayag ng

18
kuro-kuro at saloobin. Samakatuwid, ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng
programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa pagpapaunlad ng wikang
wikang Filipino ay patuloy sa paggawa ng mga epektibong paraan sa pagtangkilik
at paggamit ng wikang Filipino sa labas at sa loob ng unibersidad upang lalong
mapanatili at mapaunlad ito.

5. Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Aspetong Sosyal


Ang pakikiisa sa mga kilos ang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang
Filipino at panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikang
Filipino ang midyum ay ilan lamang sa mga epektibong paraan upang lalong
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino sa aspetong sosyal.

VI. Rekomendasyon

1. Mas mainam kung ang maraming bilang ng Pilipinong mag-aarala aykukuha ng


kursong naaayon sa kanilang kagustuhan na magiging daan sa pagpapaunlad
sa kanilang sarili.
2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas magpapalawak
sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pangkasalukuyang panahon lalo na sa kaso
ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.
3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral sa wikang Filipino.
4. Higit na palaganapin ang mga pamamaraan at preperensiyang pangwika na
lalong magtatagyod sa wikang Filipino.
5. Higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang mga gawain na may kinalaman
sa wikang Filipino.
6. Dapat pag-ibayuhin ang mga programang pangkolehiyo na may malaking
kinalaman sa wikang Filipino ang pangunguna sa pagtatag at pagpapayabong
ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangang pang-edukasyon.
7. Maging matulungin ang mga ahensiyang pang-edukasyon at pangwika sa
patuloy na pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong
maging malakas ang pwersa na nagaganap sa usaping ito.
8. Panatilihing tiyak, malinaw at umuugnay sa kasalukuyang pangangailangan ng
panahon ang mga programang may malaking kinalaman sa wikang Filipino.
9. Ito na ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino ba maaring
kabilangan ng mga Pilipinong mag-aaral pagtuntong ng tersyarya.

19
10. Ang patuloy na pagdaragdag na makaktulong sa pagpapahusay ng
pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pang
tumibay ang kredibilidad nito.

Sanggunian: Pena, Romeo P. et al., “Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP,


PUP, at PNU sa Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo na May Malaking
Kinalaman sa Pagpapanatili sa at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino, Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas, 2007.

SINOPSIS / BUOD

Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong


naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo
ng panitikan. Ang buod ay maaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang. Sa pagkatha naman ng isang synopsis, mahalagang maibuod ang
ang nilalaman ng binasang akda gamit ang iyong sariling salita. Ang pagsulat ng synopsis
o pagbubuod ay naglalayong makatulong sa madaling pagunawa sa diwa ng seleksyon
o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin.Layunin din
nito na maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamagitan sa pamagitan
sa pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaring lantad na
makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang
matukoy ang sagot sa mga tanong na Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamagitan
kasi ng mga katanungang iyon ay mapapadali ang pagsulat ng isang buod.

Kapag nagsusulat ng sinospsis o buod mahalagang maipakilala sa mga babasa


nito kung anong akda ang iyong ginagawan ng buod sa pamagitan ng pagbanggit sa
pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. Makatutulong ang mga ito upang
maunawaan ng mga mambabasa ang mga kaisipang iyong inilalahad ay hindi galling sa
iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang pagbibigay ng
sariling pananaw o pagpapaliwanag tungkol sa akda at maging obhetibo sa pagbubuod
o sa pagawa ng synopsis. Halaw mula sa aklat na Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling
Larangan -Akademik (2016).

20
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD

1. Gumamit ng ikatlong panauhan sapagsulat nito.


2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming
maghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na
gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang
kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa
kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa
o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginagamit sa
pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginagamit kung saan hinango o kinuha
ang orihinal na sipi ng akda.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis / Buod

1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ng


buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa magtala at kung maari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangugusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

Ang sanggunian ay nakabasi sa aklat na Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


-Akademik (2016).

