You are on page 1of 79

BOARD LICENSURE EXAMINATION

FOR PROFESSIONAL TEACHERS


FILIPINO

I. Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon.

Ayon sa paniniwala ni Dr. Fe Otenes (2000), nararapat nakapokus sa mga mag-aaral ang paglinang sa

mga kakayahang pangwika.

Ang pangunahing mithiin ng Filipino sa Level Secondary ay ang makalinang ng isang mag-aaral na

magtatapos na epiktibong nakikipagtalastasan sa Filipino. Nararapat na taglay niya ang mga

kasayanang MAKRO: pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at may sapat na kaalamang

panggramatika. Samakatuwid, layunin na linangin ang kakayahang kumunikatibo.

Batay sa bagong kurikulum, bago lubusang maunawaan ang batayang kaalaman, inaasahang may

kakayahan na ang mag-aaral sa mga kasanayang pangwika di lamang sa interpersonal kundi sa

akademiko at kognitibo.

Ang una at ikalawang tao ay nagbibigay tuon sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na

istrukturang gramatikal ng Filipino bilang wika gamit ang maunawaang pagbasa sa mga teksto.

Samantalang ang ikatlo at ikaapat na taon ay nagbibigay tuon sa kaalaman at pampanitikang kasanayan

sa iba’t ibang anyo nito., kung saan mababasa ang mapanuring pag-iisip.

II. ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

PANGUNGUSAP = lipon ng mga salita na nagsasaad ng kumpletong diwa.

*BAHAGI

PAKSA = pinag-uusapan sa salita

PANAGURI = bahaging nagsasabi ng tungkol sa pinag-uusapan.

Sa Filipino……sa ordinaryong usapan

KARANIWANG AYOS = nauuna ang PANAGURI kaysa PAKSA hal. umaawit si Ruth

DI KARANIWANG AYOS = nauuna ang PAKSA kaysa sa PANAGURI hal. Si Ruth ay umaawit.

*MGA PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA*

1
III. INTRODUKSYON SA PAGSASALING-WIKA

PENOMINAL = pangyayari na nagsasaad ukol sa kapaligiran

TEMPORAL = pangyayari na nagsasaad ng kakayahan o panahon

EKSISTENSYAL = nagsasaad ng pagka-mayroon

MODAL = nagsasaad ng gusto, nais, ibig

MGA KA-PANDIWA = katatapos na kilos

MGA PAMBATING PANLIPUNAN = magagalang na pananalita

MGA PANAWAG = isang salita / panawag sa kamag-anak

PANDAMDAM = nagsasaad ng matinding damdamin

1. PAGSASALING-WIKA – ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng

diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinasalin.

2. KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGAPAGSALING-WIKA

a. Dalubhasa sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

b. Sapat na kaalaman sa kulturang kinabubuhulan ng dalawang bansang kasangkot

sapagsasalin.

c. Lubusang may pang-unawa sa paksa.

d. May kaalaman sa istruktura ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

3. SIMULAIN SA PAGSASALIN -

a. Ang wika at kultura ay magkaugnay

b. May antas ang wika upang mailapat sa mga katotohanan ng mundo at buhay.

c. May kakayahan ang bawat wika.

d. May layuning komunikatibo ang pagsasalin.

4. MGA PARAAN NG PAGSASALIN ni ALMARIO, 2003

a. LITERAL = pagsasalin sa pinakamalapit na gramatiko

b. SANSALITA-BAWAT-SANSALITA = pagtutumbas ng isa-isang salita

c. ADAPTASYON = malayong paraan ng pagsasalin sa kadalasang may malaking kaibahan na sa

orihinal

2
d. MATAPAT = pagsisikap na makagawa ng eksakto tulad ng sa orihinal

e. SALINGSEMANTIKA = binibigyang pansin ang kagandahan at natural na tunog

f. IDYOMATIKONG SALIN = diwa, mensahe ang isinasalin

g. KOMUNIKATIBONG SALIN = naghahangad na maisalin an gang eksaktong kontekstuwal na

kahulugan ng wika upang madaling maunawaan.

MGA HAKBANG BAGO MANGHIRAM

1. LARAWANG PARIRALA = isang paraan ng paggamit ng di-literal na tumbasangsalita ang pagbuo

ng larawang parirala.

2. PAGLIKHA = makalubhang sangay ng pagpapayaman ng wika at maaaring gamitin.

3. TUMBASANG PANLAHAT-PANTIYAK = ito ay maaaring panlahat sa isangwika ngunit pantiyak sa

kabilang wika.

4. PAGHANAP SA KATUTUBONG WIKA = ito ay makatutulong sa pagpapayaman ng wikang

Filipino.

MGA URI NG PAGSASALIN

1. PAGSASALING TEKNIKAL = may kinalaman sa agham, kalikasan, lipunan at sa mga disiplinang

akademiko na nangangailangan ng angkop na espesyalisadong wika.

2. PAGSASALING PAMPANITIKAN = ay ang pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa panibagong

kalagayang pampanitikan na nagtataglay rin ng mga katangian, istilo, at himig ng akdang pampanitikan.

MGA HAKBANG SA AKTWAL NA PAGSASALIN

1. BASAHIN NG PAULIT-ULIT ANG TEKSTO

2. PAGSUSURI

3. PAGLILIPAT

a. PAGSULAT NG UNANG BURADOR

b. PAGSASAAYOS NG UNANG BURADOR

c. PAGSULAT NG IKALAWANG BURADOR

d. PAGSASAAYOS NG IKALAWANG BURADOR

e. PANGWAKAS NA PAGSUSULAT

DALAWANG PARAAN/PAGDULOG SA PAG-AARAL NG PAGLINANG NG WIKA

3
FERDINAND de SAUSSURE = kauna-unahang nagbibigay-diin sa pundamental na pagkakaiba ng

SINGKRONIK at DAYAKRONIK = na pagdulog upang malaman kung papaanong nagbago ang isang wika

sa loob ng isang tiyak na panahon.

MGA LAWAK/ANTAS NG PAG-AARAL NG WIKA

PONETIKA o PHONETICS = ang tawag sa sangay ng linggwistika na pinag-aaralan ang wika sa pamamagitan

ng pag-eksamin ng imbentaryo at estruktura ng mga tunog ng wika.

a. PONETIKANG ARTIKULATORI o ARTICULATORY PHONETICS = ang pisikal na mekanismo ng

produksyon ng mga tunog.

b. PONETIKANG AKUSTIK o ACOUSTIC PHONETICS = ang transmisyon ng mga tunog bilang mga alon

na nagdadala ng mga tunog.

c. PONETIKANG PERSEPTWAL o PERCEPTUAL PHONETICS = ang pag-unawa at pagkilala ng tagapakinig

sa mga tunog na naririnig sa pakikipagtalastasan

ANG PRODUKSYON NG MGA TUNOG

PHONE o SPEECH SOUNDS = tawag sa tunog na ginagamit ng tao sa pagsasalita.

Ayon kina SANTIAGO at TIANGCO = ang enerhiya at pinanggagalingan nito

= ang kumakatal na bagay o artikulador

= ang patunugan o resonador

Ayon naman kina PAZ, HERNANDEZ at PENEYRA = sors ng hangin

= sors ng tunog na nagpapagalaw sa hangin

= set ng ga filter at mga resoneytor na nagmomodifay ng mga

tunog sa iba’t ibang paraan

MGA PARTIKULAR NA BAHAGING SANGKOT O GUMAGANA SA PAGSASALITA AY BINUBUO NG:

A. BAGA B. BABAGTINGANG TINIG C. LARINGHE

D. EPIGLOTIS E. PARINGHE F. UVULA O TITILAUKAN

G. GUWANG NG BIBIG H. VELUM O MALAMBOT NA NGALA-NGALA

I. PALATE O MATIGAS NA NGALANGALA J. GUWANG NG ILONG

K. ALVEOLAE/ALVEOLAR RIDGE O MATIGAS NA NGALANGALA L. DILA

M. NGIPIN N. LABI

4
Ang KASAYSAYAN ng WIKANG FILIPINO
MANUEL L. QUEZON = Pinagtibay niya ang Pambansang Wika ng Pilipinas na Filipino, ito ay ayon sa

1935 Saligang Batas ng Pilipinas.


“Ama ng Wikang Pambansa”
ENERO 12, 1937

Hinirang ni Pangulong Quezon ang lupon na bubuo sa surian ng Wikang Pambansa.


SWP = SURIAN ng WIKANG PAMBANSA

JAIME C. VEYRA =TAGAPANGULO (BISAYANG SAMAR)


CECILIO LOPEZ = KALIHIM at PUNONG TAGAPAGPAGANAP (TAGALOG)

MGA KAGAWAD
SANTIAGO FONACIER (ILOKANO)
FILEMON SOTTO (BISAYANG CEBU)
FELIX SALAS RODRIGUEZ (BISAYANG HILIGAYNON)
MGA KAGAWAD

CASIMIRO PERFECTO (BIKOL)


HADJI BUTU (MUSLIM)
JOSE ZULUETA (PANGASINAN)
ZOILO HILARIO (KAPAMPANGAN)
2 sa mga KAGAWAD na nabanggit ang hindi nakatupad sa kanilang tungkulin.

1.) HADJI BUTU = maagang pumanaw

2.) Felimon Sotto = dahil sa kanyang kapansanan ngunit pinalitan siya ni ISIDRO ABAD.

MGA BATAS sa PAGPAPATUPAD ng WIKANG PAMBANSA


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Dis. 30, 1937)

Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong

Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)

Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa at pagtatakda ng

pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralang pambayan at pampubliko.


SIRKULAR Blg. 26 (Abril 12, 1940)

Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mataas na paaralan at paaralang normal.


Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940)

Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga Wikang opisyal n g Pilipinas.


Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954)

Ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay Marso 29-Abril 4 na isasagawa taun-taon bilang

paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas.


Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23, 1955)

Ang paglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ito ay gagawin na mula Agosto 13-19, bilang

paggunita sa kaarawan ni Manuel L. Quezon.

5
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1959)

Ang PAMBANSANG WIKA ay tatawaging FILIPINO.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Oktubre 24, 1967)

Ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay bibigyan ng katumbas at pangalan sa

Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (Agosto 6, 1969)

Ang paggamit ng Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa sa lahat ng opisyal

na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.


Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 (Nobyembre 14, 1974)

Pagpapatupad ng mga patakaran sa edukasyong bilingual sa Kolehiyo at Pamantasan.


Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, 54 (Mayo 27, 1987)

Mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng edukasyong bilingual sa lahat ng paaralan sa

Pilipinas.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (Agosto 6, 1987)

Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra:

A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,Ñ,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z

PAGBIBIGAY LINAW sa KAHULUGAN ng WIKANG FILIPINO


Pambansang lingua franca kung ginagamit upang magkaunawaan at makapag-ugnayan ang mga nag-

uusap na may magkaibang katutubong wika na nagmula sa iba’t ibang probinsya.


Wikang Pambansang

ayon sa SALIGANG BATAS ng 1987, ARTIKULO XIV SEKSYON 6 na nagsasaad:


“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana

ng batas at sang-ayon sa nararapat


na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod

at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal ng komunikasyon at bilang

wika pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”.


Wikang Opisyal, ayon sa SEKSYON 7 :

“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,

hanggga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles”.


Isang midyum, sa Seksyon 7, tiniyak ang mga wikang panuro. Bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang

Department of Education, Culture and Sports (dating Ministri ng Edukasyon, Kultura at Isports)
ng palisi sa edukasyong bilinggwal na nakasaad sa DECS Order No. 52, s, 1987 (dating Kautusang

Pangkagawaran Blg. 25, s, 1974).

6
Layunin ng kautusan ang pagtatamo ng kompetens sa Filipino at Ingles sa lebel pambansa sa

pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at paggamit ng mga ito bilang midyum ng pagtuturo sa

lahat ng antas ng edukasyon.

LARANGAN NG EDUKASYON

LARANGAN NG KOMUNIKASYON
Bilang disiplina, hindi lamang wikang panturo, kundi mga tiyak na sabdyek/aralin mula antas

elementarya hanggang kolehiyo.


A.) Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa

ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili.


B.) Sa panahong maging ganap na ang pagkatuto ng tao ng kanyang wikang kinagisnan, nasa kanya na

hindi lamang ang kakayahang bumuo ng anumang pangungusap.


C.) Kaugnay ng nabanggit na kaisipan sa Blg. 2, ang pag-aaral ng isang wika tulad ng Filipino ay binubuo

ng dalawang kakayahan:
1.) Kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang

pambalarila; tinatawag itong kakayahang panlinggwistika o linguistic competence.


2.) Kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang

kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon; tinatawag itong

kakayahang komunikatibo o communicative competence.


D.) Ang isang ispiker ng wika ay nag-aangkin ng kakayahang panglinggwistika o linguistic comptence

dahil nasa kanyang subconscious ang kabuuan ng pamamaraan ng pagbuo ng salita, pangungusap, at

kombinasyon ng mga ito.


E.) Mahalagang maunawaan na lahat ng wika ay may grammar at nahahati sa sumusunod: Ponolohiya,

Morpolohiya, Sintaks at Semantika.

HENRY GLEASON – isang linggwistika.

ANG WIKA = ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

7 Katangian ng Wika

1. Masistemang balangkas
MGA PONEMANG KATINIG

2. Sinasalitang tunog
MGA PONEMANG PATINIG

3. Pinili at isinasaayos

4. Arbitraryo

5. Ginagamit

6. Nakabatay sa kultura

7. Nagbabago

MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA

7
* TEORYANG BOW-WOW = Ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.

* TEORYANG POOH-POOH = Ito ay bunga ng pagbulalas ng tao sa masidhing damdamin.

* TEORYANG YO-HE-HO = Ito ay bunga ng pwersang pisikal ng tao.

* TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY = Nag-ugat ito sa mga tunog ng mga nilikha nilang ritwal na

gawa ng mga sinaunang tao.

* TEORYANG TA-TA = Nagmula naman ito sa kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa

bawat partikular na okasyon.

* TEORYANG DING-DONG = Ito ay kahawig sa teoryang bow-wow, ito ay nalikha sa pamamagitan ng

mga tunog ng mga bagay-bagay sa paligid.

KAHALAGAHAN NG WIKA INSTRUMENTO NG KOMUNIKASYON


Pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.

NAG-IINGAT AT NAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN = Kaalamang naisasalin sa ibang saling-lahi at

napapakinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.

NAGBUBUKLOD NG BANSA = Nagbubuklod sa kanilang pakikipaglaban ng magkaroon ng kalayaan.

LUMILINANG NG MALIKHAING PAG-IISIP = Pinapalawak ang ating imahinasyon.

TUNGKULIN ng WIKA
INTERAKSYONAL = Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.

INSTRUMENTAL = Tumutugon sa mga pangangailangan.

REGULATORI = Kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba.

PERSONAL = Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.

IMAHINATIBO = Nakapagpapahayag ng ng imahinasyon sa malikhaing paraan.

HEURISTIC = Naghahanap ng impormasyon/datos.

IMPORMATIB = Nagbibigay ng impormasyon/datos.

ANTAS NG WIKA

A. PORMAL = Mga salitang standard dahil kinikilala, tinatanggap ng nakararami.

1.) PAMBANSA = Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng paaralan at

maging sa pamahalaan.

2. PAMPANITIKAN = Mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.

B. IMPORMAL = Mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw at sa madalas na pakikipagtalastasan.

1.) LALAWIGANIN = Mga bokabularyong dayalektal.

2.) KOLOKYAL = Mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.

3.) BALBAL = Ito’y tinatawag na ingles na slang.

Mga BARAYTI ng WIKA

o DAYALEKTO = Ito ay bahagi o subordineyt ng isang wikang sinasalita sa isang lugar o rehiyon.

o SOSYOLEK = Ginagamit ayon sa relasyong sosyal.

o IDYOLEK = Personal na pag gamit sa wika.

