You are on page 1of 2

Basahin ang Aralin 1 bago sagutan ang mga sumusunod na tanong ilalim.

Sa PRIVATE BOX ilahad ang


inyong kasagutan.

1. Saan nakadepende ang pagsulat?

- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Nakadepende ang pagsulat sa wika dahil kung walang wika, wala ring pagsulat. Ang wika ay isang
kasangkapan upang ang isusulat o ilalahad na kaisipan ay maiintindihan ng bawat isa. Nasa tipo o uri ng
wika ang kahihinatnan ng pagsulat. Naka tuon din sa wikaang pagiging epektibo ng pagsulat. Balewala
ang pagsulat kung hindi ito maisasaisip o maiintindihan ng iba ang wika na ginamit sa pagsulat. Dapat
maging pormal o unibersal ang wika na gagamitin sa pagsulat dahil may mga salita na parehas ang
baybay at tunog ngunit magkaiba ang ibig sabihin sa ginagamit na wika o sa iba pang wika. Ang wika ang
nagbibigay buhay sa pagsulat.

2. Bakit sinasabing masistema ang pagsulat?

- Ang pagsulat ay isang masistemang gawain o kasanayan na ginagawa ng tao upang siya ay
makapamuhay ng matiwasay at makahabol sa daloy ng pagkatuto. Ang pagsulat ay hindi basta-bastang
gawain ay may sinusunod itong mga pamantayan upang ang pagsulat ay maging kapakipakinabang at
epektbo.Masistema ang pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga bantas sa gramatika.Masistema ang
pagsulat dahil bawat pananda ay may katumbas na makabuluhang tunog at isinaayos ang mga
panandang ito upang makabuo ng makabuluhang salita o pangungusap. Nagtataglay ang pagsulat ng
mga panandang may makabuluhang tunog at isinasa-ayos upang makabuo ng makabuluhang salita o
pangungusap. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naaapektuhan ang pamamaraan ng pag-iisip ng
mgamambabasa. Bagkus, dapat itong maging masistema upang maging mas klaro at lubusang
maintindihan ng mga mambabasa ang nais ipahayag ng isinulat na akda.

3. Ano ang kaibahan ng panandang nakikita (titik, bantas, marka) sa panandang naririnig?

- Ang kaibahan ng panandang nakikita (titik, bantas, marka) sa panandang naririnig ay ang paraan ng
pagpapakita o pagsasagawa nito. Ang mga pananda o mga bantas na nakikita ay dahil sa pagsulat,
pagpindot sa mga ito gamit ang anumang device, ang ang pag papakita nito gamit ang mga simbolo nito.
Ang panadang nakikita ay nagiging gabay sa tao sa magiging paraan ng kanyang pagbasa. Gamit ang mga
panandang nakikita makakagawa o makakapagsulat ang tao ng mga kaisipan an may ibig-sabihin.
Samantala, ang mga panandang naririnig ay ang mga panandang sinabi o sinalaysay ng tagapagsalita o
ng iyong kausap. Ang mga ito ay naririnig o nakadepende sa tono ng nagsasalita. Sa pamamagitan ng
panandang naririnig ay mas madaling maintindihan ang nais sabihin o iparating ng pahayag. Mas
madaling mabigyan ng reply o kasagutan ang mga salita o pangungusap gamit ang panandang naririnig.
Nasa tamang paggamit ng mga pananda ang pagiging epektibo ng mga pahayag at mas ipinakikita nito
ang interpretasyon sa mga pahayag.
4. Paano naging kasangkapan ng komunikasyon ang pagsulat?

- Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa


pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga salita, simbolo o kilos. Ang komunikasyon ay isang paraaan
ng pagbibigay at pagtanggap ng mga ideya at saloobin sa ibat ibang paraan. Ito rin ay ang interaksiyon
ng mga tao sa isa't isa. Ang komunikasyon ay maaaring gawain sa pamamagitan ng pagsasalita, pagkilos
ng katawan, at pagsusulat. Ang pagsulat ay isang kasangkapan ng komunikasyon sapagkat ang
pagsusulat ay isa ring paraan ng pagbibigay ng ideya o mga nais ipahayag sa isang tao o sarili. Ang
pagsulat ay isa ring anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o ideya ng tao ay isinasalin sa
pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang kanilang
mga opinyon at saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.

5. Paano nagiging arbitraryo ang sistema ng pagsulat?

- Arbitraryo ang sistema ng pagsulat.Dahil sa arbitraryo, nakakabuo ang mga tao ng iba’t ibang sistema,
pamantayan, o kahulugan na sila lamang ang nagkakaunawaan. Napagpasyahan o Napagkasunduan para
sa pagkakaisa ng lahat ang tumabsan ng mga letra, ang kahulugan ng mga salita, at ang kabuluhan ng
pagpapahayag. Sa ibang salita, nag-iiba-iba ang sistema ng pagsulat depende sa wika at kultura. Ang
sistema ng pagsulat ay arbitraryo sa dahilan na ito

ay sistema na pinagkasunduan ng mga tao para gamitin nila sa pang araw-araw na pamumuhay at sa
lahat ng aspeto na kinakailangan ang pagsulat. Kapg sakaling hindi naintindihan o naisabuhay ng isang
tao ang sistema o gamit ng pagsulat, nangangahulugan na hindi siya kabilang o bahagi ng kasunduang
pangkaunawaan. Dahil sa pagiging arbitraryo ng sistema sa pagsulat, nagkasundo-sundo ang bawat isa o
yaong mga taong nagtatalaga ng mga sistema ng pagsulat. Ito ay patuloy pa ring ginagamit kahit na hindi
pa sila pormal na inihahayag. At dahil sa mga sistema ng pagsulat na napagkakasunduan, unti-unti silang
nakikilala at pormal o opisyal ding tatanggapin at gagamitin sa araw-araw.

You might also like