You are on page 1of 2

Jetro G. Cosinas BMMA2A Gng.

Imelda San Diego

Pahapyaw sa Kasaysayan ng Retorika

Klasikal na Retorika

Sinasabing ang retorika ay nagsimula noong 600 BC bilang sistema ng pakikipagtalo sa


Syracuse, isang isla sa Sicily. Ang mga sopista, o mga dalubhasang natuturo nang may kabayaran,
ay gumagamit ng husay sa pagsasalita at panghihikayat lalong higit sa mga hukuman dahil mainit
na isyu noon ang karapatan sa lupain.

Ang dalubhasang si Corax ang sinasabing aktwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang
agham. Siya ang nagtayo ng unang paaralan na nagturo ng mga prinsipyo ng retorika. Nakasentro
ang kaniyang estilo sa paggamit ng emosyon at di gaanong binibigyang-diin ang katumpakan at
kalakasan ng argumento. Ngunit mariin itong tinutulan nina Socrates at Plato, mga pilosopong
Griyego. Ayon sa kanila, ang mga sopista ay walang ibang hangarin kung hindi gumamit ng
nakapanlolokong panghihikayat para sa bayad at upang magtamo ng kapangyarihang politikal.

Sa kaniya namang akdang The Art of Rhetoric, hinasa pa ni Aristotle ang retorika. Siya ang
nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at
madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag
natin sa Ingles na declamation.

Ayon naman kay Cicero, isang batikang orador ng Roma, nararapat na maging mabuting
tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati dahil ang pagtalakay sa anumang adhikain
ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador. Isinulat niya ang Rhetorica ad Herrenium
kung saan makikita ang limang kanon ng retorika.

Retorika sa Gitnang Panahon/Renasimyento

Sa gitnang panahon, ibinilang ang retorika sa tatlong mga sabdyek ng liberal na sining sa
mga unibersidad, kasama ang grammar at lohika. Sa panahon ding ito nagkaroon ng praktikal na
aplikasyon ang retorika sa tinatawag na tatlong “artes”: paggawa ng sulat, pagsesermon, at
paglikha ng tula.

Ganap namang itinakdang sabdyek ang retorika sa mga kolehiyo at unibersidad sa panahon
ng Renasimyento. Sinamahan ito ng pagsasanay sa publiko at mga kompetisyon. Ang retorika ay
naging sandigan na rin ng mga pari, abogado, pulitiko, manunulat, at mga taga-usig.

Modernong Retorika

Sa simula ng ika-18 siglo ay unti-unting nabawasan ang importansya ng retorika sa


teoretikal na aspeto ngunit hindi sa praktikal. Sa ikalawang hati ng siglo, patuloy na nabawasan
ang mga eksponent ng retorika.

Muli namang nabuhay ang pag-aaral ng pormal na retorika sa unang hati ng ika-20 siglo
bunga ng mga eksponent ng semantics, isang agham ng linggwistika.

You might also like