You are on page 1of 8

ARALIN 2: SAKLAW NG

RETORIKA, DAPAT TAGLAYIN


NG ISANG PAGPAPAHAYAG,
ELEMENTO, KAHALAGAHAN,
AT LAYUNIN NG RETORIKA
Saklaw ng Retorika:

• Sining – sinumang nagpapahayag gumagamit ng simbolo


at imahinasyon upang bigyan-buhay ang ideya at akitin ang
kanyang tagapakinig o mambabasa.
• Pilosopiya – Gumagamit ng Retorika ang isang
nagpapahayag upang ipakita na ang mga argumento niya ay
padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng
iba.
• Lipunan – nakikisangkot ang bawat mamamayan sa
anumang usapin o konsern sa lipunan. Ang bawat tao ay
bahagi ng lipunan kaya‟t hindi niya maiiwasang
magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa mundong
kaniyang ginagalawan.
• Wika–ang pangunahing bihikulong ginagamit sa
pagpapahayag at nararamdaman at naiisip, kung gayon sa
pagpapahayag ay isaalang alang ang mga panuntunan ng
wika.
Dapat Taglayin ng Isang
Pagpapahayag
▪ Maging matapat
▪ Maging malinaw
▪ Maging tiyak at matipid sa sasabihin
▪ Sikaping magkaroon ng barayti
▪ Langkapan ng patawa, talino, sigla at imahinasyon
Elemento/Sangkap ng Retorika

▪ Ang kaisipang gustong ipahayag


▪ Ang pagbuo o organisasyon
▪ Ang istilo ng pagpapahayag
Kahalagahan ng Retorika
▪ Kahalagahang panrelihiyon
▪ Kahalagahang pampanitikan
▪ Kahalagahang pang-ekonomiya
▪ Kahalagahang pampulitika
Layunin ng Retorika
▪ Makapagpahayag nang mahusay pasulat man o pasalita.
▪ Magkaroon ng isipang mapanuri.
▪ Makabuo ng mga makabuluhang ideya.
▪ Makapamahala sa angking kakayahan.

You might also like