You are on page 1of 1

Tahan na Tadhana

Ni: Joy Ibarrientos

Kasabay ng pagpatak ng ulan


Ang luhang di mapigilan
Nandito ako sa ating tagpuan
Lugar din kung saan mo ko pinangakuan.

Di bat sabi mo di mo ko iiwan


Di bat sabi mo sabay tayong tatanda
Di bat sabi mo wag akong mangamba
Pero asan ka ngayong kailangan kita?

Kung hindi ka na babalik


Hindi na ako muling iimik
Kung hindi ka na bumalik
Sana noon dinala mo na rin ang sakit.

Kung hindi ko man na maibabalik


Sana binawi ko ang iyong halik
Kung hindi ka man pala para sa akin
Sana noon di na kita pinansin.

Kung pinahiram ka lang sa akin ng tadhana


Sana naging madamot ako at inangkin kita
Nakakapagod maghintay sa isang bagay na di sigurado
Lalo kung sa huli alam kung ako ang talo.

Ibarrientos, Joy L.
BSEDMT 2-1

You might also like