You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of General Trias City
MANGGAHAN ELEMENTARY SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Achievement Test

Pangalan:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik sa guhit bago ang bilang.
________1. Papasok ka sa paaralan. Ano ang sasabihin mo kay Nanay at Tatay?
A. Aalis na ako
B. Papasok na po ako
C. Wala kang sasabihin

________2. Naligaw ka ng daan pauwi sa inyong bahay. Nakakita ka ng tindahan at ikaw ay nagtanong. Ano
ang sasabihin o gagawin mo?
A. Maari po bang magtanong?
B. May itatanong ako
C. Hindi na lamang magtatanong

_________3. Nahihirapan ka sa takdang-aralin na ibinigay ng inyon guro. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatanong ng sagot sa kaklase.
B. Magpapatulong ako kay nanay o ate.
C. Hiindi ako gagawa ng takdang aralin.

__________4. Dumating sina lolo at lola, nais nilang marinig ang boses mo dahil magaling kang kumanta. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hindi ako kakanta dahil nahihiya ako
B. Aawitan ko sila
C. Sasabihin kong sa susund na lamang ako kakanta
___________5. Maliksi ka sa larong takbuhan. Nagkaroon ng paligsahan sa inyong paaralan at nais ng iyong
guro na ikaw ay sumali. Ano ang gagawin mo?
A. Iiyak ako
B. Hindi na ako papasok sa paaralan.
C. Sasali ako sa paligsahan

__________6. Nais ng bunso mong kapatid na gumawa ng saranggola. Marunong kang gumawa nito. Ano ang
gagawin mo?
A. Makikipaglaro sa iba
B. Tutulungan mong gumawa ng saranggola ang kapatid mo.
C. Paiiyakin ko siya

__________7. Minsan nagkasakit si Daniel, ngunit ayaw niyang uminom ng gamot. Umiiyak siya tuwing iinom
nito. Ang ugali ni Daniel ay ______________________.
A. tama B. mali C. hindi sigurado

__________8. Nais mong kumuha kumuha ng kanin pero ito’y malayo sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Pahingi ng kanin
B. Pakiabot po ang kanin
C. Akin na ang kanin

_________9. Tinatawag ka para kumain pero hindi pa tapos ang pinapanuod mong palabas. Ano ang gagawin
mo?
A. Papatayin ang telebisyon at sasabay sa pagkain.
B. Kakain sa harap ng telebisyon.
C. Hindi muna ako kakain.

_________10. Ang bawat pamilya ay hindi dapat na _______________________.


A. nagmamahalan B. nagkakaisa C. nag-aaway

You might also like