You are on page 1of 174

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] [BME 3] : BE MY ESCAPE


[TOTALPARTS] 14
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
The very thing I hate to lose is my everything. And the cruelest thing in the world
is the truth. In desperate attempt to ease the pain, I played destiny's game. Sure,
destiny hates me... and so I cry in pain. But then, stupidity loves me... why is it
that I'm happy?
-------------------------------------------

*******************************************
[1] ~ Troy ~
*******************************************
***

NO COMPILATION. NO SOFT COPY. NO PLUGGINGS

***

-----------------------------------------------------------------------------------
-------------------------

BE MY ESCAPE [Third Book of Bad Meets Evil]

© 2012 Witcheverwriter

All Rights Reserved

-----------------------------------------------------------------------------------
-------------------------

REMINDERS:

1. Kung balak mong basahin ito dahil lang nabalitaan mong buhay ang bias mong si
Troy nang hindi pa nababasa ang second book, TSUPI. Unahin mo muna ang second book.
Hindi mo maiintindihan ang takbo ng istorya.

2. Kung nakalimutan mo na ang character na si Margarette Herron, siya ay kababata


ni Troy. Kung gusto mo pa ng mas maayos na sagot, balikan mo ang Bad Meets Evil
Chapters 43-46 para malinawan ka. H'wag mo na akong tanungin sa PM o Message Board
tungkol dyan. Pati na rin ang tungkol sa kung sino na ang may karapatan kay Troy o
Yanna, kaninong anak, alam ni ganito ganyan ang totoo. Seriously? Kung sasagutin
ko, bakit pa ako nagbook 3? Nag-story telling na lang sana ako sa livestream.

3. Pasensya na po pero gagawin ko talagang 3rd Person POV ang buong BME Series
bukod sa Prologues. I've my own style.

4. Ito lang muna ang ipopost ko sa ngayon. Baka ipagpatuloy ko itong third book
after two to three weeks, maybe a month. May aasikasuhin kasi ako. Baka hindi ko
maibigay ang best ko kung mag-uupload ako ng puchu-puchu. Sana mahintay n'yo po ang
pagbabalik ko para sa librong ito.

Play the song [I Do Love You by Tyrese] at the side ---------->

Troy's theme song, maybe. ;)

Now, read....

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------------

~ TROY ~

Tadhana... ang lupit mo. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinaglalaruan
mo. Pero mas malupit ako.... Dahil nagdesisyon ako.

I closed my eyes as I feel her in my arms. Yes... In facing this sad


reality, being with the one I love, seems like a dream.

***

*******************************************
[2] 1. His promise.
*******************************************

1. HIS PROMISE.

HALO-HALOng emosyon ang nararamdaman ni TJ sa mga oras na iyon.

Sobrang nasasaktan pa rin siya sa ginawang pagtataboy ni Yanna sa kanya. Pero


sobrang mahal niya pa rin ang dalaga.

Gusto niyang magalit. Sobrang gusto niyang magalit.... pero hindi niya magawa.
Mahal na mahal niya si Yanna. Sobra... Pero gusto niyang makalimutan ang sakit.
Gusto niyang kalimutan para sa sarili niya ang sakit. Pero paano? Kung kabiyak ng
pangalan ng mahal niya.... ay ang sakit na dinulot nito sa kanya?

Ang bigat.... Sobrang bigat ng pakiramdam niya. Kinakabahan siya. At hindi niya
alam kung bakit kinakabahan siya.

Mahigpit na hawak hawak niya ang cellphone niya. Please, Helen... Please... tumawag
ka. Isang salita mo lang, babalik agad ako... Babalik agad ako sa'yo, ang kanina pa
dasal ng isip niya. Isang tawag lang. Isa lang....

*Oh~oh~oh~oh~patoots, saranghae. Ah~ah~ah~ah mani-*

Her voice.... Pigil ang hiningang napatingin siya sa screen ng cellphone niya.
Incoming call

Sexypatootie

Hindi na niya pinatapos ang ringtone na nirecord ni Yanna at agad na sinagot ang
tawag nito.

"Troy!"

"Arianna!" hindi siya makapaniwala. Ang asawa niya.... Tinawagan siya ng asawa
niya!

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Lalo na nang sambitin nito ang mga katagang
magpapabagong talaga sa desisyon niya.

"Troy..... h'wag kang umalis."

Totoo ba? Totoo ba ang narinig niya? Hindi siya makapagsalita. Parang taon ang
hinintay niya para lang marinig ang pagpigil nito sa kanya! Iyon lang.... Iyon lang
hinihintay niya. At sa wakas....

Nag-uulap na ang mga mata niya. Hanggang sa marinig niya ang hikbi ni Yanna sa
kabilang linya. Agad na naglaglagan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Tumingin siya sa rear view mirror ng kotse. "Stop the car", utos niya sa driver.
Oo. Nasa kotse pa lang sila. Pero iniwasan lang siya ng tingin ng p*ta!