Basaing mabuti at suriin ang buod sa ibaba o sa susunod na pahina. Ang buod na
iyong babasahin ay nanggaling sa isang nobelang pinamagatang Isang Libo’t Isang Gabi
(Thousand and One Nights) na isinalin sa Ingles ni Richard Burton at isinalin din ni Julieta
U. Rivera sa Filipino ang nobelang ito ay mula pa sa bansang Saudi-Arabia.

21
Isang Libo’t Isang Gabi (Buod)

Nagkaroon ng kabiyak ang isang babaeng mangangalakal at ito ay isang


manlalakbay. Laging siyang iniiwan ng asawa niyang manlalakbay dahil kailangang
pumunta nito sa iba’t ibang bansa. Dahil dito, nahulog ang loob ng babae sa isang lalaking
mas bata sa kanya ngunit nakulong ang lalaking kanyang iniibig siya ay gumawa ng
paraan para makalaya ang lalaki. Lumapit siya sa limang mga lalaki upang siya ay
tulungan. Ngunit lahat ng lalaking ito ay hiniling ang kanyang katawan bilang kapalit ng
tulong na kanyang hinihiling mula sa kanila. Siya ay pumayag sa mga ito subalit lingid sa
kaalaman ng limang lalaki siya ay may plano. Nagpagawa siya ng isang malaking kabinet
sa karpintero, isa sa mga lalaking nilapitan niya. Gumawa ito ng malaking kabinet at
dinala sa kanilang bahay. Pinapunta niya ang limang lalaki sa magkakasunod na oras
kaya halos magkasunod rin silang dumating sa bahay ng babae. Unang dumating sa
bahay ng babae ang cadi pinaghubad agad siya ngunit biglang may kumatok at kanyang
sinabi na asawa niya ang kumakatok at nagtago ang cadi sa loob ng kabinet.

Kasunod na dumating ang pulis at gumawa ito ng isang kasulatang pinapalaya na


ang lalaking sinasabing kapatid ng babaeng mangangalakal kahit ang totoo ito ay
kanyang karelasyon. May kumatok at pinapasok din sa kabinet ang pulis. Dumating
naman ang vizier at hari at ganun din ang nangyari nagtago sila sa cabinet dahil may
kumatok. Dumating naman ang karpintero at sinabi ng babae na may kailangang ayusin
sa loob ng kabinet. Nakulong ang limang lalaki sa loob ng malaking kabinet habang
nakalaya naman ang ang lalaking iniibig ng babaeng mangangalakal dahil sa kasulatan.
Nag-ingay ang limang lalaki upang sila ay makalabas sa pagkakakulong sa loob ng
malaking kabinet. Hiyang-hiya ang mga ito sa kanilang ginawa. Ang buod na ito ay halaw
sa https://www.panitikan.com.ph/isang-libot-isang-gabi-buod.

Bionote

Maituturing isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng


isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na
autobiography o kaya ng kathanbuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang
ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon naman kina
Duenas at Sanz sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Science (2012) ang
bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic

22
career na madalas makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating
papel, web sites at iba pa.

Kadalasan ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya


ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang
madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o pagpapakilala sa
sarili ng mga gumagawa ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang mahalagang detalye sa
buhay ng kung sino ang nasa likod ng blog. Ito rin ay maaring magamit ng taong
naglathala ng isang aklat o artikulo. Sa madaling salita naglalayon itong maipakilala ang
sarili sa madla sa pamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol
sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat lamang ito ng maikli. Kung ito ay gagamitin sa esume


kailangang maisulat ito gamit ang 200 na salita. Kung ito naman ay gagamitin para
sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na pagungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa
iyong buhay. Maglagay rin ng detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng
mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na
pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang
madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na maipakilala ang
iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. Ang iba ay gumagamit ng kaunting
pagpapatawa upang maging higit na kawili-wili ito sa mga babasa, pero dapat
iwasan rin ang labis na paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan
kung ano at sino ka.
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring ipabasa
muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at
kaayusan nito.

Ang sanggunian ay halaw sa http://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-


yoursel.html.

