You are on page 1of 1

Si Socrates ay isang Klasikong Griyegong pilosopo.

Ipinanganak siya sa Alopeke , Athens at


ang kanyang mga magulang ay sina Sophroniscus at Phaenarete. Siya ay tinaguriang “Ama ng
Kanlurang Pilosopiya” dahil isa siya sa mga nagtatag ng Kanlurang Pilosopiya. Sa Athens
noong panahon niya, siya ay palaging nagtuturo sa mga tao , nagbibigay aral sa
iba , at pulitiko ng Athenians. Dahil sa kanyang karunungan, nakapaggawa siya ng
pamamaraan at ito ay ang Socratic Method. Ang Socratic Method o ang elenchus ay isang anyo
ng pagtatanong at talakayan sa pagitan ng mga indibidwal, batay sa pagtatanong at pagsagot
sa mga tanong upang pasiglahin ang kritikal na pag-iisip at upang maipaliwanag ang mga
ideya. Ang pamamaraan na ito ay dinisenyo upang makatulong na suriin ang sariling paniniwala
at ang kanilang halaga. Nakakuha siya ng korona ng ama ng pilosopiyang pampulitika at moral
na pilosopya at naging isang lider siya ng Kanlurang pilosopiya. Lalong nakilala siya sa kanyang
paniniwala sa ideal na buhay at sa imortalidad ng kaluluwa. Naging estudyante ni Socrates ang
mga kilala din na mga pilosopo na sina Plato at Xenophon. Dahil sa mga ginawa niya ,
paniniwala niya at nangyari sa kanyang buhay at panahon, nabuo ang Socratic Problem (ang
problema na may pangunahing katangian – Walang pruweba na si Socrates ang nagsulat ng
kanyang mga pilosopiya at talambuhay) at Socratic Irony (ang isang paraan na pagpapanggap
na wala kang alam sa paksa para malaman mo na gaano alam ng kinakausap mo/sumasagot
sayo ang paksa ).

You might also like