"I said stop the car! B*llshit!" hindi niya na napaigilang sigaw. Pero hindi pa rin
siya pinansin nito! Binalingan niya ang totoong ama niyang si Gabriello sa
passenger seat pero isang saglit na sulyap lang ang ibinigay nito sa kanya.

Nagsimula na siyang magpanic. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse pero naka-
lock iyon. "Ah, shit! Tanggalin n'yo ang lock!!!" pinagkakalampag niya pa ang
pinto.

Pero wala. Hindi man lang tuminag ang mga ito.


"Shit...! P*tangna, palabasin n'yo 'ko rito!!!" Nangigigil na siya. Nagsisimula
nang magdilim ang paningin niya.

"Stop the f*cking car! Damn, it!!!" Nagliliyab na ang mga mata niya sa galit. Wala
ba'ng naririnig ang mga ito?!

Binitawan niya ang cellphone niya at gamit ang dalawang kamay ay hinawakan niya ang
leeg ng driver. Pasakal... "PALABASIN N'YO AKO, KUNG AYAW N'YONG MAGKA-LETSE LETSE
TAYO!!!!"

Halatang nataranta ang driver at agad napahinto. At dahil sa sobrang galit, hindi
niya napigilang higpitan ang pagkakasakal dito. Magkaka-letse-letse nang talaga.

Binalingan niya ang nasa harap na ama niya sa nanliliyab na tingin. Hindi niya
pinagtuunan ng pansin kung ano ang nais ipahiwatig ng ekspresyon ng mga mata nito
pero nang sensyasan nito ang driver, agad na inalis na niya ang tingin dito.

The driver unlocked the car and he immediately stormed outside bringing only his
phone with him.

Agad na tinignan niya ang cellphone niya at ganoon na lang ang tuwang naramdaman
niya nang hindi pa rin pala tinatapos ni Yanna ang tawag.

"Hello? Arianna??? Arianna!!"

"Troy!"

Agad na lumuwag ang paghinga niya nang marinig ang boses nito. "God...! Your
voice.... I missed you so much!" hindi niya napigilang bulalas. Ang boses na
iyon... Akala niya, hindi na niya muling maririnig ang boses ng mahal niya.

"Troy... H'wag mo 'kong iwan... Please?"

Biglang napahinto siya sa paglalakad niya. Tuloy tuloy na naman ang agos ng mga
luha mula sa mga mata niya.

Hindi, Arianna. Hindi mo na kailangang magmakaawa pa. Isang salita mo lang, hindi
na ako magdadalawang isip na balikan ka. "I won't." I won't, Arianna... I won't.

And from that moment, that was his promise.

"Nasaan ka??! Pupuntahan kita!" sigaw niya sa pag-aalalang hindi marinig ng asawa
ang boses niya dahil sa ingay ng mga busina ng sasakyan.

"Infinitree", humihikbing sagot ni Yanna.

Parang dinudurog ang puso niya sa tuwing naririnig na umiiyak ang mahal niya.

"Don't move. Wait for me, I'll be there."

"I will. Come back, fast... Please?"

Pagkarinig na pagkarinig noon, agad na kumaripas siya ng takbo. Para siyang hari ng
kalsada sa walang pakialam na pagtakbo niya papunta sa kabilang kalsada. Lahat ng
sasakyang nagdaraanan, humihintong bigla nang dahil sa kanya.

"TJ! Okay ka lang ba?!" naririnig niya ang pag-aalala ni Yanna mula sa kabilang
linya dahil hindi niya tinatanggal ang cellphone niya sa tenga niya. "TJ!" muling
tawag nito.

He chuckled. How he missed her voice. "Parating na", at mas lalo siyang nagmadaling
tumakbo sa gilid ng daan. "Alam mo bang ang saya ko? Akala ko, hindi mo na ako
pipigilan! Akala ko, matitiis mo ako!" hindi napawi ng pagkahingal niya ang mga
luhang naglabasan mula sa mga mata niya.

"I'm sorry, Troy! I'm sorry for that night! But, please........ come back to me.
Please?"

Hindi niya talaga makayanang marinig ang pag-iyak nito. Lalo siyang hindi
makapaghintay na puntahan ang asawa at siya mismo ang magpatahan dito.

Saglit na lang.... "Hintayin mo ako dyan. Don't cry, please? I don't want you to
cry. Stop crying."

"H'wag mo na 'kong intindihin! Umiiyak ka rin, stupid!"

Natawa siya sa sinabi nito. Alam din pala nitong umiiyak siya. "Ikaw kasi, e. Alam
ko namang namiss mo lang ang gwapo kong mukha", biro niya.

