You are on page 1of 12

Panayam

Petsa: Hulyo 31, 2019


Oras:

Kalahok blg. 21
Babae

M- Mananaliksik
K- Kalahok

M: Naranasan nyo na po bang mangutang?


K: Oo naman.

M: Kanino po kayo nangungutang o saan?


K: Una sa mga kamag-anak, pangalwa sa mga kaibigan.

M: Nasubukan nyo po ba sa SSS, Pag Ibig?


K: Ah okay, oo

M: Sa bangko?
K: Ah hindi pa sa bangko

M: Bakit ayaw nyo po mangutang sa bangko?


K: Kasi malaki ang interest

M: Nasubukan nyo na po?


K: Sinubukan ko na pero noong inaaral ko yung sistema ng bangko, mahirap. I mean, parang
pagka sa bangko ako nangutang, buwan-buwan malaki yung karga.

M: Pero kung sa tao, kanino kayo nangungutang?


K: Pinakamadalas sa kaibigan.

M: At walang interest?
K: At walang interet.

M: Sa mga kamag-anak?
K: Sa mga kamag-anak ganon din.

M: Sa mga kapatid?
K: Ah sa kapatid, usually kasi sa kapatid, pwedeng hindi bayaran.

M: Pero sinasabing utang?


K: Sinasabing utang

M: Pero hindi binabayadan?


K: Ganon din naman saakin

M: Pero nagkakaintindihan?
K: Nagkakaintindihan, ganon naman ang kapatid ano.
M: Siguro, bakit nga, sa tingin mo bakit?
K: Siguro dahil ganon talaga yung ano, ganon katimbang ang dugo.

M: Pero utang pa rin sinasabi?


K: Utang parin pag hiningi, pero pag di ka naningil, hindi magbabayad.

M: Naniningil ba?
K: Ako hindi na ako naniningil sa kapatid.

M: Sila?
K: Sila hindi din.

M: Sa magulang umuutang ka rin?


K: Oo naman

M: Utang mo rin sinasabi?


K: Utang ko rin sinasabi.

M: Pero?
K: Pero hindi ko din binabayaran

M: So talagang pagka pamilya?


K: Pagka kapamilya, okay lang

M: Nagkakaintindihan?
K: Pero yung ano, immediate family lang, pero pag yung ano halimbawa sa tiyo, sa tiya, sa
pinsan utang talaga, binabayaran.

M: Nasa magkano naman ang iyong inuutang?


K: Ah hindi pa ako nakautang ng more than 70 000, so ang pinaka malaki pa lang ay 70 000.
Yun ay sa kooperatiba ng eskwelahan.

M: Ano ang dahilan, saan mo ito ginagamit?


K: Ang pinakamalaki ay medical expenses kasi sa pagkakasakit ng aking mga magulang doon
laang. Pero sa ibang bagay, hindi ko pa, sa ibang dahilan, para sa luha ay hindi ko pa
nasubukan mangutang.

M: So pangunahing dahilan?
K: Yun lang.

M: Paano ka magsasabi pag mangungutang, halimbawa ay sa kapatid o hindi kaya ay sa ibang


tao? Diretsyuhan? Text?
K: Diretsyuhan ako

M: Paano sinasabi mo, halimbawa sa kapatid mo?


K: Sa kapatid, halimbawa, ate may pera ka ba? Pautang ako.

M: Ganon?
K: Ganon kadali, inay pautang akong limang libo, ganon talaga.
M: Hindi bago sa kanila?
K: Hindi bago sa kanila.

M: Ganon din ba sila?


K: Ganon sila, ganon din kadiretsyo.

M: Harapan, text?
K: Oo, sa pamilya ganon, pero pagka sa mga, halimbawa sa mga kamag anak syempre may
paligoy.

M: Paano paligoy?
K: Paligoy, halimbawa ay tiya, paano ba ako mangutang sa tita at tito ko, kasi usually
nangungutang lang ako pag may medical expenses so usually talaga hindi naman paligoy,
pagka nagtext sila, halimbawa nagparamdam ako nasa hospital ang inay. Tito, tita, ganon lang
o, na nasa hospital, alam na nila, meron na silang ideya.

