Unang Tindig: Ako po si Diana Rose B. Arca ay tumatayo sa inyong harapan upang ipagtanggol ang panig ng Pagsang-ayon na dapat makialam ang magulang sa buhay pag-ibig ng anak.
Ikalawang Tindig: Gaya nga ng nasasaad sa banal na kasulatan nilikha ang magulang para gumabay at pumatnubay sa kaniyang magiging anak ,na kaya sila nagpapatupad ng mga batas o alituntunin ay para sa ikabubuti nila. Sabi nga sa kasabihan papunta pa lamang tayo ,pabalik na sila. Bakit pa nila hahayaan na matuto ang kanilang mga anak sa karanasan kung masasaktan lamang sila. Ano pa ang silbi nila bilang mga magulang ?
Ikatlong Tindig: Kaya mga kapwa ko kabataan ,hinihikayat ko kayo na huwag ninyong aalisin sa inyong mga magulang na kayo ay pakialamanan sa lahat ng bagay sapagkat ito ay para rin sa ikabubuti natin.