You are on page 1of 5

9

FILIPINO 9
Pinasimpleng Dahong Panggawain 1
Aralin 4: Ugnayang Telenobela

R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City


(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312
southernleyte.division@deped.gov.ph
Kasanayang Pampagkatuto

Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling


kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan (F9PD-Ia-b-39)

SIMULAN MO!

Sa araling ito matutunghangyan muli natin ang kuwento ni Mui Mui, ang
batang dumanas ng pagmamalupit sa kaniyang ama. Hindi lingid sa ating isipan na
isa sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa ating bansa o maging sa buong
mundo ang pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan sa mga tahanan. Ito ang
tinatawag na domestic violence. Hindi lang pisikal na pang-aabuso ang nararanasan
ng ilan kundi pati na rin sa berbal na pang-aabuso mula sa mga taong dapat ay
siyang mangangalaga sa kanila. Napapanood natin ito sa mga balita at maging sa
mga telenobela.

Pagkatapos ng aralin, kailangan mong magbigay ng isang telenobela o kaya


ay totoong napabalita sa radyo at telebisyon na may pang-aabuso sa mga kabataan
o kababaihan man.

ALAM MO BA!

Ang Domestic Violence (Karahasan sa Tahanan), ito ay ang pang-aabuso o


karahasan sa pagitan ng mag-asawa, magkasintahan atbp. Hindi lamang ang pisikal
na pang-aabuso o pananakit sa katawan tulad ng sipa, at suntok ang maituturing na
domestic violence, maging ang paggamit ng mga salitang mapanlait ay maituturing
na domestic violence din.

1. Pang-aabusong Emosyonal: Ang pagsasabi ng mga magaspang o mapanlait


na, pagwawalang-bahala kahit na kinakausap, pagwasak at pagtapon ng mga
bagay na pinakakaingatan atbp.
2. Pang-aabusong Pisikal: Tulad ng sipa at suntok.
3. Pang-aabusong Sekswal(Sexual Abuse): gaya ng pagpupumilit na
pakikipagtalik.
4. Pang-aabusong Pinansyal: Hindi ginagampanan ang mga responsibilidad at
mga gastusing pangkabuhayan, pagsamsam sa pera atbp.

Kapag nakaranas ng karahasan o pang-aabuso maaring sumangguni sa


pinakamalapit na himpilan ng pulis o dili kaya`y sa Sentro ng Sanggunian para sa
Kababaihan (Women`s Consultation Center).Tumatanggap din ng konsultasyon sa
Welfare Division ng munisipalidad sa iyong lugar na tinitirahan.

1
MAGTULUNGAN TAYO!

Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin, basahin buod ng maikling
kuwentong pinamagatang Ang Ama na salin sa Filipino ni Mauro R. Avena mula sa
inyong aklat na Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral 9 pahina 17 – 20.

Mayroong isang ama na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang


pamilya. May anim itong anak na lahat ay takot sa kaniya dahil laging mainit ang ulo
nito at lagi silang sinasaktan kabilang ang kanilang ina.

Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama. Mainit ang ulo nito pagdating sa
kanilang bahay. Tiyempo naman na malakas ang iyak ng anak niyang si Mui Mui.
Dahil sa pagkainis nito sa mga nangyayari, nabalingan niya ng galit ang anak.

Walang ano-ano ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ni


Mui Mui at tumilapon malapit sa silid. Nawalan ito ng malay ngunit nakabangon
naman matapos ang ilang sandali. Gayunman, dalawang araw matapos ang
pananakit sa bata ay yumao ito.

Noong panahong iyon, ay nabuhay sa konsensya ang ama dahil sa nagawa


sa anak. Sa kaniyang pagmumuni-muni, naisipan niyang mula noon ay magiging
mabuti na siyang ama. Ang perang ibinigay ng amo niya bilang abuloy ay ibinili niya
ng mga pagkain.

Ngunit ang mga iyon ay dinala niya sa puntod ng namayapang si Mui Mui.
Hindi niya batid na sinundan siya ng iba pa niyang mga anak.

Inialay niya ang ipinamili sa anak na si Mui Mui kasama ang pagsusumamo
na patawarin siya nito. Nang umulan, sumugod ang magkakapatid sa puntod at
pinagsaluhan ang alay na pagkain ng ama.

MAGAGAWA MO!

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. ang mga kapatid B. ang ina C. Mui Mui D. ang ama
2. Sino sa mga tauhan sa kuwento ang naging sanhi ng pagkamatay ng bata?
A. ang mga kapatid B. ang ina C. ang mga kaibigan D. ang
ama

2
3. Ano ang naging dahilan ng pagiging maiinit ng ulo ng ama pagdating sa
bahay?
A. natanggal ito sa trabaho C. nadatnang walang tao ang bahay
B. walang makain D. napagalitan ng amo
4. Dumanas din ba ng kaapihan ang ina? Paano?
A. Opo. Laging binubugbog ng kanilang ama ang kanilang ina.
B. Opo. Pinagbabawalan ng ama na makapiling niya ang kanilang anak.
C. Hindi niya pinatuloy sa bahay ang ina.
D. Hindi inaapi ng ama ang kanilang ina
5. Anong pang-aabuso ang naranasan ni Mui Mui, kanyang mga kapatid at ina
sa kamay ng ama?
A. Pang-aabusong Emosyonal at Pang-aabusong Pisikal
B. Pang-aabusong Sekswal at Pang-aabusong Pinansyal
C. Pang-aabusong Emosyonal, Pang-aabusong Pisikal at Pang-aabusong
Pang-ekonomiya o Pinansyal
D. Pang-aabusong Emosyonal, Pang-aabusong Pisikal, Pang-aabusong
Sekswal at Pang-aabusong Pang-ekonomiya o Pinansyal

Pagsasanay 2

Panuto: Ihambing ang mga pang-aabusong naranasan ni Mui Mui, kanyang mga
kapatid at Ina sa pang-aabusong naranasan din ng isang piling tauhan sa napili
mong telenobela. Pagkatapos mong maghambing ay maglahad ka ng mga
mungkahing paraan kung paano mo mahihinto ang mga pang-aabusong ito. Isulat
ang kasagutan sa sagutang papel na inilaan.
naranasan ng tauhang si
naranasan nila Mui Mui,
mga kapatid at kanilang
Ina sa kamay ng Ama.
Mga pang- aabusong

Mga pang-aabusong

___________ sa

_____________
telenobelang

Ang naisip kong paraan upang mahinto ang


ganitong uri ng pang- aabuso ay ____________
_
Pagpapahalaga

Bakit kaya kinakailangang mahinto ang mga pang-aabuso kagaya ng inyong


napakinggan sa kuwento?

3
Inihanda ni:

KERWIN D. UDTOHAN
Teacher I

Sinuri nina:

Koponan ng Tagapagtiyak ng Kalidad

ELEANOR D. TARIPE
Tagapangulo

Mga Kasapi:

JESON S. PELESCO TATCHANY S. TIO


Teacher III Teacher III

CARMELITA A. MATURAN TERESITA S. ORTIZ


Teacher I Master Teacher I

Pinagtibay ni:

HILDA D. OLVINA, EdD


EPS in Filipino

Pinatunayan ni:

LIZA L. DEMETERIO, EdD


CID Chief

Sanggunian
Lim, Nelia S. 2020. Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Panitikang
Asyano – Maikling Kuwento ng Singapore, Pahina 19. Ebook

You might also like