"Oo na! Miss na miss na kita! Nakakainis ka, sobrang miss na kita kaya dalian mo na
lang dyan!"

Lalo siyang natawa kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. "Almost there."

Kinapa niya ang isang bagay mula sa bulsa niya at inilabas iyon. Ang kwintas na
hindi na niya naibigay kay Yanna noong gabing itaboy siya nito.

Agad na napangiti siya. Ngayon, maibibigay niya na kay Yanna iyon.

Patawid na naman siya sa kabilang kalsada nang isang motorsiklo ang biglang
sumulpot mula sa gilid ng daan. Muntik pa siyang mabangga ng isang motorsiklo! Buti
na lang at nakagilid siya.

Pero nang dahil sa pagmamadali niyang makabalik kay Yanna, hindi na niya binigyang
pansin pa ang muntik na pagkakabangga sa kanya. Tumawid na lang siyang muli sa
kabilang kalsada. Doon naman siya biglang napahinto nang nasa gilid na siya ng
daan.

Ang kwintas! Nawawala ang kwintas! Ang kwintas na may pangalang Helen, nawawala!

Agad na nilinga niya ang lugar kung saan muntik na siyang masagasaan ng isang
motorsiklo. And there at the road, he saw the necklace.... "Helen!" nakahinga siya
ng maluwag nang makita agad ang kwintas.
"Huh?" biglang pukaw ni Yanna mula sa kabilang linya.

At dahil ayaw niyang pag-alalahanin ito at gusto niyang isikreto ang kwintas mula
rito, nagdahilan na lang siya. "Akala ko, nawala ka na sa linya!"

"No! Nandito lang ako. Just take your time, okay?"

Nilapitan niya ang lugar kung nasaan ang kwintas. Walang mga sasakyang nagdaraan
kaya matulin siyang nakalapit. He smiled as he approached. "Wait for me."

"I will."

Niyuko niya ang kwintas at kinuha iyon. "Helen!" hindi napigilang masayang bulalas
niya.

"Troy!" ganting tawag nito.

Hindi na. Hindi na 'ko papayag na magkahiwalay ulit tayo, pangako niya sa sarili
niya. At habang nakatingin sa pangalan na nasa kwintas... "Mahal na mahal kita!" he
held the necklace tight as he declared his love. And he will, again, and again, and
again. "I love you so much, my He--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla na lang may kumakaripas na
sasakyan papunta sa kanya. His eyes widened as his grip at the necklace tightened.
It was like everything slowed in motion. The car approaching him... Him being
frozen at his spot...

No... Helen...

He held his breath and was about to avoid and flee from the spot but everything....
went fast.....

*EEEEEEEEEEENGK!!!*

BLAAAAG!
"DON!" nanlaki ang mga mata ng driver ni Don Gabriello nang makita mula
sa rear view mirror ng sasakyan ang buong pangyayari.

Napatingin si Don Gabriello sa driver niya. He was in deep thoughts and how dare
his driver yell at him?

"Ang anak n'yo...."

Sa sinabi pa lang iyon ng driver niya ay napatingin agad siya sa rear view mirror
ng sasakyan. At ganoon na lang ang kabang bumundol sa buong katauhan niya nang
makita ang mga taong nagkukumpulan sa gitna ng kalsada, malayo sa kanila.

Agad agad na napalabas siya ng sasakyan.

Anak....

Parang nanghihina ang mga tuhod niya. Hindi... Hindi maaaring anak niya iyon.

Sa nanghihinang mga tuhod, humakbang siya papunta sa lugar kung nasaan ang kumpol
ng mga tao.

"Don..." tawag ng driver niya sa kanya pero hindi niya iyon pinansin at sa isang
iglap ay bumilis na lang ang lakad niya hanggang sa tinakbo na niya ang
kinaroroonan ng mga tao.

Walang pakialam na hinawi niya ang mga taong nagkumpol sa pwesto. Hanggang sa....
nakita niya ang anak niya.

Bulagta at.... duguan.


"Ano'ng nangyari?" "Lasing ang nakabangga." "D'yos ko po...." "Pigilan n'yo ang
driver, baka tumakas!" "Tumawag kayo ng ambulansya!"

Nagpapasukan ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa tenga niya pero lumalabas din
agad sa kabila. Maang na nakatunghay lang siya sa anak niya. Tila ayaw paniwalaan
ng sarili niya ang nakikita ng mga mata niya.

"Anak...." bigla na lang niyang nilapitan ang anak niya. At doon, naglaglagan na
lang bigla ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Anak...! Gumising ka, anak!" Hindi ito maaari. Hindi pa niya nakakasama man lang
ng matagal ang anak niya... Hindi.... Hindi ito maaari! "Tumawag kayo ng
ambulansya! Madali!" sigaw niya.

