You are on page 1of 6

9

FILIPINO 9
Pinasimpleng Dahong Panggawain 2
Aralin 3: Nobela – Saudi Arabia
“Isang libo’t Isang Gabi”

Kasanayang Pampagkatuto:
R.Kangleon St., Mantahan, Maasin City 0
(053)570-8932-8933 /09279830070 /09277191312
southernleyte.division@deped.gov.ph
Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda.
F9PT-Ic-d-40

SIMULAN MO!

Ang pagpapaliwanag, pagsasalin ng kahulugan o pagbibigay ng sariling


pananaw o kaisipan sa isang teksto o pahayag ay tinatawag na interpretasyon.

Maaaring gumamit ang may-akda ng mga simbolo/imahe at mga pahiwatig.


Sa bahaging ito mabibigyan mo ng sariling interpretasyon ang ginamit na mga
pahiwatig sa akda

ALAM MO BA!

Scrambled Letter, Gawing Better

Ang mga larawan ay nagpapakita ng mga bagay na mapagkakikilanlan sa


bansang Saudi Arabia. Ayusin ang mga titik upang mabuo ang pangalan ng larawan.

ARUQN___________ IENGI______________ BNUTAR__________

AABKA_________ YABAA ___________ OYKAELM_________

Mga Pahiwatig ng Salita

1
Quran- ang siyang banal na aklat ng mga Muslim, o mga islam, sa mga
Kristiyano Bibliya ang katumbas nito. Naniniwala ang mga muslim na ang mga
nakasulat o nakapaloob dito ay mula lahat kay Allah ang kanilang sinasamba.

Ginie- ayon sa paniniwala , ang ginie ay isang makapangyarihan at


mapaghimala, anuman ang nais mo o hiling sa isang ginie ay kanyang ibibigay.

Turban- ay isang uri ng kasuotan o sombrero na inilalagay o ipinapatong sa


ulo ng isang lalaki, madalas na nagsusuot nito ay mga kalalakihang naninirahan sa
mga bansang Muslim. Ito rin ay simbolo ng paniniwala nila sa kanilang Allah.

Kaaba- pinakabanal na bagay ng mga Muslim (Black Stone) na matatagpuan


sa Mecca.

Abaya- isang uri ng kasuotan na inilalagay ng mga kababaihang Muslim sa


kanilang mga ulo, ito ay pagpapakita o simbolo ng kanilang paniniwala, relihiyon at
kay Allah.

Kamelyo- isang uri ng hayop na kalimitang makikita sa bansang may


malawak na disyerto, noong unang panahon ito ang ginagamit ng mga tao sa
paglalakbay sa disyerto dahil sila ay matatag at matibay sa init ng araw.

MAGTULUNGAN TAYO!

Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin, basahin ang buod ng nobelang
Isang Libo’t Isang Gabi at sagutin ang mga pagsasanay.

Buod ng Isang Libo’t Isang Gabi

Nagkaroon ng kabiyak ang isang babaeng mangangalakal na isang


manlalakbay. Lagi siyang iniiwan nito dahil kailangang pumunta sa iba’t ibang bansa.
Dahil dito, nahulog ang loob ng babae sa isang lalaking mas bata sa kaniya.
Gayunman, nakulong ang lalaki kaya naman gumawa ng paraan ang babae para
makalaya ang lalaki
Lumapit siya sa limang lalaki upang tulungan siya. Ngunit lahat ng lalaking ito
ay hiniling ang kaniyang katawan kapalit ng tulong nila.
Pumayag naman siya ngunit may plano siya para sa limang lalaki.
Nagpagawa siya ng isang malaking kabinet sa karpintero, isa sa lalaking nilapitan
niya. Gumawa ito at dinala sa kaniyang bahay.
Pinapunta niya ang limang lalaki sa magkakasunod na oras kaya halos
magkakasunod rin silang dumating sa bahay ng babae. Unang dumating ang cadi.
Pinaghubad na siya ngunit biglang may kumatok. Sabi ng babae ay asawa niya raw
iyon kaya nagtago ang lalaki sa cabinet.
Dumating din ang pulis. Gumawa muna ito ng kasulatang pinapalaya na ang
lalaking sinabi niyang kapatid niya lamang pero karelasyon niya.
May kumatok at pinapasok din ang lalaki sa kabinet. Sunod na dumating ang vizier
at hari at ganun din ang nangyari at nagtago sila sa cabinet dahil may kumatok.
Dumating ang karpintero at sinabi ng babae na may kailangang ayusin sa loob
ng cabinet. Nakulong ang limang lalaki sa loob habang nakalaya naman ang lalaki

2
dahil sa kasulatan. Nag-ingay ang lima upang makatakas sa pagkakakulong.
Hiyang-hiya naman sila sa kanilang ginawa.

MAGAGAWA MO!

Pagsasanay 1

Paglinang ng Talasalitaan

A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang nasa Hanay A.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

__________paratang a. palalayain

__________pakakawalan b. nakapiit

__________nakakulong c. isinuhestiyon

__________iminungkahi d. layon

__________pakay e.bintang

__________bonnet f. banal na aklat

__________turban g.guwantes

__________Quran h.gora

i.yari sa telang ipinupulupot o

ibinibilot sa paligid ng ulo;

pugong din ang tawag dito

B. Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na pahiwatig.

1. Ang mga mata ay bulag, at ang mga tainga ay bingi kapag puso ang
naghahari sa bawat tao sa daigdig.

2. Walang mali at walang pangit. Ganyan kung mabulag ang mga taong umiibig.

Pagsasanay 2

3
Panuto: Bigyan ng sariling interpretasyon ang mga salita at magbigay ng ilang
halimbawa at sitwasyon.
Salita Interpretasyon Sitwasyon
babae

lalaki

bahay

kagandahan

iniibig

Inihanda ni:

CHERRY ROSE M. LEGANTIN

4
Teacher III

Sinuri nina:

Koponan ng Tagapagtiyak ng Kalidad

ELEANOR D. TARIPE
Tagapangulo

Mga Kasapi:

JESON S. PELESCO TATCHANY S. TIO


Teacher III Teacher III

KERWIN D. UDTOHAN TERESITA S. ORTIZ


Teacher I Master Teacher I

Pinagtibay ni:

HILDA D. OLVINA, EdD


EPS in Filipino

Pinatunayan ni:

LIZA L. DEMETERIO, EdD


CID Chief

You might also like