Ang kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng isang indibidwal.

8
o JARGON = Tanging bokabolaryo ng isang pangkat.

o PIDGIN = Tinatawag sa ingles na nobody’s native language. Nagkaroon nito kapag ang dalawang

tao na tagapagsalita ng dalawang magkakaibang wika na walang komon na wika ay nagtatangkang

magkaroon ng kumbersasyong makeshift.

o CREOLE = Isang wika sa unang pidgin ngunit kalaunan nagiging likas na wika na. Nagkakaroon

nito sa pangkat ng komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-aangkin dito bilang unang wika.

ANG PONOLOHIYA

• Ito ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng tunog.

ANG PONEMA

• Ito’y tumutukoy sa mga makahulugang tunog ng isang wika.

• 21 ponema ang Wikang Filipino

– 16 ang katinig

– 5 ang patinig

5 PUNTO NG ARTIKULASYON

A. PANLABI B. PANGNGIPIN C. PANGGILAGID

D. VELAR (PANGNGALA-NGALA) E. GLOTTAL

6 NA PARAAN NG ARTIKULASYON

1. PASARA 2. PAILONG 3. PASUTSOT

4. PAGILID 5. PAKATAL 6. MALAPATINIG

ANG ALOPONO = ito ay mga kahawig na tunog ng isang ponema. Hal. a,i,e,o,u

ANG TRANSKRIPSYON = ang sistematikong paraan ng pagsulat ng mga tunog ng isang wika.

2 URI NG TRANSKRIPSYON

A. TRANSKRIPSYONG PONETIKO = ang lahat ng tunog-makahulugan man o hindi. –ay itinatala. Ito ay

may simbolong [].

B. TRANSKRIPSYONG PONEMIKO = itinatala ng nagsusuri ang mga tiniyak na makabuluhang tunog o

ponema. Ito ay may simbolong //.

MORPOLOHIYA = Ito ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ang pagsasama-sama ng mga

ito upang makabuo ng salita.

MORPEMA = Ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

URI NG MORPEMA
1. MALAYANG MORPEMA (FREE MORPHEME) – Mga salitang-ugat na may sariling kahulugan na hindi

na maaaring hatiin.
DI-MALAYANG MORPEMA (BOUND MORPHEME)- Mga salitang binubuo ng salitang-ugat at panlapi o

afiks na nakakabit.

MGA MORPEMANG DIVERSYUNAL AT INFLEKSYUNAL

9
DIVERSYUNAL NA MORPEMA - Nagbago ang kahulugan nito dahil sa pagkakabit ng iba pang morpema

o afiks nito.
INFLEKSYUNAL NA MORPEMA - Hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita o morpema (sa

kategoryang sintaktika) kung kinakabitan ng iba pang morpema o afiks.

MGA URI PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

ASIMILASYON = Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /n/ sa pusisyong pinal dahil sa

impluwensya ng ponemang kasunod nito.


Tulad ng naipaliwanag na, isa sa tatlong ponemang pailong, /m, n, n/, ang ginagamit batay sa kung ano

ng punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang pagbigkas sa

salita.

(2) URI NG ASIMILASYON:


ASIMILASYONG PARSYAL O DI-GANAP = Ito ay karaniwang pagbabagong nagaganap

sa pailong na /n/ sa pusisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.
Mga Halimbawa:

[pang-] + paaralan = pampaaralan


Mga halimbawa:

[pang-] + dikdik = pandikdik


ASIMILASYONG GANAP = Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ ayon sa puntong

artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala parin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa

ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.


Mga halimbawa:

[pang-] + palo - pampalo - pamalo


Mga halimbawa:

Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon.

[pang-] + kuha - pangkuha - panguha


PAGPAPALIT PONEMA = May mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.

Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin.


/d/ - /r/

Mga halimbawa:

ma- + dapat – marapat


[-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.

halimbawa:

lapad + -an - lapadan – laparan


 /h/ - /n/
 tawa + -han -tawahan - tawanan
 /o/ - /u/
 Halimbawa:
 dugo + an - duguan

10
METATESIS = Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng

salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.


Mga halimbawa:

-in + lipad - nilipad


Mga halimbawa:

atip + -an - atipan - aptan


PAGKAKALTAS NG PONEMA = Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng

salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito.


Mga halimbawa:

bukas + -an - bukasan - buksan

ANG GAMIT NG GITLING


Ginagamit ang gitling ( - ) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

1. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

• Halimbawa:

– araw-araw - dala-dalawa

2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag

hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.

• Halimbawa:

– mag-alis - pang-ako

3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

• pamatay ng insekto -pamatay–insekto

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng

gitling ang pagitan nito.

• Halimbawa:

– dalagambukid ( isda)

– buntunghininga

4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag

o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

• Halimbawa:

– maka-Diyos

• Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit

na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

• Halimbawa:

• mag-Ford - magfo-Ford

5. Kapag ang panlaping ika-ay iniunlapi sa numero o pamilang.

11
• Halimbawa:

– ika-3 n.h.

6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

• Halimbawa:

– isang-kapat (1/4)

– lima’t dalawang-kalima (5 2/5)

7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.

• Halimbawa:

– Gloria Macapagal-Arroyo

– Perlita Orosa-Banzon

8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

– Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng Filipino.

KLASTER
Ayon kina: Otanes at Schachter (1972)

Ang Consonant Cluster ay tumutukoy sa uri ng syllable pattern. Ito ay sunuran ng dalawa o higit

pang katinig na matatagpuan sa loob ng isang pantig na maaring sa inisyal o pinal na posisyon.

Ayon naman kina: Aganan et. al. (1999)

Ang klaster o kambal katinig ay tumutukoy sa magkasunod na tunog katinig.

• Batay sa mga dalubwikang nabanggit, makikita natin na nagkakasundo ang mga ito na ang

klaster o kambal katinig ay sunuran ng dalawa o higit pang ponemang katinig na matatagpuan

sa loob ng isang pantig.

• Ito ang tsart na ipinakita nina: Santiago at Tiangco

o Ito ay mga halimbawa na maaaring kumbinasyon ng mga ponemang katinig na maituturing na

klaster sa pusisyong inisyal:

• Sa tsart, mapapansin ang mga halimbawang salita na hindi lamang ito makikita sa inisyal na

pusisyon sapagkat may ilan din dito na matatagpuan sa midyal o gitnang pusisyon.

• Karamihan sa mga salita ay hiram sa Kastila.


May isinaayos din na tsart sina: Santiago at Tiangco

o Mga sapilitang pagtanggap ng klaster sa pusisyong pinal dahil sa mga salitang hinihiram sa

Ingles.

ANG MGA DIPTONGGO

• Sa talakay nina Santiago at Tiangco:


Ang Diptonggo (diphthongs) ay tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o

/y/ sa loob ng isang pantig.

• Samantala, tiniyak ni: Paz, et.al (2003)

12
ANG MONOPTONG = ay isang payak o simpleng patinig lamang.

ANG DIPTONG = ay sikwens o sunuran ng patinig at malapatinig o glayd.

• Sa mga halimbawang ipinakita, mapapansin na maaaring matagpuan ang diptonggo sa midyal o pinal

na pusisyon. Subalit hindi lahat ng makikita nating sunuran ng patinig at malapatinig ay maituturing na

diptonggo.

• Subalit kapag ito’y nilagyan pa natin ng hulaping-an at naging agiwan, ang sunurang patinig at

malapatinig ay hindi na masasabing diptonggo sapagkat ang mga ito ay nasa magkahiwalay ng pantig,

• a-gi-wan at hindi a-giw-an.

• Samakatuwid, hindi na maituturing na diptonggo ang isang nagtataglay ng sunurang patinig at

malapatinig kung ang malapatinig na /w/ o /y/ ay napagitan na sa dalawang patinig.

ANG MGA PARES MINIMAL (MINIMAL PAIRS)

• Balikan natin ang puntong makabuluhan ang isang tunog kapag nagawa nitong baguhin ang kahulugan

ng isang kaligiran sa sandaling ito’y alisin o palitan.

• Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pares ng mga salita o mas kilala bilang pares minimal.

• Tingnan at suriin ang mga sumusunod na halimbawa:

• pasa = /pasa/ = ‘bruise’

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
1.3 ANTALA = Ito ay dumedepende sa ating vaybresyon ng ating vocal-kord.

TONAL
◦ 1.1 PUNTO NG TONO = Pantig na may kaugnay na tonong makahulugan.
◦ 1.2 ANTAS NG TONO = Sa bawat punto ng tono, isa sa tatlong nagpakilalang antas ng tono ang

lumilinaw, tulad ng iskala na ipapakita:


3 = mataas – isang nota ang taas sa ikalawa

2 = katamtaman o normal na lawak ng tono

1 = mababa- isang notang mababa sa ikalawa

HUBOG NG TONO

2.1. / / ganap ang buong pagbaba


2.2. / / kalahating pagbaba kulang sa isang antas
2.3. / / pagpapanatili sa antas ng tono
2.4. / / pagtaas ng tono mula sa pangwakas na punto ng tono.
HABA at DIIN = Ito ay bahagyang paghinto sa binibigkas na pantig o silabol ng salita nang hindi naman

pinuputol ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig.


ANTALA = Ito ay pagbibigay linaw at diin sa ating salita.

ANG PANTIG = Isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
◦ Mga halimbawa:
a – ko

KAYARIAN NG PANTIG

13
Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga lokal na wika at panghihiram.
◦ KAYARIAN HALIMBAWA
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KKP pri-to
PKK eks-perto

ANG PAGPAPANTIG

Ito ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.

Salita Mga Pantig


maaga ma-a-ga

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA


PENOMINAL = Tumutukoy sa kalagayang pangkalikasan (Binubuo ng panaguring pandiwa na may

kasamang pang-abay). Hal. Umuulan!


TEMPORAL (PANANDALIAN) = Nagsasaad ng kalagayan o panahong (Binubuo ng pang-uri na may

kasamang pang-abay). Hal. Mainit!


EKSISTENSIYAL = Nagsasaad ng pagka-mayroon. Hal. May mga mag-aaral na sa awditoryum.

KA-PANDIWA = Nagsasaad ng katatapos na kilos.Hal. Kaaalis lang niya.

PAMBATING PANLIPUNAN = Magagalang na pananalita ng pakikipagkapwa-tao. Hal. Kumusta ka?

PANAWAG = Panawag na pangkamag-anak. Hal. Hoy! Pssst!

PANDAMDAM = Nagpapahayag ng matinding damdamin. Hal. Aray ko! Sus! Aru!

MODAL = Nangangahulugan ng “gusto”/“nais”/“ibig”. Hal. Gusto kong bumili ng ice cream.

GRAMATIKANG FILIPINO
PARIRALA = salita na walang diwa. Halimbawa: ang mga mag-aaral
PANGUNGUSAP = salita o pangkat ng mga salita na may buong diwa.
Halimbawa: Sunog!

o Ang magandang babae ay nagsusulat sa silid-aklatan.


SUGNAY = Pangkat ng mga salitang may paksa at panaguri subalit hindi buo ang diwa. Ito ay bahagi

lamang ng pangungusap.
May 2 uri ng sugnay:

1.) SUGNAY NA MAKAPAG-IISA = Ito ay nabuo sa loob ng pangungusap na may paksa at panaguri.

Maaari itong gawing buong pangungusap kung aalisin sa mga kasamang salita at lalagyan ng

angkop na bantas.
2.) SUGNAY NA DI-MAKAPAG-IISA = Pinangungunahan ito ng pangatnig. Hindi tapos ang kaisipang

ipinapahayag nito kahit na may paksa at panaguri.

14
MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP
PAKSA=Bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Maaaring gamiting paksa ang pangngalan,

panghalip, pang-uri at pandiwa.


BUONG PAKSA = Kapag kasama ng payak na paksa ang iba pang salitang pinag-uusapan sa

pangungusap.
PANAGURI = Bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa paksa.

BUONG PANAGURI = Kapag kasama ng payak na panaguri ang iba pang salitang nagsasabi tungkol sa

paksa.

AYOS ng PANGUNGUSAP
KARANIWAN o TUWID – Nauna ang Panag-uri sunod ang paksa. Hal. Maganda siya.

DI-KARANIWAN o BALIGTAD = nauna ang paksa sa panaguri. Hal. Siya ay maganda.

URI ng PANGUNGUSAP AYON sa GAMIT


PASALAYSAY = Nagkukwento, nagsasabi ng isang pahayag o kaisipan. Nagtatapos sa tuldok.

PATANONG = Nanghihingi ng kasagutan o paliwanag.Nagtatapos sa tandang pananong.(?)

PADAMDAM = Nagpapahayag ng matinding damdamin.Ginagamitan ng tandang padamdam.(!)

PAUTOS = Nag-uutos o nakikiusap.Nagtatapos sa tuldok.(.)

URI ng PANGUNGUSAP AYON sa KAYARIAN


PAYAK = Iisa at buo ang ideyang ipinahahayag.

TAMBALAN = Higit sa isang kaisipan o ideyang ipinapahayag, maaaring magkapantay o magkasalungat

ang ideyang ipinahahayag at ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang gaya ng at, saka, pati, o

ngunit.
HUGNAYAN = Higit sa dalawa ang ideya o sugnay, may makapag-iisa at ‘di-makapag-iisang sugnay at

ginagamitan ng pangatnig na ‘di magkatimbang tulad ng; sapagkat, upang, nang, at kung.

LANGKAPAN = Binubuo ito ng tambalan at hugnayang pangungusap.

PANDIWA= Salitang nagsasaad ng kilos. Binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

ASPEKTO NG PANDIWA
Aspektong Naganap o PERPEKTIBO = Nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.

Aspektong KATATAPOS = Katatapos lamang ng kilos. Nasa ilalim ito ng perpektibo

Aspektong Nagaganap o IMPERPEKTIBO = Nagsasaad na patuloy pa ring nangyayari ang

inuumpisahang kilos.
Aspektong Magaganap o KONTEMPLATIBO = Gagawin pa lamang ang kilos.

Aspektong NEUTRAL = Ang kilos ay nagaganap sa anyong pautos o nasa anyong pawatas. Hal. Maglaba,

Magluto.

MGA URI NG PANDIWA


2 URI NG PANDIWA

15
1.) KATAWANIN – ang pandiwa ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag sa kanyang sarili.
1.) PALIPAT – ang pandiwa ay hindi-ganap o di buo at nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na

tinatawag na tuwirang layon.

2 TINIG NG PANDIWA (Active and Passive)


TUKUYAN O TAHASAN = Paksa ng pangungusap ang gumagawa ng kilos.

BALINTIYAK = Nasa bahaging panaguri ang tagagawa ng kilos.

POKUS NG PANDIWA
POKUS SA TAGAGANAP O AKTOR = Ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa

pandiwa.
POKUS SA LAYON O GOL = Ang paksa ay siyang binibigyan diin sa pangungusap.

POKUS SA GANAPAN O LOKATIB = Ang paksa ay lugar o ganapan ng kilos.

POKUS DIREKSYUNAL = Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.

POKUS SA TAGATANGAP O BENEPAKTIB = Ang pinaglalaanan ng kilos.

POKUS SA GAMIT O INSTRUMENTAL = Ginagamit ang paksa sa pagsasagawa ng kilos.

POKUS SA SANHI O KAWSATIB = Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.

4 NA URI NG PANG-URI
PANG-URING PANLARAWAN = Nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa, amoy, hugis at iba pang katangian

ng pangngalan at panghalip.
PANG-URING PAMILANG = Nagsasabi ito ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip.

PANG-URING PANTANGI = May anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa pangngalan.

PANG-URING PAARI = Mga salitang paari na tumuturing sa pangngalan.