M: Ano ang sasabihin nila?


K: Tatawag po sila at mangangamusta, pag tumawag sila sasabihin ko na tito baka, ah ganito
pala ako mangutang, ganito, Tito kami po ay nasa ospital uli ay sya, ako po ay ipaghahanda
nyong ganito. Hindi ako yung ipaghahanda nyo po ako ng ganito, ganyan o pera tapos
pagtinanong nila ako, ayon saka ganon.

M: Sinasabi mo ang eksaktong halaga?


K: Sinasabi ko ang eksaktong halaga kapag nagtanong sila, pero kung hindi sila magtatanong,
hindi rin ako magsasabi kasi hindi, kasi pagka yung mga ganoong sitwasyon, hindi rin ako
masyadong nangungutang ng malaki, kung ano lang talaga yung kailangan ko, yun lang talaga
ang inuutang ko.

M: Ano ang pakiramdam kapag magsasabi ka na mangungutang? Sa mga tito at kaibigan?


K: Syempre, nakakahiya. Nahihiya ako somehow, kahit kamaganak, nakakahiya. Atsaka hindi,
hindi lahat ng kamag-anak pwedemong utangan.

M: Bakit?
K: Kasi yung hindi mo kaclose, hindi mo naman mauutangan eh.

M: So dapat yung hindi mo kaclose?


K: Yun lang malapit talaga sa loob ko ang inuutangan ko.

M: Pero nakakahiya din ba, kahit malapit ka?


K: Oo naman, kasi alam ko na nangangailangan din sila.

M: Pero paano mo sinasabi kung nahihiya ka?


K: Kailangan mong i-overcome ang hiya mo, dahil kailangan para sa pamilya.

M: Sa kapatid, ganon din, may hiya rin ba?


K: Ah sa kapatid hindi ako nahihiya, sa ate ko hindi naman ako nahihiya, sa inay ko. Nahihiya
ako sa inay ko pero wala naman syang maggagawa.

M: Pero sila ba ganon din?


K: Ganon din naman sila, eh ewan ko lang. Kasi sa personality ko for sure mahhiya sila sakin.
M: Madali ka bang nakakapanghiram, sa mga kaibigan halimbawa?
K: Madali akong makapanghiram kasi madali naman akong magbayad kung anong
napagusapan.

M: Bakit sa kaniya o sa kanila kayo nangungutang? Bakit sa mga tiyahin, bakit sa kapatid?
K: Kasi yun yung pinakamadaling access.

M: So yun lang ang dahlan?


K: Atsaka sila yung meron kaya sila ang nauutangan. Kung sino ang mayroon, kasi alam
naman natin yung ano eh, diba bago tayo mangutang, alam natin yung kapasidad ng ating
uutangan.

M: So iniisip mo din yon?


K: Iniisip natin yon.

M: Ano sinasabi noong inutangan mo kapag binigay na ang pera?


K: Usually wala.

M: Iaabot lang?
K: Iaabot lang.

M: Walang paalala?
K: Wala

M: Ano naman ang sinasabi mo kapag n atanggap mo ang pera?


K: Salamat, kasi isa yung ano, usuallypagkatapos kong magpasalamat, ako yung magset kung
kelan ko babayaran.

M: Hindi mon a iniintay?


K: Hindi ko na iniintay na sabihin sakin kung basta sasabihin ko yung time frame ko kung yung
kakayanan ko kung kelan ko sya mababalik.

M: Pangako ba yon?
K: Hindi ako nangangako.

M: Nangangako ka? Sinasabi mo lang pero?


K: Sinasabi ko pero hindi sya pangako.

M: Naranasan mo na bang matanggihan sa pangungutang?


K: Oo.

M: Anong pakiramdam? Bakit?


K: Okay lang, hindi isang malaking deal. Hindi big deal ang pagtanggi sa utang kasi ang hindi
ka mapautang. Okay lang, kasi ganon talaga. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede kang
pautangin ng inuutangan mo.

