You are on page 1of 1

Retorika

1. Depinisyon
Ang Retorika ay isang sining ng pakikipagusap at pagsulat. Ito ay isang pag - aaral ukol
sa kasiningan at kahusayan ng isang indibdwal sa pagpili ng salitang gagamitin sa
pagsusulat o pagsasalita. Katulad ng pag-awit, ang retorika ay isang sining. Sa
pamamagitan ng mga simbolo na maaaring pasalita o pasulat, lumilikha ito ng isang
likhang-sining na may taglay na sariling halagang estetiko na naiiwan o nagkakabisa sa
ating kaisipan, damdamin at kaasalan.

2. Pinagmulan
Galing sa salitang Griyego na "rhetorikos" na nangangahulugang "pagpapahayag o
pagmadla"
Ang Retorika ay pinaniniwalaang nagsimula sa Syracuse, Sicily noong ikalaimang siglo
bago dumating si Kristo. Ang mga mamamayan ng Syracuse ay nabigyan ng
pagkakataong ilabas ang kanilang mga saloobin sa pamamamigtan ng retorika matapos
bumagsak ang sistemang diktaturya.

3. Mga Unang Orador


● Demosthenes - Tanyag at dakilang orador. Pautal magsalita ngunit dahil sa
madalas na pagaubo ng bato ay kanya itong naituwid.
● Cicero - dakilang orador ng rome na nagpakilala sa mga talumpati na nakapukaw
sa emosyon
● Graciano Lopez Haena - tinawag na prinsipe ng Manunulampating Tagalog.
Kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. Del pilar, binuo nila ang triumvirate ng
Kilusang Propaganda
● Epifanio de los Santos - Isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay,
musikero, pintor, kritiko, manunulat, pilosopo at masugid na kolektor ng mga
antique.
● Francisco Baltazar - isang kilalang makata at may akda at binansagang “
Prinsipe ng Manunulang Tagalog”

4. Ang Retorika ayon kay


a.) Ayon kay Aristotle ang Retorika ay ang "kakayahang ng isip na mabakas ang
pamamaraan ng paghikayat na ginagamit sa isang sitwasyon
b.) Ang Retorika ay ay siyensa o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon,
(Socrates,300BC)
c.) Ayon namaan kay Plato, ito ay ang sining ng paghikayat na katuwang ng diyalektika
(proseso ng pag abot sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa magkakataliwas
na argumentong sangkot)

You might also like