You are on page 1of 4

Jillian: Tagapaghatid ng nagbabagang balita

Ranay: Walang kinikilingan tanging sa katotohanan lamang


Both: Ito ang DZRM boses ng sambayanan.
Jillian: Isang mapagpalang hapon Pilipinas! Ito ang iyong tagapagbantay Jillian
Baengan
Ranay: at ito naman ang inyong kaagapay, Jullian Nel
Jillian: At kayo’y nakikinig sa ..
Both: DZRM
Ranay: Para sa ulo ng nagbabagang balita …

Ranay: Isang Doctor, nagpatayo ng sariling programa na tinututukan kung gaano


ka-importante ang Mental Health
Jillian: Dalawang Marites sa Bulacan nagbogbogan kaninang alas nuwebe matapos
umano’y nagbatuhan ng kaldero

__

Ranay: Isang nakakabitib at nakakaantig ng damdamin ang programang isinulong


ni Dr. Jullz Domingo na kung saan isinusulong nito na ang “Isip ay isa-
alangalang”. At ngayon ang unang operasyon ng kanyang programang ito ay libre
at dumayo ang kanyang grupo sa isang barangay. Kaya naman ating pakinggan ang
aking partner na si Jillian.

Jillian: Magandang Hapon sainyong lahat kasalukuyan akong nandito kong saan
ginaganap ang operasyon ng programa ni Dr. Domingo at ngayon ay kasama ko
siya, kaya magandang hapon mo sainyo Dr. Domingo,

Jullz: Magandang Hapon rin sainyo

Jillian: May kunti lang po kaming katanungan bakit niyo po naisipang magsulong
ng ganitong programa?

Jullz: Isinulong ko ang programang ito dahil importante na ang ating kaisipan ay
mapagtuunan ng pansin at ginagawa ko ito upang matulungan ang  mga tao lalo nat
alam naman natin na maraming tao ang hindi sinasaalang ang kanilang Mental
Health kaya naman layon kong makatulong lalo na sa mga estudyante at mga taong
walang pang gastos para sa pagpapakita sa isang psychiatries upang
mapangalagaan ang kanilang pag-iisip dahil alam natin kong gaano kaimportante
na maalagaan ang ating Mental Health.

Jillian:Salamat saiyo Dr. Domingo, atin namang pakinggan ang saloobin ng isang
estudyante na nakatanggap ng tulong ngayon. Magandang hapon po sainyo,

Bernard: Magandang hapon ren po, ako ay lubos na nagpapasalamat kay


Dr.Domingo at sa kaniyang mga kasamahan. Ako ay isang estudyante at
importante sakin ang aking pag-iisip lalo nat marami akong problema hindi lang sa
pag-aaral gayundin sa aming bahay. Napagaan ang aking loob sa mga pinayo sakin
ng doctor napagaan ang aking loob at alam ko na kong pano ko nga ba dapat
pangalagaan ang aking Mental Health at kong pano ko pakalmahin ang aking sarili
pag ako ay nagpapanik at naiistress.

Jillian: Salamat po Mr. Corpuz, kaya nga tandan natin na lahat tayo ay dapat
isaalang-alang ang ating Mental Health, at ating pangalagaan at ingatan ang ating
mga sarili. Balik sayo Jullian.

Ranay: Pangalagaan at Pahalagaan ang ating Kaisipan magsilbing inspirasyon si


Dr.Domingo saatin siya ay tularan tayo'y tumulong at magkaisa para sa mapayapa
at mabuting kalagayan ng ating kaisipan.