M: Sa kapatid mo, natanggihan ka na?


K: Oo naman, ng ate ko.

M: So okay lang yon?


K: Okay lang.
M: Ano kayang dahilan kung bakit tumanggi?
K: Baka wala pa siyang suweldo.

M: May sinabing dahilan?


K: Wala, walang sinabing dahilan.

M: Ano lang sinabi sayo?


K: Parang natatandaan ko, once na hinindian lang naman ako ng ate ko. Parang sabi nya ay
hindi pa nadating ang pera ko.

M: Paano mo naman binabalik yung perang inutang mo?


K: Ibinabalik ko, in a sense na pag halimbawa pag nagsabi ako na kung kalian, ibabalik ko dun
kung kelan ko sinabi. Kung hindi ko naman maibabalik. Yung term na ‘narepite’, nakikipagusap
sinasabi ko ganon.

M: Anong sinasabi mo kapag hindi mo pa maibabalik sa tamang oras?


K: Halimbawa, tito o kaya tita, hindi ko muna ito maibabalik ay intay intayin ninyo, ganon.

M: Ano naman ang reaksyon nila?


K: Okay lang, most of the time, okay lang, naiintindihan nila.

M: Ano ang pakiramdam kapag hindi mo agad naibalik sa takdang panahon?


K: Aba, mas nakakahiya yon, mas mahirap

M: Mas nakakahiya sa gantong bees?


K: Mas nakakahiya this time kasi parang nangutang ka ulit diba. Yung parang pakiramdam na
supposedly ibabalik mon a yon pero, hindi mo maibabalik pero ang pakiramdam mo ay
nangutang ka ulit sa kanila.

M: May sinasabi ba sila?


K: Wala, most of the time, wala. Kasi yun ang kagandahan noon kapag siguro kampante ka sa
kung sino yung inutangan mo. Hindi ko lang alam kung ano ang iniisip nila pero wala silang
sinasabi

M: Ano sa tingin mo, ano ang basa mo sa kanila? Tingin mo ba okay lang sa kanila?
K: Sa kanila okay lang kasi yung pagpapautang nila most of the time, hindi dahil sa hindi nila
ako matanggihan kung hindi dahil ramdam ko na mahal nila ako. Alam at naiintindihan nila kung
paano ko gagamitin yung perang inutang.

M: Syempre may malalim na dahilan, hindi lang ito tungkol sa pera?


K: Hindi lang tungkol sa pera.

M: Para sayo, ano ang kahulugan ng utang?


K: Utang, ang utang ay utang. Kailagan siyang bayaran ayon.

M: Ano ang kahulugan ng utang na loob sayo?


K: Ang utang na loob ay hindi mo sya mababayaran. Ang utang na loob kahit naibalik mo na
ang iyong inutang, hindi ibig sabihin ay nabayaran mo na, mas malalim sya. Walang utang na
loob na nababayaran.
M: Sa tingin mo may utang na loob sa pangungutang ng pera?
K: Mayroon, kahit naibalik ko na ang pera sa mga tiyahin at tiyuhin ko, nandon pa din yung
utang na loob ko.

M: Paano mo binabayaran o paano mo sinusuklian yung pagkakautang na loob mo sa kanila,


paano mo naipapakita?
K: Kapag sila ang nangangailangan, hindi sila nagdadalawang sabi saakin. Sa kahit na ano
man, pera din man yan, kung nangailangan man sila ng serbisyo ko for example lalo na ngayon,
bigyan ko ng example yung tito na inuutangan ko, na stroke sya. Ako ang nagaasikaso sa
kanya, kasi sa madalas na pagkakataon na sya yung kailangan ko, hindi nya ako hinindian kaya
sa palagay ko, ako ang kailangan nya ngayon, hindi ko rin sya hihindian.

M: Hiningi pa baa ng tulong mo o nagkukusa ako?


K: Nagkukusa ako.

M: Posible kayang mabayaran ang utang na loob?


