You are on page 1of 2

Hindi ako tao!

12 pantig bawat taludtod

Ako ay nanghihina at nakadapa.

Hindi pinapansin ‘pagkat maralita.

Kulang na lang tumayo at magsalita

dahil ang nadama’y ‘di nakatutuwa!

Tila himala may pag-asang dumating.

Mata ko’y nagulat at ito’y nagningning.

Pinakain, inalagaa’t nilambing

tapos nahilo, madaling nalalasing.

Dumating na ang ikinatatakot ko.

Nakatatayo at busog na nga ako.

Ngayo’y lumapit, dalawang maginoo.

Biglang nanginig, tumindig balahibo!

Nagising sa madilim, amoy estero.

Tama! Nasa loob ng trak pala ako!

‘Di ko mapara pagkat ako’y baldado.

‘Wag kang maawa ‘pagkat ako’y ‘di tao!


Grape
12 pantig bawat taludtod

Marami na po akong natikmang prutas.

Pinakaayaw ko sa lahat, ang ubas.

Bigyan mo’ko ng iba kahit mansanas.

Pwede ring bayabas o kaya’y singkamas.

Mangga, pakwan at saging, nasubok ko na.

Duhat at peras pinapangarap ko pa.

Ngunit bakit pinilit mo ako ama?

Isubo ang ubas, paulit-ulit pa!

Sana makopa na lang po o kaimito

nang hindi sana ako nagkaganito!

Masarap din naman ang niyog o buko.

Bakit ubas pa ang ibinigay ninyo?!

Ngayon ako ay tila papayang wasak.

Parang kalamansing mahapdi ang patak.

Sa inyong paghiwa, gamit niyo ay itak

kaya prutas kong dala, grabe ang bitak!

Pakiusap ama ayaw ko ng ubas.

Nasusuka na’ko sa mabahong katas.

Punlang itinanim tutubo’t lalabas.

Ang bunga nito’y mag-iiwan ng bakas.

You might also like