You are on page 1of 18

ARALIN 1:

KAHULUGAN AT
KASAYSAYAN NG
RETORIKA
Kahulugan ng Retorika

● Isang mahalagang karunungan ng


pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng
maganda at kaakit-akit na pagsusulat at
pagsasalita (Sebastian, 1967). Maaari ring
sabihing ito ay pag-aaral upang
magkaroon ng kasiningan, at kahusayan
ang isang indibidwal sa pagpili ng mga
salitang gagamitin sa kanyang pagsusulat
at pagsasalita.
● galing sa salitang Griyego na
"rhetor" na nangangahulugang guro
o isang mahusay na mananalumpati.

• ito ay susi sa mabisang


pagpapahayag na nauukol sa
kaakit-akit, kaiga-igaya at
epektibong pagsasalita at
pagsulat.
• Ayon kay Quintillan, ito ay sining ng
maayos na pagsasalita (Bernales et. al,
2006) o pagsulat.

● Ito ay sining ng maayos na pagpili ng


wastong salita sa loob ng isang pahayag
upang maunawaan, makahikayat at
kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.

• sining o agham ng paggamit ng salita sa


mabisang paraan, pasalita man o pasulat
(diksyunaryo).
• agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.
(Socrates).
• Ang kakayahang maanino, mawari o
makilala sa bawat kaso ang makukuha o
magagamit na mga paraan ng paghimok.
(Aristotle).
• Ang sining ng argumento ng pagsulat.
(Richard Whatley)
• Itinuturing din itong mabisang lapit ng
pagsasaayos at paggamit ng wastong salita
sa pagpapahayag ng diwang may
kahulugan, kabuluhan, lalim at kariktan.
Kasaysayan ng Retorika
Nagsimula ang retorika noong pang-
ikalimang siglo bago dumating si Kristo.
Isang paraan ang pakikipagtalo ang nabuo
sa isang isla sa Sicily sa Syracuse. Nang
bumagsak ang pamahalaang diktaturya sa
Islang ito, binigyan ng pagkakataon ang
mga mamamayang dumulog sa hukuman
at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan sa mga lupang inilit ng
nakaraang rehimen.
Si Corax, isang iskolar, ang nagpanukala
ng mga tuntuning kailangan sundin ng
mga maglalahad sa gagawaing
argumento o pakikipagdebate. Ayon sa
kanya, mahalagang magkaroon ng
maayos na pamamaraan sa paglalahad
ng mga argumento upang makuha ang
simpatya ng mga nakikinig at maging
maayos na pakikinig.
Bunga nito, nilikha ang retorika upang
makahikayat at matugunan ang mga
pagkukulang sa mga nasusulat na katibayan.
Bagaman masasambit ng isang tagamatyag na
ang nilikhang konseptong ito ay nakapokus sa
mga nararamdaman ng mga tagapagsalita,
hindi sa kawastuhan at galing ng argumentong
ipinahahayag. Ayon sa mga Sophist (mga
Iskolar), ang retorika ay mahalaga upang
makakamtan ang kapangyarihang political sa
panahong iyon.
Gayunpaman, hindi ito sinang-ayunan ni
Socrates (c. 470-399 B.C) at tahasang tinuran
na ang mga Sophist ay naghahangad lamang
ng kabayaran sa kanilang pagtuturo at
pagpapataas ng kalidad ng retorika bilang
isang sining ng pagtatalo at hindi bilang isang
palaman sa isang talumpati. Ayon pa kay
Socrates, ang gawing ito ay naghihikayat
lamang sa mga mag-aaral na palabasin ang
kasamaan ng isang mabuti at busilak na
adhikain.
Si Socrates (c. 436-338 B.C) isang Griyego at
napapabilang sa sampung pinakatanyag na
batikong orador ng kanyang panahon. Siya ang
kaunaunahang lumikha ng mga pamantayang
panretorika noong ikalimang siglo B.C. Naging
guro niya si Tisias na naging mag-aaral ni
Corax. Sa dalawang henerasyong nabanggit
naging mahalaga ang sining ng retorika. Ang
pag-usbong nito ay nagpalawak sa
pagbabagong sosyal at politikal ng bansang
Gresya lalo na sa larangan ng demokrasya at
usaping pambatas.
Sa pagdami ng mga pagsasanay sa retorika,
nahikayat ang mga iskolar na magtatag ng
kani-kanilang paaralan sa larangang ito.
Napayaman ni Isocrates ang larang retorika
lalo‟t ang kaniyang binibigyang-diin ay ang
paggamit ng wika sa paghahayag ng
karaniwang suliranin, mga pagkaranasan at
katotohanang madalas na hindi nakakamit.
Maindayog at masining ang kaniyang
pagkakatugma ng mga salita na nasa anyong
tuluyan.
Si Aristotle ay naghayag ng bagong kaisipan sa
retorika. Ang kanyang ambag sa pagsulong ng
sining na ito ay nag-iwan ng malaking
impluwensya sa larangang ito. Ang kanyang
pamantayan sa pagtatalumpati ay naging
batayan ng mga abogado sa paglalahad ng
mga usaping naglalahad sa nakaraan (Ano ang
nangyari?) sa kanilang mga usaping legal. Sa
kanya rin nagmula ang oratoryang politikal na
ang pokus ay sa hinaharap. (Ano ang maaari
mong gawin?).
Makikita sa anyong ito ang bagong anyo
ng retorika, nihahayag dito ang isang
malayang talakayan at pagtatalo. Siya rin
ang nagdisensyo ng paglalagay ng mga
mabubulaklak na mga salita sa
talumpatian na kadalasang ginagamit
bilang pagpuri sa mga natatanging
panauhing pandangal.
Nakilala rin sa larangang ito si Cicero (106-
43 BC), isang kilalang orador na nagpakilala
ng kakaibang pamantayan sa
pagtatalumpati. Ayon sa kanya, mahalaga
ang pagkakaroon ng mabuting asal upang
upang maging mabuting mananalumpati.
Ang kanyang mga pangungusap ay
ginagamit sa mga hugnayan upang higit na
mailahad ang damdamin at prinsipyong nais
ilahad ng isang nagsasalita.
KUMUHA NG KALAHATING
BAHAGI NG PAPEL PARA SA
GAWAIN.
1.MGA SOPHIST NA MALAKI AMBAG
SA PAMAMAYAGPAG NG RETORIKA.
2.MGA TAONG NAGBIGAY NG
KATUTURAN NG RETORIKA.

You might also like