You are on page 1of 10

Department of Education

Schools Division of Iloilo City


District IV- C Jaro
JUDITH LAZARRAGA TIONGCO MEMORIAL SCHOOL
Brgy. Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City
2nd SUMMATIVE TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _____________________________________________Seksyon:_______________Iskor:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat sa linya ang titik na tumutugma sa iyong napiling
sagot.

________1. Ano ang nararapat gawin kapag kinakailangang magbigay ng desisyon?


a. Madaliin ito c. Ipaubaya ang pagdedesisyon sa nakakaalam
b. Alamin muna ang sitwasyon d. Iwasang magdesisyon upang hindi masisi kapag nagkamali
________2. Bakit kinakailangang maintindihan nang mabuti ang mga pangyayari bago magpasya?
a. Upang maging sikat c. Upang maging magaling na mananaliksik
b. Upang hangaan ng iba d. Upang makapagbigay ng angkop na pasya
________3. Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Gumagabi na at nagugutom na ang
iyong mga kapatid. Ano ang gagawin mo kung hindi ka marunong magluto?
a. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong
b. Hintayin na lamang ang pagdating ng magulang
c. Makiusap sa kapitbahay na tulungan ka na magluto
d. Udyukan ang mga kapatid na umiyak nang malakas hangang sa may tumulong sa inyo
________4. Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa mall at napagkasunduang dadaanan ka nila
kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangan mo palang mag-aral para sa panahunang pagsusulit kinabukasan.
Ano ang gagawin mo pagdaan nilasa bahay nyo?
a. Hindi na lang magpapakita sa kanila
b. Magdadahilan na lamang na masama ang pakiramdam
c. Haharapin nang maayos ang mga kaibigan at sasabihing kailangan mong mag-aral
d. Agad na sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong napagkasunduan
________5. Kaarawan ni Julia ngunit nagkataon namang namatay ang kapitbahay nila atdahil dito ay hindi na lang itinuloy
ang plano nilang handaan dahil sa pangyayari. Ano ang masasabi mo sa ginawang desisyon ng pamilya ni Julia?
a. Mabuti, dahil makakatipid sila. c. Mali, dahil karapatan din nilang sumaya
b. Mabuti, dahil dapat silang makiramay. d. Mali, dahil hindi naman sila ang namatayan.
________6. Ang pagtulong sa kapwa ay ginagawa __________________.
a. kapalit ng pabuya. c. kahit hindi hinihiling ang iyong tulong.
b. kapag ikaw ay napipilitan. d. sa mga panahon lamang na hinihingi ang iyong tulong.
------------7. Nakita mong parating ang inyong guro na maraming dala-dalang gamit sa pagtuturo. Alin sa mga sumusunod
ang dapat mong gawin?
a. Salubungin siya para tulungan c. Panoorin siyang nahihirapan sa pagbubuhat
b. Umiwas habang hindi ka pa niya nakikita d. Utusan ang kamag-aral na tulungan ang inyong guro
________8. Ano ang dapat mong gawin kung may kaibigan kang naiwala ang kanyang pamasahe pauwi?
a. Pahiramin siya ng pamasahe c. Payuhan siyang maglakad na lang pauwi
b. Pagalitan siya dahil sa pagiging pabaya d. Sabihan siyang ingatan ang kanyang pera upang hindi mawala
________9. Alin sa ibaba ang kahanga-hangang gawi ng isang tao?
a. Tumulong kahit sa hindi kakilala
b. Tumulong sa mga kakilala lamang
c. Tumulong sa mga taong mukhang mababait at disente
d. Tumulong sa mga taong makakatulong sa iyo pagdating ng araw
________10. May kaklase kang mahiyain na nakaupo lang nang tahimik sa oras ng recess dahil wala siyang baon. Hindi man
niya sabihin ay batid mong nagugutom siya. Ano ang gagawin mo?
a. Pabayaan na lang siya c. Sabihan siyang magdala palagi ng baon
b. Alukin siyang bilhin ang iyong baon d. Lapitan siya at hatian ng dala mong baon
------------11. Ano ang dapat isinasaisip kapag naatasan ka ng isang mahirap na gawain.
a. Huwag itong gawin. c. Gawin ito nang maayos at bukal sa kalooban.
b. Ipagawa na lang ito sa iba. d. Tapusin ito sa pamamagitan ng isang mabilis na paraan
________12. Mahuhuli ka na sa klase ngunit may nakasabay ka sa pagtawid sa kalye na isang matanda na hirap nang
maglakad. Ano ang gagawin mo?
a. Utusan ang matanda na maglakad nang mabilis
b. Payuhan ang matanda na huwag na lang tumawid
c. Akayin siya hanggang makatawid kahit na mahuli ka pa sa klase
d. Huwag na lamang siyang pansinin upang di ka mahuli sa pagpasok
________13. Maysakit ang iyong ina at nagkataon pa na walang pera ang iyong ama. May naipon kang pera na pambili sana
ng gusto mong laruan. Ano ang tamang desisyon sa ganitong sitwasyon?
a. Ipagwalang-bahala ang suliranin ng pamilya
b. Ialok ang naipong halaga upang maipagamot ang ina
c. Magpalimos para maipagamot ang iyong inang maysakit
d. Sabihan ang ama na mangutang sa mga kamag-anak at mga kakilala
________14. May mga kamag-anak kayong lumikas dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar at nakiusap na manuluyan
pansamantala sa inyong bakanteng silid. Ano ang imumungkahi mo sa pamilya ninyo?
a. Payuhan ang mga kamag-anak na sa DSWD sila magpatulong
b. Kumbinsihin ang mga magulang na patuluyin ang mga kamag-anak
c. Sabihan ang mga magulang na humingi ng renta sa mga kamag-anak
d. Tanggihan ang mga kamag-anak dahil magiging abala lamang sila sa pamilya ninyo
________15. Isang hapon ay nakita mong napakarumi ng paligid ng inyong bahay. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Utusan ang mga kapatid na maglinis c. Pabayaan na lang na marumi ang paligid
b. Hintayin na ikaw ay utusang maglinis d. Linisin ang paligid kahit na walang nag-uutos
________16. Kailan dapat tinatapos ang isang gawaing sa iyo iniatas?
a. Pagkalipas ng itinakdang oras c. Sa itinakdang oras o mas maaga pa
b. Kung kailan mo ito gustong tapusin d. Sa panahong kinakailangan mo nang magmadali
________17. Bakit kinakailangang gawin agad nang maaga ang gawain?
a. Upang bigyan ka ng pabuya c. Upang makapagyabang na mabilis gumawa
b. Upang hindi mapagalitan ng nag-utos d. Upang matapos ito nang mas maaga o sa takdang oras
________18. Ano ang maaaring ipinahihiwatig kapag ang isang tao ay nagpapakita ng pagkamaagap?
a. Nais niyang magpasikat. c. Wala siyang pakialam sa oras.
b. Mahalaga sa kanya ang oras. d. Marami siyang oras na ginugugol sa paggawa.
________19. Ano ang matalinong hakbang upang matapos ang mga gawain sa loob ng itinakdang oras?
a. Gumawa ng iskedyul ng Gawain
b. Unahin ang pinakamadaling gawi
c. Makiusap sa iba na lagi kang paalalahanan sa dapat gawin
d. Gawin ito kapag malapit na ang itinakdang oras upang hindi makalimutan
________20. Paano mo magagawang maging higit na produktibo ang oras sa paggawa?
a. Tapusin lamang ang mga madadaling Gawain
b. Unahing gawin ang mga bagay na higit na mahalaga
c. Gawin kung ano ang iminumungkahi ng mga kaibigan
d. Unang asikasuhin ang mga gawaing mas gusto mo kaysa iba

