You are on page 1of 5

Name: __________________________________ Grade/Section: ________ Score: ___

School: ________________________________ Teacher: __________________________

THIRD QUARTER
Written Test No. 1

PANUTO:  Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik ng


tamang sagot.
1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na gratus (nakalulugod), gratia (pagtatangi
o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).
A. Pagbati C. Pasasalamat
B. Pagpapahalaga D. Utang na loob

2. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na pasasalamat?


A. Nagbibigay ng kaunting panahon si Kristal sa taong umampon sa
kaniya.
B. Iniingatan ni Carlo ang bagong laptop na bigay sa kaniya ng kaniyang
magulang.
C. Nagsulat ng liham pasasalamat si Angela para sa kaniyang magulang
bilang awput sa kaniyang proyekto.
D. Tinutulungan ni Ryan sa gawaing bahay ang kaniyang magulang dahil
alam niyang pagod na sila sa trabaho.

3. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapasalamat?


A. Hindi nakalilimot magpasalamat si Andy kay Aling Maria na sumagot sa
kanyang tuition fee.
B. Nagpapasalamat si Abby sa Diyos bago matulog dahil sa paggabay ng
ipinagkakaloob ng Panginoon.
C. Tumutulong si Ana sa mga mahihirap upang mayroon siyang mai-upload
na video sa kaniyang YouTube account.
D. Nang makapagtapos ng pag-aaral si Ruel ay binilhan niya ng grocery
package ang kanyang mga magulang bilang regalo sa kanilang kaarawan.

4. Alin sa sumusunod ang kumikilala sa sakrispisyo ng magulang?


A. Pagbibigay regalo dahil kaarawan nila.
B. Pagtigil sa pag-aaral upang magtrabaho.
C. Pinagbubuti ang pag-aaral kahit na nahihirapan.
D. Pagmamano sa magulang pagkagaling sa eskwelahan. 
5. Tinuturuan ni Rommel ang kaklaseng si Ramon dahil nahihrapan ito sa
ilan nilang asignatura nang hindi humihingi ng kapalit. Paano maipapakita
ni Ramon ang kaniyang pasasalamat?
A. Magpasalamat si Ramon kahit hindi bukal sa puso.
B. Bigyan ng regalo ni Ramon bilang kapalit ng pagtuturo.
C. Ipagbigay alam ni Ramon sa iba pang kaklase upang mas marami pang
maturuan si Rommel.
D. Kilalanin ni Ramon ang tulong na nagawa sa kaniya sa pamamagitan ng
pagbubuti sa pag-aaral upang tumaas ang grado.

6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawain ng pasasalamat sa loob ng


tahanan?
A. Pagdarasal bago matulog.
B. Pagbibigay liham pasasalamat sa iyong kaibigan.
C. Binigyan mo ng regalo ang kaklase mong may kaarawan.
D. Niyakap mo ang iyong nanay dahil nasarapan ka sa kaniyang luto.

7. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagsasakatuparan mo


ng ritwal na pasasalamat sa iyong kapuwa?
A. Magkaroon ng self-reflection.
B. Magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natanggap.
C. Ipagdasal ang mga taong nakagawa sa iyo ng kabutihan.
D. Gumawa ng listahan ng mga taong nagawaan mo ng kabutihan,

8. Tinuruan ka ng iyong Ate sa iyong Research Project sa isa mong asignatura.


Paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat?
A. Yakapin at sabihan ng salamat.
B. Sabihin sa inyong Nanay na ibili niya ng damit ang iyong Ate.
C. Akuin na mas marami kang nagawa para sa iyong Research Project.
D. Magsabi ng salamat ngunit ipaalala na responsibilidad niya ito bilang
nakatatandang kapatid mo.
9. Mabait at mapag-arugang ina si Berta sa kaniyang mga anak. Kung ikaw
ang anak ni Aling Berta paano mo ipapahayag ang iyong pasasalamat?
A. Paghandog ng regalo sa kaarawan ng ina.
B. Paghahadog ng anumang tagumpay sa iyong ina.
C. Walang pagnanais na magbago o umunlad ang sarili.
D. Umasa sa ina sa lahat ng pagkakataon bilang pagsunod.