4 KAYARIAN NG PANG-URI
PAYAK = binubuo ito ng salitang-ugat lamang

MAYLAPI = binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi

INUULIT = binubuo ng pag-uulit sa salitang-ugat o sa pang-uring maylapi

TAMBALAN = binubuo ng dalawang magkaibang salita

KAANTASAN NG PANG-URI
LANTAY = Pangngalan o panghalip na nagtataglay ng iisang katangian.

PAHAMBING = Paghahambing ng katangian ng dalawang bagay.

MAY 2 URI NG PAHAMBING:


PATULAD = Pantay sa katangian o walang nakalalamang sa katangian pinaghahambing.

DI-PATULAD

PALAMANG = Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.

PASAHOL = Kulang sa katangiang pinaghahambing ang isa sa dalawang pinag-uusapan.

PASUKDOL = Naglalarawan ng mga tao, bagay, pook o pangyayari na natatangi sa karamihan.

ANG PANG-ABAY = Ang tawag sa mga salita o mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,

16
pang-uri o kapwa pang-abay.

URI NG PANG-ABAY
PANG-ABAY na PAMARAAN = Ito ay sumasagot sa tanong na paano ginawa, ginagawa o gagawin ang

kilos sa pangungusap.
PANG-ABAY na PAMANAHON = Ito ay sumasagot sa tanong na kailan ginawa, ginagawa o gagawin ang

kilos sa pangungusap.
PANG-ABAY na PANLUNAN = Ito ay sumasagot sa tanong na saan ginawa, ginagawa o gagawin ang

kilos sa pangungusap.
KATAGA o INGKLITIK = Ito ay tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng

pangungusap.

IBA PANG URI NG PANG-ABAY


PANGGANO = Ito ang pang-abay na nagsasaad ng dami, halaga, timbang o sukat ng isang pandiwa.

PANANGGI = Ito ang pang-abay na nagsasaad ng pasalungat o di-pagsang-ayon tulad ng huwag, ayoko,

hindi, ayaw, wala.


PANANG-AYON = Ito ang tawag pang-aay na nagpapahiwatig ng pagpayag o pang-ayon sa opinyon o

gusto ng iba gaya ng tunay, totoo, talaga, walang duda, sigurado, tiyak, opo, oo.
PANG-AGAM = Tawag ito sa mga pang-abay na nagsasaad ng pagdududa, pag-aalinlangan o kawalan

ng kasiguruhan, gaya ng baka, tila, marahil, siguro.

PANGATNIG = Ang tawag sa mga kataga o salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang salita sa iba pang bahagi

ng pangungusap.

May iba’t ibang pangkat nito.

A.) Pangatnig na nag-uugnay sa magkatulad na kaisipan o ideya. (at, pati, o, ni, saka, maging)

B.) Pangatnig na nag-uugnay sa magkasalungat na ideya. (gayon, kung, palibhasa, kapag, subalit,

dapatwat)

C.) Pangatnig na nag-uugnay ng dahilan at bunga ng pangyayari. (sapagkat, kaya, upang, dahil)

D.) Pangatnig na nag-uugnay sa panahong ikinaganap ng kilos. (nang, samantalang, habang)

PANG -UKOL = Ito ay bahagi ng pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng kilos,

gawa, balak, uri o layon.


◦ Mga Halimbawa:
◦ SA Tungo SA/KAY
◦ NG Alinsunod SA/KAY

INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKAMGA PARAAN NG ARTIKULASYONORAL AT NESYAL


Tunog Oral =ang nagagawa kung sa bibig lamang dumadaloy ang papalabas na hangin.

Tunog Neysal =kung dumadaloy ang hangin sa neysal-kaviti kapag nakababaMGA STAP

17
Tinatawag minsan itong plosiv=May pansamantala pero ganap na pagpigil o pagbara ng daloy ng hangin sa bibig sapaggawa

ng mga stap
Voysles-Baylebyal-Stap (p) (Fil) =

Voysles-Dental-Stap (t) (Fil)

Voysles-Alvyolar-Stap (t) (Ing)

MGA ASPIREYTED NA TUNOG =Nabanggit natin na sa bigkas ng mga voysles na tunog, nakabuka ang glotis atmalayang

dumadaloy ang hangin sa pagitan ng mga vokal-kord


Kapag isang voys na tunog ang bibigkasin, nagsasara ang mga vokal-kord

Sa wikang Ingles 2 klase ang voysles ang voysles na tunog depende sa haba at lakasng palabas na hangin sa pagsara ng

mga vokal kord


Aspireyted

Di-aspireyted

Aspireyted [h] sa ingles, [ph], [th], [kh] kapag na sa inisyal posisyon ng silabol atsinusundan ng vawel na mey stres, at di-

aspireyted naman sa ibang envayronment.


MGA FRIKATIV =Kinabibilangan din ng mga vawel at ng mga glayd dahil nagagawa ang mga ito na maytuluy-tuloy na

daloy ng hangin sa bibig.


Sa artikulesyon ng mga friktiv pinararaanan anng hangin sa masikip na daanan perotuluy-tuloy parin ang daloy
nito
Dahil sa napakakitid ang daluyan ng hangin, nagkakaroon ng friksyon na parangsumasagitsit ang hangin.

Tinatawag ding SPYRANT ang mga ito.

[f]–voysles-labyodental-frikativ

[v]–voys-labyodental-frikativ

MGA AFRIKEYT=Ginagawa ang mga ito nang may pagpipigil ng hangin sa simula tulad ng mga stap

atsinusundan kaagad ng pagbibitiw nito tulad ng mga frikativ.

LINGUISTIKA, LINGGWISTIKA O DALUBWIKAAN= ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na

isang linguista o linggwista ang mga dalubhasa dito. Maaaring isadiwa ang pag-aaral ng linguistika sa

tatlong malalaking aksis, isinisalarawan ang kanyang mga dulo ng sumusunod

PAGSUSURI SA PALAWIKAAN

SINKRONIKA AT DIAKRONIKA (synchronic and diachronic) - Binabahala ng sinkronika na pag-aaral ng wika

ang kanyang anyo sa isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diakronika na pag-aaral ang

kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa palipas ng panahon.

TEORETIKO AT NILAPAT - Binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para isalarawan ang

kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala ang nilalapat ng

linggwistikang nilapat ang mga teoriyang ito sa ibang larangan.

KONTEKSTWAL AT MALAYA - Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika

sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan. Binabahala
18
naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas

na kaugnay na wika.

SINTAKSIS – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika.

KOMUNIKASYON
Ito ay sistema o paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telopono,

telegrama, radyo, telebisyon, o computer.


Ayon kay: ARROGANTE (1988)

Napakahalaga sa bawat indibidwal.

Ang salitang pakikipagtalastasan ay galing sa salitang-ugat na talastas na nangangahulugang alam.

URI NG KOMUNIKASYON
VERBAL =Pagpapalitan at pakikipag-usap sa pamamagitan ng pasalitang pagpapahayag.

DI-VERBAL =Ito ay mga pahayag na ipinahihiwatig ng mga kilos o sagisag.

TIPO at ANTAS ng KOMUNIKASYON


INTERPERSONAL (TAYLOR, 1980) =Direktang may komunikasyon o interaksyon sa pagitan ng dalawa o

higit pang interlokyutor o nagsisipag-usap.


INTRAPERSONAL= Nakikipag-usap ang isang indibidwal sa kanyang sarili lamang.

ELEMENTO ng KOMUNIKASYON

MGA KOMYUNIKEYTOR
Layunin ng Komunikasyon

MGA KOMYUNIKEYTOR = Sila ang pinakamahalagang komponent ng komunikasyon.

LAYUNIN NG KOMUNIKASYON = Ito’y tumutukoy sa inaasahang ibubunga ng pakikipag-usap ng bawat

komyunikeytor.

MGA TUNTUNING PANGKOMUNIKATIBO


Ito ang nagsisilbing batayan sa pagsasagawa ng mga komyunikeytor ng kanilang transakyon.

FIDBAK = Kapag-nag-uusap ang dalawa o mahigit pang komyunikeytor na inaasahang may mutual na

impluwensyang namamagitan sa kanila.


MENSAHE = Tumutukoy sa verbal at di-verbal na simbolong ginagamit ng mga komyunikeytor sa

kanilang pakikipag-usap.

KAWASTUANG PAMBALARILA
Nabanggit sa unahan na kailangang magkaroon ng dalawang kawastuan ang pagpapahayag;

kawastuang pambalarila at kawastuang panretorika. Bukod sa kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng

panalita katulad ng:


Pangngalan, Panghalip, Pandiwa, Pang-uri, Pang-abay,

Pang-angkop, Pang-ukol, at Pangatnig ay dapat

19
ding matutuhan ng isang magpapahayag ang wastong gamit ng mga sumusunod:
 NANG = Karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng

katulong na sugnay.
 NANG = Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito.
NANG =Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral

na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.


NG = Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.

NG = Ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.

KUNG = Ay pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap.

KONG = Ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

1. MAY = Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.

2. MAY = Ito’y ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.

3. MAY = Ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri.

4. MAY = Ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari.

1. MAYROON = Ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.

2. MAYROON = Ginagamit na panagot sa tanong.

3. MAYROON = Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.

SUBUKIN = Ito’y nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o

bagay.
SUBUKAN = Ito ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga

tao.
PAHIRIN = Ito ay tumutukoy sa kilos na nangangahulugan ng pag-aalis o pagpawi sa isang bagay, alisin

ang bagay.
1. PAHIRAN = May dalawang kahulugan.

2. PAHIRAN = Nagagamit din ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng kaunting bagay at karaniwan ay

sa bahagi ng katawan.
OPERAHIN = Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.

OPERAHAN = Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.

SUMAKAY = Ay isang pandiwang katawanin at hindi nangangailangan ng tuwirang layon.

MAGSAKAY = Ay pandiwang palipat at nangangailangan ng tuwirang layon.

Ang Rin at Raw = Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos

sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.

Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang pangkayarian sa pangalan.

Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na


panandang pangkayarian.

Ang Kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina. Walang salitang kila sa Balarilang

Filipino. Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.

20
Ang hagis ay pangngalan at hindi pawatas o neutral ng pandiwa.

Napakasal = Ginagamit ito kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang

nilalang na nagmamahalan.
Nagpakasal = Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging punong-abala o siyang nangasiwa upang

makasal ang isang lalaki at babae.

IDIOMA
Ang idyoma ay isang salita o grupo ng mga salita na ang kahulugan ay iba sa tunay na depinisyon ng

mga ito.
Makulay na ekspresyon na ang kahulugan ay kaiba sa kahulugan ng pinagsamang mga salita.
amoy-pinipig Kahulugan: mabango ang amoy
abot ng isip Kahulugan: kayang unawain kayang maintindihan
agaw-buhay Kahulugan: nasa bingit ng kamatayan malapit ng mamatay
agaw-liwanag Kahulugan: malapit ng mag-umaga o lumiliwanag na
alagad ng batas Kahulugan: pulis o miyembro ng militar

anak ng dilim Kahulugan: maligno o engkanto


anak ng Diyos Kahulugan: may kapangyarihan o may espesyal na pribilehiyo
anak ng lupa Kahulugan: magbubukid o magsasaka ang trabaho ay pagbubungkal ng lupa
asal-hayop Kahulugan: mabangis o malupit sa kapwa walang pinipili ang pagmamalupitan.
atras-abante Kahulugan: hindi desidido
ayaw padapuan ng langaw Kahulugan: sobrang protektado
bagong buhay Kahulugan: magsimulang muli
bagong tao Kahulugan: nagbibinata o binatilyo
bakal ang dibdib Kahulugan: matibay ang loob
balian ng buto Kahulugan: disiplinahin
bantay-salakay Kahulugan: isang tagapagbantay na isa palang magnanakaw
basa ang papel Kahulugan: hindi mapagkakatiwalaan
batang kalye Kahulugan: nakatira o lumaki sa lansangan
batang-isip Kahulugan: inosente wala pang muwang sa buhay
bibig na pakakainin Kahulugan: mga taong pinakakain

buhos ang panahon Kahulugan: ibinibigay ang lahat ng oras

buwaya sa katihan Kahulugan: sakim o suwapang


Kabiyak ng puso Kahulugan: asawa
Kailangan ng palo Kahulugan: kailangang utusan para gumawa o walang sariling kusa
Kainin ang salita Kahulugan: bumalik sa sarili ang panghuhusga hindi mangyari ang

ipinagyayabang
Kagat ng dilim Kahulugan: madilim na o pagabi na
kalapating mababa ang lipad Kahulugan: masamang babae o babaeng nagbibili ng aliw

21
kinain ng abo Kahulugan: nasunog
kaututang dila Kahulugan: kakuwentuhan o katsismisan
kuyom ang palad Kahulugan: matipid o hindi palabigay
dugo nang dugo Kahulugan: anak o kaanak
dinidiyos ang pera Kahulugan: labis na nagpapahalaga sa pera
duling na duling Kahulugan: labis na humahanga
gawa ng pagmamahal Kahulugan: dahil sa pagmamahal
ginintuang tinig Kahulugan: maganda ang boses
ginto ang puso Kahulugan: mabuti ang kalooban o Laging handang tumulong sa kapwa
Gumagapang na tila ahas Kahulugan: mahirap o dumanas ng hirap
halang ang kaluluwa Kahulugan: masama ang ugali o Hindi kumikilala ng katuwiran
hawak sa leeg Kahulugan: sumusunod sa lahat ng utos o sunud-sunuran
inaapoy ng lagnat Kahulugan: mataas na mataas ang lagnat
Isang kahig-isang tukang buhay Kahulugan: mahirap na mahirap

PAMANAHONG PAPEL (Term Paper)


Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo

bilang isa sa pangangailangan sa isang larangang akademiko.


MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

A. FLY LEAF 1 = Ang pinakaunang pahina ng pamanahong-papel. Walang nakasulat na kahit ano sa

pahinang ito. Ito ay blangko.


B. PAMAGATING PAHINA = Ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel.

C. DAHON NG PAGPAPATIBAY = Ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng

mananalikisk at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.


D. PASASALAMAT O PAGKILALA = Tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan

o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat at dapat na pasalamatan o kilalanin.


E. TALAAN NG NILALAMAN = Nakaayos sa pagbalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng

pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
F. TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP = Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o

grap na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat

isa.
G. ANG FLY LEAF 2 = Ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.

Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminari. May mga

pamanahong-papel din ang kakikitaan ng Pag-aalay o Dedikasyon na isang opsyonal na pahina

Kabanata 1:
A. PANIMULA O INTRODUKSYON = Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang

pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

22
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL = Dito inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit

isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL = Dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng

paksa ng pag-aaral. Tinutukoy dito ang maaaring kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang

indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.


D. SAKLAW AT LIMITASYON =Dito tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda

ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop

ng pag-aaral.
E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA =Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at

ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng

pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik


kung sinu-sino ang mga may akda ng naunang pag-aaral o literatura, disenyo ng pananaliksik na

ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.


Hanggat maaari rin, tiyaking ang mga materyal na gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na

katangian:
A. OBHETIBO O WALANG PAGKILING

B. NAUUGNAY O RELEVANT SA PAG-AARAL

C. SAPAT ANG DAMI O HINDI NAPAKAKAUNTI O NAPAKARAMI.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


A. DISENYO NG PANANALIKSIK = Dito nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-

aaral.
B. RESPONDENTE = Dito tinutukoy ang respondente ng sarbey. Kung ilan sila at paano at bakit sila

napili.
C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK = Dito inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa

pangangalap ng mga datos at impormasyon.


D. TRITMENT NG MGA DATOS = Dito inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit

upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal

at tabular o grapik na presentasyon.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


Nahahati sa 3:

23
1. LAGOM = Binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong

tinalakay sa Kabanata III.

2. KONGKLUSYON = Ito ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,

pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng

mananaliksik.
3. REKOMENDASYON = Ito ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan

sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA


A. LISTAHAN NG SANGGUNIAN = Ito ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na

ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.


