You are on page 1of 39

Aralin 1

Batayang Kaalaman sa

Retorika

BENEDICT Q. TORDILLOS
Instraktor, Kolehiyo ng Sining at Agham
Nilalaman
Kaalaman hinggil kahulugan at katangian at kahalagahan ng
retorika.
1. Kahulugan at Katangian
2. Pahapyaw na Kasaysayan
3. Layunin at Simulain ng Retorika
4. Saklaw ng Retorika
5. Mga Gampanin ng Retorika

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA FILI102: Retorika


Lesson Learning Outcome/s:
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
retorika ayon sa mga paham sa linggwistika.
Retorika
Retorika
Ang retorika ay mula sa salitang Griyegong rhetor
na ang ibig sabihin ay isang tagapagsalita sa
publiko (Badayos, et al., 2007).
Retorika
Ang retorika ay sining na maayos na pagpili ng
wastong salita sa loob ng isang pahayag upang
maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga
nakikinig o bumabasa (Panganiban).
Sa website na http://www.gsu.edu , matutunghayan ang mga iskolarling depinisyon ng retorika. Dinepayn at inilarawan ang
disiplinang ito ng mga pangunahing awtoridad sa larangang ito sa iba’t ibang lokasyon at panahon.

“Retorika ang pakulti ng pagtuklas ng


lahat ng abeylabol na paraan ng
panghihikayat sa ano mang partikular na
kaso.”Aristotle

https://cdn.britannica.com/84/87984-050-7C5547FE/Detail-
Roman-copy-portrait-bust-Aristotle-Greek.jpg
“Retorika ang art of winning soul sa
pamamagitan ng diskurso.” Plato

https://cdn.britannica.com/88/149188-050-
DC34842F/Plato-portrait-bust-original-Capitoline-Museums-
Rome.jpg
Ang retorika ay pagpapahayag na
dinisenyo upang makapanghikayat. Cicero

https://cdn.britannica.com/58/181058-050-
9CC9F60F/Marcus-Tullius-Cicero-detail-marble-bust-
Capitoline.jpg
“Ang retorika ay sining ng mahusay na
pagsasalita.”Quintillan

https://www.laphamsquarterly.org/contributors/quintilian
“Ang retorika ay isang estratedyik
na paggamit ng komunikasyon,
pasalita o pasulat, upang makamit
ang mga tiyak na layunin.”
The Art of Rhetorical Criticism

https://images-na.ssl-images-
amazon.com/images/S/compressed.photo.goodread
s.com/books/1266590455i/2157656.jpg
Retorika
Ang pasalitang retorika ay tinatawag na oratoryo.
Binibigyang-kahulugan ng retorika ang mga tuntunin sa
pagsulat ng komposisyon at pagde-deliver ng oratoryo na
dinisenyo upang makaimpluwensiya sa pagpapasya o
damdamin ng ibang tao (http: encarta.msn.com)
Pahapayaw na
Kasaysayan

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Pahapyaw na Kasaysayan


Klasikal na Retorika
Panahon/
Sino Pangyayari
Lugar
• Ama ng Oratoryo sa Griyego
• Ang pagkakatatag ng mga demokratikong
Homer institusyon ay nagtakda sa lahat ng mga
mamamayan ng pangagailangan ng
serbisyong publiko.
• Pangkat ng mga guro na nakilala at
510 BC Sophist nagsikap upang gawing higit na
(Athens) mabubuting tagapagsalita ang mga tao sa
pamamagitan ng tuntuning pansining.
• Kauna-unahang Sophist
• Nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at
Protagoras nagturo sa kanyang mga mag-aaral kung
paanong ang mga mahihinang argumento
ay magagawang malakas sa isang
pahayag o talakayan.
Klasikal na Retorika
• Tagapagtatag ng retorika bilang isang
agham.
Ikalimang Corax ng Syracuse • Ang retorika ay artificer o persuasion at
siglo umakda ng unang handbuk hinggil sa
sining ng retorika.