10. Alin sa sumusunod na halimbawa ang pagpapakita ng pasasalamat sa


tahanan?
A. Paggawa ng simpleng bagay tulad ng paglilinis ng mesa pagkatapos
kumain.
B. Paggawa ng kabutihang loob sa kapuwa na hindi naghihintay ng
anumang kapalit.
C. Pagtanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa iyo sa panahong
ikaw ay nangangailangan.
D. Pagiging mabuti sa sarili sa anumang kondisyon ang mayroon kahit
batid mo na hindi ka nagtagumpay.

11. Alin sa sumusunod na halimbawa ang pagpapakita ng kawalan ng


pasasalamat?
A. Pagbibigay ng simpleng tapik sa taong nangangailangan.
B. Pagpapasalamat sa pulis na tinulungan kang tumawid sa kalsada.
C. Pagpapakita ng inggit sa pamamagitan ng pagkumpara sa tagumpay na
nakamit ng kapuwa.
D. Hindi paglimot na magpasalamat sa mga taong nakatulong sa iyo sa
panahong ikaw ay nangangailangan.

12. Nakatanggap ka ng text mula sa kaklaseng ipinagbigay-alam sa iyo na


may pagbabago sa performance task sa asignaturang EsP 8. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Balewalain at gawin agad ang pagbabago.
B. Agad na mag-reply at magpasalamat rito.
C. Magtanong sa ibang kaklase kung ito ay totoo.
D. Huwag paniwalaan ang kaklase at ipagpatuloy ang ginagawa.

13. Binigyan kayo ng bigas at tubig ng inyong barangay bilang tulong sa


panahon ng pandemya. Paano mo ito susuklian ng pasasalamat?
A. Ngitian sila at sabihan ng salamat.
B. Kunin basta-basta ang ibinigay nila.
C. Magpasalamat ngunit labag sa kalooban.
D. Humingi pa ng karagdagan mula sa kanila.
Bilang 14 – 15.

Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin at piliin ang titik ng tamang sagot.

Lumaki sa mahirap na pamilya si Diego. Sa murang edad, nangarap siya na


sa kaniyang paglaki ay tutulungan niya ang kaniyang pamilya para maiahon
ito sa kahirapan ng buhay na pinagdaraanan nila. Isang pangyayari ang
nagtulak kay Diego na magtrabaho bilang construction worker nang
magkasakit ang kaniyang Ama at pinagsabay niya ito sa kaniyang pag – aaral.
Dahil sa matibay na paniniwala nito sa Poong Maykapal, at dala ng kaniyang
pagsisikap, umangat ang kaniyang posisyon bilang kanang kamay ng kailang
boss. Naipagamot niya ang kaniyang tatay at unti-unti umasenso ang kanilang
buhay. Bilang pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang natanggap,
tumutulong siya sa mga taong nangangailangan.  

14. Paano naipakita ni Diego ang pasasalamat niya sa Panginoon?


A. Pinagamot niya ang kaniyang tatay.
B. Naglingkod siya sa kaniyang kapuwa.
C. Naging tapat siya sa kaniyang trabaho.
D. Tumulong siya sa mga taong nangangailangan.

15. Angkop ba ang paraan ng pasasalamat ni Diego sa Panginoon?


A. Oo, dahil masipag siyang tao.
B. Oo, dahil naibahagi niya ang kaniyang mga natanggap na biyaya sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa.
C. Hindi, dahil hindi niya natulungan ang mga kasamahan niya sa trabaho.
D. Hindi, dahil naimpluwensiyahan lamang siya ng kaniyang mga
kasamahan sa trabaho.
ANSWER KEY – Q3 – WT 1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

1. C
2. D
3. C
4. C
5. D
6. D
7. C
8. A
9. B
10. A
11. C
12. B
13. A
14. D
15. B

You might also like