B. APENDIKS O DAHONG-DAGDAG = Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, pormularyo ng

ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik , mga

larawan, kliping at kung anu-ano pa.

MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA


TEORYANG BOTTOM-UP = Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito ng impluwensya

ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay-pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa

pagbasa.
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang

katumbas nitong tugon (response)


TEORYANG TOP-DOWN = Ito ay impluwensya ng sikolohiyang GESTALT na naniniwalang ang pagbasa,

na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak


sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit

habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.


TEORYANG INTERAKTIB = Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa

nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o

kaisipan.
Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ito ay may dalawang

direksyon o bi-directional.
TEORYANG ISKIMA = Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng

mambabasa.
Ang tekstong ito ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng

proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA


TALINO = Isa sa puhunan ng tao sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.

PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE = Sa pag-uuri ng mga ideya at detalye ng isang teksto,

makatutulong nang malaki ang kaalaman sa mga sumusunod:

24
1. PAKSANG PANGUNGUSAP = Ito ay siyang sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng

ideya.
2. SUPORTANG DETALYE = Ito ang mga tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang

pangungusap.
Gawain: Tukuyin ang pangunahing ideya at mga sumusuportang detalye ayon sa binasang teksto.

PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO = Tumutukoy ito sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa

kanyang mambabasa.
Gawain: Isulat sa panggitnang bilog ang layunin ng tekstong binasa at sa mga panlabas na bilog ang

mga nagpapatunay sa iyong sagot.


Pagtiyak sa damdamin, tono at pananaw ng teksto

Sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang ginamit ng awtor sa isang teksto, maaaring matiyak kung ano

ang damdamin, tono at pananaw sa teksto.


DAMDAMIN = Ito ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto.

TONO = Ito ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay. Maaaring ito ay

masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya atb.


PANANAW = Ito ay tumutukoy naman sa punto de vistang ginamit ng awtor sa teksto. Makikita ito sa

pamamagitan ng mga panghalip na kanyang ginamit.


Pagkilala sa pagkakaiba ng opinyon at katotohanan

Mahalagang makilatis ng sinuman mambabasa ang opinyon at katotohanan.

OPINYON = Ito ay pahayag ng isang tao hinggil sa isang paksa batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo.

katotohanan

Ito ay mga paktwal na kaisipan o pahayag na hindi na mapapasubalian at samakatwid ay tinatanggap

na ang lahat.
Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya o pananaw.

MGA BATAYAN UPANG MASURI KUND VALID O HINDI ANG ISANG PARTIKULAR NA IDEYA O PANANAW
1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?

2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?

3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?

4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapapanaligan ba iyon?

PAGHIHINUHA AT PAGHULA
Upang masagot nang wasto ang mga nabanggit at katulad nitong tanong bago magbasa, habang

nagbabasa at matapos magbasa, kailangang magtamo ng kasanayan sa paghihinuha at paghula


PAGHIHINUHA - Ito ay tinatawag na inferencing. Ito ay tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang

bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues. Ang pamagat ng kwento ay maaaring maging clues.
PAGHULA - Ito ay tinatawag ding prediksyon.Gamitin ito sa pagbabasa ng mga kwento at nobela. Ang

matalinong mambabasa ay nakagagawa ng halos akyureyt na hula kung ano ang susunod na

mangyayari o wakas.

PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYON

25
LAGOM (buod)= Ito ay tumutukoy sa pinakatiyak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang

binasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at mahahalagang kaisipan ng teksto.


KONGKLUSYON = Ito ay tumutukoy sa mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto.

Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, tsart, grap at talahanayan

Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang

pantulong sa isang teksto. Sa tulong ng mga ito, nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga

datos na inilalahad sa isang teksto.

ANG TALASALITAAN KAUGNAY sa PAG-UNAWA ng TEKSTO


Sa mga pag-aaral na isinagawa sa pagbasa, napatunayan na may malaking pagkakaugnayan ang

kaalamang pantalasalitaan sa pag-unawa sa teksto o anumang babasahin.


Anderson at Freebody naglathala ng:

Vocabulary Knowledge (1981) -ay nagbigay ng tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-ugnayan

ng talasalitaan at pag-unawa.
1.) PANGKAGAMITANG POSISYON (INSTRUMENTALIST POSITION) - dapat na pag-aralan nang tuwiran

ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan lamang silang matutunan ito sa pagbabasa.
2.) PANGKAKAYAHANG POSISYON (APTITUDE POSITION) - Ang mga estudyante ay magkakaroon ng

malawak na kaalamang pantalasalitaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa.


3.) PANGKAALAMANG POSISYON (KNOWLEDGE POSITION) = Sinasabing ang pagkakaroon ng

kakayahang pantalasalitaan at pang-unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling

kapaligiran at kultura.
4.) INTERAKTIB na POSISYON = Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cuieng

system) sa teksto na siyang nagdudulot ng mabisang pang-unawa.


FRANK MAY (1986) Siya ang nagdagdag ng pang-apat na posisyon.

Mga Palatandaan:

A. PALATANDAANG GRAPOPONIKO –nauukol sa tunog na bumubuo sa mga salita.

B. PALATANDAANG SINTAKTIKO (SYNTACTIC CUES) – nauukol sa pagkabuo o kayarian ng mga salita.

C. PALATANDAANG SEMANTIKO (SEMANTIC CUES) – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa

pagkakaugnay nito sa iba pang salita.


D. PALATANDAANG ISKEMATIC (SCHEMATIC CUES) – nauukol sa pag-uugnay ng sariling karanasan sa

inabasa

MGA ESTRATEHIYA SA PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN


A. PAGSUSURING PANGKAYARIAN

Nauunawaan ang isang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito tulad ng salitang ugat, mga panlapi,

paraan ng pagkabuo ng salita tulad ng pag-uulit ng pantig, salita at pagtatambal.


B. PAGGAMIT ng mga PALATANDAANG NAG-BIBIGAY-KAHULUGAN (CONTEXT CLUES)

26
Ang palatandaan o pahiwatig ay nakikita sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang

sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita. Iba’t ibang paraan ang ginagamit sa pagbibigay pahiwatig

sa kahulugan ng salita.
3) Sa pamamagitan ng katuturan ng salita.

4) Sa pamamagitan ng halimbawa.

5) Sa pamamagitan ng porma na depinisyon ng salita.

6) Sa pamamagitan ng paglalarawan.

C. PAG-UUGNAYAN ng mga SALITA (Word Association) = Hindi lamang kayarian at gamit ng mga salita

ang dapat na pag-aralan upang mapalawak ang talasalitaan. Kailangan ding makita at masuri ang

kaugnayan ngmga salita sa iba pang salita o ideya upang magkaroon ng kabuuang pananaw sa

kahulugan nito.
Mga Paraan na magagamit upang lumawak ang mga batayang salita.

1.) Pagsalita upang sasama ng salita sa iba pang makauo ng iang kahulugan (collocation). Nabibilang

dito ang mga matalinhagang salita o parirala. Sa pag-unawa ng mga salitang ito kailangang malaman

muna ang payak na kahulugan ng mga salitang pinagsama pagkatapos ay ang iba pang kahulugan na

ipinahihiwatig nito.
2) Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita (clustering)

3) Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag

(clining). May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag.
4) Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito (level of

formality). May mga salitang ginagamit sa mga di-pormal, pormal na kalagayan o sa pangkalahatan.
5) Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification)

6) Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word network). Ang mga

salitang nauugnay sa isang paksa o bagay ay naayon sa karanasan o nakaraang kaalaman.


7) Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita

sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nauugnay rito.

MGA PARAAN NG PANANALIKSIK

A. PAGLARARAWAN (DESCRIPTIVE METHOD)

B. EKSPERIMENTAL NA PARAAN

URI NG PAGLALARAWANG PARAAN

1. PAG-AARAL NG KASO (CASE STUDY) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o

yunit sa loob ng sapat na panahon.

2. SARBEY – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi

nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

LAWAK NG SARBEY

1. SENSUS – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.

27
2. SARBEY – ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. MGA PAG-AARAL NA DEBELOPMENTAL – sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng

mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

TEKNIK SA PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK NA DEBELOPMENTAL

1. LONGITUDINAL O MAHABANG PANAHONG PARAAN – Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol

ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.

2. KROS-SEKSYUNAL NA PARAAN (CROSS-SECTIONAL METHOD) - Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga

kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.

3. MGA PASUBAYBAY NA PAG-AARAL (FOLLOW-UP STUDIES) – Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan

ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring

bunga ng isang pag-aaral.

4. DOKYUMENTARYONG PAGSUSURI (DOCUMENTARY ANALYSIS) - Nangangailangan ng pagkalap ng

impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang

mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content

analysis)

5. PATAKARANG PAGSUSURI (TREND ANALYSIS) – Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na

tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral

sa kasalukuyan.

6. MGA PAG-UUGNAY NA PAG-AARAL (CORRELATIONAL STUDIES)- Ito ay isang palarawang pag-aaral na

idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na

populasyon.

B. EKSPERIMENTAL NA PARAAN – Sinasabi ni GAY (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay

na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong

pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.

2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.

3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o pinag-

aaralan at sinusulat.

PANANALIKSIK-WIKA AT PANITIKAN

PANANALIKSIK= ay nangangahulugan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa pananaw, teorya o

paglutas ng suliranin.

SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK = ay sistematiko, kontrolado, empirical at kritikal na imbestigasyon ng

mga haypotetikal na prosisyon tungkol sa ipinalalagay na relasyon ng mga likas na phenomena.

28
ANG PAMAMAHAYAG = ay sining ng pagsulat at pagwawasto ng mga artikulo para sa magasin o

pahayagan.

MGA SIMULAIN SA PAMAHAYAGAN ( CANONS OF JOURNALISM)

1. PANANAGUTAN (RESPONSIBILITY) = Ang karapatan ng isang pahayagan na umakit sa mga mambabasa ay

walang takda, maliban sa pagsasaalang-alang nito ukol sa kapakanan ng publiko. 2. Kalayaan ng Pamahayagan

(Freedom of the Press) Ang kalayaan ng pamahayagan ay dapat bantayan tulad ng isang totoong mahalagang

karapatan ng sangkatauhan.

2. PANSARILI (INDEPENDENCE) - Ang kalayaan sa lahat ng mga Gawain kasama ang katapatan sa kapakanan ng

publiko ay mahalaga. 4. Katapatan, Katotohanan, Ganap na Kawastuhan (Sincerity, Truthfulness, Accuracy)

Ang buong pagtitiwala ng mambabasa ay pundasyon ng lahat ng mahusay na pamahayagan.

3. WALANG KINIKILINGAN (IMPARTIALITY) Ang tumpak na pagsasanay ay nagbibigay ng malinaw na

pagtatangi kung aln ang talagang balita kaysa kuro-kuro lamang. 6.Makatarungang pakikitungo (Fair Play) Ang

isang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng di-opisyal napagbibintang na makasasama sa reputasyon, o

nauugnay sa di mabuting kaasalan nang di muna nagbibigay ng pagkakataon sa nasasakdal nang marinig ang

kanyang panig.

4. MAGANDANG KAASALAN (DECENCY)= Ang isang pahayagan ay hahatulang hindi tapat kung, habang

naghahayag ng mataas na kaasalan ay nanghihikayat naman sa mababang katauhan ng mambabasa.

1. LIBELO • Ang paninirang puri sa kapwa ay labag sa batas.kung ito ay nasusulat, ang tawag dito ay libelo.

Kung ito naman ay binigkas ang tawag ditto ay isalander (slander). • Subalit libelo pa rin ang turing kung ang

paninirang puri ay binigkas sa radio o telebisyon.

2. KATUTURAN • Ang libelo ay isang pampubliko’t pasulat na may masamang hangaring paninirang puri ng tao

dahil daw sa isang krimen o isang bisyo, depekto, tunay o guniguni man o isang pagkilos, o isang

pangayayaring nagiging patunay sa kawalang karangalan; isang pagpula o paglapastangan sa isang tao o

pagdungis ng alaala ng isang namatay na.

3. ANG LIBELO AY ISANG PUBLIKASYON, NASUSULAT O NALILIMBAG, HAYAGANG PAGPULA (DEFAMATORY)

=sa isang tao, maging buhay man o patay. • Ang libelo ay isang paninirang puri o hayagang pagpula kung ito’y

magiging dahilan ng pagsira ng karangalan, pula o paglapastangan sa isang tao o pagdungis ng alaala ng isang

namatay na.

4. ANG LIBELO AY ISANG PANINIRANG PURI (DEFAMATION)= ito’y paglabag sa karapatan ng karangalan.

Alinmang nasusulat o nalilimbag, na pagtatalusira sa karapatan ng mabuting pangalan ng iba ay kasalanang

krimnal o sibil o kapwa at dapat ipailalim sa makatarungang pagbibigay lunas (redress).

5. MGA PAGKAKAKILANLAN ( REQUISITES) SA LIBELO 1. Paninirang puri sa karangalan 2. Malisya, maging sa

batas o sa paksa 3. Pagpapalimbag ng paninirang puri 4. Pagkakilala’t pagtiyak sa biktima


29
6. PANINIRANG PURI AT HAYAGANG PAGPULA SA KARANGALAN •=Ang pangungusap ay hayagang pagpula

kung ito’y magiging sanhi ng pagkamuhi, pagkutya o paglapastanagan sa kinauukulan ng kanyang kapwa o

kung ito’y magiging sanhi ng paglayo ng tao sa kanya.

7. MALISYA ( MALICE) =Ang publikasyon ay malisya kung ito’y walang pahintulot na pagpapalimbag na

hayagang pagpula na walang pagpapatawad ng batas. Ito’y tinatawag na malice in law.

8. PAGPAPALIMBAG =Hindi sapat na ang isang isyu na may paninirang puri ay naipalimbag ng iang editor o

newsmen upang siya’y panagutin sa salang libelo. Siya’y mananagot lamang kung tiyak ang kanyang malisya at

kung ito’y nabasa ng iba.

9. PAGKILALA SA BIKTIMA NG LIBELO = Ang huling kailangan o requisite para mapatunayan ang salang libelo

ay ang malinaw na pagkilala ng biktima ng libelo kahit hindi binanggit ang kanyang pangalan.

10. MANANAGOT SA LIBELO =Ang mga taong may pananagutan sa publikasyon ng libelo ay ang mga

sumusunod:

1. Sinumang tao na naglilimbag, nagtatanghal o nagging dahilan ng pagpapalimbag o pagtatanghal ng isang

nakasulat o nakalathalang paninirang puri ay siyang mananagot.

2. Ang may-akda at editor ng isang aklat o polyeto at ang editor na tagapangasiwa ng pahayagan, magasin o

serial na publkasyon ay silang mananagot sa paninirang puri na nakalathala sa mga pahina niyon na wari’y sila

ang may-akda noon. 3. Ang may-ari ng palimbagan mananagot din, ngunit di laging gayon. ay

DALAWANG URI NG LIBELO •=1. Libelo per se- isang paninirang puri na di kailangan pang patunayan. • 2.

Libero per squad- kinakailangan pa na ang paninirang puri ay mapatunayan na nakapinsala.

BALITA = ay anumang ulat, pasalita o pasulat ukol sa mga pangyayaring hindi karaniwan, napapanahon,

makatawag pansin at kawilihan ng mambabasa,nakagaganyak at nakalilibang totoo, bagay nakagaganap

lamang o natuklasan sa unang pagkakataon.

MGA SANGKAP NG BALITA

napapanahon kalapitan kahalagahan katanyagan di-karaniwan

tunggalian pamukaw-damdamin drama pag-unlad

hayop bilang

MGA KATANGIAN NG BALITA

1. KAWASTUHAN 2. TIMBANG 3. WALANG KINIKILINGAN o OBHETIBO

4. KAIKLIAN AT KALINAWAN 5. KASARIWAAN

URI NG BALITA
30
1. PAUNANG PAGLALAHAD - Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin

bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.

