You are on page 1of 4

KASAYSAYAN NG RETORIKA

Rhetor
pinagmulan ng retorika na na ngahulugang “guro o mahusay na mananalumpati .”

ANG RETORIKA NG KLASIKAL NA PANAHON

Syracuse
 Sinasabi din na nagsimula ang retorika bilang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse,
Sicily noong ika-limang siglo bago dumating si Cristo.
 Nang bumagsak ang sistemang diktaturyal ng nasabing lugar, nagbigay ito ng
pagkakataon upang ilahad ng mga mamamayan ang kanilang mga saloobin.

Corax
 Isang iskolar na taga-Sicily na tumayong tagapaglahad ng mga argumento na
nagsabing mahalagang magkaroon ng maayos at sistematikong paraan sa
pagpapahayag.
 Upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig, kailanganang maayos at
sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.

Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag


elemento:

Limang Elemento ng Pagbuo ng Argumento sa Talumpati


1. Proem o Panimula (Introduction)
2. Salaysay o Kasaysayan (History)
3. Pangunahing Argumento (Main arguments)
4. Mga dagdag na pahayag o kaugnay na argumento (Supporting details/arguments)
5. Kongklusyon (Conclusion)

Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang


pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence). Makikita agad dito na
sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang
katumpakan at kalakasan ng argumento.

Sophist (matatalino at dalubhasa sa pananalita)


 Ang nagbigay ng kahulugan sa retorika bilang isang pagtamo ng kapangyarihang
politikal sa pamamagitan lamang ng pagpapahalaga sa paksang pinaglalaban at sa
estilo ng pagbibigkas.
 Sophist ay galing sa salitang griyego na ‘Sophos’ na ang ibig sabihin ay karunungan.
 Sila din ay mga binabayarang guro upang magsanay ng mga retor na magtaglay ng
kakaibang kasanayan sa paghabi ng mga salita sa paglalahad ng usapin.
Isocrates
 Ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo, nagpalawak sa sining ng
retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning
praktikal.

Socrates
 Kauna-unahang lumikha ng mga pamantayang panretorika noong ika-limangsiglo.
Binigyang-diin ang paggamit ng wika sa paghahayag ng mga karaniwang suliranin,
mga pangkaranasan at katotohanang madalas na hindi nakakamit.

Aristotle
 Ang kanyang pamantayan sa talumpati ay naging batayan ng mga abogado sa
paglalahad ng mga usaping nakatuon sa nakaraan. Sa kanya rin nagmula ang
orotaryong politikal na ang pokus ay sa hinaharap. Siya rin ang nagdisenyo ng
paglalagay sa mga mabulaklak na mga salita sa talumpatian.

 Naging kasangkapan sa paggawa ng mga polisiya at sa pagtalakay ng mga


isyungpampulitika ang retorika.

Plato
 Nagbigay-diin sa retorika bilang panghihikayat kaysa sa katotohanan at tumalakay ng
mga simulaing bumubuo sa esensya ng retorikal na sining. (Gorgias)

Cicero
 Kilalang orador na nagpaakilala rin ng kakaibang pamantayan sa pagtatalumpati. Ayon
sa kanya, mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting asal.

Homer
 kinikilalang “Amang Oratoryo” ng mga Griyego

Quintillian
 Ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita.

Protagoras
 kauna-unahang Sophist
 Siya ay nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo kung paanongang
mahihinang argumento ay magiging malakas na pahayag.

Antiphon
 Una sa itinuturing na Ten Attic Orators, ang nagsanib ng teorya at praktika ng retorika
Klasikal na Retorika (5th Century BCE - 3rd Century CE)
 Ang retorika ay unang naging kilala at naging pundasyon ng klasikal na Griyegong
panitikan.
 Ang mga sinaunang Griyego, tulad nina Aristotle at Plato, ay nagbigay-halaga sa
kakayahan na makumbinsi at makapagsalita nang may katalinuhan.
 Si Aristotle, sa kanyang aklat na "Rhetoric," ay nagtakda ng mga prinsipyo at patakaran
para sa epektibong paggamit ng retorika sa pampublikong pagsasalita.

Medyebal na Retorika (5th Century CE - 15th Century CE)


Sa panahon ng Kapanahunan ng Kadiliman o Middle Ages:
 Ang retorika ay nanatiling mahalaga sa mga institusyon ng edukasyon, lalo na sa mga
unibersidad at mga siminaryo.
 Ang mga retorikong turo ay nagpapalaganap ng kaalaman sa pamamagitan ng
pagsasalin-salin ng mga klasekong teksto.

Modernong Retorika (Mula 16th Century CE)


Panahon ng Renaissance:
 Ang retorika ay nagkaruon ng pag-unlad at nadagdagan ng mga ideya mula sa mga
kilalang pilosopo tulad ni Descartes at mga manunulat tulad ni Shakespeare.

Panahon ng Enlightenment:
 Ang retorika ay naging kasama sa mga debate tungkol sa kalayaan, karapatan, at
lipunan.

Contemporaryong Retorika (Mula 19th Century CE - Kasalukuyan)


Modernong Panahon:
 Ang retorika ay nagkaroon ng mga pagbabago dahil sa teknolohiya at sosyal na pag-
unlad.
 Ang pagsusuri ng retorika ay naging bahagi ng mga disiplina tulad ng komunikasyon,
medya, at politika.
 Ang mga tanyag na lider, tulad ni Martin Luther King Jr. at Winston Churchill, ay
kilalang halimbawa ng mga maaaring impluwensiyahan ng epektibong retorika.

Retorika sa Panahon ng Renasimyento


 ang pag-aaral ay muling ibinatay sa mga akda ng klasikalna manunulat tulad nina
Aristotle, Cicero at Quintillian.
 Isa sa kontemporaryong disertasyon ng panahong ito ay ang The Art or Crafte of
Thethoryke ni Thomas Wilson.
PILIPINONG MANUNULAT

1. Francisco Balagtas y de la Cruz (Francisco Balagtas)


 Prinsipe ng makatang tagalog
 Florante at Laura

2. Jose Corazon De Jesus (Huseng Batute)


 Hari ng Balagtasan
 Bayan Ko

3. Lope K. Santos
 Ama ng Pambansang Wika at Balarila
 Banaag at sikat

4. Virgio Almario (Rio Alma)


 Sumusulat ng tula araw-araw

5. Amado V. Hernandez
 Manunulat ng mga Manggagawa
 Pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa
mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
 Ang Ibong Mandaragit

6. Marcelo H. Del Pilar (Plaridel)


 Dakilang Propagandista, illustrado (Espanyol)
 La Solidaridad – political propaganda paper

7. Graciano Lopez Jaena


 Pilipinong manunulat, rebolusyonaryo
 La Solidaridad
 Fray Butod

8. Severino Reyes (Don Binoy)


 Ama ng Sarsuelang Tagalog
 Lola Basyang

You might also like