K: Sa mas malalim na konteksto, siguroyung napapanuod sa pelikula ano, pero hindi ko pa
naransan, kasi ako personally, nandon yung hiya ko kapag ka nangutang ako kahit nabayaran
ko na, nandon pa din yon.

M: Katulad pagka ang tito mo na ospital tinulungan mo rin sya, ibinalik mo yung kagandahang
loob na ginawa nila sayo dati, sa tingin mo ba nabayaran mon a yung utang na loob mo?
K: Hindi ko tinitingnan yon na yun ay pagbabayad ko ng utang na loob ko sa kanila. Kumbaga
ay tinitingnan ko sya dahil number one, kailangan nya ng tulong, number two dahil malapit sya
sa loob ko. Yung utang na loob, hindi ko sya nagging hindi sya nagging factor para tulungan ko
sya.

M: Pero sa isip mo, ginagawa mo yan dahil may ginawa din sila?
K: Oo, kasama yon.

M: May hangganan ba o katapusan itong pagsusukli ng utang na loob sa mga taong


pinagkautangan mo ng loob? Halimbawa ang dami mo ng nagawa sa kanila o humihingi na sila
lagi ng pabor, may katapusan kaya?
K: Hindi ko pa masabi sa ngayon pero sa palagay ko, base sa mga, syempre sa mga kakilala
ko parang sa palagay ko syempre may hangganan. Ako lang, hindi ko pa nararanasan.

M: Ano ang tingin mo sa pangungutang ng mga Pilipino? Sa tingin mo, masama ba ito, mabuti,
ayos lang?
K: Ang saakin ay may masama, may mabuti.

M: Kelan masama, kelan mabuti?


K: Halimbawa pag nakikita ko yung mga taong talagang kapos sa pera. Nakikita ko na may
masamang epekto yun sa kanila, pero may mabuti ding epekto. Pero saakin personally, mabuti
yung epekto ng pangungutang, may masama din, mabuti number one, nagagawa nitong
kampantihinyung loob ko kapag nangangailangan ako ng pera. Pero pangalawa, masama kasi
mahirap planuhin yung pag gastos kaya kinakailangan siguro na ang mga Pilipino marami
talagang …

M: Bakit kailangang kontrolin ang pag gastos?


K: Kasi maraming demand ang buhay. Maraming demand na kailangang tugunan.
M: Kahit pigilan ang pag gastos?
K: Well ako pinapractice ko talaga sa sarili ko na pigilan ang pag gastos, kung ano yung
kailangang-kailangang unahin yun lang muna. Lalo’t kung may kinakailangan kang paglaanan
ng pera.

M: Ano ang tingin mo sa mga taong nagpapautang ng pera?


K: Malaki yung naitutulong nila sa ibang tao, kasi nagagawa nilang somehow tugunan kung ano
yung immediate na pangangailangan ng iba.

M: Kahit may interes? Kahit may malaking interes?


K: Oo, walang kaso saakin kung may interes ang pag papautang, pero sana hindi ganoon
kalaki, kasi katulad ng halimbawa, tinatawag nila yung uso dati na, pag 5/6. Na kumbaga malaki
masyado yung pagpapainteres nila. Hindi ko sya nakikita na tulong sa iba, kundi mas lalo mong
inlilibog ang ibang tao sa pagpapautang mo sa kanila. Sa halip na tulungan mo sila, hindi mo
sila natutulungan. Nakikita ko kung maliit ang interest kasi hindi naman pwede na utang ka lang
ng utang, kasi yung interest, sa kabila noon nagagawa mong tulungan yung nagpapautang, kasi
it should be two-way. Katulad ng communication, it’s a two-way process, hindi kinakailangan na
yung umuutang lang yung nakikinabang, kailangang makinabang din yung nagpapautang.

M: Pero nakakatulong din?


K: Nandoon yung tulungan, hindi lang sya one-way na tulong.

M: May nagbago bas a pakikitungo mo sa iyong inutangan? Mas lalo bang lumalim o may
nagkasira ba na relasyon?
K: Wala naman akong ganon, kasi bago ako mangutang, hindi ako mangungutang sa isang tao
na kakasirain ko lang din.