________21. Kailan mo dapat sang-ayunan ang kagustuhan ng nakararami?


a. Kung ito’y para sa ikabubuti c. Kapag ikaw ay higit na makikinabang dito
b. Kung ikaw ay walang ibang kakampi d. Kapag ikaw ay napipilitang sumang-ayon na lamang
________22. Lahat ng mga kaklase mo ay sumang-ayon na electric fan ang magiging proyekto para sa inyong silid-aralan
ngunit sa tingin mo ay kurtina ang dapat na paglaanan ng pondo. Alin sa sumusunod ang gagawin mo?
a. Ipagpilitan ang iyong gusto
b. Sumang-ayon sa kagustuhan ng nakararami
c. Magtampo sa lahat dahil hindi nasunod ang iyong gusto
d. Kumbinsihin ang iba na baguhin ang kanilang nasang-ayunan

________23. Sa tingin ni Mildred ay mas nararapat si Claire na maging presidente ng inyong klase ngunit si Grace ang
nanalo sa botohan. Ano ang tamang ugali na dapat ipakita ni Mildred?
a. Ibigay ang buong suporta kay Grace
b. Ipahayag sa lahat na tutol ka sa kanilang pinili
c. Huwag suportahan si Grace dahil hindi mo siya gusto
d. Kutyain ang mga kaklase dahil hindi nararapat ang kanilang pinili

________24. Nagkaisa ang iyong mga kaibigan sa paaralan na lumiban sa klase sa hapon upang maglaro ng basketball. Ano
ang magiging pasya mo?
a. Huwag sumama dahil alam mong hindi mabuti ang binabalak nila
b. Sasama sa mga kaibigan dahil ito ang napagkasunduan ng buong grupo
c. Magyaya ng iba pang sumama upang mas marami kayong hindi papasok
d. Sabihin sa mgakaibigan na ipagpaalam ka sa iyong mga magulang upang may dahilan kang hindi pumasok

________25. Bakit kinakailangang timbangin muna kung para sa ikabubuti ang pasya ng karamihan bago ka sumang-ayon?
a. Upang mapansin ng karamihan c. Upang maging batayan ng iyong pagsang-ayon
b. Upang tumagal ang proseso ng pagpapasya d. Upang maging hadlang sa ninanais ng nakararami
Department of Education
Schools Division of Iloilo City
District IV- C Jaro
JUDITH LAZARRAGA TIONGCO MEMORIAL SCHOOL
Brgy. Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City
3rd SUMMATIVE TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan:_____________________________________________Seksyon:_______________Iskor:_______
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat sa linya ang titik na tumutugma sa iyong
napiling sagot.
Para sa aytem bilang 1-5, basahin ang maikling kuwento sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong tungkol
sa binasa.
Si Jane ang pinakamagaling umawit sa kanilang klase. Nang inanunsyo ng punong-guro na magkakaroon ng
paligsahan sa pag-awit sa buong paaralan ay hindi siya nag-atubiling magdesisyong sumali. Araw-araw siyang nag-eensayo
upang paghandaan ang patimpalak.
Dumating ang araw ng paligsahan at labis ang nadarama niyang kaba dahil magagaling din ang kanyang mga
makakatunggali. Hindi siya nagpadaig sa nararamdaman, bagkus ay buong husay niyang ipinamalas ang kanyang angking
galing sa pagkanta. Humanga ang lahat pati na ang mga hurado. Sa bandang huli ay itinanghal siyang kampeon ng mga
hurado sa kompetistyong iyon dahil sa husay niyang umawit. Masayang-masaya si Jane dahil sa kanyang nakamit na
tagumpay.
________1. Ano ang nakatulong kayJane upang mapagwagian ang paligsahan?
a. katapatan b. katalinuhan c. lakas ng loob d. kagandahang-asal
________2. Anong kakayahan mayroon si Jane na naging batayan ng mga hurado upang siya ay papanalunin?
a. bilis ng isip b. liksi ng katawan c. husay sa pagsasalita d. Kahanga-hangang pag-awit
________3. Ano ang dapat mong taglay na kakayahan kung ikaw ay gustong manalo sa contest sa pagguhit?
a. husay sa pagpapasya c. talino upang sagutin ang mga katanungan
b. husay sa pakikipag-usap d. ang abilidad na makaguhit ng maganda at angkop sa tema
________4. Sapat na ba ang tibay ng loob upang ikaw ay magwagi sa bawat larangan?
a. Hindi, dahil lahat ng tao ay matibay ang loob