23
Ang matutunghayang halimbawa ng isang bionote ay hinggil sa buhay ni Gng. Alma
Dayag ang may-akda at koordineytor sa aklat na Pinagyamang Pluma.

Si Gng. Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and


Secondary Education, magna cum laude, at Master of Arts in Teaching Filipino
Language and Literature sa Philippine Normal University. Nakapagturo siya ng Filipino
sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapaglingkod bilang homeroom chairma,
koordineytor ng Filipino at Sibika/HeKaSi at Assistant Principal for Academics sa St.
Paul College, Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang kumperensiyang pangguro sa
iba’t ibang bansa tulad ng Amerika, Singapore, China (Macau) at Thailand. Ang mga
makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga kumperensiyang ito ay nakakatulong
nang Malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-
facilatator ng mga seminar-workshop na pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Phillipine Accrediting Association of Schools,
Colleges, and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing
pambata gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturin
niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging
simpleng maybahay at ina ng tatlong supling na siya niyang inspirasyon sa pagsulat
ng mga aklat na kanyang inaalay sa lahat ng mga batang Pilipino

Ang sanggunian ay nakabasi sa aklat na Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling


Larangan -Akademik (2016).

Sa mabilisang pagkilos ng tao dahil sa kanyang pangangailangan ay ninanais nito


na maging madali at maikli ang mga bagay-bagay at matamo ito sa mabilis na paraan.
Malaking tulong ang pagbubuod sapagkat sa maikling bersiyon nito nalalaman ng
tagabasa o tagakinig ang tungkol sa paksa na hindi na nangangailangan pang
kumunsumo ng mahabang oras subalit, tandaan natin na nararapat na tayo ay maging
obhetibo sa paglalagom sa kadahilanang mapreserba natin ang emosyon, diwa at
kaangkopan ng isang paksa o akda na siyang tatangkilikin ng mga mambabasa. Kailan
man hindi mapapantayan ng isang paglalagom ang detalyeng makukuha ng isang
tagabasa ngunit napapaliwanag nito ang mga importanteng pangyayari na siyang
bumubuo sa diwa ng isang akda kaya iwasan natin na maglahad ng sariling opinyon o
kuro-kuro para lang maging kapana-panabik ang ginagawang paglalagom sapagkat ang
diwa ay iyong mababago at magdudulot ito ng kalituhan sa mga mambabasa.

24
A. Panuto: Tukuyin ang kahulugan, anyo, layunin at gamit ng iba’t ibang uri ng
paglalagom na nasa ibaba. Ang talahanayan na nasa ibaba ay hinggil sa
iba’t ibang uri ng paglalagom komletuhin ang mga hinihingi ng talahanayan.

Abstrak Sinopsis Bionote

LAYUNIN
AT
GAMIT

KATANGIAN

ANYO

25
B. Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba isa-isahin ang mga bagay na dapat
tandaan sa pagsaulat ng iba’t ibang uri ng lagom.

Iba’t ibang Uri ng Paglalagom

ABSTRAK SINOPSIS BIONOTE

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.

5. 5. 5.

26
Panuto: Iyong tukuyin ang mga detalye o kaisipan na siyang bubuo sa mga pahayag sa
bawat bilang ayon sa iyong nabasa sa mga nakaraang pahina. Ilagay ang iyong
sagot sa patlang na nakalaan.

Ang lagom ay ang 1. _______________________ bersiyon ng sulatin. Sa


pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang 2. ________________________________
ng teksto. Ilan sa katangian ng mabuting lagom ay ang 3. _________________________
at hindi 4. __________________________. Ang 5. ___________________ ay ang
lagom na ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel. 6. _____________ ginagawa sa
pagsulat ng akademikong papel ang abstrak bagamat ito ang 7.
_____________________ binasa ng propesor o mga eksaminer ng papel. Ang lagom na
ginagamit sa mga akdang gaya ng maikling kuwento, nobela, dula, salaysay, talumpati,
at iba pa ay tinatawag na
8. _________________. Sa pagsulat ng synopsis o buod, mahalagang mabanggit ang
9. ____________________, 10. ____________________________ at pinanggalingan
ng akda. 11. ________________________ ang tawag sa lagom na ginagamit sa pagsulat
ng personal profile ng tao. Tinatawag ito sa Ingles na autobiography o kaya ay
12.__________________ o katha sa buhay ng isang tao. Ayon kina 13. ______________
at 14. _________________ na ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman
ng buod ng kanyang 15. ____________________________.

