You are on page 1of 9

KOLEHIYO NG SUBIC

WFI Compound, Brgy. Wawandue, Subic, Zambales


TEACHER EDUCATION DEPARTMENT
PAARALAN Kolehiyo ng Subic Baitang/Antas
GURO Jann Gabrielle Gervacio Asignatura
PETSA/ORAS Markahan

A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
I. LAYUNIN Pagkatapos ng limampung minutong talakayan sa Asignaturang
Filipino ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang 80% na
pagkatuto ng mga sumusunod:

a. natutukoy ang kahulugan ng pagkalap ng mahahalagang


impormasyon gamit ang iba’t – ibang estilo ng pagbasa.
b. napahahalagahan ang paggamit nang iba’t-ibang estilo ng pagbasa sa
pagkalap ng impormasyon;
c. nakapangangalap ng impormasyon gamit ang iba’t – ibang estilo ng
pagbasa.
II. NILALAMAN Pangangalap ng Impormasyon gamit ang Pagbabasa
MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource

B. Iba pang kagamitang Panturo Makabagong Teknolohiya, Powerpoint Presentation, Yeso, Pisara,

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating
pambungad na panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-


aaral upang pangunahan ang panalangin)

 Pagbati
Isang mapagpalang gabi sa inyong lahat! Magandang Gabi din po sir!

Kumusta naman ang inyong araw? Mabuti naman po!

Parang di kayo Mabuti naman po!!


nag-umagahan/nagtanghalian, ulitin nga
ninyo ng mas malakas.

Masaya akong marinig ‘yan klas!


 Pagtala ng mga lumiban
(Tatawagin ang kalihim ng klase upang
itanong kung sino ang lumiban)
Wala po sir!
May lumiban ba sa araw na ito?

Masaya akong marinig ‘yan!


Handa na ba kayo making sa paksang Opo sir!
ating tatalakayin natin?

Kung ganoon, ipakita ninyo sa akin na


kayo ay hand ana, ayusin ninyo ang
A. Balik-aral sa inyong kapaligiran at ang inyong sarili.
nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong Sa ating pagsisimula, anon ga ba ulit ang Ito po ang pagmumungkahi batay sa
aralin. tinalakay natin? sanggunian.

Mahusay! Retrieval system po sir.


Ano naman ang iba’t-ibang uri nito?

Magaling! Internet bilang sanggunian po sir!


Ano pa?

Tumpak!
Ano naman ang panghuli? Bibliograpiya po sir!

B. Paghahabi Sa Layunin
Magaling!
Ng Aralin Talaga naman na naunawaan ninyo ang
ating nakaraang tinalakay.

Sa ating pagpapatuloy, may inihanda


akong gawain para sa inyo, kayo ay
mahahati sa limang pangkat, sa bawat
sulok ng ating silid ay may nakatagong
mga kasalutan na kung saan ay
magsisilbing gabay upang mabuksan
ninyo ang nilalaman ng kahon.
Handa na ba kayo?

Pangkatang Gawain
Ang Kahon:
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
tatlong minuto para pagusapan kung saan
C. Pag-uugnay Ng Mga hahanapin ang kanilang mga katanungan
Halimbawa Sa Bagong na nakatago sa loob ng silid, ang bawat  Ang isang sulat ay nasa taas
Aralin pangkat ay mamimili ng magiging ng sulatan.
representatibo upang hanapin ang mga  Ang isa ay nasa loob ng
sulat na naglalaman ng katanungan na panuto.
magsisilbing salasalita “password” upang  Ang isa ay nasa huling
mabuksan ang kahon, ang unang pangkat bintana.
na makapaglahad ng kanilang kasagutan  Ang isa ay nakapatong
ang siyang makakapagbukas sa kahon. pangatlong sulok.

1. Bilangin ang “na/na-“ sa


pangungusap.

“Ang mga manlalaro na nasa


laro na, na may bitbit na bola,
ay nanalo na sa laban”

Sagot: 8
2. Anong uri ng kagamitan sa
pagbasa ang nararapat gamitin
sa pagkalap ng balita?

 Pahayagan
 Magasin
 Aklat
 Diyaryo

Sagot: Pahayagan at Diyaryo

3. Hanapin ang pagkakaiba ng


dalawa.

“Ang bahay ni Pedro ay mas


malaki kaysa sa bahay ni
Juan.”

Sagot: bahay

4. Ano ang tama sa dalawang


salita?