b. Oo, tibay ng loob lamang ang tangi nating kailangan.
c. Oo, dahil ang nagpapakita lamang ng tapang ang madalas na pinapanigan
d. Hindi, dahil kailangan mo ring magkaroon ng abilidad sa pinaglalabanang larangan
________5. Alin sa mga sumusunod ang dapat maging batayan sa pagbibigay ng pasya?
a. Ang kakayahang makaiwas sa pananagutan
b. Ang kakayahang makagawa ng hindi tama.
c. Ang kakayahang magawa nang tama at maayos ang tungkulin
d. Ang dami ng taong maaaring tumapos sa gawain kapag hindi kinaya
________6. Ang pagtanggap ng tungkulin ay ____________________
a. dapat na iniiwasan.
b. dapat na naaayon sa sariling kakayahan.
c. hindi na pinag-iisipan kung kayang gawin nang maayos.
d. para lamang sa mga taong mahilig magprisinta ng sarili.
________7. Kailan ka dapat tumanggap ng tungkulin?
a. kung ikaw ay napipilitan lamang c. kung gusto mong hangaan ka ng marami
b. kung malaki ang ibabayad sa iyo d. kung sa tingin mo ay kakayanin mo ang gawain
________8. Ikaw ay inuudyukan na tumakbo bilang pangulo ng inyong samahan ngunit batid mong hindi mo
magagampanan nang mabuti ang tungkulin dahil sa dami ng iyong inaasikaso. Dapat mo bang pagbigyan ang nag-
uudyok sa iyo?
a. Oo, upang mapasaya lang sila
b. Hindi, dahil alam mong hindi ka magiging epektibong pinuno
c. Oo, dahil gusto mong maranasan ang pakiramdam ng namumuno
d. Hindi, dahil wala ka namang kikitain sa pagtanggap ng tungkulin na ito
________9. May nag-alok sa iyo ng malaking halaga para tapusin ang ipinapagawa sa iyo ng mas maaga pa sa
kaya mong gawin. Ano ang magiging pasya mo?
a. Tanggihan ang iniaalok dahil ayaw mong minamadali ka
b. Tanggihan ang iniaalok dahil alam mong hindi ka makakatupad sa usapan
c. Tanggapin ang alok at magdahilan na lamang kapag hinanap na ang napagkasunduan
d. Tanggapin agad ang alok kahit na hindi mo kayang tapusin ang trabaho sa napagkasunduang oras
________10. Kinukumbinsi ka ng isang ahente na mangutang ng kasangkapan sa bahay gayong hindi mo naman
kayang bayaran ang buwanang hulog. Ano ang angkop na desisyon sa sitwasyong
a. Ibenta ang ibang kasangkapan upang may maipambayad
b. Mangungutang ka ng kasangkapan dahil nahihiya kang tumanggi
c. Mangungutang ka ngunit magtatago na sa panahon ng paniningil
d. Hindi ka magpapadala sa pangungumbinsi dahil sigurado kang mahihirapan ka sa bayarin
________11. Alin sa mga sumusunod ang dapat na maging batayan sa paggawa ng solusyon sa kinakaharap na
suliranin?
a. wastong impormasyon c. pinakamabilis na solusyon sa suliranin
b. ayon sa sinasabi ng mga kaibigan d. pinakamadali o pinakasimpleng paraan
________12. Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa
darating na Sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano
ang gagawin mo?
a. tutulong muna sa paglilinis bago manglaro
b. maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada
c. tutulong na nakasimangot
d. tutulong na magdadabog
________13. Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
a. tumulong upang solusyonan ang problema
b. ipagwalang-bahala ang problema
c. tawanan ang problema
d. gawin nang wasto at angkop na solusyon sa problema
________14. Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral.
a. gawin ang mgagawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro
b. gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin
c. pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin
d. pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera
_______15. Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa
magulang.
a. ang pagkawalang bahala sa kanyang gawain
b. ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain
c. ang pagkamainisin sa kanyang gawain
d. ang pagkamatiyaga sa kanyang Gawain.
Para sa aytem bilang 41 hanggang 45, basahin at unawain ang kasunod na kuwento at sagutin ang mga tanong
na kasunod nito.
,