Maestro ng retorika
• Tisias • Isang mag-aaral ni Corax; mula sa
427 BC Syracuse
(Athens) • Gorgias • Nagmula sa Leontini na nagpunta sa
Athens.
• Nagmula sa Chalcedon na nagturo sa
• Thrasymachus Athens.
• Una sa itinuturing na Ten Attic Orators
Antiphon • Kauna-unahang nagsanib ng teorya at
praktika ng retorika.
Klasikal na Retorika • Dakilang guro ng oratoryo
Isocrates • Nagpalawak sa sining ng retorika upang
maging isang pag-aral ng kultura at isang
pilosopiya na may layuning praktikal.
• Pilosopong Griyego
• Tinutulan ang teknikal na pagdulog sa
retorika.
Plato • Binigyang-diin ang panghihikayat kaysa sa
katotohanan sa akda niyang Gorgias at
Ikaapat na tinalakay ang mga simulaing bumubuo sa
siglo BC retorikal na sining sa Phaeddrus.
• Pilosopong Griyego
• Ang tungkulin ng retorika hindi bilang
isang panghihikayat kundi ang
pagtatagumpay ng argumento sa
Aristotle pamamagitan ng katotohanan at hindi ng
panghihikayat sa pamamagitan ng apila sa
emosyon. (akdang Rhetoric)
• Counterpart o sister art ng lohika ang
retorika
Klasikal na Retorika
• Tinaguriang dakilang maestro ng retorikal
at praktikal na retorika.
• Umakda ng On the Orator,Institutio
Roma Cicero at Quintillan Oratoria at The Training of an Orator na
hanggang sa kasalukuyan ay ipinapalagay
na masusing pagdulog sa mga simulain ng
retorika at sa kalikasan ng elokwens.
Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
Panahon/ Sino Pangyayari
Lugar
• Ang retorika ay isang sabdyek ng trivium o
tatlong sabdyek na preliminary ang pitong
liberal na sining sa mga unibersidad.
1. Aritmitika
2. Astronomiya
3. Geometry
4. Musika
5. Gramatika
6. Lohika
7. Retorika
Ika-5-7 Tatlong Iskolar
siglo 1. Martianus • Awtor ng isang ensayklopidya ng pitong
Capella liberal na sining.

2. Flavius Magnus • Isang historyan at tagapagtatag ng mga


Aurelius monasteryo na umakda ng Institutiones
Cassiodorus Divinarium et Humanarum Lec-tionum.

3. San Isidore ng
Seville • Kastilang arsobispo
Nagkompayl ng isang akdang
ensayklopedik tungkol sa ancient world.
• Sa panahong ito, ang retorika ay
nakasumpong ng praktikal na aplikasyon
sa tinatawag na tatlong “artes”
1. Paggawa ng sulat
2. Pagsesermon
3. Paglikha ng tula
Retorika sa Gitnang Panahon/Midyibal at Renasimyento
• Ang retorika ay muling binatay sa pag-
aaral nina Aristotle, Cicero, at Quintillian
• Retorika ay pakulti ng pagtuklas ng
Aristotle abeylabol na paraan ng panghihikayat sa
anumang partikular na kaso.
Ika-14-17 • Ang retorika ay pagpapahayag na
siglo Cicero
dinisenyo upang makapanghikayat.
Quintillan • Ang retorika ay sining ng mahusay na
pagsasalita.
• Nalikha ang The Art or Crafte of
Thomas Wilson Thethoryke
• Inglaterong punungguro at manunulat
Pierre de
Courcelles at Adre • Retorisyanong Pranses
de Tonquelin
Ika-16 • Itinakdang sabdyek ang retorika sa mga
siglo kolehiyo at unibersidad na may kalakip na
pagsasanay sa publiko at mga
kumpetisyon na nakatulong upang
panatilihing buhay ang praktika ng
retorika.
Modernong Retorika
Panahon/
Sino Pangyayari
Lugar
Ika-18 • Nabawasan ang importansya ng retorika.
siglo
Mga akdang naging popular:
1776
• Teologong Scottish
George Campbell
• Philosophy of Rhetoric

• Paring Scottish
1783 Hugh Blair
• Lectures on Rhetoric

• Britong eksperto sa lohika


1828 Richard Whately
• Rhetoric
Modernong Retorika
• Muling pagsilang ng pag-aaral ng pormal
Retorika.
• Mga modernong edukador at pilosopong
nakagawa ng mga mahahalagang
kontribusyon.
Ika-20 I.A. Richards • Britong kritiko (literatura)
siglo Kenneth Duva Burke
• Amerikanong kritiko ng literatura.
at John Crowe
Ramson
Layunin at Simulain
ng Retorika

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Layunin at Simulain ng Retorika