2. TUWIRANG PAGLALAHAD - Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang

impormasyon tungo sa maliliit na detalye.

3. BALITANG BUNGA NG PAKIKIPANAYAM - Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay

bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4. KINIPIL NA BALITA - Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung

kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.

5. MADALIANG BALITA O FLASH - Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.

6. DEPTH NEWS O BALITANG MAY LALIM - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na

matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.

7. BALITANG PANGSENSYA - Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay na

makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.

IBA PANG URI NG BALITA

1. BALITANG PANLOKAL - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.

2. BALITANG PAMBANSA - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa

3. BALITANG PANDAIGDIG - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig.

4. BALITANG PAMPULITIKAL - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.

5. BALITANG PAMPALAKASAN - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at

kompetisyong pangkalakasan

6. BALITANG PANG-EDUKASYON - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.

7. BALITANG PANTAHANAN - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa

pamamahala ng tahanan.

8. BALITANG PANGKABUHAYAN - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa

negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.

9. BALITANG PANLIBANGAN - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at

iba pa.

10. BALITANG BUHAT SA TALUMPATI – ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan,

seminar, panayam o pulong.

ANG ISANG BALITA AY MAAARING SUMAGOT SA ANIM NA PAHIWATIG

1. Ano – itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari.

2. Sino – tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.

3. Bakit – tinatalakay ang sanhi o dahilan ng pangyayari.

4. Paano – itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.

5. Kailan – binabanggit ang petsa.

6. Saan – itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

31
MGA MUNGKAHI SA MAHUSAY NA PAGSULAT

• Isang Ideya bawat pangungusap.

• Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap. 23-25 na salita lamang.

• Tiyakang maayos at lohikal ang pagkakahanay ng kaisipan.

• Gumamit ng pandiwang na sa aktibong tinig.

• Gumamit ng simpleng salita.

• Iwasan ang paggamit ng parehong salita sa pangungusap

RUBRIC

klase, dibisyon, kategorya, ulo, ayos, seksyon,

departamento, subdepartment, lalawigan, domain, uri, uri-uriin, genus,

species, iba't-ibang, pamilya, ayos, kaharian, lahi, lipi, kasta, lahi,

lahi, uri, subtype, denominasyon, itakda, subset, assortment, paghahabla, saklaw,

kasarian, kasarian, kamag-anak, paraan, sekta, titulo, ulong pambungad,

character.

(katawagan): mga katawagan, pagbibigay ng, pangalan, pangalan,

tawag, pamagat, titulo, ulong pambungad, caption, sekta, epithet,

tamang pangalan, patronimik, apelyido, eponym, pambalana, label.

RUBRIC

ulong pambungad

n 1: isang authoritative tuntunin ng kilos o pamaraan

2: isang paliwanag o kahulugan ng isang salita sa ikukubli isang text

3: direksyon para sa pagsasagawa ng Kristiyano iglesia serbisyo

(madalas na nakalimbag sa pula sa isang panalangin libro)

4: isang heading na ang mga pangalan ng isang batas o pambatasan kuwenta; ay maaaring magbigay ng

isang maikling buod ng mga bagay na ito na trato sa "Title 8

pederal na ibinigay ng tulong para sa mga paaralan

5: isang titulo o pamagat na ito ay nakalimbag sa pula o sa isang espesyal na

uri

6: kategorya pangalan; "ito ay kadalasang tinalakay sa ilalim ng mga ulong pambungad ng

`sa pagganap obesity '"

STATUTE TITLE

BATAS PAMAGAT

n: isang heading na ang mga pangalan ng isang batas o pambatasan kuwenta; ay maaaring magbigay ng

isang maikling buod ng mga bagay na ito na trato sa "Title 8

pederal na ibinigay ng tulong para sa mga paaralan "[syn: (titulo), (ulong pambungad)]

32
GLOSS

PAKITANG-TAO

n 1: isang paliwanag o kahulugan ng isang salita sa ikukubli ng isang text

[syn: (ulong pambungad)]

2: isang alpabetikong listahan ng mga teknikal na termino sa ilang mga dalubhasang

larangan ng kaalaman; karaniwang publish bilang isang appendix sa isang

teksto sa patlang na [syn: (glossary)]

3: ang ari-arian ng pagiging makinis at makintab [syn: (polish), () kakintaban,

(pagpapakintab)]

4: isang palabas o token hitsura o form na ito ay sadya

nakakalito; "niya ang kanyang mga inaasam-angkin ay isang anyo ng

tunay ";" siya tried sa bigyan ang kanyang mga kasinungalingan ang mga pakitang-tao

ng moral kapahintulutan ";" ang sitwasyon sa lalong madaling panahon ay naganap sa isang

iba't-ibang kulay "[syn: (wangis), (kulay), () kulay]

PAKITANG-TAO

v 1: magbigay ng isang umaaraw o pakitang-tao na, karaniwan ay sa pamamagitan ng hudhod

2: magbigay ng interlinear paliwanag para sa mga salita o parirala; "Siya

nalagyan ng annotation sa kung ano ang kanyang guro ay may nakasulat na "[syn: (puna),

(annotate)]

3: magbigay ng isang interlinear pagsasalin ng isang salita o parirala

4: pagtakpan o patawarin; "kulay kasinungalingan" [syn: (kulay), () kulay]

TITLE

PAMAGAT

n 1: isang heading na ang mga pangalan ng isang batas o pambatasan kuwenta; ay maaaring magbigay ng

isang maikling buod ng mga bagay na ito na trato sa "Title 8

pederal na ibinigay ng tulong para sa mga paaralan "[syn: (batas pamagat),

ulong pambungad ()]

2: ang pangalan ng isang gawain ng sining o sanaysay at iba pa; "siya

tumingin dahil sa mga libro na may salita `jazz 'sa pamagat na"; "siya

tumanggi na magbigay ng mga pamagat sa kanyang mga paintings ";" ako maaari hindi kailanman

matandaan ang pamagat ng pelikula "

3: isang pangkalahatang o mapaglarawang pamagat para sa isang seksyon ng isang nakasulat na

gawain; "ang nobela kabanata ay may pamagat na"

4: ang katayuan ng pagiging isang kampeon; "siya gaganapin ang pamagat para sa dalawang

taon "[syn: (kampeonato)]

33
5: isang legal na dokumento na nilagdaan at sealed at inihatid sa bisa ng isang

paglipat ng ari-arian at upang ipakita ang legal na karapatan na

makamtan ito; "siya sign ang gawa"; "siya malinis ang pamagat sa

ang kanyang kotse sa glab kompartimento "[syn: (gawa), (gawa ng

padala)]

6: isang pagkilala papangalan signifying na kalagayan o function:

e.g. Ginoong o General; "ang mga propesor ay hindi tulad ng kanyang mga

mga kaibigan upang gamitin ang kanyang pormal na pamagat "[syn: (titulo ng paggalang)]

7: isang itinatag o kinikilalang karapatan; "isang malakas na legal claim sa

ang ari-arian ";" siya ay walang mga dokumento kinukumpirma ang kanyang pamagat

sa kanyang ama estate ";" siya staked kanyang claim "[syn: (claim)]

8: (kadalasan maramihan) nakasulat na materyal na ipinakilala sa isang pelikula o

TV ipakita upang bigyan ng credits o kumakatawan uusap o ipaliwanag

ng isang aksyon na "ang mga pamagat pumunta sa pamamagitan ng mas mabilis kaysa sa maaari kong

basahin ang"

9: isang papangalan signifying kamaharlikaan; "` inyong kamahalan 'ay ang

angkop na pamagat na gamitin sa addressing ng isang haring "

10: ang isang impormal na karapatan sa isang bagay; "kanyang claim sa kanya

attentions ";" ang kanyang titulo sa katanyagan "[syn: (claim)]

PAMAGAT

v 1: magbigay ng isang pamagat sa [syn: (pamagatan)]

2: magtalaga ng isang pagkilala term; "Sila nagbabansag ng kanilang bansa

`Ang mga samahan ng Estados'" [syn: (estilo)]

ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO

NG WIKA

PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA

PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:

1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang

makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).

2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.

3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika.

34
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib

para sa makabuluhang pagtuturo.

1. I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na

ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.

2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.

5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.

6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.

8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.

9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.

10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

1. II. Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika


 EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong

2000.

1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura.

2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay

na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para

sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.

5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na larangan,

dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.

6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan

ng Filipino.

1. III. Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

35
NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o

ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?


 Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence (kaalaman

sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).


 TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal

kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais

ipahayag ng nag-uusap.

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan na binuo ni

Hymes sa akronim na SPEAKING.

SPEAKING ni Hymes. . . .

S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

IV. Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal, interpersonal,

directive, referential at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi binibigyang-diin

ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.

Mga Estratehiyang Tuwiran

Mga Estratehiyang Di-tuwiran

(Mga Estratehiyang Pangmetakognitib, Pang-apektib at Pansosyal)

1. V. Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika


2. A. Ano ang Pamaraang Komunikatib?
 Nag-ugat sa notional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya. (pokus sa
mensahe kaysa sa porma o istruktura)
 Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.
1. B. Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib
 Iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative competence.

36
 Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain.
 Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative competence
1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa
mga tuntunin sa gramatika.
2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary. Nakakaunawa at nakagagamit ng
kontekstong sosyal ng isang wika.
3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong
diskurso.
4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at
nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival Strategies)
1. C. Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib
Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?
ü Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an konteksto ng talastasan.
ü Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad noong araw na ang gawain ng
guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit ng mga pagsasanay tulad ng substitution drills, pattern
practice at iba pa.
ü Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano kahusay sa
pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang nalalaman sa gramatika ng isang wika.
ü Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa
pakikipagtalastasan.
ü Panlima, may iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi maasahan na ang isang hindi
negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.
EBALWASYON
I. MALAYANG TALAKAYAN
A. Paghambingin ang mga sumusunod:
= estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran
= language competence at language performance
= socio-linguistic competence at discourse competence
= linguistic competence at strategic competence
B. Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
a. Sa iyong palagay, bakit kailangang ang estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay dapat na nakaugnay
sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral? Maglahad ng mga patunay.
b. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong kaalaman sa mga estratehiya
sa pagtuturo?
c. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng wika?
II. PAGLALAPAT
a. Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na SPEAKING ni Hymes pagkatapos ay bumuo ka ng isang
sitwasyon na aangkop dito.
PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO
37
TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT


TAPIK: ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM
LAYUNIN:
1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino
sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.
2. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang estratehiya/pagdulog na nakapaloob sa binagong kurikulum sa
iba’t ibang antas ng pagtuturo ng Filipino.
Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa batayang
edukasyon.
3. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa mga naisin nitong mapaunlad ang
pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas.

A. Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik

- Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa batayang edukasyon


dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa
pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap
na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, sa
mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.
1. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y behikulo
sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.
Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga sumusunod na obserbasyon:
(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang tersyarya. Hindi
pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa

(2) Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa
kolehiyo.

(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal,
kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)

(4) Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.

38
(5) Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa maunawang
pagbasa at malikhaing pagsulat.

(6) Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na ginagamitan
ng Filipino bilang wikang panturo at

(7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang framework.

ü nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng mag-aaral na


pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)

ü Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.

ü bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat na kasanayang
makro at kaisipang Pilipino.

lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang awtentikong
materyal.
 lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip
ü Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.

Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2)


sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)
ü Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum.

a) May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral.

b) Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mga pagpapahalaga o


values at mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak ng makabayan.

c) Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa batayang


komunikasyong interpersonal at sosyal.

d) Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman


anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.

e) May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.


39
f) Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.

g) Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong


paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sa
pag-aaral.

h) Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-oorganisa ng


klase

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO

NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon


A. DESKRIPSYON

MGA LAWAK O KASANAYAN SAKLAW NG MGA LAWAK O KASANAYAN

Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mga


Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa
ay lumilinang sa kasanayan sa PAKIKINIG, pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang
PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP. kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.

KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang


NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang ikatlong
baitang

a. Maaaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng


Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng mga
PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTA-SAN.
FILIPINO bilang isang aralin ay lumilinang sa
kasanayan ng PAG-IISIP.
b.InaasahangangmgaBATAYANG
KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan nang
lubusan sa tatlong unang baitang.

2. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA PAGKATUTO

Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang maiwasan ang


1. pag-uulit-ulit ng mga ito.

2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan

Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa mga BATYANG


3. KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.

40
3. MGA INAASAHANG BUNGA

MITHIIN

Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o pasulat) , nagpapamalas ng


kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa
KAPAKINABANGANG PANSARILI at PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis
na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO

PAGBABAGO

BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO

Dagdag na 20
I-III 60 80 minuto

IV-VI 60 60 Walang dagdag

PAGBABAGO

1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto samantalang sa
Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto

2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walang dagdag sa
Baitang IV-VI.

3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-


alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan na sa unang tatlong baitang..

5. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD

41
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based Integration)

HULWARAN 1

May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin, kung saan
sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.

Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG,
PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.

Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG PAGKATUTO.

HULWARAN 2

Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o kasanayan nang
sabay-sabay.

2. PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG


ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION

TANDAAN

a.) SA BAITANG I-III

Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus.

TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT PAGPAPAHALAGA O EKAWP


GINAGAMIT NA MGA KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT AT
IBA PA)
b.)

Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa paglinang ng mga kasanayan sa Filipino.

Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA o NILALAMAN ng kwento ay
nauukol sa SK at EKAWP , sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit
ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.

BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB SA ORAS NG


TALAKAYAN SA NILALAMAN NG MGA TEKSTO O KAGAMITANG
PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA LUNSARAN NG PAGLINANG NG
c.) KASANAYAN

INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE APPROACH)

42
3.

GURO BATA BATA K-PANG

1 2 PAGTUTURO

Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon


(meaningful interaction)
a.)

b.) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)

c.)
Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan

1.)
Pagpaphayag ng sariling ideya

2.)
Pag-unawa sa ideya ng iba

3.)
Nakikinig sa iba

Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto


4.) (shared context)

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon


MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON

Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang


1.
taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pag-

43
iisip.

Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan ,


nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang
komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik.
2.

Sa Unang Dalawang Taon

Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang
gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa.
Upang matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa
iba’t-ibang uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-
ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang gramatikal.

Sa Huling Dalawang Taon

Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa at pag-
unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.

Sa Bawat Taon

Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng


eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ang isang liggong
leksyon sa bawat markahan.

Sa Apat na Taon

Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika.

Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon

Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon

Ibong Adarna

Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo

Ang Thematic Curriculum


Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng

44
programa, kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak
at pangnilalamang tema.

Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum

Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa


1. pagkatuto.

Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong


2. nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad.

3. Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.

4. Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.

5. Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.

Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at


6. paghahanapbuhay.

7. Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador

Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng mga
1. propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.

Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong impak sa mga
2. mag-aaral.

Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos ng


paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa
paaralan.
3.

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum

Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya ng kurso,


1. akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.

Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib sa ibang mga reporma gaya ng integrasyon ng
2. edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-paggawa.

45
Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat maaari ring
3. maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.

Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga karanasan sa


4. pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.

Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na produksyon at
tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga
aspekto.
5.

Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme o Topic CourseModel)

IBA’T-IBANG MODELO
Wika

Agham

Matematika

Agham Panlipunan

Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model)

Iba pang saklaw ng nilalaman

Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model)

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o CBI)

Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa
Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng
wika. Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma
at pagkakasunud-sunod ng presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi
lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika,
agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-akademiko.

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)

MGA ESTRATEHIYA

46
Ang estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at
kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa (Royo,1992). Ito’y
pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano
natamo ang layunin sa pagkatuto.
1.

Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-


pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong
impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga kasanayan. Ito’y estratehiyang
gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina.
2.

Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang


3. pagkatuto.

