You are on page 1of 2

Jenelyn A.

Enjambre Beed 3A Evening

Paghahanda
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng dayagram nd daloy ng pinagmulan ng retorika.
Isulat ang pangyayari sa bawat kahon.

Ang retorika ay nagmula sa salitang “rhetor” na nangangahulugang guro o isang mahusay na


mananalumpati (Bendalan, 2013). Isa itong uri ng sining na kung saan ipinapamalas ang
paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita.

Si Corvus Corax (Syracuse) ang aktwal ng tagapagtatag ng retorika bilang isang agham na
sinasabing ang retorika ay panghihikayat at nag-akda ng handbuk sa sining retorika. Siya rin
ang nagpanukala ng mga tuntunin sa paglalahad ng argumento.

Sinasabi sa Wikipedia, na ang retorika ay nagmula bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa


Syracuse, sa isang isla sa Sicily noong ikalimang siglo bago dumating si Kristo .

Naimbento ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumanv pagkukulang sa


mga konkretong katibayan. At makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-
apila sa emosyon at gaanong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento..

Sa gitnang panahon, ang retorika ay isa sa tatlong sadbyek ng liberal na sining sa mga
unibersidad kasama ang balarila at lohika. Sa panahong ito nakasumpong ng praktikal na
aplikasyon sa tinatawag na tatlong “artes”: paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng
tula.
Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo) ang pag aaral ay muling
ibinatay sa mga akda ng klasikal na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at Quintillian. Ang
retorika ay itinakdang sabdyek sa mga kolehiyo at unibersidad na may kalakip sa pagsasanay
sa publiko at mga kumpetisyon na nakatulong panatilihing buhay sa praktika nito .

Sa modernang panahon, ang retorika ang importante sa teoretikal na aspeto ngunit hindi sa
praktika.(ika-18 siglo). Sa unang hating ika 20 na siglo, nagkaroon ng pagsilang sa pag-aaral
ng pormal na retorika bunga ng pagganyak ng semantiks, isang pag-aaral ng linggwistika .

Pagsasanay

TAMA O MALI
Mali 1. Si Aristotle ay kinikilalang “Father of Oration”.
Tama 2. Ang retorika ay paggamit ng mga talinghaga at pagkukumpara gaya ng
paglalagay ng mga tayutay at idyoma sa mga pahayag.
Tama 3. Ang mga Politiko ay maretorika.
Tama 4. Ang mga taong maretorika ay karaniwang mambobola.
Tama 5. Ang mga taong maretorika ay kahangahang ang paraan ng pagsasalita.
Tama 6. Ang retorika ya paghihimok, pangungumbinsi o pagpapahihinuhod.
Tama 7. Ang retorika ang sining ng argumento/diskurso.
Mali 8. Rethor/Retor ang tawag sa yaong bihasa sa retorika.
Tama 9. Retorisyan ang tawag sa taong nag-aanalisa.
Mali 10. Ang retoirka ay paggamit ng napapalabok na salita sa pangungusap. Kaya’t
ang mga pahayag ay maligoy at hindi direkta ang kahuligan.

You might also like