You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SAN MIGUEL 1 District
LIBAS SUD INTEGRATED SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT (WRITTEN& PERFORMANCE)


FILIPINO 10
LINGGO 1 &
Pangalan:________________________________________Seksyon:__________________

Lagda ng Magulang: ___________________________Iskor: ________________________

Most Essential Learning Competencies:

*Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari


sa:
• sariling karanasan
• pamilya
• pamayanan
• lipunan
• daigdig

*Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling impormasyon tungkol


sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig.

I - Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa sagutang papel.
1. Ang _____ay ang sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at
nagtataglay ng tauhan ng karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng
pagkaraniwang mortal.
A. Alamat B. Mitolohiya C. Nobela D. Tula
2. Sino ang mortal na kinaiinggitan ng diyosang si Venus dahil sa taglay nitong kagandahan?
A. Ambriosa B. Apollo C. Cupid D. Psyche
3. Dahil sa inggit ng mga nakakatandang kapatid ni Psyche ay nakabuo sila ng masamang plano.
Ano ang gamit na pandiwa?
A. Aksyon B. Karanasan C. Pangyayari D. Wala
4. Kanino humingi ng payo ang ama ni Psyche sa pagkabahala nitong hindi na makapag-aasawa
ang anak?
A. Apollo B. Jupiter C. Psyche D. Venus
5. Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche. Anong pandiwa ang gamit?
A. Aksyon B. Karanasan C. Pangyayari D. Wala
6. Ano ang gamit ng Ambrosia?
A. pananggalang laban sa kaaway
B. isang tinapay na para sa immortal
C. magiging immortal ang sinumang kakain nito
D. isang gamot nagbibigay lunas sa sakit ni Psyche
7. Anong pandiwa ang gamit sa pangungusap na ito? “Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at
natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga diyos”.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SAN MIGUEL 1 District
LIBAS SUD INTEGRATED SCHOOL

A. Aksyon B. Karanasan C. Pangyayari D. Tagatanggap


8. Sino ang unang nakasalubong ni Wigan sa kanyang paglalakbay patungo sa mga diyos?
A. Bathala B. Bugan C. Igat D. Pating
9. Aling pangungusap ang may pandiwa na gamit ay karanasan?
A. Naawa ang buwaya kay Wigan.
B. Binigyan ni Venus ng pagsubok si Psyche.
C. Naglakbay si Wigan patungo sa mga Diyos.
D. Labis na kalungkutan ang nadarama ng mag-asawa sapagkat wala silang anak.
10. Anong ritwal ang itinuro kina Wigan at Bugan upang magkaroon ng masaganang
pamumuhay?
A. ritwal na bu-ad B. ritwal na pagluluksa
C. ritwal na pasasalamat D. ritwal para sa masagan na ani

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik nang wastong sagot sa
sagutang papel.

1. Ang pagkakagamit nito ay nakaaapekto sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting


gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
a. Anyo at estruktura C. kaisipan
b. Wika at Estilo D. diwa
2. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa?
a. Dula b. Tula c. Sanaysay d. Maikling kwento
3. Isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
a. Anyo at estruktura c. kaisipan
b. Tema d. diwa
4. Ang akdang Alegorya ng Yungib ay sanaysay na mula sa Greece. Na isinalin sa Filipino ni:
a. Alejandro G. Abadilla c. Willita A. Enrijo
b. Emilio Jacinto d. Roderick P. Urgelles
5. Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na
gumagamit ng sariling himig ang may-akda.
a. Anyo at estruktura c. kaisipan
b. Larawan ng buhay d. damdamin
6. Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot,
mapanudyo at iba pa.
a. Himig c. kaisipan
b. Larawan ng buhay d. damdamin
7. Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang gusali ang mayamang kasaysayang nag-
uugat pa sa malayong nakaraan.
b. naglalagi b. nagtataglay c. nagmumula d. naiiwan
8. Ang paa ng mga mananayaw ay singgan ng hangin at hindi halos lumalapat sa sahig.
b. lumalakad b. sumasayad c. sumasayaw d. lumilitaw
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SAN MIGUEL 1 District
LIBAS SUD INTEGRATED SCHOOL

9. Ang isang kaugaliang natatangi sa mga Espanyol ay ang paglalaan nila ng tatlong oras para sa
pananghalian at pagsi-siesta.
a. Naiiba c. nakakapareho
b. Nakadaragdag d. nagagawa
10. Ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa mga toro sa isinasagawa nilang bullfight.
a. nakikipagtiyagaan c. nakikipag-isa
b. nakikipagpaligsahan d. nakikipagsabwatan
II. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pagpapahayag ng opinyon o pananaw ng bawat bilang.
Isulat ang salitang Angkop kung gumamit ng ekspresyon sa pagpapahayag, Hindi Angkop kung
hindi gumamit ng ekspresyon sa pagpapahayag. Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.
1. Sa aking palagay, nararapat sundin ng mga Espanyol ang mga rekomendasyon ng kanilang binuong
komisyon para na rin sa kanilang ikabubuti at ikauunlad ng kanilang ekonomiya.
________________________
2. Hindi ako papayag! Walang sinumang makapagpapabago sa kaugaliang matagal na naming
ginagawa kahit pa siya ang pinakamataas na pinuno ng mundo. ___________________
3. Sa tingin ko, kakayanin ng mga Espanyol na mabago ang nakaugaliang ito basta maipapaliwanag
lang sa kanila ang mabubuting maidudulot ng hakbang na ito. ______________________
4. Para sa akin, susunod lang ako kapag naiintindihan kong mabuti kung bakit kailangan kong
sumunod. ___________________________
5. Kayo na lang ang sumunod kung gusto ninyo, Basta ako, magsi-siesta ako hanggang gusto ko at
walang makapipigil sa akin. ___________________________

Performance Task
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SAN MIGUEL 1 District
LIBAS SUD INTEGRATED SCHOOL

Susi Sa Pagwawasto

1. C
2. D
3. B
4. B
5. C
6. A
7. A
8. C
9. C
10. A

II

1. B
2. C
3. A
4. C
5. B
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SAN MIGUEL 1 District
LIBAS SUD INTEGRATED SCHOOL

6. A
7. C
8. B
9. A
10. B

III

1. Angkop
2. Hindi Angkop
3. Angkop
4. Angkop
5. Hindi Angkop

You might also like