You are on page 1of 6

9

FILIPINO 9
Pinasimpleng Dahong Panggawain 2
Aralin 1: Nobela:
Katotohanan, Kabutihan at Kagandahan ng Akda

Kasanayang Pampagkatuto
R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City
(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312
southernleyte.division@deped.gov.ph
Nauuri ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng katotohanan ,kabutihan,at
kagandahan sa napakinggang bahagi ng nobela.
(F9PN-IC-d-40)

SIMULAN MO!

Ang aralin na ito ay patungkol sa nobelang Asyano mula sa Indonesia. Ito ay ginawa
upang matutunan ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng pinakamataas
na katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakingan/nabasang bahagi ng
nobela. Sakop ng aralin na ito na magamit sa anumang ibat-ibang paraan at sitwasyon
ng pagkatuto at ang mga leksyon ay naisasaayos sa standard na pamamaraan.

Sinasabing ang mga bansang Asyano ay mayayaman sa mga akdang pampanitikan.


Sa modyul na ito, ating matutunghayan ang aralin tungkol dito. Kung ating babalikan,
ano nga ba ang panitikan? Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito ay maaaring nasa
anyong tuluyan o prosa. Mayroong iba’t ibang uri ang panitikan. At ang nobela ay isa
sa mga genre o anyo ng panitikan na susuriin sa araling ito. Ang araling tatalakayin sa
modyul na ito ay lilinang sa kakayahan ng mga mag- aaral na sumuri ng mga
pangyayari batay sa kanilang nauunawaan mula sa napakinggang akda. Nang sa
ganoon, ang mga ito ay maiugnay sa kasalukuyang nagaganap sa lipunang Asyano.
Nilalayon ng gawaing ito na ang mga mag-aaral ay nakapagpamalas ng malawak na
kaalaman sa pagsuri hindi lamang ng mga akdang pampanitikan kung hindi pati na rin
sa mga mahahalagang bagay na kanilang napakinggan na maaari nilang kapupulutan
ng aral lalo na sa pag-uugnay nito sa mga pangyayari sa lipunang kinabibilangan.

ALAM MO BA!

TAKIPSILIM SA DYAKARTA Indonesia


ni Mochtar Lubis
(Salin ni Aurora E. Batnag)

Isinara ni Raden Kaslan, director ng Bumi Aju Corporation at miyembro ng


Indonesian Party, ang pinto ng kanyang opisina sa bahay at bumaling sa kanyang
bisita, si Huslin Limbara, tagapangulo ng Indonesian Party. “Hayan”, sabi niya, “wala
nang makaririnig ng usapan natin. Maupo ka.” Naupo si Husin Limbara sa isang silyon
na kulay tsokolate na gawa sa balat, sumandal, saka nagsabing, “Aray, masakit pa rin

1
ang balikat ko. Wala pa ring doctor ang nakapagpagaling nito.” Kinuha ni Raden
Kaslan ang kahon ng tabako sa kanyang mesa at may sinabing pakikiramay sa sakit sa
balikat ni Husin Limbara. Kumuha ang bisita ng isang ‘555’ na sinindihan ni Raden
Kaslan sa kanyang pilak na layter na gawa ng Jogja Silverworks. Humithit nang
malalim si Husin Limbara, marahang nagbuga ng usok habang matamang nakatingin sa
mukha ni Raden Kaslan. Saglit na hindi mapalagay si Raden Kaslan sa pagkakatingin
sa kanya, ngunit iwinaksi niya ang pag-aalala matapos makapag-isip: kailangan na
naman ng partido ng pera, at sa pagkakataong ito, hindi na siya nag-abot ng hihigit pa
sa isa o dalawang libong rupiah. Gumaan ang kanyang pakiramdam nang mabuo ang
ganitong pasya. Sinabi niya kay Huslin Limbara. “Ano ba’ng atin?” Parang napaka-
importante at napakabigat ng problema noong magkausap tayo sa telepono.” May
bahagyang ungol na umayos ng upo si Husin Limbara bago marahang
nagsab………….

Sipi mula kay Peralta RN Et.al, Panitikang Asyano, Pilipinas ng Vibal Group, Inc ,2014

MAGTULUNGAN TAYO!

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag mula sa akda.

1. “Gaya ng alam mo na, malapit na naman ang eleksiyon. Kailangan ng ating partido
ng maraming pera. Kailangang magtayo tayo ng organisasyong pangkalakalan para
makalikom ng malaking pera,”
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____ _______________________________________________________________

2. “Allah”, sa loob-loob niya. Nilalabanan ko nang husto ang lahat ng tukso. Pero kung
kailangang mabigyan ng buhay si Hasnah, at pagpapakasama lamang ang tanging
paraan para makuha ang buhay na ‘yon, sige, magiging masama na rin ako. Para kay
Hasnah, para sa kanyang isisilang, para sa beybi ko.”
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. “Hangal na lang ang magkakagustong magtrabaho sa gobyerno sa panahong ito.


Pero kung marunong siya, makakaraos din kung tatanggap ng suhol.”
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

MAGAGAWA MO!
2
Panuto: Punan mo ang talahanayan ng mga pahayag na nagsasaad ng
katotohanan,kabutihan,at kagandahan mula sa akda.

Takipsilim Sa Dyakarta

Katotohanan Kabutihan Kagandahan

1.

2.

Inihanda nina:

3
JESON S. PELESCO
LORELIE A. SALADA
IMELITA C. CALAYLAY
Teacher III

Sinuri nina:

Koponan ng Tagapagtiyak ng Kalidad

ELEANOR D. TARIPE
Tagapangulo

Mga Kasapi:

CARMELITA A. MATURAN TATCHANY S. TIO


Teacher III Teacher III

KERWIN D. UDTOHAN TERESITA S. ORTIZ


Teacher I Master Teacher I

Pinagtibay ni:

HILDA D. OLVINA, EdD


EPS in Filipino

Pinatunayan ni:

LIZA L. DEMETERIO, EdD


CID Chief

4
5

You might also like