M: Sa talagang may pagkilatis ka?


K: May pagkilatis ako bago mangutang.

M: Sa pag uugali ng inuutangan?


K: Exactly

M: May kinakatakutan ka ba?


K: Oo, may kinakatakutan ako, kasi may ibang tao na alam kop ag nangutang ka sa kanila,
alam noong ibang tao na nangutang ka sa kanya.

M: So, iniiwasan mo yon?


K: Iniiwasan ko yung ganon.

M: May natutunan k aba sa pangungutang, aral sa buhay?


K: Number one is financial literacy, napakahalaga ng kasanayan at kakayahan na kung paano
ka gagastos, so yun yung number one. Ang ikalawa, yung pagtanaw talaga ng utang na loob,
para saakin isa syang magandang Filipino value, kasi nandon tayo eh. Yun yung isa sa mga
koneksyon na pwede nating balik-balikan.

M: Tingin mo ba kulang ang mga Pilipino sa literacy?


K: Kulang na kulang. Hindi lang kulang.
M: Ano ang naiisip mong dahilan, bakit?
K: Kasi mahirap ang ekonomiya ng Pilipinas. We belong to a third world country, sa malakihang
konteksto yun ang dahilan. Syempreyung mga tao na nasa laylayan talaga naaapektuhan at
maaapektuhan.

M: Noong bat aka ba, minulat na ng iyong mga magulang ang usapin tungkol sa pera?
K: Ah hindi.

M: Bakit hindi pinag uusapan?


K: Sapat na, na sabihin ng mga magulang na tipidin ang baon, so hindi yung usapin ng
investment, usapin ng pagnenegosyo, Wala talaga yon.

M: TIngin mo kailangan?
K: Kailangan, bata pa lang

M: Naranasan mo ding magpautang?


K: Oo naman.

M: May interes?
K: Wala.

M: Nasa magkano?
K: As much as 20,000 nakapag pautang na ako, pero ganon lang as much as 20,000.

M: Sino ang mga pinapautang mo?


K: Kaibigan ang napautang ko ng ganon.

M: Bakit sila ang pinapautang mo?


K: Kasi may tiwala ako sa kanila na ibabalik nila yung pera. Number two dahil siguro kahit hindi
nila ibalik, tulong ko na yon sa kanila.

M: May tinatanong ka pa ba o sinasabi sa mga nangungutang?


K: Wala, kaya nga nabiktima ako ng scam

M: Ano ba ang sinasabi nilang dahilan ng kanilang pangungutang?


K: Sa mga kaibigan ano, usaping gastos medical.

M: Ano yung scam? Bakit na scam ka, anong nangyare?


K: Kase ganito, si Eza kasi, na scam, na ano yung facebook nyo na hack. Tapos nag message
saakin so ganyan ganyan. Sakto sa convo kasi naming sa chat mayroon kaming usapin sa pag
sisave sa bangko ganyan ganyan. Tapos parang the next day, nag express sya ng
pangungutang saakin, hindi ko namna alam nan a hack na pala ang account niya.

M: Hindi mo napansin na nag iba ang tono ng pananalita nya?


K: Hindi, hindi ko napansin. Tapos, siguro inaral na din naman nung nang hack kung paano.
Tapos kasi kaming magkaibigan hindi naman kami nagtatanungan ng kung bakit ka
mangngutang, basta usaping pera kaibigan kita, kaibigan mo ako. Hindi na kami para
magtanungan pa, kasi palagay na ang loob naming na mangungutang ka lang talaga pagka
kailangang kailangan lang.
M: So inassume mo lang?
K: Inassuem ko lang na kailangan nya. Ayon nagpadala ako sa smart padala, limang libong
piso, hindi na napabalik sya

M: Hindi agad nasabi sayo ni Eza?


K: Nung gabi na ding iyon, kumbaga halimbawa, tanghali ako nagpadala sa kanya. Nagkita
kami dyan nung hapon, napag usapan na na-hack yung account ni Eza, sh*t ano ito.

