You are on page 1of 1

Besin, Shaina Mei G.

HUMSS 11-1 Creative Non-Fiction

Metro Manila: Repleksyon


Ang Metro Manila ay isang pelikulang British tungkol sa isang pamilya na umalis sa
kanilang bukid sa Banaue upang makipagsapalaran sa Manila. Ipinakita dito ang kanilang
pakikipagsapalaran sa siyudad at ang mga nagawa nilang mga trabaho dito.

Maraming mga bagay na iprinisenta sa pelikulang ito ay kuwestiyonable, tulad ng


pamemeke ni Oscar, ang padre de pamilya, ng kanyang driver’s license, at ang pagpasok sa bar
bilang isang GRO ni Mai, ang asawa niya. Ibinahagi din dito ang kuwento ni Ong, ang katrabaho
ni Oscar na naging karetero (tagadala ng mga gamit ng kanilang kasamang namatay sa kanilang
kapamilya) at nagnakaw ng money box. Ikinuwento din dito ang tungkol kay Alfred Santos, na
nag-hijack ng isang pampasaherong eroplano upang kunin ang pera ng mga pasahero nito.
Pagkatapos ay tumalon siya mula sa eroplano gamit ang telang galing sa pabrika ng tela ng
kanyang namatay na ama.

Nalaman ko din sa kaunting pananaliksik na ang kwento ni Alfred Santos ay nangyari sa


totoong buhay. May nangyari talagang hostage taking sa isang eroplano noong 2002 ngunit
katulad ng nangyari kay Alfred ay hindi siya nakaabot sa lupa ng buhay (nalunod raw siya sa
putik).

Ipinakita sa mga kwento na ito na gagawin nila ang lahat, kahit itapon ang kanilang
dignidad, katapatan, at dangal, upang maiangat ang kanilang pamilya sa kahirapan (o
bankruptcy, sa sitwasyon ni Alfred).

Ang puntong ito ay ipinakita sa dulo kung saan tinangka ni Oscar na nakawin ang susi ng
money box na nakatago sa ibinigay na apartment ni Ong (na siyang namatay dahil sa shootout
ilang araw ang lumipas). Nagtagumpay siya sa pamamagitan ng pag-imprenta ng susi sa isang
pendant na ibinigay kay Mai nang siya’y mamatay. Nabuksan ni Mai ang money box at umuwi
kasama ang kaniyang mga anak sa Banaue.

Hindi ko kayang gawin ang ginawa ni Oscar dahil isa akong duwag, pero tulad niya,
gagamit ako ng paraan upang maging matagumpay at matulungan ang aking pamilya. Pero
siguro mag-iisip muna ako ng mga paraan na hindi nangangailangan ng mga bagay na
ikapapahamak ng aking mga kasama at kapamilya.

You might also like