PARAAN/TEKNIK

Pagkatutong Tulung-tulong (Cooperative Learning)

Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat sa mga
mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng
pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang
miyembro sa diskusyon/usapan.

Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad nina Johnson at Johnson (1986):

1. Pagbuo ng pangkat

2. Paggawa bilang isang pangkat

3. Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat

4. Pagbuo ng magkakaibang ideya.

Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat

Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema

1. Pagbuo ng suliranin
47
2. brainstorming
3. paglinaw ng mga ideya
4. pagsang-ayon sa mga ideya
5. pagpapalawak ng mga ideya
6. pagtingin sa maaaring maganap
7. pagpuna sa mga ideya
8. pagbuo ng impormasyon
9. paghanap ng solusyon

Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung -Tulong

1. Pagsasatao (Role Playing)


2. Mag-isip, Humanap ng Kapareha at Makibahagi (THINK, PAIR, and SHARE)
3. Brainstorming
4. Graphic Organizer

ANG FILIPINO SA BATAYANG ANTAS NG EDUKASYON

Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002


Ang mga sumusunod ang naging batayan ng Kurikulum 2002

ü Ang layunin ng edukasyong elementary, ayon sa Education Act of 1982

ü batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987

ü Governance of Basic Education Act of 2001 GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT OF 2001

Inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:

ü linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga batayang kasanayan
sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang pampag-aaral at mga kanais-nais na
halagahan(values) upang sila’y maging mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktibo,
magkaroon ng kamalayang panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan.

Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa pagtatamo ng
mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga halagahan at ang pagkilala sa iba’t ibang
katalinuhan ng mag-aaral (multiple intelligence)

48
Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya
 Mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:
“Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat): nagpapamalas ng
kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa
kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto para makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig”

 Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na makrong kasanayang


pangwika:pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang pag-iisip, sa mga baiting I-VI, ang mga
tiyak na kasanayang ito ay lilinangin sa mga sitwasyong pangkomunikasyon, gamit ang iba’t ibang materyal
tungo sa pagkakaroon ng masteri.
 Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baiting I-III upang magkaroon ang mag-aaral ng
sapat pag-unawa sa bawat aralin at maisama ang barayti ng mga tekstong literari at di-literari sa mga
gawain sa pagbasa at pag-unawa.

Ang Filipino sa Antas Sekundarya

 Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod:


a) Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya hanggang tersyarya.

b) Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.

c) Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang

d) Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng kontent at pagtalakay sa panitikan

e) Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto ng mga asignaturang
itinuturo sa Filipino.

 Nagsagawa ang DepEd ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng kurikulum. Sa antas Sekundarya,
mithiin ng pagtuturo ng Filipino na “ makadebelop ng gradweyt na mahusay na komyunikeytor sa
Filipino…”
 May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga tekstong hango sa mga
asignaturang pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham Panlipunan, Agham at Teknolohiya. Literatura at iba
pang kaugnay na disiplina.
 bago makagradweyt sa batayang edukasyon, dapat taglay ng mag-aaral hindi lamang ang mga
kasanayang pangwikang batayan at interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang pangwikang kognitib at
akademik.

49
PANANAW SA WIKANG FILIPINO SA BAGONG KURIKULUM

Ang WIKA sa dating KURIKULUM ay tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa paglinang ng kaalamang
panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.

Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng pagkatuto o isang asignatura,
kundi instrument rin para matuto ang mag-aaral ng marami pang bagay bukod sa Filipino.

PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA


 Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino na:
a) maituro ng holistic at natural ang wika

b) malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang kognitib-akademik na
kasanayang pangwika.

c) mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga asignaturang pangnilalaman.

d) malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat

e) malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga-aaral

f) maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.

MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

a) Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa nagbabagong
layunin ng edukasyon

b) Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang pakikipagtalastasan.

c) Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng alternatibong pagdulog sa pagtuturo


ng wika na batay sa pangangailangang komunikatib.

d) Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib

e) Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga kasanayang pangwika


tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .

f) Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas ng pangangailangan.
50
g) Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h) Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa proseso ng pagkatuto


at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

i) Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-diin sa tambalan at


pangkatang interaksyon at sa peer teaching.

j) Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na komunikatib.

Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at estratehiya sa pagtuturo:

1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED INSTRUCTION (CBI)


C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura, Agham at
iba pa sa pagtuturo ng wika.

C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa paggamit ng input sa
dalawang lawak.

C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at pagtatamo ng akademikong
kaalaman.

Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw

a) Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika

b) Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit itong instrument sa
pagkatuto.

c) Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal na
pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin.

d) Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.

e) Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik, interaksyon sa
materyal, kapwa mag-aaral at mga guro

f) Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

51
g) Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

h) Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

i) Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong materyal para
maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.

2. TEMATIK NA PAGTUTURO
Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:
“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for linking content and
processes from a variety of disciplines. The theme provides coherence and focus for accompanying activities.
The theme enables learners to see the meaningful connections across content or skills areas. .”

3. INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO


C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.

C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng tatsulok na ugnayang
nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang
komunikasyon.

C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:

 interaksyon sa guro
 sa kapwa mag-aaral
 sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral
4. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.

SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO


a) Ilahad ang tunguhin ng gawain.

b) Ilahad ang impormasyon.

c) Pangkatin ang mga mag-aaral.

d) I-monitor ang mga pangkat.

e) Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.

52
f) Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.

g) Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.

h) Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang ito.

Samakatuwid…
C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng kurikulum lalo na ng 2002
sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at integratib, nakapokus sa mga batayang
kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng iba’t ibang katalinuhan.

EBALWASYON
1. I. MALAYANG TALAKAYAN
A. A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang salita/parirala sa Binagong Kurikulum:
2. tematik na pagdulog
3. interaktibong pagdulog
4. kooperatibong pagkatuto
5. kolaboratibong pagdulog
6. pagtuturong batay sa nilalaman
A. B. Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
i. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa pagtatamo ng layunin sa pagtuturo ng
Filipino sa iba’t ibang antas? Maglahad ng ilang patunayan.
ii. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago o baguhin ang/sa
kurikulum ng ating edukasyon? Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong kasagutan.
iii. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic Curriculum sa pagpapatupad
ng binagong kurikulum sa batayang edukasyon?
iv. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang kaugnayan nito sa pagtamo
nang layunin ng binagong kurikulum ng 2002 sa batayang edukasyon?
“Tell me and I forget
Show me and I remember,
Involve me and I understand”
-Chinese Proverb
1. II. PAGLALAPAT
2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementary. Pumili ng 1-2
angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang napili
Pagsulat ng Sanaysay
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay
Pokus sa Proseso
Pagpili ng tiyak na paksa
53
Pagpormula ng isang “ thesis statement”
Pagtatakda ng isang “ Conceptual framework “
Paggawa ng banghay
Pagsulat at Pagrebisa
Pokus sa “ Thesis Statement “
Kahulugan: Ang “ thesis statement “ ang sentro o pinaka-nucleus ng buong sanaysay.
Pormula: datos ( fact) + saloobin / opinion ( value judgement )
kahalagahan: sapagkat ang sanaysay ay itinuturing na “ expository , ” nagsisilbing gabay sa

masusing pagsusuri at pagbubuo ng mga argumento ng manunulat ang “ thesis statement. “


Pokus sa “ Conceptual Framework”
Kahulugan: Halaw mula sa salitang “ konsepto, ” ang “ conceptual framework “ ay

nagsisilbing malikhaing katawan ng buong sanaysay. Ito ang nagdidikta ng istraktura at


paraan ng paglalahad ng datos.
Katuturan: Binibihisan ng “ conceptual framework” ng isang magarang kasuotan ang

sanaysay. Ang matalinong paggamit nito’y makatutulong upang mapalutang ang husay ng
manunulat sa istilo at pagbibigay impormasyon
( style and content )
Pokus sa Istruktura
Tinatayang isa sa pinakanaabusong uri ng panitikan ang sanaysay dahil halos walang

limitasyon ang istilong maaring gamitin sa pagsulat nito.


Maaring pagsanibin ang elemento at istruktura ng pamamahayag at panitikan sa pagsulat ng

sanaysay. Ang tawag dito ay “ literary journalism.”


Lahat ng sanaysay ay may tatlong bahagi: simula, katawan at wakas.
Pagsulat ng simula
paggamit ng retorikal na tanong
paggamit ng mga sipi
paggamit ng mga hiram na elemento mula sa panitikan
paggamit ng mga hiram na elemento mula sa pamamahayag
mas mainam na ihayag ang “ thesis statement “ sa simula upang mabigyang pokus ang

argumento at mensaheng nais ipahayag.


maari ding gumamit ng tema maliban sa “ thesis statement . “
Pagsulat ng katawan
Isang ideya isang talata lamang.
Ang huling pangungusap ng isang talata ay maaring magsilibing transisyon. Maari ding

tumayo ang isang pangungusap na talatang transisyon.


Ang mga sumusuportang ideya ay maaring ihiwalay bilang isang talatang

pangungusap. Dapat lamang tiyaking ang susunod na talata pagkatapos nito ay


talatang nagpapaliwanag sa ideya ng sinundang talatang pangungusap.
Pagsulat ng konklusyon
54
Ang konklusyon ay hindi lamang paglalagom ng kabuuan ng sanaysay.
Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sanaysay.
Pokus sa mga gamit sa pagsusuri

( Tools of Analysis )
Lahat ng bagay ay nagbabago.
Lahat ng bagay ay magkakaugnay
Lahat ng bagay ay may patutunguhan
Pokus sa Wika
Iwasan ang paggamit ng sunod-sunod na mahahabang pangungusap.
Gawing tiyak ang gamit ng wika. Huwag maging maligoy.
Gumamit ng idyoma at tayutay kung kinakailangan.
Balangkas ng Sanaysay
Paksa
Ano ang pinag-uusapan?
Ano ang pinagtutuunan ng pansin?
Saan dadaloy ang paglalahad?
Tema
Paano ba tinalakay?
Ano ang himig ng pagtatalakay?
Panimula
Ano ang nais bigyang kahulugan?
Pagbibigay ng mga naunang kaalaman.
Mga impormasyon na maaring makatulong.
1. Pagbibigay ng sariling karanasan.
2. Pagbibigay ng karanasan ng iba.
3. Pagbibigay ng impormasyon mula sa nabasa.

1. Nilalaman
Mga paliwanag hinggil sa mga katanungan.
Mga negatibo o positibong katangiang taglay ng isyu.
Katayuan o punto ng nagsasalaysay.
Mga katibayan o suporta sa katayuan.
Konklusyon
Mga napatunayang bagay hinggil sa isyu.
Pagpapatibay ng punto o katayuan.
Maaring mag-iwan ng kakintalan o paghihikayat sa mga mambabasa.

55
ROSESO NG PAGSULAT
1. I. Kahulugan ng Pagsusulat
1. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng
panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha
nang walang interbensyon ng nagsasalita.
2. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang
kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala
ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa
wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
3. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang isipan.
4. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos
na sulati; isang kasanayan.
5. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na
nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di natin kayang sabihin
6. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi
ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
7. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay
ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
8. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at isipan ng tao.

1. II. Kahalagahan ng Pagsulat


Mahalaga ang pagsulat dahil kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit
na kompetisyon sa ngayon , Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala
ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
pananagumapay. Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham na aplikasyon, paggawa ng
balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
kliyente at marami pang iba.

Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang
panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto n gating kultura ay napananatiling
buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan natin ang kasaysayan n
gating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; at ang mga pagbabago at
pagsulong ng ating bansa.

56
1. III. Layunin ng Pagsusulat
1. Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv. Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay na nakikita,
naririnig o nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob ng mga tao. May
malayang pamamaraan, hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus
minmahalaga ang mailbas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao. Kinapapaloobang ito ng
sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligiid Hal.
Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o diagram
2. Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal.Ginagawa ito kung nais magpaagbot ng
mensahe, balita o magpaliwanag, magpayo o makiusap. Gumagamit ito ng mas pormal at
kontroladong paraan sapagkat may istilo na dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa
target niyang mambabasa. Halimbawa: liham,memorandum, reviewer, riserts, komentaryo,
kritiko, ulat, report, poster o slogan at sanaysay
3. Malikhaing Pagsusulat. Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at kapangyarihan
sa register ng wika, nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan. May
sapat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang panaromic na larawan ng
buhay. Kabalikat din ang mga maretorikang salitang gagamitin upang mabatak ang kuryosidad at
inspirasyon ng mambabasa.

1. IV. Apat na Dibisyon ng Kasaysayan ng Pagsusulat


1. Ekspresiv na Pagsulat – nakafokus sa pangangailangan ng manunulat na malayang maipahayag
ang kanyang sarili gamit ang sariling pamamaraan. Walang ginagamit na teorya ngunit
nakaimpluwensya sa inobasyon sa pagtuturo ng pagsulat.
2. Kognitiv – tumitingin sa pagsulat bialng isang pag-iisp at isang kompleks na gawain. May
makalayuning oryentasyon at naniniwalang ito’y isang pabalik-balik na gawain.
3. Sosyal na Antas – ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi bilang
kasapi ng isang sosyal at kultural na pangkat na nakakaimpluwensya sa kung ano at paano sila
sumulat.
4.
Paggawa ng Burador

5. Komunidad ng Diskurso – nabuo ng maniwala na ang pagsulat ay isang gawain sosyal. Ang
pagkaunawa ng mambabasa at ang genre ay napakahalaga rito. Ang atensyon ay nakatuon sa
pantersyaryang pagsulat kung saan kailangang makasulat sila nang katanggap-tanggap sa
akademik na komunidad.

57
Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit-ult at hindi linyar na kalikasan ng pagsulat. Ang mga
gawaing tulad ngbrainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na masabi
ang nasa kanyang iskema.

1. Pagfofokus – pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkolsa paksa


2. Pag-iistraktura – pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideya sa paraang
tatanggapin ito ng mga mamababasa
3. Paggawa ng Burador – transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa tekstong para sa
mambabasa
4. Pagtataya o Evalwasyon – paggamit ng tseklist upang makuha ng fidbak at mga puna na makatutulong
upang maisaayos muli ang binuong burador
5. Muling Pagtingin – matiyak kung tamaang ginagawa. Layunin nitong makalikha ng makabuluhan at
mabisang pagsulat na makabuo sa kasanayan ng manunulat

1. V. Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin


1. 1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman oimpormasyon sa
paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat,
dyornal at iba pa.
2. 2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya
nagsususlat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan
sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang malaki sa layunin.
3. 3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng isang
manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-
iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat skiya ng dyornal, pero sa maraming
pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang
kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang
maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at anong uri ng wika ang
angkop na gamitin.
4. 4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin
ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng
pagkakataon.
5. 5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa
isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat.
6. 6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang
kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at
pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang
kaalaman sa lokhika upang makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang
pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad;
kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa.
58
7. 7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ngg manunulat ang makabuo nang maayos
na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalya. Nagagawa rin ng
isang mahusay na manunulat na lohikal na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa
pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop na pang-
uugnay.
8. 8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga –dapat isaalang-alang ang mga pagpapahalagang
pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin
niya sa pagsulat ang mga sumusunod:
1. a. Ano ang mahalaga sa paksa?
2. b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?\
3. c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa
sumusulat?
4. d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?
9. 9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat
1. a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin
2. b. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat
3. c. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder naman kung
tawagin

1. VI. Proseso ng Pagsususlat


1. a. Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa
i. Brainstorming –paglalahad ng mga ideya sa papel upang maibigay ang
posibleng maging paksa.

ii. Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay interesadong gawin

iii. Klaster – pagmamapa ng mga ideya

1. b. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa


i. Pangangalap ng mga ideya

ii. Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik

iii. Pagsasaga ng interbyu

iv. Maari ring mabuo rito ang paksa

1. c. Pala-Palagay
i. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang
susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat

59
ii. Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-
iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili

iii. Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa yugtong ito


dahilpatuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa kaanyang mga tanong at maaaro pang biglang sumulpot ang
iba pang tanong

iv. Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa prroseso ng pagsulat


a.k.a Incubation Period

1. d. Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas


i. Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha
itong mahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang paksang napili. May dalawang klase ang
pagbabalangakas: (1) Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa mga makadiwang pangungusap na siyang
kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang sulatin at (2) talatang balangkas – nakapokus sa mgapinag-
uugnay-ugnay na mga kaisipan, ayon sa pagkakasunud-sunod.

