Sa gitna ng permanenteng krisis sa sambayanan, ng laganap na
karukhaan at paghihikahos ng nakararami; sa harap ng matinding kahirapan ng mga manggagawa't magbubukid, ng mga biktima ng militarismo at low intensity warfare ng mga may-kapangyarihan, at sa patuloy na pagsasamantala't panunupil ng mga dayuhan.
Nagkakaroon ng krisis ang mga kritika kapag walang naniniwala o
kaunti lang ang may alam, at kung may pinapanigan ang kritika nagkakaroon ng krisis.
Ang kritika ay isang porma ng ideolohiya na may puwersang
pampulitika, may puwersang moral at intelektwal ito rin ang pinagsamang kritika ng mga tao na sumasalamin sa pagpapahayag ng katotohanan laban sa korupsyon, krisis o kahirapan dulot ng may mga kapangyarihan.
At ang krisis naman ay isang napakabigat na problema na naranasan
ng napakaraming tao.
Ang pagkakaintindi namin ay, ano ang kondisyon ng kritika sa
panahon na makaranas ng krisis. Syempre iyan ay yung, pag may krisis ang kritika ay hindi nagiging malakas o matibay sa kadahilanang mas nanaig ang kasinungalingan o may mga taliwas sa lipunan na kung san mas pinaniniwalaan nila ang may kapangyarihan, tulad ng mga pulitiko o opisyal.
Masasabi namin ang epekto ng krisis sa kritika ay nasisira ang
kabuhayan ng marami at mas lalong naghihirap ang mga tao. Ang pilipinas ay pangatlo sa listahan na nakaranas ng matinding krisis kaya nahihirapan ang karamihan na magsimula ulit.
Ang kalamangan ng mga pulitiko sila ang namamahala sa
mamamayan at sila ang may karapatan na manguna sa ating bansa, sila din ang tumutulong sa mga taong nangangailangan. Pulitiko rin ang nagpapatigil ng mga maling gawain. Ang disavantage ng pulitiko, Naihahalal natin ang maling pulitiko at walang ginagawa sa ating bayan. Pulitiko rin ang nang-aapi at nanamantala sa karapatan ng ating bayan. Nasa ating mga sarili lang ang sagot , ang kapangyarihan at ang galaw para makamit ang pagbabagong kinakailangan.