Panuto: Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa sa uri ng lagom at suriin ang mga ito. Isulat
sa mga nakalaang kahon ang mahusay na katangiang taglay ng mga naisaliksik
at binasa na lagom. Huwag kalimutang ilagay ang paksa at sanggunian ng
nasaliksik na akda. Bawat Uri ng paglalagom ay may katumbas na limang (5)
puntos.

27
Pamagat ng Lagom: ____________________________________________
Sanggunian: __________________________________________________
Uri ng Lagom: _________________________________________________
Pagsusuri: ___________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pamagat ng Lagom: ____________________________________________


Sanggunian: __________________________________________________
Uri ng Lagom: _________________________________________________
Pagsusuri: ___________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pamagat ng Lagom: ____________________________________________


Sanggunian: __________________________________________________
Uri ng Lagom: _________________________________________________
Pagsusuri: ___________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

28
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng paglalagom ang inilalahad o inilalarawan ng
pangungusap. Pumili ng sagot sa loob ng kahon at ilagay ito sa patlang bago
ang bilang ng katanungan.

* Abstrak * Sinopsis * Bionote

______________ 1. Isang uri ng paglalagom na tinatawag ding buod.


______________ 2. Ito ay kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo.
______________ 3. Sa pagsulat ng lagom na ito ay mas mainam na matukoy kung sino,
kalian, saan, bakit at paano na mga detalye.
______________ 4. Ayon kay Philip Koopman na bagamat ang paglalagom na ito ay
maikli lamang ngunit tinataglay nito ang mahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko.
______________ 5. Ang lagom na ito ay kinapapalooban ng mga bahagi ng sulatin tulad
ng introduksyon, kaugnay na literatura at metodolohiya.
______________ 6. Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang
academic career.
______________ 7. Ang paglalagom na ito ay madalas mapagkamalan na kapareha ng
kongklusyon ngunit sila ay magkaiba.
______________ 8. Kadalasan ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data at resume.
______________ 9. Ito ay halimbawa ng pagpapakilala sa sarili kagaya ng paggawa ng
isang blog.
______________ 10. Ang lektyur at mga report ay ilan lamang sa mga halimbawa ng
paglagom na ito.
______________ 11. Ilan sa mga halimbawa ng paglalagom na ito ay ang nobela at dula.
______________ 12. Sa paglalagom na ito ayang pagbanggit ng impormasyon hinggil
sa iyong sarili sa madla.
______________ 13. Sa pagsulat nito mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang
teksto at may payak na salita upang madaling maunawaan.
______________ 14. Mahalagang maipakilala sa mambabasa sa buod na ito kung anong
akda ang iyong ginawan ng buod at ang may-akda ng kuwento.
______________ 15. Iwasan ang paglagay ng mga statistical figures o table na galing sa
pag-aaral para sa paglalagom na ito maliban nalang kung
kinakailangan.

29
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na bumubuod sa iyong mga panibagong natutunan


tungkol sa iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahalagahan nito sa pangaraw
araw na buhay ng isang tao. Isulat iyong sanaysay sa nakalaang
lalagyan sa ibaba kasunod nito ay ang rubriks ng iyong sanaysay.