Layunin at Simulain ng Retorika
Kahusayan sa pagpapahayag ang layunin ng retorika.
Nililinang dito ang kakayahan sa pagkakaroon ng isipang
mapanuri at kasanayan sa pagbuo ng mga makabuluhang
ideya.
Sa Style ni Propesor Frank L. Lucas
ay mababasa naman ang mga
katangian ng mahusay ng pahayag
na ayon sa kaniya ay nananatili at
hindi nababago sa pagdaan ng
panahon.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/2/28/F-L-Lucas.jpg

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Layunin at Simulain ng Retorika


Katangian ng Mahusay na Pahayag
1. Matapat. Huwag baguhin ang ideya.
2. Malinaw. Huwag lituhin ang mga mambabasa
3. Tiyak at matipid sa sasabihin. Huwag paligoy-ligoy.
4. May barayti. Gamitan ng paiba-ibang paraan ng pagpapahayag.
5. May sangkap ng talino, sigla, tuwa at imahinasyon. Nakadadagdag sa
mas mahusay na pagpapahayag.

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Layunin at Simulain ng Retorika


Saklaw ng Retorika

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Saklaw ng Retorika


1. Sining
• Gumagamit ng simbolo at
imahinasyon upang bigyan-
buhay ang ideya at akitin ang
kanyang tagapakinig o
mambabasa.
2. Pilosopiya
• Ipinapakita na ang mga
argumento ay padron ng
sensibilidad at katwiran
upang maunawaan ng iba.
3. Lipunan
• Ang bawat tao ay bahagi ng
lipunan kaya’t hindi niya
maiiwasang magpahayag ng
kanyang saloobin ukol sa
mundong kaniyang
ginagalawan.
4. Wika
• Pangunahing behikulong
ginagamit sa nararamdaman
at naiisip.
Mga Gampanin ng
Retorika

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Mga Gampanin ng Retorika


a. Nagbibigay-daan sa Komunikasyon. Ano man
ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating
ipahayag sa pasalita o pasulat na paraan upang
maunawaan ng ibang tao.
b. Nagdidistrak. Dahil sa pakikinig natin sa iba o sa
pagbabasa natin ng mga akda, maaaring
nadidistrak ang ating isipan sa mga masasakit na
realidad sa ating lipunan.

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Mga Gampanin ng Retorika


c. Nagpapalawak ng Pananaw. Sa tuwing tayo’y
nakikinig o nagbabasa, maaaring may
natututunan tayong bagong kaalaman na
mahalaga.

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Mga Gampanin ng Retorika


d. Nagbibigay-ngalan. Ang mga bagay-bagay sa
ating paligid ay dumating o ipinanganak nang
walang label.

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Mga Gampanin ng Retorika


e. Nagbibigay-kapangyarihan. Dahil sa retorika,
napakaraming tao ang naging prominente at
makapangyarihan.

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA Mga Gampanin ng Retorika


Supplemental Learning Materials
Aristotle
https://www.britannica.com/biography/Aristotle

Cicero
https://www.britannica.com/biography/Cicero

Marcus Fabius Quintilian


https://www.acsu.buffalo.edu/~duchan/new_history/ancient_history/quintilian.html

Plato
https://www.britannica.com/biography/Plato

Quintillian
https://cdn.britannica.com/58/181058-050-9CC9F60F/Marcus-Tullius-Cicero-detail-marble-bust-Capitoline.jpg

Retorika
https://www.youtube.com/watch?v=vtBX4GeCLgg

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA FILI102: Retorika


Sanggunian
Bendalan, N.M.B. (2018). Retorika: Mabisa at Masining na Pagpapahayag at
Pagsasalin para sa mga Milenyal. Quezon City: Wiseman’s BooksTrading,
Inc.

Bernales, R.A. et.al. (2018). Retorika: Ang Sining Pagpapahayag. Malabon


City: Mutya Publishing House, Inc.

Mabait, M.A. (n.d.). Pahapyaw na Kasaysayan ng Retorika. PDF Slide. Retrieved


from https://pdfslide.tips/documents/pahapyawnakasaysayanngretorika-
140708035822-phpapp01pptx.html?page=1

Aralin 1: BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA FILI102: Retorika


Maraming Salamat sa pakikinig!

BENEDICT Q. TORDILLOS
Instraktor, Kolehiyo ng Sining at Agham

You might also like