M: Ano ang reaksyon mo?


K: Parang ako’y nasa Jollibee, nawalan ako ng ganang kumain.

M: Teka, san mo pinadala?


K: Smart Padala

M: Walang pangalan smart padala, si Eza nasa abroad, meron din?


K: Hindi, so ditto, kasi ang isip ko non ang pinsan nya na lang daw ang magcclaim.

M: Hindi mo rin naisip na possible na scam?


K: Kasi may pinsan naman talaga sya.

M: One time nya lang to ginawa? O dati na?


K: First time.

M: Hindi ka rin nagulat?


K: Hindi, I mean dati nanghihiram sya ng pera.

M: Pero itong smart padala, first time?


K: Kasi nung nanghiram naman sya dati nandito sya sa Pilipinas so iniisip ko hindi mo naman
talaga macclaim so ayon.

M: Ano ang natutunan mo ditto?


K: Kailangan tawagan ko bago may manghiram.

M: Para sigurado?
K: Oo, kailangan na sigurado.

M: Bakit sabi mo kanina hindi na tinatanong, inaassume mo na lang? May hiya ban a
magtanong?
K: Hindi, siguro dahil ganoon kami kalapit sa isa’t-isa. Hindi ako mahihiya, bat ako mahihiyang
magtanong, siguro dahil ganoon ka kampante ang loob ko.

M: Sa tingin mo, anong pakiramdam pala kapag napagbigyan mo ang mga nangungutang?
K: Ah masarap sa pakiramdam. Kasi nung mga panahon na halimbawa may mangungutang
saakin kahit yun yung halimbawa savings ko, kahit yun yung huli na sabihin ko na emergency
na pera ko. Pag talagang nangailangan kailangan kong mag pautang, mahalaga para saakin na
makatulong sa iba.

M: Ano ang rekasyon ng mga taong iyong pinautang?


K: Hindi ko na ma identify ang reaksyon nila, nandon yung pagpapasalamat pero hindi na
mahalaga sakin ang magiging reaksyon nila, yung naramdaman nila
M: Magaan bas a loob?
K: Oo, magaan sa loob

M: Naranasan mo na ding tumanggi sa nangungutang?


K: Oo, kasi wala naman ako masyadong, ang akala kasi ng ibang tao marami akong pera.

M: Yung totoo?
K: Hindi naman totoo.

M: So anong sinasabi mong dahilan?


K: Kasi siguro number one totoo naman talaga ang pera ko ay sa mga pagkakataong most of
the time ay nakalaan sa gastusing medicalng aking magulang.

M: Yun ang sinasabi mong dahilan? Totoo ba ang mga sinasabi mo?
K: Totoo.

M: May pagkakataon ba na ginagawa mo lang itong dahilan dahil ayaw mo yung


nangungutang?
K: Kahit naman siguro ayaw ko sa nagungutang, kung wala naman talaga akong ipauutang,
wala talaga. Siguro kung may pera talaga ako at ayaw ko sa nangungutang ay magdadahilan
din ako, ganon, possible, oo

M: Bakit?
K: Kasi ang pera naman hindi mo basta nalilimot diba, eh what if hindi sya magbayad

M: So wala kang tiwala?


K: Wala kasi posibleng di nya maibalik

M: Anong pakiramdam kapag tinanggihan mo yung nangungutang?


K: Pag malapit saakin, mabigat sa loob kasi parang nandon yung kagustuhan kung makatulong
pero ako ay hindi ko magawang makatulong so mabigat sa loob, pero pagka yung hindi ko
naman feel ang isang tao at nangutang saakin pero tinanggihan ko okay lang. Pero pag nakikita
ko na talagang kailangang-kailangan, mabigat sa loob.

M: Naguguilty ka?
K: Nakakaguilty kasi lalo’t halimbawa nakakaguilty.

M: May ginagawa kang paraan upang tulungan sya?


K: Minsan nag popoint out ako ng ibang tao kung saan sya pwedeng mangutang, referral.