30
Rubriks / Pamantayan para sa Sanaysay

20 PUNTOS 15 PUNTOS 10 PUNTOS 5 PUNTOS

Ang uri ng Ang uri ng Ang uri ng Ang uri ng


sanaysay na sanaysay na sanaysay na sanaysay na
nabuo ay talagang nabuo ay nabuo ay nabuo ay di naging
organisado, organisado, bahagyang organisado, hindi
maingat na maingat na organisado, maayos ang
naisulat, wasto at naisulat, wasto at naisulat nang may pagkakasulat,
angkop ang angkop ang bahagyang hindi wasto at
gramatika at gramatika at kaingatan, may angkop ang
wikang ginagamit wikang ginagamit. kawastuhan at gramatika at
may kaangkupan wikang ginagamit.
ang gramatika at
wikang ginagamit.

Lagom - ito ay isang buod


Hinggil - patungkol sa isang paksa

Katha - isang komposisyon


Angkop - akma o tugma

Talahanayan - tsart; mapagkukunan ng impormasyon


Matamo - nakuha; nakamit
Payak - simple; madaling unawain

Kabiyak - asawa
Alituntunin - batayan

31
Subukin
Balikan
1. I.
1. Layunin 2. Akademiko 3. Transaksiyonal
2. H.
4. Dyornalistik 5. Pampag-iisip
3. E.

4. J.
5. G.

6. F.
7. O.

8. K.
9. C.

10. M.
11. A.
12. D.

13. B.
14. L.

15. N.

Tuklasin

SINOPSIS

32
Isaisip

1. Pinasimple at pinaikli

2. Pinakasentro o pinakadiwa ng
akda
3. Mailahad ng malinaw

4. Maligoy o paulit-ulit Tayahin

5. Abstrak

6. Pinakahuli 1. SINOPSIS

7. Unang 2. SINOPSIS

8. Sinopsis o buod 3. SINOPSIS

9. Pamagat 4. ABSTRAK

10. May-akda 5. BIONOTE

11. Bionote 6. BIONOTE

12. Kathambuhay 7. ABSTRAK

13. Duenas 8. BIONOTE

14. Sanz 9. BIONOTE

15. Academic Career 10. ABSTRAK


11. SINOPSIS
12. BIONOTE

13. SINOPSIS
14. SINOPSIS

15. ABSTRAK

33
Julian, Ailene B. et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik).
Quezon City: Phoenix Publishing Hous, Inc. 2016
https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-akademikong-
sulatin/
https://www.banglanews24.com/lifestyle/article/62754/How-to-Introduce-Your-New-Guy-to-Your-Old-
Friends
https://www.panitikan.com.ph/isang-libot-isang-gabi-buod
http://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yoursel.html.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-music-q1q4
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-3-learners-material-in-araling-panlipunan
https://www.slideshare.net/lhoralight/es-p
https://www.globeelibrary.ph/download/4466
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q2
https://www.slideshare.net/AileenEnriquez/ap10-modyul2-mga-isyung-pangekonomiyaaralin1-and-2
https://pdfslide.net/documents/mga-batayang-kaalaman-sa-pagsusulit-pangwika-nbsppdf-fileang-
pagsusulit.html
https://www.slideshare.net/allanortiz/pananaliksik-unang-hakbang-54345434
https://teachfromanywhere.google/intl/fil_ph/
https://www.slideshare.net/AileenEnriquez/ap10-modyul2-mga-isyung-pangekonomiyaaralin1-and-2
https://pdfslide.net/documents/mga-batayang-kaalaman-sa-pagsusulit-pangwika-nbsppdf-fileang-
pagsusulit.html
https://www.slideshare.net/allanortiz/pananaliksik-unang-hakbang-54345434
https://teachfromanywhere.google/intl/fil_ph/
http://www.knowledgebank.irri.org/EA/preliminary%20pages/Phil~how02.htm
http://www.knowledgebank.irri.org/EA/preliminary%20pages/Phil~how03.htm
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449?_rdc=1&_rdr

