You are on page 1of 6

a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

Lesson Plan in Filipino 4


Quarter 1

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Natutukoy ang panghalip pamatlig na ginamit sa pangungusap.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nagagamit nang wasto ang panghalip pamatlig sa pangungusap .
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
(F4WG-Ifg-j-3)

LAYUNIN:
(K) 1. Nagagamit ang panghalip na pamatlig sa usapan at sa pagsasabi tungkol sa sariling
karanasan .
(S) 2. Natutukoy ang panghalip na pamatlig.
(A/V) 3. Nasasagot nang may galang ang mga katanungan tungkol sa usapan.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling
karanasan.
a. Sanggunian: CG F4WG -If - j - 3Yaman ng Lahi 4, Hiyas sa Wika 4
b. Kagamitan: tsart, laptop computer, mga larawan
c. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kagamitan, Paggalang
d. Pedagogy: Constructivism
e. Strategy: Direct Instruction
Tell ( Give Guidance )
Guide ( Facilitate the process )
Act ( Apply the concept )
f. Across the Curriculum Link: ESP
ESP: (Paggalang sa Kapwa-tao, Pangangalaga sa mga Pasilidad ng Paaralan)

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

Panalangin
Pagsasa-ayos ng silid aralan
1. Balik-aral
Ano ang panghalip panao?
Magbigay ng halimbawa ng panghalip panao at gamitin ito sa pangungusap.

(046) 509-1167
(046) 471-4275
a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

2. Paghahawan ng Balakid:
Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita/parirala sa Hanay A.
A B
____1.nakatalaga a. alagaan
____2. ingatan b. laging isaisip
____3. ugaliin c. nakalaan
____4. napapakinabangan d. laging gawin
____5. pakatandaan e. nagagamit
f. kagamitan
3. Pagganyak:
 Tingnan ang laman ng inyong bag. Ano- ano ang mga laman nito? Mahalaga ba ito para sa
iyo? Paano mo ito iniigatan?
 Ano-ano naman ang mga kagamitan sa silid aralan? Sa paaralan? Paano ninyo ito alagaan?
B. Paglalahad
1. Tumawag ng mga bata para basahin ang usapan ng guro at mga mag-aaral.
Pakinggan natin ang usapan ng magkaibigan. Tingnan kung paano nila alagaan ang
kanilang kagamitan.
Sa akin nga po ang mga iyan,
Jessie, sa iyo ba ang mga Bb. Driz. Sorry po, nakalimutan
aklat na ito? Bakit ko po. Nagmamadali po akong
naiwan ito sa ating silid umuwi dahil tutulungan ko pa
kahapon? po ang nanay ko sa mga
gawain.

Kanino naman ang


lunch box na ito. Sa akin po Bb. Driz. Hinugasan ko
po kanina kaya ipinatong kop o
saglit diyan sa ibabaw ng mesa.

Sino-sino ba ang
nakatalaga para Kami po nina Ana, Hershey, at Ben,
mag-ayos ng mga Bb. Driz. Aayusin na po naming ang
aklat dito sa mga iyan para hindi po magulo ang
aklatan? pagkakahanay.

(046) 509-1167
(046) 471-4275
a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

Mga minamahal kong mag-aaral Sorry po Bb. Driz. Lagi


ugaliin ninyo na ingatan an gating naming pakatandaan
kagamitan ditto sa paaralan ang inyong sinabi.
maging ang inyong sariling
kagamitan. Sa ganoong paraan
mas napapakinabangan natin ang
ating mga kagamitan at
maiingatan para mapakinabangan
pa ng ibang mag-aaral.

