You are on page 1of 2

MODYUL

TEORYANG KLASISISMO

TEORYANG KLASISISMO
 Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya, sinasabi rito
na kaisipan muna kaysa sa damdamin. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipian kaysa sa
damdamin. Ito ay kasalungat ng teoryang romantisismo. Ipinahahayag ng klasismo na ang
isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parin sa
kasalukuyan.
 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag – iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling – pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
 Nakasentro sa mga dulang itinatanghal
 Komedya at Trahedya; bilang dalawang pinakatanyag na uri ng dula.
 Gintong Panahon ( 80 BC ) nakilala ang panulaan bilang pinakamahalagang genre sa pagsulat at
pagsusuri ( epiko, satiriko, tulang liriko, at pastoral )
 Panahon ng Pilak
 Paglaganap ng prosa at bagong komedya.
 Talambuhay, liham – gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan.
 Paniniwala : kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay
dapat isabuhay at dakilain.
 Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang dakilang
katawan.
 Pananaw: sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ay ang lundayan ng klasismo.
 Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista – “hindi angkop ang paggamit ng mga salitang
balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.”

 Katangian ng Akdang Klasiko


 Pagkamalinaw
 Pagkamarangal
 Pagkapayak
 Pagkamatimpi
 Pagkaobhetibo
 Pagkakasunod – sunod
 Pagkakaroon ng hangganan
Hal. Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Romeo at Juliet ni William Shakespeare

BUOD NG ROMEO AT JULIET


Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak nina Senyor Montesco at
SenyoraMontesco, ay naaantig sa angking kagandahan ni Rosalina, isang dalaga na may panantang
magingdalaga habang siya ay nabubuhay pa na kaya’t hindi nito.
Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio atkaibigang si Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa
isang sayawan sa bahay ng mga Capulleto. Pumayagnaman si Romeo nang mapag-alaman nitong ddalo
rin si Rosalina. Sa naganap na sayawan sa bahay ngmga Capuletto, nakita ni Romeo si Juliet na anak ng
kaaway ng kanilang angkan, na sila Senyor at Senyora Capuletto.
Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa nila batidna sila ay mga anak
ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin sila. At dahil ditto nagkasundo silang
magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray Lozenzo, ang padre kumpesor ni Romeo.
Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay naglaban at dahil dito ay nasawi
siMercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni Mercutio at naging dahilan ng kanyang
paghihiganti,dahil sa kanyang paghihiganti. Napatay ni Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga
magulang Romeo ngunit ang naging hatol ni Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.
Sa pamamagitan ngkasa-kasama ni Julieta ay muli silang nagkita at nangyari ang unang gabi nila bilang
mag-asawa. Ngunit sa gabi ring iyon ay ipinagkasundo nina Senyor at Senyora Capuletto si Juliet kay
Konde Paris upang silaay mapag-isang dibdib. Tutol si Juliet dito kung kaya’t humingi siya ng tulong kay
Fray Lozenzo upanghindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si Juliet ng likidong
pampatulog upang ang naghihinagpis na binibi ay magmimistulang bangkay sa loob ng apatnapung oras.
Naipabalita kayRomeo na si Juliet ay isa nang bangkay, sa tulong ni Baltazar. Dahil dito bumili si Romeo
sa isang matandang albularyo ng mabagsik na lason na siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa
Verona.Ngunit sa kasamaang-palad, hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na
nagsasabing hindipatay si Juliet. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod ni
Julieta at nangmakita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni Juliet ay ininom niya agad ang lason. At bago
nangyari ang pagpanaw ni Romeo ay nagising si Juliet at natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo.
Sa paghihinagpis ni Juliet ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya naabutang buhay si
Romeoupang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray Lorenzo si Juliet dahil may mga tanod
napaparating, ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang mga tanod ay
nakakita si Juliet ng isang balaraw at siya ay nagpakamatay.

You might also like