You are on page 1of 1

Kung 1.

Galing Ka sa Mega
At 2. Uuwi sa Pasig
German Gervacio
kung wala kang 1. service o 2. pantaxi, 2 ang opsyon mo:
1.a. jeep
2.a. FX
kung 1.a., 2 ang opsyon mo:
1.b. sasabit sa galing-Quiapo
2.b. pipila sa Pasig-Crossing
kung 2.a., 2 ang opsyon mo:
1.c. pipila sa likod ng EDSA Cinema
2.c. pipila sa harap ng EDSA Cinema
kung 1.a. man o 2.a., 2 ang opsyon mo:
1.d. dadaan ka sa loob ng Shangri-la
2.d. dadaan ka sa gilid ng Shangri-la
kung 1.d., 2 ang opsyon mo:
1.e. maghuhulog ka ng barya sa wishing fountain
2.e. hindi ka maghuhulog ng barya sa wishing fountain
kung 2.d., 2 ang opsyon mo:
1.f. maghuhulog ka ng barya sa lata ng pulubi
2.f. hindi ka maghuhulog ng barya sa lata ng pulubi
kung 1.f., 2 ang opsyon mo:
1.g. -ng matandang naglulupasay
2.g. -ng bulag na umaawit ng "Sa Mata Makikita"
kung 2.f., 2 ang opsyon mo:
1.h. tumulala
2.h. tumula
Silang Mga Hindi Nagsasalita
German Gervacio
natotorete ako sa ingay sa Mega nagmumura ang tsuper ng bus
lahat ay nagsasalita nanggagalaiti ang konduktor
bumubuntong hininga ang mga pasahero
Lets go ice skating for a whiiile! pumipito ang mga traffic aide
Ill take the size medium na lang hindi nagsasalita
Oh gosh! ang haba ng line sa bancnet!
Ill go for tacos at Tia Marias, ikaw? naghihinguto ang isang luko-luko
You can get this Pyrex at 50% off if... sa gilid ng National at tinitigan ako
6:30 pa pala ang next show bumubulong, hindi nagsasalita
Top of the line to. Additional 6 Thou
Sa modem and well give you free connection kaya dagli akong sumakay sa harapan
to the net na lang. ng FX nasungalngal ko tuloy ang mukha
Shiiit low batt! ng drayber ng shopping bags
sinenyasan ako ng pakyu
kaya lumabas ako: ng mga siningitan ko sa pila
pero kailangan kong umuwi kaagad
nadaanan ko ang isang utility girl bago sila matutong magsalita
na tahimik na nagwawalis, hindi nagsasalita

nagsusukli habang nagkiklik ng layter
ang yosi boy, hindi nagsasalita

nakalahad ang palad ng pulubi
hindi nagsasalita

kumakanta ang isa pang pulubi
hindi nagsasalita

nagbabarena, nagmumuhon, nagkakabilya
ang mga tauhan ng EEI, hindi nagsasalita

nagbobomba ng kalan ang nagpipisbol
hindi nagsasalita

You might also like