You are on page 1of 11

ESP 5

Jay D. Bolano
Teacher
Pagkatapos ng aralin ay inaasahan kong;

• Matutunan mo na pahalagahan ang


katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa balitang napakinggan,
patalastas na nabasa/narinig at
napanood na programang
pantelebisyong nabasa sa internet.
Panimulang Gawain

Tinangnan ang larawan sa ibaba.


Pagganyak na Tanong

Tanong:

1. Ano-ano kaya ang maaaring makuhang sakit sa paggamit ng


sigarilyo?
____________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang mga dahilan ng mga taong


gumagamit ng sigarilyo?
____________________________________________________

3. Paano mo matutulungan na tumigil ang isang taong naninigarilyo?


____________________________________________________
 
Saan niyo ba nakikita ang mga
ganitong uri ng ng mga paalala?
Magbigay ng mga uri ng mga pinagkukunan ng impormasyon.

radyo telebisyon

Pinagkukunan
ng impormasyon

dyaryo internet
Paglalahad / Pagbasa 1

“Telepono!” ang sigaw ni ate Arlene matapos ang sunod-sunod na kulingling


ng telepono. “ Minnie, dali sagutin mo!”
“Hello” Opo. Bakit po?” ang tanong ni Minnie.
May ilang saglit na lumipas.
“Hello” Ha? Naaksidente? Naku, paano po nangyari iyon eh kani-kanina
lang po ay tumawag sina Mommy at sabi ay pauwi na raw sila. Sorry po, pero
hindi kop o kayo puwedeng paniwalaan,” ang sabi ni Minnie na dahan-dahang
nagbaba ng telepono.
“Ano daw iyon?” ang tanong ni Ate Arlene.
“Naaksidente daw sila Mommy at Daddy ayon sa tumawag.” “Ha? Paanong
mangyari iyon?” ang tanong ng kaniyang Ate Arlene. “Hindi nga ako naniwala
at naisip kong manloloko iyon kaya agad-agad kong ibinaba ang
telepono,” ang pahayag ni Minnie.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto at nang buksan nila ay
ang kanilang Mommy at Daddy.

“Mukhang masinsinan yata ang pinag-uusapan niyong


magkakapatid?” ang bungad ng mag-asawa.
Ikinuwento ni Minnie ang tungkol sa tawag sa telepono.

“Naku, mabuti na lang anak at hindi ka naniwala. Marami


talagang manloloko sa panahon ngayon. Ang galing talaga ng
anak ko!” ang sabi ng Mommy niya sabay halik sa kaniya.
Paglalahad / Pagbasa 2

Tatlong magkakaibigan- sina Michelle, Melody at Grace- ang


naglalaro sa parke. Abala sila pag-uusap tungkol sa maraming
bagay. Bigla, may isang lalaki ang lumapit sa kanila. “Bata
tinatawag ka ng nanay mo,” sabi ng lalaki ky Michelle.
“Hinihintay ka niya sa taxi. Sinasabihan niya akong
sunduin ka.”
Naalala ni Michelle ang narinig niya nang manood siya ng
balita sa telebisyon. Madali siyang nakaisip ng
sagot.
“Paumanhin, ngunit dumating na ang nanay ko. Kasama
niya ang tatay ko na bumili ngayon ng meryenda para sa amin,”
matatag na sinabi ni Michelle sa lalaki. Pagkasabing-pagkasabi
nito, umalis ang lalaki.
Nagtinginan ang magkakaibigan. Natanto nilang may
masamang intensiyon ang lalaki.
“Mabuti at hindi ka sumama sa kaniya.” sabi ni
Melody.
“Siyempre, hindi ako sasama.” sabi ni Michelle.
“ Ang galing mo! Masayang sabi ni Grace.
Alamin ang tama!!!

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano naipakita nina Minnie at Michelle na mayroon silang mapanuring pag-iisip?

2. Ano kaya ang maaaring nangyari kung hindi nag-isip at nagpasiya nang mahusay sina
Minnie at Michelle?

3. Kung ikaw ang nasa mga katulad na sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ng mga
bata? Bakit?
 
4. Paano mo mapapahusay pa ang iyong mapanuring pag-iisip?

You might also like