“Nakakapagpahalaga”
“Nakapagpapahalaga”
D. Pagtalakay Ng Bagong
Konsepto At Paglalahad Sagot: Parehas tama
Ng Bagong Kasanayan #1
Sa pagpapatuloy ng ating talakayan,
mayroon na ba kayong ideya sa ating
tatalakayin ngayong araw?
Ito po ay ang pagkalap ng
impormasyon.
Tama!Magaling!
Ano pa?
Ito po ay ang Pangangalap ng
Impormasyon gamit ang Pagbabasa
Magaling ang tatalakayin nating ngayon
ay ang pagkalap ng impormasyon gamit
ang pagbasa.

Sa inyong sariling pananaw, saan


ginagamit ang pagkalap ng impormasyon?
(Tatawag ng mag-aaral)
Para po sa asignatura.
Magaling!
Ano pa?
Para po sa iba’t-ibang layunin na nais
hanapin.
Magaling!
Kaya tayo nangangalap ng impormasyon
dahil nais natin makahanap ng kasagutan
sa suliranin.
Basahin mo nga ang isinasaad na
pangungusap.
(Tatawag ng mag-aaral)
Ang layunin ay ang siyang nagbibigay
ng direksyon sa lahat ng bagay na
ginagawa ng tao.
Sa inyong pagunawa, bakit layunin ang
nagbibigay ng direksyon sa lahat ng bagay
na ginagawa ng tao?
(Tatawag ng mag-aaral)
Para malaman po kung ano ang
ninanais mangyari ng isang tao.
Magaling!
Ito ay ang nagbibigay ng linaw sa kung
ano ang nais makamtan ng isang tao.
Pakibasa ang sumunod na pangungusap (Tatawag ng mag-aaral)
Kung wala ang layunin, mahihirapan
ang mga mag-aaral na alamin kung
ano ang landas na tatahakin ng
Sa inyong palagay, bakit mahihirapan ang kanilang pagsasaliksik.
mga mag-aaral na alamin kung ano ang
landas na tatahakin ng kanilang
pananaliksik?

(Tatawag ng mag-aaral)
Dahil hindi po tuwid ang direksyon ng
kanilang pagsasaliksik.
Mahusay!
Dahil ang magiging direksyon ng
kanilang pagsasaliksik ay magiging
pasikot-sikot at walang tuwirang layon at
ito ay magkokonsumo ng oras, enerhiya at
pagod.
Sa pagpapatuloy ng ating aaralin, gamit
E. Pagtalakay Ng Bagong ang inyong mga sulat sa Gawain natin
Konsepto At Paglalahad kanina, pakilahad ang inyong katanugan
Ng Bagong Kasanayan #2 unang pangkat. (ilalahad ang katanungan ang pangkat)
Bilangin ang “na/na-“ sa
pangungusap.

“Ang mga manlalaro na nasa


laro na, na may bitbit na bola,
ay nanalo na sa laban”

Walong “na/na-“ po ang isinasaad sa


pangungusap.

Sa paanong paraan nalaman ng unang


pangkat ang bilang ng mga “na/na-“ na
isinasaad sa tanong? Binilang po naming ang mga “na” sa
pangungusap.

Mahusay!
Ito ang tinatawag na palaktaw-laktaw na
pagbasa.
Pakibasa nga ang isinasaad na
pangungusap. (Tatawag ng mag-aaral)
Ang pagbabasa ng palaktaw-laktaw
o browsing ay ang kaswal na
pagtingin sa mga pahina ng teksto
upang matantya ang kahalagahan
ng patuloy na pagbabasa nito sa
kabuuan at pahapyaw na malaman
kung anu-ano ang mga nilalaman
nito na maaaring makatulong sa
isinasagawang pag-aaral.
Mahusay!
Salamat!
Ito ang kadalasan natin na ginagamit
kapag nais natin na magtingin tingin sa
mga teksto, para lamang sa dagdag na
kaalaman.
Sumunod naman ang ikalawang pangkat,
pakilahad ang inyong katanungan. Anong teksto ang nararapat gamitin sa
pagkalap ng balita?
 Pahayagan
 Magasin
 Aklat
 Diyaryo

