You are on page 1of 2

Ivan Seth S.

Abragan
BSE-2NRM1
TATLONG YUGTO SA PAG-AARAL NG RETORIKA
1. KLASIKAL NA RETORIKA
Ang elokwens na pinamalas nina Nestor at Odysseus sa Ilad ay naging dahilan upang kilalanin si
Homer ng maraming Griyego bilang ama ng oratoryo. Sophist ang tawag sa mga kinilalang pangkat ng
guro. Sila’y nagsikap upang gawing higit na mabubuting tagapagsalita ang mga tao sa pamamagitan ng
tuntuning pansinig. Si Protagoras, ang kauna-unahang Sophist, ay nagsagawa ng isang pag aaral sa wika
at nagturo sa kanyang mga mag aaral kung paanong ang mga mahihinang argumento ay nagagawang
malakas sa isang pahayag o talakayan. Sinasabing ang aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang
agham ay si Corax ng Syracuse na noong ikalimang siglo ay nagsabing ang retorika ay artificer o persuasion
At umakda ng unang handbuk hinggil sa sining ng retorika. Ang iba pang maestro ng retorika sa panahong
ito ay sina Tisias ng Syracuse, Gorgias ng Leontini nanagpunta sa Athens noong 427 BC at Thrasymachus
isang Chaldeon na nagturo din sa Athens. Si Antiphon naman, una sa tinuturing na Ten Attic Orators, ang
kauna-unahang nagsanib ngteorya at praktika ng retorika. Isocrates ang dakilang guro ng oratoryo noon
ikaapat na siglo, nagpalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang
pilosopiya na may layuning praktikal.

Binigyang diin ni Plato ang panghihikayat kaysa sa katotohanan sa akda niyang Gorgias at tinalakay nya
ang mga simulating bumubuo sa esensya ng retorikal na sining sa Phaedrus. Inilarawan ni Aristotle, ang
tungkuling ng retorika hindi bilang panghihikayat. Binigyang diin rin niya ang pagtatagumpay ng
argumento sa pamamagitan ng katotohanan at hindi ng panghihikayat sa pamamagitan ng apil sa
emosyon. Itinuring niya ang retorika bilang counterpart o sister art ng lohika. Sa Roma ay nakilala sina
Cicero at Quintillian, Sila ang tinaguriang dakilang maestro ng retorikal at praktikal na retorika, kahit pa
sila!y mgamodelong Griyego. Si Cicero ang umakda ng On the Orator, Institutio Oratoria at The Training
of an Orator na hanggang sa kasalukuyan ay ipinapalagay na masusing sa mga simulain ng retorika at sa
kalikasan ng elokwens. Hanggang sa unang apay na siglo ng Imperyo sa Romano, ang retorika ay tinuro ng
mga tinatawag na Sophist na sa panahong iyon ay naging isang titulong akademiko.

2. RETORIKA SA GITNANG PANAHON/MIDYIBAL AT RENASIMYENTO


Sa gitnang panahon, ang retorika ay isang sabdyek ng trivium o tatlong sabdyek na peliminari ng
pitong liberal sa sining ng mga unibersidad, kasama ang grammar at lohika. Ang mga pangunahing
midyibal na awtoridad sa retorika ay tatlong iskolar sa ikalima, ikaanim atikapitong siglo1 sina Martianus
Capella, isang awtor ng isang ensayklopidya ng pitong liberal nasining ( aritmitik, astronomi, dyometri,
musika, gramar, lohika, at retorika) Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus, isang historyan at tagapagtatag
ng mga monastery na umakda ng InstitutionesDivinarum et Humanarum Lec-tionum; at si San Isidore isang
kastilang arsobispo nanagkompayl ng isang akdang ensayklopedik tungkol sa ancient world. Sa panahong
ito, angretorika ay nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinatawag na tatlong “artes”: paggawa ng
sulat, pagsesermon at paglikha ng tula.

Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo), ang pag aaral ng retorika ay muling ibinatay
sa mga akda ng mga klasikal na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at Quintillian. Ilang mga
kontemporaryong disertasyon ang inilikha sa panahong ito kabilang ang The Art or Crafte of Thethoryke
ng Inglaterong punongguro at manunulat na si Thomas Wilson. Noong ika-16 na siglo, nakilala sina Pierre
de Courcelles at Andre de Tonquelin, mga retorisyanong Pranses. Sa buong panahon ng Renasimyento,
ang retorika ay itinakdang sabdyek sa mga kolehiyo at unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa
publiko at mga kumpetisyon nanakatulong upang panatilihing buhay ang pratika ng retorika

3. MODERNONG RETORIKA
Sa simula ng ika-18 siglo ay nabawasan ng importansya ang retorika, bagama’t sa teoretikal na aspeto
lamang at hindi sa praktikal, sapagkat patuloy ang paglaganap ng mga oportunindad para sa epektib na
oratoryo sa pulitikal na arena. Sa ikalawang hati ng siglo, patuloy na nabawasan ang mga eksponent ng
retorika. Mangilan-ngilan lamang ang mga kaugnay na akdang naging popular sa panahong ito kabilang
ang Lectures on Rhetoric (1783) ng paring Scottish na si Hugh Blair, Philosophy of Rhetoric (1776) ni
George Campbell, isang teologong Scottish at ang Rhetoric (1828) ni Richard Whately, isang Britong
eksperto sa lohika.

Sa unang hati ng ika-20 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng pag aaral ng pormal na retorika bunga ng
pagganyak ng mga eksponent ng semantics, isang agham ng linggwistika. Ito ay naganap sa kabuuan ng
lahat ng mga bansang gumamit ng wikang Ingles sa daigdig. Ang mga edukador at pilosopong nakagawa
ng mga mahahalagang kontribusyon sa pag aaral na ito ai sina I.A. Richards, isang Britong kritiko ng
literatura at Kenneth Duve Burke at John Crowe Ramson, mga Amerikanong kritiko rin ng literatura.

You might also like