34
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449?_rdc=1&_rdr
https://www.slideshare.net/AileenEnriquez/ap10-modyul2-mga-isyung-pangekonomiyaaralin1-and-2
https://www.globeelibrary.ph/download/4466
https://pdfslide.net/documents/mga-batayang-kaalaman-sa-pagsusulit-pangwika-nbsppdf-fileang-
pagsusulit.html
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/pwnhsofficial/posts/692270691316351?_rdc=1&_rdr
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q2
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-music-q1q4
https://www.slideshare.net/lhoralight/es-p
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q2
https://www.slideshare.net/whosign/araling-panlipunan-kasaysayan-ng-daigdig-module-3
https://www.slideshare.net/lhoralight/es-p
https://www.slideshare.net/AileenEnriquez/ap10-modyul2-mga-isyung-pangekonomiyaaralin1-and-2
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://idoc.pub/documents/sinopsis-o-buod-handouts-9n0o125xy5nv
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q2
http://arenaanimationnagpur.com/flm5zy/iyutan-mag-ina.html
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://quizlet.com/419712428/mga-uri-ng-akademiko-ng-sulatin-flash-cards/
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://www.powtoon.com/online-presentation/cToHqGoGYNi/abstrak-fpl-1/
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html
https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html
https://quizlet.com/419712428/mga-uri-ng-akademiko-ng-sulatin-flash-cards/
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://idoc.pub/documents/sinopsis-o-buod-handouts-9n0o125xy5nv
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://quizlet.com/419712428/mga-uri-ng-akademiko-ng-sulatin-flash-cards/
https://quizlet.com/417045885/sinopsis-flash-cards/
https://quizlet.com/415699337/4-sintesis-buod-flash-cards/
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://idoc.pub/documents/sinopsis-o-buod-handouts-9n0o125xy5nv
https://quizlet.com/373297648/fil-2-paglalagom-flash-cards/

35
https://quizlet.com/417045885/sinopsis-flash-cards/
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://quizlet.com/373297648/fil-2-paglalagom-flash-cards/
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://www.researchgate.net/profile/Rosa_Lores-Sanz
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/373297648/fil-2-paglalagom-flash-cards/
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q2
https://www.bai.gov.ph/index.php/kuneho/send/17-kuneho/72-gabay-sa-pag-aalaga-ng-kuneho
https://www.scribd.com/presentation/426882424/Pagsulat-Ng-Iba-t-Ibang-Uri-Ng-Paglalagom2
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-3-learners-material-in-araling-panlipunan
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-music-q1q4
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://quizlet.com/419712428/mga-uri-ng-akademiko-ng-sulatin-flash-cards/
https://quizlet.com/417045885/sinopsis-flash-cards/
https://quizlet.com/415699337/4-sintesis-buod-flash-cards/
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://quizlet.com/373297648/fil-2-paglalagom-flash-cards/
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://www.slideshare.net/ViaAbayon1/mga-kasanayan-sa-akademikong-pagsusulat
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://idoc.pub/documents/sinopsis-o-buod-handouts-9n0o125xy5nv
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://quizlet.com/419712428/mga-uri-ng-akademiko-ng-sulatin-flash-cards/
https://quizlet.com/417045885/sinopsis-flash-cards/
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://www.powtoon.com/online-presentation/cToHqGoGYNi/abstrak-fpl-1/
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html
https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
https://quizlet.com/421692634/filipino-flash-cards/
https://quizlet.com/373297648/fil-2-paglalagom-flash-cards/

36
https://quizlet.com/234135894/filipino-aralin-2-flash-cards/
https://www.slideshare.net/AileenEnriquez/ap10-modyul2-mga-isyung-pangekonomiyaaralin1-and-2
https://www.slideshare.net/lhoralight/es-p
https://santorpack.ru/tl/dekor-okon/kto-napisal-bednye-lyudi-bednye-lyudi.html
https://www.slideshare.net/AileenEnriquez/ap10-modyul2-mga-isyung-pangekonomiyaaralin1-and-2
https://quizlet.com/373297648/fil-2-paglalagom-flash-cards/
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-3-learners-material-in-araling-panlipunan
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-music-q1q4

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 410-4525
Email Address: oliver.tuburan@deped.gov.ph

37

You might also like