M: Effective naman yon?


K: Hindi ko alam kasi hindi ko finifollow up kung nakapangutang sya sa taong iyon.

M: Paano mo sinisingil ang iyong mga pautang?


K: Hindi rin ako ganoon kagaling maningil eh, sa kaibigan kasi kaibigan at kapatid lang din
naman ang pinapautang ko. Ang kaibigan kung kelan ka magbayad sige. Hindi ako naniningil
ng kaibigan.

M: Wala kang sinasabi?


K: Wala naman.
M: Anong pakiramdam kapag hindi ka makasingil?
K: Halimbawa kapag kailangan ko ang pera tapos hindi pa sya nagbabayad, wala gagawa ka
na lang din ng paraan.

M: Hindi ka naiinis?
K: Hindi naman ako naiinis, ayos lang.

M: So ikaw nag aadjust?


K: Ako ang nag aadjust kasi hindi naman ako eh, hindi rin naman ako madaling magpautang.

M: Ano ang sinasabi mo kapag ayaw nyang magbayad?


K: Hindi ko pa na experience

M: Naransan mo na bang mataksan? May nangutang tas hindi mo na alam kung saan
hahanapin?
K: Hindi ko pa rin na experience.

M: May aral sa buhay kang natutunan sap ag papautang?


K: Magpautang lang tayo sa kung ano yung kaya natin.

M: Anong maipapayo mo sa mga taong nahihirapang magbayad sa kanilang mga inuutang?


K: Sa mga tao, upang makabayad sa mga utang, well number one kailangan hindi nila taksan
kung sino man ang inutangan nila, kung hindi talaga, kayang bayaran. Makipag usap sila ng
maayos, magpaliwanag sila, pero hindi dapat takas an. Pero nandon na yung pangalawayun ay
responsibilidad mo at hindi mo dapat alisin sa iyo na iyon ay dapat kailangan mongbayaran.
Ang utang ay isa ring responsibilidad, siguro isang napakagandang definition, ang utang ay
isang responsibilidad.

M: Ano ang maipapayo mo sa mga taong nagpautang pero hindi makasingil?


K: Ang bigat kasi parang kung hindi makasingil eh kapit lang.

M: Tanggapin na lang?
K: Hindi pwedeng tanggapin na lang

M: May dapat ba syang gawin?


K: It’s a lessoned learned from him or her.

M: Mayroon ka pa bang mga hindi nasisingil?


K: Mayroon sa mga kapatid ko.

M: Pero bigay yon?


K: Hindi ko alam, pero siguro bigay na, halimbawa nung naganak ang kapatid ko, cessarian pa
man din, ako ang gumastos.

M: Pero nag aantay ka?


K: Aba nag iintay ako kung magkukusa sya na magbayad.

M: Sinasabi mo?
K: Hindi ako nagsasabi, pero kung hindi nga magbayad, okay lang. Tinitingnan ko lang, ah itong
kapatid kong ito, ganto ito.
M: Mas mahirap yon, kasi di mo sinasabi, nasa isip mo?
K: Sa palagay ko okay lang naman.

M: Ano ang maipapayo mo sa mga hindi pa nababayaran?


K: Ang bigat non, kasi kung halimbawa maliit lang na halaga, ayos lang sana, pero paano kung
malaking halaga.

M: Ano ang dapat nilang gawin, sa tingin mo?


K: Number one, kailangan nilang maningil kasi kung malaki ang utang kailangan nilang maningil
kasi kung hindi mas lalo silang hindi mababayaran. Number two, wag sana din sila magalit kung
halimbawa nakikita nila yung sitwasyon, sana hindi sil amagalit pero diba depende yonsa
sitwasyon diba kung sino man ang nagpapautang kasi kung ang nagpapautang ay may
malawak na pang uunawa siguro ay uunawa naman sila. Pero kung ang sitwasyon ang
umutang ay sya pa ang matapang eh kagalit galit naman talaga yon. So habaan na lang ang
pasensya at ipagpadasal n asana makabayad.

You might also like