You are on page 1of 1

Ashley Joy S.

Restan
MMA 2-1
Alamin kung paano ginamit ng mga sinaunang tao ang Retorika para sa kanilang pang-
araw-araw na buhay at pagkatapos nito ay tukuyin at talakayin kung ano sa mga ito ang
puwede pa na gamitin sa kasalukuyang panahon.

Noong unang panahon, ginamit ng mga sinaunang tao ang retorika sakanilang pang
araw-araw na buhay sapagkat noon bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal,
ang mga mamamayan doon ay binigyan ng pagkakaton at ipagtalo sa hukuman ang
kanilang karapatan sa mga lupain. Si Corax, isang mamayanan doon, ang nagpanukala
sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ang retorika ay ginagamit nila
sa pag apila nila sa emosyon at ang layunin nito ay makahikayat at mapunuan ang
anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan.
Ayon sa mga matatalinong tao noon, (sophist) ang retorika’y angkop sa pagtatamo
ngkapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilag pagpapahalaga
sapaksangipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Si Isocrates, ay nagtatag ng sariling
paaralang nagtuturo ng istilo ng pananalumpatibatay sa maindayog at pagkakatugma
ang mga salita sa paraang prosa. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang
forensic na naging batayan ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay at
nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng
mgamabubulaklak at madamdaming mga salita.
Sa kasalukuyan, ang retorika ay isang mahalagang bagay sa isang mananalumpati,
katulad nalamang sa ipinamana ni Aristotle, ginagamit ang larangan ng oratoryo sa
forensic at deleberative ( dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan
o mga pagtatalong pampubliko) na ginagamit at pinagbabatayan ng mga abogado
ngayon. Sa mga studyante at sa paaralan, minsan pinapagawa tayo ng mga prosa,
tula, at talumpati ng ating mga guro, upang mahasa ang ating galing sa pagsulat, at sa
pagiging isang mananalumpati na kayang magsalita sa harap ng mga tao. Nagagamit
natin ang retorika sa pangangatwiran at sa ating argumento sa pang araw araw na
buhay, sa bahay man, sa iskwelahan o sa lugar kung asan ka man ngayon. Sapagkat
nagkakaroon tayo ng idheya, o haka haka sa mga bagay bagay, nagbibigay tayo ng
saliksik, at sa pagsulat ng wasto at angkop na mga salita upang manghikayat sa mga
nagbabasa o tagapakining para maipakita ang isang magandang adhikain.

You might also like