Target Indicator:
Indicator 2 : Uses a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and
numeracy skills
Pagsagot sa tanong tungkol sa binasa.
1.Tungkol saan ang usapan?
2. Magalang bang sinagot ng mga mag-aaral ang mga tanong ni Bb. Driz?
3. Ano-ano ang mga bagay na naiwan ng mga bata sa silid-aralan?
4. Ilan ang mga batang itinalaga ni Bb. Driz para mag-ayos ng aklat sa aklatan? Sino-sino
sila?
5. Ano ang tagubilin ni Bb. Driz sa kaniyang mga mag-aaral?
6. Bakit kailangang ingatan at pangalagaan ang mga gamit sa ating silid-aralan at paaralan?
Target Indicators:

Indicator 1: Applies knowledge of content within and across curriculum teaching areas
Indicator 3 : Applies a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as
well as other higher order thinking skills
Ipabasa muli ang mga pangungusap na may mga salungguhit na salita.
Itanong:
1. Ano-ano ang salitang may salungguhit sa usapan ni Bb. Driz at mga mag-aaral?
2. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang ito?
3. Ano-ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Kailan ito ginagamit? (Ito, Iyan, Dito, Diyan)

(046) 509-1167
(046) 471-4275
a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

5. Ano ang tawag sa mga salitang ito?


6. Anong uri ng panghalip ito?
Target : T of TGA Tell
C. Pagtatalakay:
Ang panghalip pamatlig ay mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo o paghihimaton sa isang
tao, bagay, lugar, o pangyayari.
PANAUHAN NG PANGHALIP PAMATLIG:
UNANG PANAUHAN- ang pangalang itinuturo ay malapit sa taong nagsasalita. ( ito, ire, nito, nire,
ganito, ganire, dito, dine, heto)
IKALAWANG PANAUHAN- ang pangngalang itinuturo ay malapit sa taong kinakausap. (iyan,
niyan, ganyan, diyan, hayan)
IKATLONG PANAUHAN- ang pangngalang itinuturo ay malayo sa taong nag uusap. (iyon, hayun,
doon, ganoon, gayon)

TARGET: G of TGA Guide

D. Paglalapat

TARGET : A of TGA- Apply the concept

Pangkatang Gawain
Pangkat 1:
Gamit ang larawan, bumuo ng pangungusap o pahayag gamit ang panghalip pamatlig.

Pangkat 2:
Kumatha ng isang maikling awit na ginagamit ang mga panghalip pamatlig.
Pangkat 3:
Bilugan ang panghalip pamatlig na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Dito ko itinatapon ang mga basurang nabubulok.
2. Iyan ba ang bago mong bag?
3. Tatapusin ko lang po itong ginagawa kong proyekto.
4. Iyon ang tindahan kung saan siya bumili ng matibay na sapatos.
5. Ganito karami ang aming kagamitan.

(046) 509-1167
(046) 471-4275
a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

KARAGDAGANG GAWAIN:

Punan ng wastong panghalip na pamatlig ang bawat puwang sa pangungusap.


1. _____ka na maupo para magkatabi tayo. (Dito, Ito)
2. Sila ay pumunta_____ sa bukid. (iyon, roon)
3. Kunin mo ang bag _____ sa likuran mo. (diyan, ganiyan)
4. _____ ang pagluto ng adobong manok.(Ito, Ganito)
5. ______ pala sila nakatira. ( Doon, Iyon)
Indicator 4:

Manages classroom structure to engage learners , individually or in groups , in meaningful exploration ,


discovery and hands on activities within a range of physical learning environments.

Indicator 6:

Uses differentiated , developmentally appropriate learning experiences to address learners’ gender needs,
strengths , interests and experiences

E. Paglalahat
Ano ang panghalip pamatlig?
Paano ito ginagamit?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na panghalip pamatlig ayon sa larawang nakikita.

(046) 509-1167
(046) 471-4275
a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

Indicator 8:
Selects, develops, organizes and uses appropriate teaching and learning resources including
ICT to address learning goals .

Indicator 9:
Designs, selects, organizes, and uses diagnostic, formative and summative and assessment
strategies consistent with curriculum requirement

V. Takdang Gawain
Pumili ng 5 panghalip na pamatlig. Gamitin ang mga ito sa sarili mong pangungusap.

Inihanda ni:

JENETTE G. SAN LUIS

Guro I

(046) 509-1167
(046) 471-4275

You might also like