Dokumentaryong Panradyo !01

You might also like

You are on page 1of 3

Dokumentaryong Panradyo Kaugnay sa Presyo

ng Manok Sisikaping Ipako sa Gitna ng Mataas


na Demand: Grupo

Announcer:Mula sa Bulwagan ng Pambalitaan ng


DWB,narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamahayag
sina Kim Santos at Atom Reyes at ito ang Anong Ganap!
Santos:Magandang Umaga sa inyong lahat!
Reyes:Magandang Umaga Partner!
Santos:Partner,talaga nanamang mainit na isyu ngayon
yang sisikaping ipako sa gitna ang mataas na presyo ng
manok.
Reyes:Oo nga partner, tumaas nang 20 porsiyento ang
demand ng manok dahil sa takot sa baboy bunsod ng
African swine fever (ASF) outbreak.
Santos:Tumpak ka diyan partner nababahala nga ang mga
mamimili baka mas lumobo pa ang presyo nito.
Reyes:170 to 180 ang itinaas nito at di lang manok pati na
rin ang mga itlog ,napakahirap talaga!
Santos:Pero ayon sa mga livestock farmers ASFfree na ang
mga alagang baboy nila pero kahit na ay nag iingat parin
ang mga tao.
Reyes:Ano naman sabi nang mga taga United Broilers
Raisers Association,partner?
Santos:Sisikapin raw nilang ipako sa P110 hanggang P115
ang farm gate price ng manok para nasa P165 na lang ang
presyo nito sa mga palengke.
Reyes:Dapat lang partner kasi palapit na ang pasko!Hindi
kompleto ang Noche Buena pag walang letchon manok.
Santos:Paborito ko nga yan partner.
Reyes:Mayroon pa akong nakalap na sinabi ng isa pang
grupo,ayon sa kanila wala na dapat pagtaas lalo't kumikita
naman sa ngayon ang mga manukan.
Santos:Ito ang mismo na sinabi ni Rosando So ng grupong
Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG)- "Hindi na
siguro [tataasan] kasi maayos na ang production ngayon at
kumikita naman ang mga farmer,"
Reyes:Para talaga ay lubos nating malaman ang ukol sa
isyu na ito ay ating panayamin ang dalawang taong ito.
Santos:Isang mamimili ng karne nang manok at isang
nagtitinda naman ng manok sa palengke
Mamimili:Magandang umaga sir!
Santos:Magandang umaga rin,ano ang iyong pananaw ukol
sa pagtaas nang presyo at ang pagpako nito sa mas
mababa na halaga.
Mamimili:Ang hirap po talaga sir,wala na ngang baboy
wala pang manok,Masaya po ako kasi sa wakas ay mabibili
na naming ito araw-araw.
Santos:Ano naman ang palagay mo sir?
Nagtitinda:Hindi po ako sumasangayon kasi po Sa P170,
kinse na lang po ang kita namin, hindi kasya pambayad ng
puwesto na arawan.
Reyes:Maraming Salamat sa inyong dalawa!
Santos:Narinig na nga natin ang kanilang mga hinaing.
Reyes:At ayon na nga mga ka chikador at chikadora yun
lang aming nakalap na impormasyon ukol sa isyu na
iyon.Ako si Atom Reyes
Santos:at ako naman si Kim Santos
Reyes at Santos;Ang inyong makpagkakatiwalaang linkod
at ito ang anong ganap!
Dokumentaryong
Panradyo

Ipinasa ni:Gwylah Claire Parado

Ipinasa kay:Gng.Rodenia
Jamisola

You might also like