You are on page 1of 4

MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN

MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN


NI
DEMETRIO O. SIBAL
Ngayon narito na! ang orihinal at ang katangitanging aklat na kamamalasan ngkarunungang lihim ng
KABABALAGHAN na magagawa ng isang tao sa kapakanan ng kanyang sarili, na maligtas sa mga
panganib, sa pagkalalaki,walang away, mga panggagayuma sa tao. Ang aklat na ito na pinamagatan
kong MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN ay kaganapan ng isang tao sa kanyang pangkasalukuyan
tungo sa isang magandang kinabukasan. Kung paano mo makakamtan ang kapangyarihan ng PAG-IBIG,
KALUSUGAN, KALIGAYAHAN AT KATANYAGAN at marami pang iba na matutunghayan at matutunana sa
aklat na ito, na kapakipakinabang at punong-puno ng kahiwagaan. Ang mga nilalaman ng aklat na ito ya
pawang mga orihinal na salita at totong makapangyarihan.

HANGO SA AKLAT NG KABABALAGHAN

Orascion upang di ka maharang ng masasamang loob saan mang lugar.Banggitin mo lamang ito habang
ikaw ay naglalakad:
MAGDAM TIRGAM JUADARITA ALAAYA SARADOC GEATAO TIAPALA GEPARATO GEPIPO CHRISTUM PEPUM
BISTE BANGE BESTIPO RICAN TARITAS BUM QUESO DEUS PACTENIT MOLAI MALANAY MOLAO PETAT
MATAT HARI ANG DADAAN HAWI KAYONG LAHAT. IGSAC IGMAC EGOLHUM PETIGSAC

susi: PENIVICCIUM LUCCIRIS SALVAME

Orascion na pangsuheto sa masamang tangka sa iyo ng kapwa.

Bigkasin mo lamang ito sa kanyang harapan:

MITIM GLADIUM IN BAGINAM MIHI PATER NUN VIVAT ELIUM SOM ROM DUM

susi: MECUBATUM SALVAME

POSTED BY MAISTRO NG LAGUNA AT 8:15 PM 19 COMMENTS:

FRIDAY, OCTOBER 22, 2010

ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


Narito ang orasyon:

BUTITAM ------- M. LEBRATUS


----- ----- MARIA -----DOS
LOS ----GROS ---- --- AMEN

Sinadya ko na putulin ang mga salita upang maitago sa mga mapagsamantala na tao at makasarili na
walang inisip kundi ang sarili niyang kapakanan. Ang orasyon na ito ay kinuha ko sa aking hipag na
ibinigay ng tatay nya bago ito namatay, nung nakaraang ngang april 2010 ay namatay ang aking byenan
dahil sa internal bleeding. Nung siyay nabubuhay pa, tuwing mahal na araw o biyernes santo ay nakikita
ko siyang bumubunot ng ngipin, gamit ang kanyang hintuturo at panyong puti, babalutin nya ng panyo
ang kanyang hintuturo at gagamitin nya sa pagbunot ng sirang ngipin, himalang nabubunot nya ang
sirang ngipin ng isang tao na hindi man lang nasaktan, bubulungan nya ang kanyang hintututro na
nakabalot ng panyong puti at pagkatapos ay susungkitin nya ang sirang ngipin at kataka-takang
nabubunot nga nya ito. dumudugo lamang ng kaunti at Pagkatapos nyon ay pagmumumugin nya ng
malinis na tubig na may tatlong piraso ng asin ang kanyang binunutan. Ang sabi ng aking asawa nung
siya ay dalaga pa at di ko pa asawa ay nagpabunot daw siya ng 7 ngipin gamit ang bulong lamang sa
kamag-anakan nila sa binangonan rizal kung saan doon lumaki at dating ang nakatira ang kanilang ama
na siya kong biyenan nga. Sa pitong ngipin na binunot sa kanya ay di man lang siya nasaktan. Marahil ay
dun nanggaling ang karunungan ng aking biyenan sa pagbunot ng ngipin.

POSTED BY MAISTRO NG LAGUNA AT 1:23 PM 33 COMMENTS:

THURSDAY, OCTOBER 21, 2010

ANO BA ANG KARUNUNGAN GAMIT NG MANGKUKULAM?

Ang gamit ng mangkukulam upang mangkulam kadalasan ay MANIKA at mga ORASYON O KARUNUNGAN
LIHIM din na siyang ginagamit ng mga manggagamot, albularyo, antingero at mga mahilig sa
karunungan. Dalawa ang paraan ng kanilang pagpapahirap sa biktima kung tawagin ay KULAM at
BARANG.