Ang bakuran ni Mang Rolly ay katabi ng isang eskinita na patungo sa marami pang mga kabahayan sa looban.
Dahil sa dalas ng sunog na nangyayari sa kanilang lugar, pinakiusapan siya ng mga opisyal ng barangay na bawasan ng
kaunti ang kanyang bakuran upang makadaan ang trak ng bumbero kapag nagkasunog. Noong una ay atubili pa siyang
pumayag dahil liliit ang kanyang espasyo ngunit sa kanyang pagsusuri ay napagtanto niyang marami ang masasalanta
kapag di siya pumayag. Agad na tumalima si Mang Rolly at binawasan ang kanyang bakuran upang lumaki ang dating
masikip na eskinita.
________16. Ano ang hiniling ng mga opisyal ng barangay kay Mang Rolly?
a. Ipasara ang eskinita c. Lisanin ang kanilang barangay
b. Magsilbi bilang bumbero d. Bawasan ang kanyang bakuran
________17. Bakit kinakailangan niyang isakripisyo ang kaunting bahagi ng kanyang espasyo?
a. Malaki ang ibabayad sa kanya.
b. Takot siya sa mga nakatira sa kanilang lugar.
c. Marami ang maaapektuhan kapag nagkasunogsa kanila.
d. Malaki ang kanyang utang na loob sa mga opisyal ng barangay.
________18. Ano ang binigyan niya ng halaga nang siya’y pumayag sa mungkahi?
a. Ang kapakanan ng nakararami
b. Ang ibabayad sa kanya dahil sa pagpayag
c. Ang kanilang pagiging magkaibigan ng mga opisyal ng barangay
d. Ang maaaring sabihin ng mga tao sa kanya kapag siya’y tumanggi
________19. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita ni Mang Rolly sa kwento?
a. Pagmamahal sa sarili c. Pagbibigay-halaga sa ikabubuti ng nakararami
b. Pagiging mabuting kaibigan d. Pagbibigay-halaga sa magiging puna ng mga tao
________20. Kung ikaw si Mang Rolly, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
a. Oo, upang higit na marami ang makikinabang
b. Oo, upang mapuri ng mga tao sa aming lugar
c. Hindi. Higit na mahalaga ang lupa na pag-aari ko.
d. Hindi. Wala akong tungkulin o pananagutan sa ibang tao
Department of Education
Schools Division of Iloilo City
District IV- C Jaro
JUDITH LAZARRAGA TIONGCO MEMORIAL SCHOOL
Brgy. Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City
1st SUMMATIVE TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _____________________________________________Seksyon:_______________Iskor:________
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat sa linya ang titik na
tumutugma sa iyong napiling sagot.
_______1. Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng
gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o
nagtanim ng sama ng loob. Anong katangian na ipinahihiwatig sa sitwasyon?
a. Pagkamatiyaga c. Pagbukas ng isipan
b. pagmamahal sa katotohanan d. pagkamahinahon
_______2. Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha ang mga ito
ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura
upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral. Anong katangian na ipinahihiwatig sa sitwasyon?
a. pagiging malinis c. May paninindigan
b. may paninindigan d. Pagiging mahinahon
_______3. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit nagbilin
ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa
iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga. Anong katangian na ipinahihiwatig sa sitwasyon?
a. lakas ng loob c. Pagiging responsable
b. kaalaman d. May paninindigan
______4. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw magiging maayos din
ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon. Anong katangian na
ipinahihiwatig sa sitwasyon?
a. pagmamahal sa katotohanan c. May pananampalataya
b. may paninindigan d. Katatagan ng loob
_______6. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya upang ipambili ng pagkain para
sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta? Anong katangian na ipinahihiwatig sa
sitwasyon?
a. Kaalaman c. Bukas na isipan
b. pagmamahal sa pamilya d. Lakas ng loob
_____7. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo?
a.Pagagalitan ko ang aking kapatid.
b.Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
c. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
d.Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa klase
at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng kaniyang
madalas na pagliban sa klase.
________8. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang
kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasali sa paligsahan.
b. Hindi ka sasali sa paligsahan.
c. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
d. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
______9. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na
ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasama kang maligo sa ilog.
b. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
c. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
d. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
______10. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
b. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.
c. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
d. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.