1. Introduksyon
1. Pangganyak
2. Paglalahad ng Tesis
3. Katawan
1. Paglalahad ng mga Punto
2. Paglinang ng mga iodeya
3. PAntulong sa pangunahing Katwiran
4. Kongklusyon
1. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya
ii. Pagsasaayos ng mga Datos

1. Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos:


1. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na tao, mga akdang
pamapanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba pang orhinal na
talaan.
2. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis,
disertasyon, magazine, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.
3. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa pinagkunang material
1. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang direkta, salita-
sa-salita, mula sa sanggunian. Ginagamit ito ng mananaliksik kapag nais niyang:
i. Idagdag ang kapangyarihan ng
salita ng awtor upang suportahan ang argument

60
ii. Nais pabulaanan o hindi sang-
ayunan ang argument ng awtor

iii. Bigyang-diin particular ang isang


malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi

iv. Naghahambing ng mga


ispesipikong punto de vista

1. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang
sariling pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:
i. Nais gumamit ng mga
impormasyon sa nowtkard at umiwas sa panggagaya o pangongopya

ii. Nais iwasan ang masyadong


paggamit ng direktang sipi

iii. Nais gamitin ang sariling boses


sa paglalahad ng impormasyon

1. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang
sariling pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng
pinagkunang material. Gumagawa ng synopsis kapag:
i. Nais magbigay ng bakgrawnd
at pananaw hinggil sa isang paksa

ii. Nais maglarawan ng


pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa nais na determina ang pangunahing
ideya ng pinagbatayang teksto

1. e. Pagsulat ng Burador
 Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin.
 Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan.
 Iwasan ang distraksyon o abala
 Magpahinga
 Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya:
 Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi.
Masusundan dito ang pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly tungkol sa
paksa kapag magsususlat.
 Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingnan ang paksa sa
iba’t ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang bibigyang

61
konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para marating ang mapagkakasunduang
layunin.
 Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip ay
isinusulat. Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto. Pabayaang
malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang pagkontrol,sa gayon, maging ang mga di-
inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw.
 Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng
laksang impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at
pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga kawili-
wiling kaisipang maisususlat.
1. f. Pagrerebisa – muling pagsusuri sa mga ideya
i. Ribyu ng Higher-order na tuon:

1. 1. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya


2. 2. Organisasyon ng Sulatin
3. 3. Istraktura ng mga talata
4. 4. Matibay na introduksyon at kongklusyon
5. g. Proofreading o Pagwawastong-Basa – binbasa ulit ito upang Makita ang mga mali sa ispeling, sa
gramatikaat paggamit ng salita, pati na rin ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang
nakapaloob sa komposisyon
i. Ribyu ng later-order na tuon:

1. 1. Ispeling
2. 2. Bantas
3. 3. Istraktura ng mga pangungusap
4. 4. Istilo ng Dokumentasyon
ii. Wastong Paggamit ng mga Bantas:

1. 1. Tuldok (.)
1. a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos ng mga
pangangausap
2. b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal. Editor –Ed. Pahina – ph.
3. 2. Tandang Pananong (?) – Ginagamit itong panapos sa mga pangungusap na patanong
4. 3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)
1. a. Pangungusap na padamdam
2. b. Ekspresyong padamdam
3. 4. Kuwit o Koma (,)
1. a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon
2. b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
3. c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan

62
4. d. Bating panimula ng liham pangkaibigan
5. e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakal
6. f. Paghahanay pahalang ng mga salita
7. g. Magkakasunod na parirala
8. h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap
9. i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan
10. j. Pagkatapos ng ngalang panawag
11. k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno
12. 5. Tutldok o kolon (:)
1. a. bating panimula ng liham pangangalakal
2. b. pagsulat ng oras
3. c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
4. d. pagpapakilala ng tuwirang sipi
5. 6. Kudlit o Apostrofi (‘) –ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa
sinusundang salita
6. 7. Panaklong o Parentesis ( ) –ginagamit na pangkulong sa
mgapinamimiliang salita o parirala
7. 8. Panipi o kotasyon (“ “)
1. a. Diyalogo
2. b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
3. c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala
4. d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap
5. 9. Gitling (-)
1. a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal
2. b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang
kataga o salita kaya pinag-iisa na lamang na maaaring manatili ang
kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo
3. c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-
ugnay na at
4. d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na
inuunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinig
5. e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian
6. f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero
7. g. Fraksyong isinusulat nang pasalita
8. h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng
napangasawa
9. i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya

63
10. 10. Tuldukuwit (;) –ginagamit sa dalawang malalayang
sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-
ugnay
11. 11. Elipsis (…) – pagsisipi kung may tinatanggal na salita;
(….) – sa huli ng pangungusap o katapusan ng sipi
12. 12. Braket ([]) – binago sa isang tuwirang sipi at dito ito
ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa
13. 13. Asteriko (*) – may tinanggal na isa o mhigit pang
talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang
may karagdagang impormasyon nakatalababa o nakfutnowt
14. 14. Salungguhit (__) –gamit sa mga pamagat ng aklat,
dula, novella, maikling kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng
babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga programang
panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita
h. Pinal na Papel – pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng nilalaman, maaari na
itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri nito
1. VII. Bahagi ng Pagsulat
1. a. Titulo o Pamagat
i. Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, panglan ng sumulat, petsa ng pagsulat o
pagpasa,iba pang impormasyon tutukuyin ng guro

1. b. Panimula o Introduksyon
i. Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan
ngpagsulat ng paksa at pambunga na pagtatalakay sa daloy ng papel.

ii. Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung magtatagumpay


o mabibigo, ang isang katha. Kailangan sa sulyap palamang ng babasa, ito’y kaakit-akit na – nakakapukaw,
nakakaganyak, nakakahatak na ng kuryusidad – para tuluyang titigan, tunghayan hanggang sa ang malay, kung
maari pa nga’y pati buhay, ay matangay nang buong kasabikan.

iii. Mabibisang Panimula:

1. 1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-
isahin at pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga na detalye.
Halimbawa: Balita
2. 2. Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang tinatalakay
3. 3. Pagtatanong –panimulang kalabisan nang ipaliwanag pa
4. 4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat mula ito sa tapat na
pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad at maari rin naming
karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit na
lundayan sa pinapaksa.
64
5. 5. Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng kahalagahang unibersal na
maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw
na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
6. 6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay,
deskripsyon,mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
7. 7. Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimuilakung ang binibigyang-larawan ay pook.
8. 8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang binubuo ng iisang
salita. Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.
9. 9. Pagsasalungat – Sapanimulang ito, ang binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning
sinusunod ditto ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bias.
10. 10. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na pagkukuwento.
11. 11. Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang mapanggittlang panimula dahil di-karaniwang
sinasabi o naririnig sa araw-araw ang pamamariralang, ginagamit ditto.
12. 12. Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis.
13. 13. Anekdota – isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para pasiglahin ang babasa o di
kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.
14. 14. Pagsasalitaan – Ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o diyalogo.
15. c. Katawan
i. Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa paksa- ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad.

ii. Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin

1. 1. Pakronolohikal – tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula pinakamatagal hanggang


sa kasalukuyan
2. 2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay
o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.
3. 3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o ang alam na alam na paksa
hanggang sa pinakamalayo o ang hindi na masyadong alam na paksa
4. 4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang pagkakaiba. Ang
pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin silang magkapalit.
5. 5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong mahalaga ang binabanggit bago
ang di-gaanong mahalago o vice-versa.
6. 6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi muna ang mga particular o
definidong detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag o vise-versa.
7. 7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikadokasunod ang mga bagay na
simple o vice-versa.
8. d. Konklusyon o Wakas

65
i. Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel.
Inilalahad din ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong
ginamit sa papel o sa pananaliksik.

ii. Dito makikita ang kabuuan ng sulatin.

iii. Mabisang Pangwakas:

1. 1. Tuwirang Sinabi
2. 2. Panlahat na Pahayag
3. 3. Pagbubuod
4. 4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
5. 5. Mahalagang Insidente
6. 6. Pagtatanong
7. 7. Pagsisipi

1. VIII. Mga Pamantayang Dapat Sundin sa Pagsusulat


1. a. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan at wastong pagbigay-diin sa pahayag.
2. b. Kailangang malinaw, makatwiran at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.
3. c. Kailangan maingat ang susulat sapagkat ang anuman kamalian ay nakikita ng bumabasa.
4. d. Kailangang may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at retorika.
5. e. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng: pagbabaybay,
pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng italika, pagsulat ng tambilang at papapaikli
ng mga salita at talata.
i. Talataan – lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at nagpapahayag ng isang buong
diwa o kaisipan. Ang isang talat o magkakasunod na talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at
kaanyuan.

1. 1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga pangungusap, kailangang ito’y umikot
sa iisang pangkalahatang ideya. Kailangang may pangungusap na pampaksana siyang nagsisilbing giya o
patnubay sa pagbuo ng susuportang mga pangungusap.
2. 2. Kaugnayan:Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloyng
diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang mga
pangyayari o ang diwang ipinahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay.
1. a. Pamantayan sa Kaugnayan
i. Paggamit ng tradisyonal na
mga salitao mga pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa, sapagkat, ngunit, bagaman, samantala,
ngunit, bagaman, samantala, anupa’t,kung gayon, samakatuwid, gayon pa man, sa kabila noon at marami
pang iba.

66
1. b. Paggamit ng Panghalip
i. Kung pangngalan ang ginamit
sa unang pangungusap o sugnay, panghalip ang maaringg gamiting kahilili ng pangalang nabangit. Sa mga
sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang hindi ulit-ulitin ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa
tinutukoy na panghalip.

1. c. Pag-uulit ng Salitaupang Magbigay-diin at Mag-ugnay-diwa


2. d. Paralelismo o Paggamit ng Magkakatulad na Balangkas Panggramatika
3. 3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong kaisipan.
May pagbigay-katuturan, paliwanag, pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon,
halimbawa, pagwawangis, pagtuttulad at pag-iiba, pagsususuri, mungkahi, tagubilin, talinghaga,
mahahalagang sipi at iba pang pamamaraan upang maging buo o ganap. Ang isang akda ay may
panimulang talata, makakapanunod na talata (Transitory) at may pangwakas na talata.
4. IX. Mga Anyo ng Pagsulat
1. a. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon
i. Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-panlunas,
para Makita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mgapruweba’t
patunay, sa gayon, malinawan at maintindihan nang walang pagpapasubali ang pinagmamatuwirang posisyon
o pahayag.

ii. Isang pahayag na mapagtatalunan

1. b. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri


Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakabasehang magagawa kundi
ang paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na maaaring magkakahiwalay at
mapagbubuklud-buklod ang mgamagkakaiba.

1. c. Anyong Pagsusuri o Analisis


Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng gampanin ang kailangan
isakatupara: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mganaobserbahan. Ang pagsulat sa anyong pagsusuri
ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan kundi isang kasanayan sa pagmamasid.

1. d. Anyong Pasalaysay
Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at may tagpuan.
Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathangisip.

1. e. Anyong Paglalarawan
Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng
isang biswal na konsepto nga mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.

1. f. Anyong Panghihikayat

67
Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng
manunulat. Halimbawa: adbertisment at sanaysay.

1. g. Anyong Eksposisyon
Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion, kabatiran at mga kaisipan.

1. h. Anyong Ekspresyon
Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng emosyon.

1. i. Anyong Refleksyon
Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na masukat ang sariling pagkatao.
Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga karanasang nagdaan at ang mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan sa buhay.

1. j. Anyong Direksyon o Panuto


Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin, naipasusunod niya ang
tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin.

1. X. Mga Uri ng Pagsulat


1. a. Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap upang
maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seyoso, nakabatay sa sinaliksik na
kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na
pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga pamanahaunang-papel, tesis, disertasyon, suring-
basa,panunuring pampanitikan, malikhaing pagsulat oanumang sulating may [aksang pag-
akademik ay nabibilang sa uring ito.
2. b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita, editorial, lathalain
at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na pagsulat.
3. c. Teknikal – panglibrong pang-akademiko
4. d. Referensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki
sa pagpapadali ng gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y mulasa mga aklat,
pahayagan,magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal, tesis at disertasyon.

XI. Uri ng Sulatin


Malikhain- ang tawag sa genreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may dalwang uri\:
1) Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na lagi nang
may tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito:

1. Maikling kwento-isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasan nang may suliraning
nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Nababasa sa sangdaling panahan lamang.

68
i. Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang pagpapahalaga ay ang
tungkolsa uri ng pamumuhay, kapaligiran, hanapbuhay at pananamit

ii. Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-panabik na


pangyayari na nakapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang linaw sa nasabing kuwento

iii. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes at kawilihan ay


nasa balangkas at walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa kuwento.

iv. Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari


at ang katatakutan ang nilalaman ng kwento.

v. Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa pangunahing


tauhan

vi. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang sumusulat ng


kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang higit na kakailanganin
ay maipadam sa mga bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

vii. Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang aliw ang mga


bumabasa ang tanging layunin ng nasabing kuwento.

1. |Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masalimuot na mga pangyayari at
may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa mga kabanata.
i. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang pagkakasulat o pagkakagawa ng
nasa pangyayari ng nobela

ii. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing tauhan at hangarin ng mga tauhan

iii. Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay ang pag-iibigan

iv. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring pagbabago sa lipunan o pamahalaan na kanyang
kinabibilangan ang hangad ng may-akda.

v. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng may-akda ay ang kasaysayan n gating


pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning may malaking ambag sa pagtatanggol sa bayan.

1. Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan ng isang kilalang tao.
2. Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na naglalarawan ng buhay o
ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan.
3. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, subalit nag-iiwan ng aral.
4. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay opangyayaring naranasan ng mayakda.

69
5. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapanahong usapin sa
lipunan.Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa pagbabagong ekonomika, pulitika,
sosyal, kultural at maging personal ay maaaring talakayin.
6. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang napapanahong isyu sa lipunan.
7. Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng mga bata sa
mgapangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali.
8. Parabula-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa mga mambabasa.
2) Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t damdamin na kaugat
sapagkatanaw at pagkaunawa ng makata sa mga karanasan niya sa buhay. Maaaring may sukat o tugma o di
kaya’t Malaya.

1. Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga tagpo sa buhay


i. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang halos hindi
mapaniwalaan pagkat nauukol sa nga kababalaghan.

ii. Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring


tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe at prinsesa.
Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit nangmabagal sa saliw ng gitara o bandurya samantala, ang
korido ay may sukaat na walong pantig at binibigkassa kumpas ng martsa.

iii. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may


nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay na sa mga tulang kasaysayan na may
anim hanggang walong pantig.

1. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o


kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na batay sa karanasan. Karaniwang
maikli, likas at medaling maunawaan.
i. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-
asao pamimighati, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

ii. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at


kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.

iii. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa


kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

iv. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at


nagtattaglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.

v. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

70
vi. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang
damdamin, walang tiyak na binibilang na pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

1. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan o entablado. Ang usapan
ng mga gumaganap ay patula.
i. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang
kawilihan ng manonood. Nagwawakas nang Masaya, ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa
pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpasiya ng damdamin ng manonood.

ii. Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng opera, ang sangkap ay malungkot, ngunit
aksiya-siya ang katapusa para sa pangunahing tauhan ng dula.

iii. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi opagkwasak ng pangunahing tauhan ng dula.

iv. Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na pangyayaring


nakatatawa.

v. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

1. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at tumatakay sa isang paksang
pinagtatalunan.
i. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring
makapang-asawa ang kasintahang mahirap. Ang makakuhkuha ng singsing ay pakakasalan siya.

ii. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang


patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain at sa mgakasabihan. Karaniwang nilalaro
upang aliwin ang namatayan.

iii. Debate o Balagtasan – isang pagtatagisan ng katuwiran sa anyong


pasalita ukol sa isang paksa o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman ang balagtasan sa debate bagamat isa ring
pagtatalo ngunit ang mga pangangatwiran ditto ay kailangang may sukat at tugma.

1. Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa anyong transaksyunal,


prosidyural, pag-uulat, ekspositori at panghihikayat.
1. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang transaksyon o
komunikasyong nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot. Halimbawa: E-Mail,
Liham,Pagbati, imbitasyon, text message at pakikipanayam
i. Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan
ng pagsulat

1. Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan
2. Patunguhan ng Sulat
71
3. Bating Panimula o Pambungad
4. Ang Katawan ng Liham
5. Bating Pangwakas
6. Istilo ng Pagsulat
1. Istilong Blak
2. Istilong semi-blak
3. Istilong nakabitin o baligtad
4. Uri ng Liham
1. Liham-pangkaibigan
i. Liham Pangangamusta

ii. Liham Pasasalamat

iii. Liham Paanyaya

iv. Liham Pagbati

v. Liham Paghingi ng Payo

vi. Liham Pakikiramay

vii. Liham Paumanhin

1. Liham Pangangalakal
i. Liham Pagpapakilala

ii. Liham Aplikasyon

iii. Liham Pamimili

iv. Liham Subskripsyon

v. Liham Pagrereklamo

1. Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa ng isang bagay o kilos o


Gawain. Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at panuto.
2. Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa isinasagawang
pananaliksik o pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg sa paraang pasalit o pasulat. Halimbawa:
ulat ng media, deskriptiv, imbestigasyoon, rebyu at grap o tsart.
i. Pagsusulat ng Ulat

1. Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang sumasagot sa mga tanong na: sino, ano, bakit,
kalian, saan at paano.

72
2. Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay kung saan ang mga reporter ay taal na di
sumusunod o lumilihis sa pamatnubay.
3. Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay isulat kaagad.
4. Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay higit na kailangan.
5. Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, maligoy na pananalita, sa kadahilanang ang
pagdududa ay mananatili sa kanilang isipan.
6. Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng kinalabasan ng isang pag-aaral, maglahad
ng nasasaisip, magbabahagi ng natutunan at magbigay ng kasagutan sa katanungan. Halimbawa: press
release, lektyur, talakayan sa klase, sarbey at artikulo.
7. Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o maniwala sa isang bagay o
pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa mga argument at balakin ng isang tao o grupo.
Halimbawa: advertisement, proposal, editorial at argument.
8. Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita at Layunin
Memorandum: karaniwang tinatawag na memo o paabot-ulat, pasulato limbag na nakikita araw-araw sa
opisina na karaniwang may tiyak na mensahe o nagtatanong.

Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa ng mga kapisanan o organisasyon
sa buwanang pulong batay sa napagkasunduan ng mga pinuno.

Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang mga pulong batay sa agenda.
Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim sapagkat siya ang kumukuha ng mga tinatalakay habang
nagpupulong. Ito ay may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula ang susunod na pulong.
Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may pagwawasto, ipahahayag ang pagtatama bago pagtibayin.

Paanyaya sa isang kapulungan o seminr: mahalaga ang mga kumprehensya sapagkat dito nabibigyan ng
kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto.

Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang sulatin na karaniwang ginagawa ng
mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba, Insurrance Company. Dito isinasaad ang assets, pananagutan
o liabilities, gastusin oequity. Huling araw ng Disyembre ginagawa ang ulat.

Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay makatutulong sa pagsasakatuparan ng balak na


proyekto na nais magawa.

1. XII. Paraan ng Pag-uulat


May 2 na magiging Anchor sa Studio. Ang paraan ng pag-uulat ay parang pagbibigay ng balita na limang pares
ang magiging field anchor. Sila ay nasa iba’t ibang dako ng klase. Ang mga upuan ay isasantabi sa gilid at sila’y
kasama sa kanilang kani-kanilang mga grupo. May ibibibay na kopya ng report sa mga mag-aaral upang
makasunod sa talakayan.

1. XIII. Pangkalahatan Gawain

73
Writing Bee kung saan magbibigay ng sampung kanta ang grupong nagbalita at isusulat ng bawat
representative ng bawat grupo ang tamang sagot. Ang magiging pabuya ay ibibigay ng mga nagbalita.

Mga pamantayang pang-editoryal

Ano ang patakaran?

Hindi pinapayagan ng Google AdWords ang teksto ng ad na gumagamit ng hindi karaniwan, magimik, o hindi
kinakailangang bantas, mga numero, titik, simbolo, capitalization, o pag-uulit ng mga salita o parirala; maling
grammar o spelling; o hindi naaangkop na pagpupuwang sa pagitan ng mga salita o bantas.

Mga Bantas at Simbolo

Ang mga sumusunod na paggamit ng mga bantas at simbolo ay mga halimbawa kung ano ang hindi
pinapayagan sa teksto ng ad:

 Tandang padamdam sa headline ng ad


 Nauulit na bantas o mga simbolo
 Mga simbolo, numero, at titik na hindi sumusunod sa totoong kahulugan o layunin ng mga ito
 Hindi karaniwang paggamit ng mga superscript
 Mga hindi karaniwang simbolo o character
 Mga bullet point
 Mga ellipse
Tingnan ang mga halimbawa

Capitalization

Hindi pinapayagan sa teksto ng ad ang sumusunod na paggamit ng capitalization:

 Labis na capitalization, gaya ng mga salita o pariralang naka-capital lahat


 Intercapitalization sa loob ng mga salita
Gayunpaman, katanggap-tanggap lang ang ganap na capitalization at intercapitalization sa teksto ng ad para
sa mga sitwasyong ito:

 Mga terminong naka-trademark/pangalan ng produkto/pangalan ng brand


 Mga karaniwang pagdadaglat at acronym
Tingnan ang mga halimbawa

Grammar at Spelling

Hindi pinapayagan sa teksto ng ad ang sumusunod na paggamit ng maling grammar at spelling:

 Maling paggamit ng mga salita


 Maling verb tense o subject-verb agreement
 Mga maling spelling
Tingnan ang mga halimbawa
74
Pag-uulit

Hindi pinapayagan sa teksto ng ad ang sumusunod na paggamit ng pag-uulit:

 Magimik na pag-uulit ng mga salita o parirala


Tingnan ang mga halimbawa

Puwang

Hindi pinapayagan sa teksto ng ad ang sumusunod na paggamit ng hindi karaniwan o hindi naaangkop na
pagpupuwang sa loob o sa pagitan ng mga salita at/o bantas:

 Mga sobrang puwang sa pagitan ng mga titik sa loob ng isang salita


 Nawawala o labis na mga puwang sa pagitan ng mga salita o bantas
 Mga sobra o nawawalang puwang sa paligid ng karaniwang bantas, mga simbolo ng matematika, pera,
at nakadaglat na mga unit ng pagsusukat
Gayunpaman, katanggap-tanggap lang ang mga sobra o nawawalang puwang sa teksto ng ad para sa mga
sitwasyong ito:

 Mga terminong naka-trademark, pangalan ng produkto, pangalan ng brand


Tingnan ang mga halimbawa

Tandaan: Dapat ay sumusunod ang lahat ng ad sa AdWords sa mga pamantayang pang-editoryal sa itaas
alinsunod sa mga pamantayan para sa lokal na wika.
Maaaring maghain ng reklamo sa Google ang mga may-ari ng trademark tungkol sa paggamit sa kanilang
trademark sa mga ad sa AdWords sa ilalim ng patakaran sa trademark.

Ano ang magagawa ko kung hindi maaprubahan ang aking ad?

Kung hindi maaprubahan ang iyong ad dahil sa paglabag sa patakarang ito, subukang suriin ang mga
sumusunod na tip upang makatulong na maresolba ang iyong isyu:

Dahilan ng
hindi pag-
apruba
Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang gagawin ko ngayon?

75
Mga Gumagamit ang iyong teksto ng ad I-edit ang iyong ad sa pamamagitan ng
pamantayang ng hindi karaniwan, magimik, o hindi pag-aalis sa anumang hindi karaniwan,
pang-editoryal kinakailangang bantas, mga numero, magimik, o hindi kinakailangang bantas,
titik, simbolo, capitalization, o mga numero, titik, simbolo,
inuulit na mga salita o parirala; capitalization, o inuulit na mga salita o
maling grammar o spelling; o hindi parirala; maling grammar o spelling; o
naaangkop na pagpupuwang sa hindi naaangkop na pagpupuwang sa
pagitan ng mga salita o bantas. pagitan ng mga salita o bantas,
alinsunod sa patakarang ito. Sa sandaling
nagawa mo na ang anumang mga
kinakailangang pagbabago, maaari mo
nang muling isumite ang iyong ad para
sa pagsusuri, nang sinusunod ang mga
tagubilin sa seksyon sa ibaba.

Paano ko muling isusumite ang aking ad para sa pagsusuri?

Kung hindi naaprubahan ang iyong ad, maaari mo itong muling isumite para sa pagsusuri sa pamamagitan lang
ng pag-e-edit ng iyong ad at pagse-save nito pagkatapos. Upang maiwasang hindi maaprubahang muli,
siguraduhin na sumusunod ang iyong ad sa aming mga patakaran at aalisin mo ang anumang mga nabanggit
na di-katanggap-tanggap na nilalaman bago i-save ng iyong ad.

Narito kung paano i-edit ang iyong ad:

1. Bisitahin ang tab na Mga Ad ng iyong account.


2. Mag-hover sa row ng talahanayan kung saan nakalista ang ad na gusto mong i-edit. I-click ang icon na
lapis sa tabi ng iyong ad, at magagawa mong i-edit ang iyong ad doon mismo.
3. I-click ang I-save kapag tapos mo nang i-edit ang iyong ad.
Pagkatapos i-edit at i-save ang iyong ad, mula "Hindi naaprubahan," magiging "Sinusuri" o "Kwalipikado" ang
column ngStatus. Sinusuri namin ang karamihan ng mga ad sa loob ng 1 araw ng negosyo. Maaaring mas
matagalan ang ilang pagsusuri dahil nangangailangan ng mas kumplikadong pagsusuri ang ilang ad.

Ano ang mangyayari kung lumabag ako sa patakarang ito?

 Hindi pag-apruba ng ad: Maaaring hindi maaprubahan ang mga ad na hindi sumusunod sa patakarang
ito. Hindi makakatakbo ang hindi naaprubahang ad hanggang sa maayos ang paglabag sa patakaran at
maaprubahan ang ad.
 Hindi pagpapagana sa domain: Maaari naming suspindehin ang mga website na lumalabag sa
patakarang ito, na nangangahulugang hindi na maaaring mai-advertise ang website sa AdWords
hanggang sa maayos ang problema.
 Pagsuspinde ng account: Maaaring masuspinde ang isang account kung mayroon kang ilang paglabag o
isang malalang paglabag. Kung mangyari ito, hihinto sa pagtakbo ang lahat ng ad sa nasuspindeng
account, at maaaring hindi na kami tumanggap ng advertising mula sa iyo. Maaari ding permanenteng
masuspinde ang mga kaugnay na account at maaari ding awtomatikong masuspinde ang iyong mga
bagong account sa pag-setup. Matuto nang higit pa tungkol sa mga nasuspindeng account.

76
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Kung mayroon ka pa ring katanungan tungkol sa patakarang ito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa
pamamagitan ng link sa ibaba. Dadalhin ka sa isang form kung saan maaari kang sumulat sa amin tungkol sa
iyong isyu.

Mga Batayang Konseptong Pangwika


MGA KONSEPTONG PANGWIKAWika

Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.

Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan atinterpretasyon sa pamamagitan
ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ngtainga, nakasulat man o binibigkas.

Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)


2 uri: likas at artipisyal
Pambansang Wika

Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
Wikang Rehiyunal

Nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. (Ilokano sa rehiyongKailokanuhan-Isabela,
Cagayan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Ilocos S/N)
Lalawiganin

Taguri sa wika ng probinsya. (Bulakeño, Pampangeño, Caviteño, Zamboangueño,Davaoueño)
Wikang Pampanitikan

Kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan.
Pabalbal o Kolokyal

Karaniwan at impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig.
Teknikal na Wika

Kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika, teknolohiya at wikangcybernetics.

Transcript of Copy of Pagsulat ng Tanging Lathalain


Yunit V
Pagsulat ng Tanging Lathalain
1. Isang uri ng pamahayagan na naguulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pagaaral ,
pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang paeaang kawili wili.
Katuturan ng Tanging Lathalain
Yunit V
Walang tiyak na haba

Nagmula sa katotohanan

Maaaring isulat sa ibat ibang anyo o istilo ngunit kailangan na itoy angkop sa nilalaman

Ginagamitan ng makabagong pamatnubay

77
Nasusulat sa himig ng payak na pakikipagkaibigan.

Maaaring sulatin sa una ikalawa o ikatlong panauhan


Katangian ng Tanging Lathalain
Magpabatid

Magturo

Magpayo

Manlibang
Mga layunin ng tanging lathalain
Nagsasaad ng katotohanang batay sa isang ulat, samantalang ang maikling kwento ay hango sa mga
makatotohanang pangyayri, ay maaari ring bungang isip lamang.

Naglalaman ng mga kuro kuro o pagkakahulugan ng may akda tungkol sa isang balitang nailathala , ngunit ang
binibigyang diin ay ang nalikom na tala sa ulat

Nagtataglay ng kuro kuro ng may akda sa anyo ng pagpapaliwanag , pagpapakahuligan . Naguulay lamang
kumg ano ang mangyayari.

Nasa pagitan ng balita at ng pangulong tudling.


Mga uri ng
lathalain
Lathalaing nagpapabatid (informative feature)
halimbawa: ang dapat gawain kapag may malakas na lindol

Lathalaing Pabalita (News Feature)


halimbawa: ang tagtuyot sa timog luzon.

Pangkatauhang lathalaing Dagli ( Personality or Character sketch)


Halimbawa: lathalain ukol sa isang artista, manlalaro o mangaawit.
Lathalaing Pangkasaysayan (historical feature)
Halimbawa: Ang EDSA rebolusyon

Lathalaing pansariling Karanasan ( Personal experience)


6. Lathalaing Pakikipanayam (feature interpretation)

7. Lathalaing panlibang ( Entertaining feature)


halimbawa: Ang kahulugan ng Halik.
Karaniwang paksa para sa pagsulat ng lathalain sa pampaaralang pahayagan
Karanasan o pakikipagsapalaran

78
Teorya ng Pagkatuto ng Wika

1. Innatism (Chomsky)
- Isinilang ang tao na may kakayanan ng matutong magsalita (Genetically Programmed).
Ang konsepto ng LAD o Language Acquisition Device na kung saan ay mayroong black
box sa bahagi ng utak ng tao na kailngan ma-activate.
2. Cognitivism (J. Piaget)
- Ang kakayanan ng tao na magsalita ay kaugnay sa kanyang kakayanang kognitibo. Kapag
mataas ang kakayanang kognitibo o pag-iisip, mataas din ang kakayanang magsalita ng
tao.
3. Sosyo-kultural (Vygotsky)
- Ang pagkatuto ng wika ng tao ay dahil sa mga nakapaligid dito.
4. Behaviorism
- Natutong magsalita ang tao dahil sa panggagaya

79

You might also like