KULAM - Ang KULAM ay kung saan bibigyan ng malubhang sakit o karamdaman ang biktima o kayay
pinalalaki ang ari nito hanggang mauwi sa cancer na siya nitong ikakamamatay. Minsan ay nasaksihan
ko ang isang lalaki na malapit lang din dito sa aming lugar na biktima ng kulam na nagpapagamot sa
isang kilalang magaling na manggagamot dito sa aming lugar sa laguna. Ang kanyang karamdaman ay di
na lumalambot ang kanyang ari at nananatiling matigas. Maaari na ang taong itoy pinakulam ng isa sa
mga naging babae nya. Batay sa kanyang salaysay sinabi na siya raw ay babaero, at sa kabila ng
kanyang pagiging babaero ay di siya gumamit ng anumang orasyon o karunungan lihim sapagkat siyay
walang malay dito, ang gamit lamang niya ay pambobola at ang kanyang gwapong itsura. Tiningnan ng
manggagamot ang kanyang hinliliit na daliri at itoy hindi pantay, dun ay napatunayan nga nya na
kinulam ang taong iyon.Tinapat lamang ng manggagamot ang kanyang kamay sa ulo biktima at pinainom
ng tubig, himalang lumambot ang ari ng lalaki. masayang umuwi ang lalaking nagpagamot, pinayuhan
ng manggagamot ang biktima na magdasal sa diyos upang tuluyan na siyang gumaling, subalit ilang araw
lamang ay bumalik ang lalaki sa manggagamot dahil may lumalabas na NANA sa kanyang ari. Ang sabi ng
manggagamot sa kanya ay wala na siyang magagawa dahil sa nauwi na sa CANCER ang kanyang sakit.
Nagpatingin sa doctor ang biktima at ang findings nga ay siya ay may CANCER na. Lumipas lang ang
ilang buwan at ang lalaking nagpagamot ay namatay na.

BARANG - Ang BARANG ay kung saan bukod sa binibigyan ng malubhang karamdaman ang kinukulam ay
inuutusan nya ang mga hayop o insecto na pumasok sa loob ng katawan ng isang tao o ng kanyang
biktima gaya ipis o uod at iba pa. Kapag tulog ang biktima dun nagkakaroon ng pagkakataon makapasok
sa loob ng katawan ng tao ang mga hayop o insecto, kadalasan ay sa gabi nagaganap. Nagagawa ng
mangkukulam na utusan ang mga hayop o insecto sa pamamagitan debosyon o ritual na kung saan ay
orasyon din ang gamit nila. Kadalasan ay namamatay ang kanilang biktima. May nalulunasan din naman
kung naaagapan at kung magaling at kumpleto ang kaalaman sa karunungan ng gagamot dito.

Kung mapapansin nyo kapag ginagamot na ng manggagamot ang isang kinulam ay nagkakaroon
ng paglalaban. Paglalaban ng orasyon ng mangkukulam at manggagamot, kinulam ng mangkukulam ang
kanyang biktima sa pamamagitan ng kanyang orasyon at gagamutin ng manggagamot ang kinulam sa
pamamagitan ng kanyang orasyon. Papaano sila nagkakatalo pagdating sa karunungan? kapag kumpleto
ang karunungan ng mangkukulam ay di mangyayari na mapagaling ng manggagamot ang biktima. Kung
mas mataas at kumpleto ang karunungan ng mangagamot ay mapapagaling nya ang biktima.

HALIMBAWA: Ang gamit ng MANGKUKULAM na orasyon ay MITAM at ang ginamit ng MANGGAGAMOT ay


MACMAMITAM ang ibig sabihin ay mananalo at mapapagaling ng mangagamot ang biktima kasi mas
kumpleto siya sa letra at karunungan. Kung ang mangkukulam naman ang kumpleto ang karunugan ay di
magagawang mapagaling ng manggagamot ang biktima. Ang aking ipinahayag dito at paliwanag ay
batay sa aking karanasan at pag-aaral tungkol dito. Marami sa ating mga kababayan ay ang madalas na
katunungan nila ay tungkol sa kulam, kung papaano gagamutin at kung ano ang pangontra. Ang
mga halimbawa ko dito ay upang maunawaan nyo kung papano nagaganap ang pagkagaling ng isang
kinulam. Kung kayo ay may comments o paliwanag pa ukol dito ay isulat po lamang ninyo sa blog na ito.

You might also like