__

*BONAKID THEME SONG*

*Gwaynne & Bernard nagtitimpla ng gatas*


*CK ENTERS – nagkakanta habang umiinom ng gatas*
(After drinking) *dances*

__

Jillian: Susunod, Isang viral na video at tsismis ang kumakalat ngayon sa social
media, hindi ko alam kong matatawa ba ko o maaawa  ,sa mga marites diyan sa
tabitabi mapa kalye man o sa palengke, dalawang marites nag-away at nag batohan
ng kaldero sa daan dahil lang sa maling akala. Ating alamin kong ano nga ba ang
nangyari sa dalawang marites mula kay Gwaynne.
Bacud: Magandang hapon sainyong lahat ating alamin kong ano nga ba ang
nangyari. Ayon kay Aling Bernard…

Bernard: Naglilinis lang ako sa tabi ng daan ng bigla nalang may bumato sakin ng
kaldero hindi ko labis inakala na babatuhin ako at pagsasabihan na mali ang aking
mga sinasabi na siya raw ay may lalake ngunit ito naman ay totoo dahil nakita ko
siyang nakipagyakapan sa isang restaurant noong nakaraang araw. Ngunit ngayon
alam ko na ang totoo humihingi ako ng despensa saaking mga aksyon at
pinagsasabi lalo na kay Aling Toring.

Bacud: Ayon naman kay Aling Lee, na nambato ng kaldero.

Tzin: Nagawa ko siyang sugudin at batuhin ng kaldero dahil hindi ako


nakapagpigil nong nakita ko siya sa gilid ng daan labis akong nasaktan sa mga
sinasabi nila dahil lang sa maling sinasabi niya muntik na kaming mag hiwalay ng
aking asawa buti nalang naipaliwanag ko na ang aking niyakap ay ang aking tito na
kapatid ni papa. Kaya maipapayo kolang na bago kayu magkalat ng tsismis
siguraduhin niyo munang tama ang inyong ikakalat.Matuto kayong rumespeto ng
buhay ng iba at huwag magkalat ng hindi tama. Ngunit alam kong mali ang aking
ginawa kaya nagpaumanhin rin ako saaking ginawa.

Bacud: Ukol naman sa isang nakasaksi na si Mang Benjamin

Benjamin: Ako ang nakakita sa gulo na iyon hindi ko labis akalain na mag
babatuhan sila ng kaldero ngunit ang masasabi ko pareho silang may mali dahil
puwedeng pag-usapan at huwag idaan sa pisikalan, gayun din sa nagkalat ng
tsismis na dapat irespeto ang buhay ng iba huwag mang tsismis lalo na kong mali
naman ito laging tandaan na ang pag respeto sa buhay ng kapwa ay napaka
importante sa lahat.

Bacud: Ngayon aymaayos na sila Aling Bernard at Aling Lee, nagkausap na sila at
maayos na ang lahat sa pagitan nila. Kaya sa mga marites magtanda iton bilang
aral sainyo. Balik sayo Jillian.

Jillian: Kaya naman sa mga marites mapa nanay man, mga estudyante ,sa mga
tatay at saating lahat, matuto tayong rumespeto ng buhay ng iba huwag bastabasta
magkalat ng mga salita ukol lang sa nakita, alamin ang totoo at huwag magkalat ng
tsismis dahil ito ay kawalan ng respeto sa buhay ng kapwa tao. Huwag tayong
magbatohan ng kaldero at mang chismis tayo ay mag usap at pahalagahan ang
karapatang pan-tao ng bawat isa.

__

Ranay: At eto naman para sa lagay ng panahon, mula kay DZRM Resident
majorologist, Kuya Grydee

Grydee: Maraming salamat Jullian, sa ulap ng panahon, hanging amihan nagtapos


na, habang ito’y lumipas, napapansin natin ang abnormalidad ng init na
nararamdaman sa kasalukuyang senyales na papalapit na ang Summer! Kaya
kababayan, magreserba tayo ng maranaing tubig para hindi tayo mauuhaw. Kuya
Grydee, naguulat.

__

Ranay: Salamat Kuya Grydee, At iyan lamang po ang ating mga balita ngayong
Lunes, ako po si Jullian Nel
Jillian: at ako naman po si Jillian Baengan, buong puso para sa Pilipino
Ranay: Ito po ang DZRM, walang kinikilingan, walang prinoprotektahan
Jillian: Walang kasinungalingan, serbisyo totoo lamang
Ranay: DZRM ..
Both: Ang nangungunang mapagkukunan ng balita.
Jillian: Salamat sa pakikinig, bayan!

You might also like