________11. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibigay
ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Titigil sap ag-aaral
b. Babawasan ang kinakain
c. Iwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan
________12. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan. Ngayong taon,
dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang dumalo. Isa ka sa napili. Nais
magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano pinmamahalaan ng opisyal ng bayan ang sesyon, pero hindi siya
kasama sa pinyagang dumalo. Ano ang gagawin mo?
a. Hikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo
b. Magkunwaring hindi naririnig ang paggigiit ng kamag-aral
c. Sabihin sa mag-aaral na ikukuwento na lang sa kanya ang mangyayari
________13. Pareho kayo ng kapatid mon a kailangang bumili ng tela para s a inyong kasuotan sa isang palabas
ngunit kulang ang iyong pera. Ano ang gagawin mo?
a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan
b. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral
c. Maghahanap ng damit na maaring magamit
________14. Binigyan ka ng tatay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati ka ng nakapunta sa museo
sa iyon pero interesado ka pang pumunta ulit. Nais ng mga kaibigan mo na pumunta pero apat kayo at tatlo lang
ang ticket. Ano ang gagawin mo?
a. Magmumungkahi ng bunutan
b. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta
c. Bibili ng isa pang ticket
________15. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamg-aral na alam mong higit na
magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kaniyang kakayahan. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa klase na siya ang papalit sa iyo
b. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan siya nga pagkakataon
c. Sasabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay

II. Isulat ang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay nagsasaad ng naaayong hakbang sa
pagpasya at MALI kung hindi.
Department of Education
Schools Division of Iloilo City
District IV- C Jaro
JUDITH LAZARRAGA TIONGCO MEMORIAL SCHOOL
Brgy. Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City
4th SUMMATIVE TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _____________________________________________Seksyon:_______________Iskor:________

I. Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap. Isulat sa linya ang iyong sagot.
1. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay laging nakabubuti sa akin.
2. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa lahat upang
walang matapakan/masaktan o mapinsala.
3. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.
4. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawa o ibibigay.
5. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pag- aalinlangan.
6. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa pagpapasya.
7. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa kinabibilangang
relihiyon.
8. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnan o maging bunga o resulta ng
isang gagawing desisyon o bibitawang pasya.
9. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulong ng iba.

_______________10. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawa ng huling pagpapasya.

II. Panuto: Iguhit sa linya ang mukhang masaya kung tama at malungkot

naman kung mali ang iyong mararamdaman sa bawat sitwasyon.


11. Nawala mo ang pambayad sa kuryente. Sinabihan ka ng pinsan mo na ipaalam ang
totoo sa iyong mga magulang kahit na magalit at malungkot sila dahil inutang lamang ang pera na
naiwala mo.
12. May inuumpisahan kang isang bagay na makatutulong para mabawasan ang basura sa
inyong paligid. Pinayuhan ka ng iyong guro na ipagpatuloy ang naimbento mo at ipakita sa inyong
punong guro para mabigyan ng pansin at mapanatili ang kalinisan ng inyong kapaligiran.
13. Nawalan ng trabaho ang tatay mo at hirap na kayo sa buhay dahil may mga maliliit ka
pang kapatid. Sinabihan ka ng inyong kapitbahay na maghanap ng trabaho.
14. Ikaw ay may talento sa pagkanta, niyaya ka ng iyong kasamahan sa simbahan na
sumali sa kanilang choir ngunit sinabihan ka ng iyong barkada na huwag na dahil aksaya lamang ito sa
oras.
15. May proyekto kayo sa EsP na ipapasa sa Huwebes, niyaya ka ng iyong mga kaklase na
sabay kayong gumawa ng proyektong iyon para masaya at makapagbigay ng opinyon sa isa’t isa
upang maging maganda ang kalalabasan nito.
III. Buuin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang letra ng iyong sagot sa linya
bago ang numero.
________16. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang ______________.
a. Panlahat c. Para sa lider
b. Pangmarami d. Para sa hindi miyembro ng pangkat
________17. Naipakikita ang pakikipagtulungan sa _____________.
a. Hindi paggawa sa napagkasunduan
b. Pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
c. Hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng loob sa ibang
miyembro ng pangkat
d. Pagpipilit na gawain kung ano ang tama sa kanyang isip kahit hindi sang-
ayon ang iba pang miyembro
________18. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat _____________.
a. Sinusunod ang sariling kagustuhan
b. Ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
c. Hinahayaan ang ibang mga miyembro na mag pasya para sa lahat
d. Nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasya

________19. Tumutukoy sa _________ ang mapanuring pag-iisip.


a. Pagatatago ng mga detalye sa isang suliranin
b. Pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
c. Pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
d. Pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasya

________20. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong _______.


a. Magkaroon ng patunay
b. Ipilit ang iyong opinyon
c. Hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
d. Magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal
na pananaw

IV. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa linya.

_______21. Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang
dadalo. Ngunit marami kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?
a. ipagwalang bahala ito
b. dadalo dahil nakapangako ka
c. hahanap ng “alibi”
d. ipagpapatuloy ang gagawin

_______22. Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain
sa iyo. Ano ang nararapat
mong gawin?
a. kagalitan ang bata c. bigyan ng pagkain ang bata
b. ipagtabuyan ang bata d. murahin ang bata

_______23. Tuwing araw ng Linggo, sabay-sabay na nagsisimba ang mag-anak ni Mang Andoy? Bakit
kaya sila nagsisimba?
a. wala silang magawa sa bahay
b. magpasalamat sa mga biyayang natanggap
c. mag-usyoso sa simbahan
d. ipakita ang magagarang damit

______24. Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang
tahanan sa darating na
sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano
ang gagawin mo?
a. tutulong muna sa paglilinis bago manglaro
b. maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada
c. tutulong na nakasimangot
d. tutulong na magdadabog

______25. Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral.


a. gawin ang mga gawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro
b. gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin
c. pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin
d. pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera

You might also like