Pahayagan at Diyaryo po ang aming


sagot
Mahusay!
Sa paanong paraan ninyo nalaman ang
sagot na Pahayagan at Diyaryo?
Inalam po naming ang nais ipabatid ng
mga tekstong naglalaman ng
impormasyon at napagalaman po
naming na pahayagan at diyaryo ang
may kakayanan na magkalap ng balita.
Magaling!
Sa madaling salita, kayo ay nag siyasat sa
mga ibinigay na pagpipiliin ng tamang
sagot.
Pakibasa ang nasa pangungusap
(Tatawag ng magaaral)
Pagsisiyasat o checking ay
tumutukoy sa pagsusuri sa
nilalaman ng teksto o indek upang
malaman kung ang aklat ay
naglalaman ng mga espisipikong
impormasyon na nais mong
malaman o mga impormasyong
malaki ang maitutulong sa iyo.
Magaling!
Ang pagsisiyasat o checking ay isang
paraan na kung saan inaalam lamang kung
ano ang nilalaman ng isang aklat.
Sumunod naman ang ikatlong pangkat,
pakilahad ang inyong katanungan.
Hanapin ang pagkakaiba ng dalawa.

“Ang bahay ni Pedro ay mas


malaki kaysa sa bahay ni
Juan.”

Ang sagot po naming ay bahay.


Pakilahad ang paraan kung paano ninyo
natukoy ang sagot na bahay. Binasa po naming ang kaganapan at
inalam po naming ang eksaktong
detalye na ipinararating ng
pangungusap.
Mahusay!
Ito ang itinatawag na “paghahahanap ng
mga kaganapan o fact finding.
Pakibasa ang isinasaad sa pangungusap
(Tatawag ng mag-aaral)
Ang paghahanap ng mga
kaganapan o fact finding ay isang
istilo ng pagbabasa na kung saan
ang layunin ay maghanap ng mga
tiyak na kaganapan o detalye na
bumubuo sa isang pangyayari.
Mahusay!
Maraming salamat!
Ito ay isang paraan o estilo ng pagbasa na
kung saan hinahanap ang eksaktong
detalye na bumubuo sa isang kaganapan.
Sumunod naman ang ika-apat na pangkat,
pakilahad ang inyong katanungan. Ano ang tama sa dalawang salita?

“Nakakapagpahalaga”
“Nakapagpapahalaga”

Parehas na tama po ang aming sagot.


Magaling!
Sa paanong paraan ninyo nakuha ang
inyong sagot? Sa pamamagitan po ng pagalam namin
kung ano nga ba talaga ang tama sa
dalawa at nalaman po naming na
parehas tama, at depende na lamang sa
salita ang paggamit ng dalawang
salitang isinasaad.
Mahusay!
Ito naman ang tinatawag na sanligan o
referencing
Pakibasa ang isinasaad sa pangungusap

(Tatawag ng mag-aaral)
Ang pagbabasa Sanligan o
referencing ay isang uri ng
ekstensibong pagbasa ng teksto. Sa
ganitong istilo, ang mag-aaral o
mananaliksik ay nangangailangan
ng karagdagang teksto upang
makita ang kabuuan ng isang
Mahusay! larawan.
Ito ang estilo ng pagbasa na kung saan, ay
kinakailangan ng imbestigasyon at
pagbabasa ng may karagdagang
impormasyon.
Naunwaan ba klas?
Pakibasa ang sumunod na pangungusap
Pagbabasa para Pag-unawa. Sa
ganitong uri ng pagbabasa, ang
mananaliksik o magaaral ay
naglalayong maunawan nang
buong buo ang teksto at mga
impormasyong nakapaloob dito.
Ito naman ang estilo ng pagbabasa na may
layunin na alamin ang lahat ng
nakapaloob sa teksto, ang ganitong uri ng
pagbabasa ay nangangailangan ng
komprehensyon.
Nauunawaan ba klas?
Opo sir!
Pangkatang Gawain

Sa pagpapatuloy ng ating talakayan, may


inihanda ako na pangkatang Gawain
tungkol sa ating itinalaka, handa na ba
kayo? Opo sir!

