You are on page 1of 16

Edukasyon

sa
Pagpapakatao 4
Tukuyin kung ang mga sumusunod na
larawan ay nilikha ng Diyos o Hindi
Pagpapakita ng
Pananalig sa Diyos
Basahin ang pag-uusap ng magkaibigan na Ben at Monica:
Habang naglalakad si Ben ay nakasalubong niya ang kanyang kaibigang
si Monica na tila malungkot….
Ben: Magandang araw Monica. Bakit parang malungkot ka?
Monica: Magandang araw din sayo Ben….
Oo Ben, malungkot ako dahil nawalan ng trabaho ang aking ama at may
sakit naman ang aking ina.
Ben: Naku! Nakakalungkot naman ang balitang iyan.
Monica: Tama ka Ben,mahirap ang buhay lalo na ngayong may
pandemya tayong hinaharap.
Ben: Oo, kaya ang tanging magagawa natin ay maniwala at manalig sa
Diyos. Siya ang magbibigay ng lakas at pag-asa sa bawat isa sa atin.
Monica: Maraming salamat Ben sa iyong payo at gumaan ang aking
pakiramdam.Lagi kong tatandaan na may Diyos na patuloy na
gumagabay at nagmamahal sa akin.
Mga tanong:
1.Sino ang dalawang batang nag-uusap sa kwento?
2.Bakit malungkot si Monica?
3.Ano ang payo ni Ben kay Monica?
4.Tama ba ng payo ni Ben kay Monica?Bakit?
5.Ano ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo sa
Diyos?
6.Bakit kailangan na maniwala at manalig tayo sa
Diyos?
7.Paano mo ipinapakita ang iyong pananalig sa
Diyos?
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging
relihiyoso kaya maraming paraan kung
paano natin naipapakita ang ating pananalig
sa Diyos. Maaaring sa pamamagitan ng
pagsisimba,pagsasabuhay at pagsunod sa
kanyang mga utos,pagpapasalamat sa
kanyang mga biyaya,pakikipag kapwa-tao at
paghingi ng tawad o kapatawaran sa mga
nagawang kasalanan.
Gawain 2

You might also like