You are on page 1of 4

Castilo, Ryla Allen S.

8-St. Mary

“USAPIN SA PAGBABAKUNA SA EDAD LIMA HANAGGANG LABING-ISA”

DJ Maristel: Good Morning! Magandang magandang umaga sa lahat ng ating mga taga
pakinig at syempre nag babalik ang tambalang DJ Maristel at DJ Kairo para sa isa
namang mainit sa usaping umiiral sa ating bansa ditto lamang ‘yan sa Brigada News FM.

DJ Kairo: Ayan na nga, Hi Partner! Hi hello sa lahat ng ating mga tagapakinig. Halos
ilang araw rin tayo wala sa ere ‘no?

DJ Maristel: Yes at ngayon live na live na ulit tayong napaparinggan sa bawat sulok ng
Pilipinas. Maari rin tayong mapanood sa iba’t ibang social media platforms sa
pamamagitan ng ating live streaming.

DJ Kairo: Yes at kahit nasa kanya kanya tayong tahanan ay hangad namin na mapaligaya
kayo. Grabe ang bagsik ng COVID-19 ‘no Partner? Ano nga ba ang mabisang paraan
para mapuksa ito?

DJ Maristel: Syempre Partner bakuna, isang mabisang bakuna. Sa lahat ng ating taga
pakinig ngayon ay malagad po naming kayong kinukumbinsi na magpa bakuna na lalo
na ‘yung ating mga senior citizens.

DJ Kairo: Tama ka d’yan Partner, tara na’t dumako sa ating usaping kinahaharap.

*SFX*

DJ Maristel: Yes, oo Partner.

DJ Maristel: Ang bakuna pa lang ng P-Fizer ang nabigyan ng FDA ng Emergency Use
Authorization para sa edad lima hanggang labing-isa pero ito ay diluted o binawasan ng
active substance ang inaprubahang formulation para sa mga bata. Ini-rekomenda na rin
ng Philippine Pediatric Society o PPS at Pediatric Infectious Disease Society of the
Philippines o PIDSP ang pagbabakuna sa mga bata dahil batay sa pagsusuri at testing
higit ang benipisyo nito kaysa sa side effects.
DJ Kairo: Dag-dag ng mga doctor dapat unahin ang mga batang may co-morbidities at
anak ng frontliner. Ayon sa DOH hinihintay na lang ang guidelines para sa phase roll out
vaccination na magsisimula ngayong Pebrero. Gaya nga ng ginawa sa pagbabakuna sa
edad labing-dalwa hanggang labing-pito ay maliit na grupo muna ang babakunahan sa
NCR bago ito palawakin.

DJ Kairo: Nako! Anong masasabi mo dito Partner bilang isang ina? Hanggang ngayon ay
marami pa rin ang walang tiwala sa bakuna at takot pa rin sa magiging kalagayan ng
kanilang anak.

DJ Maristel: Nako, oo… Tama ka d’yan Partner maging ako ay nag-aala rin pero kalma
lang mga mommies at daddies, ika nga ay chill lang dahil hindi naman basta basta
ipinapasak ang mga turok sa braso ng ating mga chikiting, ito ay dumadaan sa
masusing pag aaral ng ating mga eksperto. Kaya ano pang hinihintay n’yo? Get your
kids, vaccinated. Hastag Safe na balik eskwela.

DJ Kairo: ‘Yan mga mommy at daddy narinig n’yo na ang payo mula sa ating
magandang DJ at mommy na si DJ Maristel. At sa ating pagbabalik ay makaka panayam
natin ang pangulo ng PIDSP na si Dr. Mary Ann Bunyi.

*BUMPER/BUMPER MUSIC*

*BUMPER/BUMPER MUSIC*

DJ Kairo & Maristel: Maligayang Pagbabalik sa ating programa, mga taga pakinig!

DJ Maristel: Sandali na lang po at makakapanayam na natin si Dr. Bunyi. Inaayos na ng


ating masigasig na control operatos ang linya ani Doktora.

*Dr. Bunyi’s Line in*

DJ Maristel & Kairo: Magandang Umaga po Doktora and welcome sa ating programa!
Baka gusto n’yong batiin muna ang ating mga taga pakinig ngayong umaga.

Dr. Bunyi: Yes, Good Morning to all of us and have a good day ahead. Be Safe!
DJ Maristel: ‘Yan nga po si Doktora Bunyi, ang pangulo ng ating PIDSP. So papasadahin
na natin ang mga maiinit na tanong ukol sa pagbabakuna. DJ Kairo, Partner, turn mo na.

DJ Kairo: Ligtas po ba ang bakunang ito sa ating mga bata? Ano po ang mga side
effects nito?

Dr. Bunyi: Ang mga bakuna ay mabisa at ligtas para sa mga bata…. Nagulat kami,
nagulat ang karamihan dahil halos walang ininda ang mga batang nabigyan ng Covid
Vaccine. Malayo sa mga reaksyon na naramdaman ng mga matatanda nang nagsimula
tayo ng bakunahan sa kanila.. Ang nakita lang nilang most common reactions were
vomiting and fever sa mga edad 12 to 17 and we are hoping na same siya as we start
vaccinating sa 5-11 na kids.

DJ Maristel: Kamusta naman po ang preparasyon ng ating mga Medical Frontliners? And
kamusta naman po ang daloy ng mga nagpapa register upang makakuha ng bakuna?

Dr. Bunyi: Ahm… Suprisingly po madaming nagpa-register na as of now, mga nasa 1500
na in our Hospital. Our Medical Frontliners po currently ay napaka busy for the
preparation.

DJ Kairo: Napaka gandang pakinggan naman po niyan, doktora. Lastly ano po iyung
inyo maiipapayo sa mga taong hanggang ngayon ay takot pa rin sa bakuna?

Dr. Bunyi: A great question DJ Kairo.. Lahat po ng bakuna na itinuturok sa ating mga
braso ay sumailalim muna sa napakatagal na pag-aaral at testing process para
masigurado na safe ito sa bawat isa sa atin. Hindi po natin dapat ika-bahala ng sobra
ang mga side effects sapagkat ito ay normal kahit saang bakuna and much better po
ano if we are taking vitamins, it can lessen the pain and will boost your immune system
po.

DJ Maristel: Dito natatapos ang ating maikling panayam kasama ang ating butihin na si
Dr. Mary Ann Bunyi, pangulo ng PIDSP.

DJ Kairo & Maristel: Maraming Salamat po Doktora!!

Dr. Bunyi: Maraming Salamat rin sa inyo!


DJ Maristel: Dito na nagtatapos ang ating programa, halina’t mama alam na tayo Partner
sa ating mga taga-pakinig.

DJ Kairo: Muli kami sina DJ Kairo at DJ Maristel na handing maghatid ng balita.

DJ Kairo: Saanman.

DJ Maristel: Kailanman.

DJ Maristel & Kairo: Handa kaming paglingkuran at maghatid ng mga walang


kinikilingang balita.

*Program’s Jingle started to Play*

You might also like