F. Paglinang Sa Sa loob ng limang minute, ang bawat


Kabihasaan (Tungo Sa pangkat ay lilikha ng tatlong mga
Formative Assessment) pangungusap na babasahin na may
katanungan, isusulat ito sa kalahating
piraso ng papel, ang bawat pangungusap
na inilika ay ipapabunot sa bawat pangkat,
kung ano ang nakuhang pangungusap ng
pangkat ay sasagutan nila kung anong
estilo ng pagbasa ang ninanais na gamitin
dito.
G. Paglalapat ng aralin sa Sa pagpapatuloy ng ating aralin, ano ang
pang-araw-araw na buhay kahalagahan ng layunin sa pagkalap ng
impormasyon?
Upang malaman po natin kung ano
nga ba talaga ang magiging daloy ng
Mahusay! ating pananaliksik.
Sapagkat ito ang nagbibigay ng daan para
tayo ay makapagsaliksik ng Mabuti at
maayos.
Sa anong paraan naman natin magagamit
ang mga estilo ng pagbasa? Sa pamamagitan po ng pagkalap ng
impormasyon kapag tayo po ay
gagawa ng pananaliksik.
Kung kayo ay makakaharap ng
pagkakataon na makatulong sa iba gamit
ang mga estilo ng pagbabasa, sa paanong
paraan ninyo ito magagawa?
Kung may nagtatanong po at nais
malaman kung ano ang kanyang nais
malaman tulad ng pagtatanong ng
oras, gagamit po ako ng estilo na
browsing kung ako ay titingin sa
H. Paglalahat Ng Aralin
telepono.
Magaling!
Mahalaga ba na magamit natin ang iba’t-
ibang estilo ng pagbabasa?
Opo!
Sa paanong paraan?
Sa pagbuo po ng pananaliksik at kahit
na po sa mga simpleng bagay na nais
Mahusay! natin malaman.
Tulad ng katanungan sa unang pangkat,
bakit mahalaga ang pagkuha ng mga
impormasyon na kinakailangan lang natin
tulad ng pagbilang ng “na/na-“ .

Upang tayo po ay makatipid sa oras,


lakas at enerhiya na maaari pa natin
mailaan sa iba pa na bagay.
Magaling!
Anong uri ng estilo ito?
Ito po ay ang palaktaw lakat na
pagbasa o browsing.
Sa paanong paraan naman ito ginagamit?
Ito po ay ginagamit sa paglaktaw na
basa ngunit masinsinan para lamang
mahanap ang ating hinahanap na
punto.
Mahusay!
Sa katanugan naman ng ikalawang
pangkat, nakatulong ba ang paraan ng
pagalam sa ng impormasyon para
malaman ninyo ang tamang kasagutan?
Opo!
Sa paanong paraan?
Sapagkat nadagdagan po ang aming
kaalaman.
Anong estilo naman ito?
Ito po ay ang pagsisiyasat o checking.
Ito nga ay ang pagsisiyasat o checking.
Sa paanong paraan naman ginagamit ang
estilo na ito?
Mahusay!
Ito po ay ginagamit sa paghahanap ng
Sa ikatlong pangkat, ano ang nagging tiyak na detalye.
epekto sa inyo ng inyong katanungan?
Natutunan po naming alamin ang
eksaktong kaganapan ng isang
Anong estilo naman ito ng pagbabasa? pangungusap.

Ito po ay ang paghahanap ng mga


kaganapan o fact finding.
Mahusay!
Ito nga ay paghahanap ng kaganapan o
fact finding.
Ano naman ang gamit nito?
Ito po ay isang estilo na kung saan
hinahanap po ang tiyak na kaganapan
ng isang detalye.
Sa ikaapat na pangkat, ano naman ang
inyong nalaman sa inyong katanungan.
Natutunan po naming na ang
nakapagpapahalaga at
nakakapagpahalaga ay parehas na
tama subalit magkaiba po ang
pinaggagamitan ng salita.
Mahusay!
Anong estilo naman ito ng pagbabasa?
Ito po ay ang sanligan o referencing.
Mahusay!
Ito nga ay ang sanligan o referencing
Sa paanong paraan naman ito ginagamit? Ito po ay isang uri ng estilo ng
ekstensibong pagbabasa ng teksto, na
I. Pagtataya Ng Aralin kung saan naghahanap pa ng
karagdagan na impormasyon ang
nananaliksik
Ano naman ang pagbabasa para sa
pagunawa? (Tatawag ng mag-aaral)
Ang mananaliksik po ay kinakailangan
magkaroon ng mataas na
komprehensyon na kung saan inaalam
nito at iniintindi ang kanyang
J. Karagdagang Gawain Mahusay! binabasa.
Para Sa Takdang-Aralin At Talaga naman na naunawaan ninyo ang
Remediation ating tinalakay sa araw na ito.
Sa ating pagpapatuloy may inihanda
akong mga katanungan tungkol sa ating
tinalakay, handa na ba kayo klas?
Opo.

1. Bakit mahalaga ang layunin sa


pagsasaliksik?
2-5. Ibigay ang iba’t-ibang estilo ng
pagbasa.

Lumikha ng mga pangungusap at isaad


kung anong estilo ang kinakailangan
gamitin dito
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

Inihanda ni:

______________________________

Sinuri ni:

______________________________

You might also like