Ang anak niya... Ang tila walang buhay na na anak niya... "MADALI!!!"

Hindi.... Hindi ito maaari!

Hanggang sa dumating ang ambulansya at madala sa pinakamalapit na ospital ang anak


niya. Idiniretso ang anak niya sa emergency room at doon ay nakapasok siya.

God... Iligtas n'yo po ang anak ko....

"Troy... Troy....!" Napalingon siya sa tinig ng babaeng iyon na bigla na lang


pumasok sa loob. Ang kasintahan ng kanyang anak.

Ang kasintahan ng anak niyang tila anumang oras ay bibigay na rin... Ang mga kamay
niyang puno ng dugo ng anak niya... Ang mukha ng anak niya... Hindi na niya kaya
ang mga nakikita niya pero kailangang tatagan niya ang sarili niya.

"Clear!"

Nagpalipat-lipat sa life support machine at sa duguang mukha ng anak niya ang


tingin niya.
God... please...!

"Clear!"

But then.... that hateful beep sound filled the room.

Beeeeeeeeeeeeeee.

Nanlaki ang mga mata niyang napatingin siya sa unti-unting pagdiretso ng linya sa
life monitor ng anak niya. Doon halos malaglag ang puso niya.

"Eight o one."

"No...."

"TROOOOY!!!"

His eyes landed at his lifeless son and then... at the girl. The girl who after
screaming his son's name, was slowly trying to catch her breath but ended up....
passing out.

"Miss...! Miss!" Napatingin siya sa lalaking kasama ng kasintahan ng anak niya.


Hanggang sa buhatin nito ang dalaga at dali-daling inilabas.

Halos hindi na siya makahinga. Muling nagbalik ang tingin niya sa walang buhay
niyang anak.

No.... This can't be...

Bigla na lang siyang napaluhod mula sa kinatatayuan niya. "No..... Anak.....


Anak...."
Hindi.... Hindi maaari.... Ang anak niya. Ang anak niya.....

Pinabayaan niya na ang anak niya sa nais nito... Pinabayaan na niya pero hindi para
mamatay ito! No... This can't be... No....!

Nahihirapan na siyang huminga. Hindi.... Hindi ito totoo....

"Doc...!"

Hindi niya napansin ang sigaw ng isang nurse. Nahihirapan na talaga siyang huminga.
Hindi matanggap ng sarili niya.

"Oh my god...!"

Pero hindi niya alam kung ano'ng meron sa bulalas na iyon na bigla na lang
nagpaangat ng tingin niya.

"The line is back! Madali kayo!"

***

A/N:

E, kasi, dapat talaga mas mahaba ito. Kaso nga, tinatamad pa ako. Haha. So 'yung
part two, gagawin ko nang chapter two. Meheh. Sa Sat pa kasi dapat 'to kaso ang
dami n'yo nang naghihintay so ayan, pagtyagaan po muna. :)

Guys, babalik tayo sa nakaraan. Pero bago tayo bumalik sa kasalukuyan, hahandugan
ko muna kayo ng katatawanan sa mga flashbacks. Dahil promise, nahihirapan akong
magpasok ng funny moments dahil intense na ang plot nito. Kaya nga, h'wag n'yong
asahan ang sobrang katatawanan. Flashbacks lang talaga ang pag-asa nating tumawa
rito. Malalaman n'yo kung bakit hindi na nila kayang tumawa katulad nang pagtawa
nila noong high school pa lang sila. Sana maappreciate n'yo ang makakayanan ko.
Omg. Ang drama ko. :D

Opo, 3rd person POV na 'to. H'wag nang magreklamo, masasanay din kayo dyan. :)
Mahaba ang book 3. Hindi ko alam kung gaano kahaba pero mahaba. As in...
Naranasan n'yo na ba'ng mabangga? Ako, oo. Ng tricycle habang nakabike ako. Miracle
na ni galos, hindi ako nagalusan pero yupi ng bongga ang bike na gamit ko. Iyong
maliit na aksidente na 'yon, sobrang kinatakutan ko, ang nangyari pa kaya kay Troy?
Kaya alam ko na higit pa roon ang naramdaman ni Troy(kahit hindi siya totoo). :)

Hahabaan ko na talaga ang mga next chapters. Ipinaalam ko lang sa inyo na gaya ng
sabi-sabi na "Helen is the reason for the fall(death) of Troy", si Helen(kwintas)
nga talaga ang dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari... Joke. OO NA! SISIHIN
N'YO SI TADHANA A.K.A WITCHEVERWRITER! KALOKA! Hahaha. XD

Love youuuuuus :*

*******************************************
[3] 2. Selfish indeed.
*******************************************

2. SELFISH INDEED.

"T-TROY...." muling napatigil si Tim Angelo sa pagpupunas sa braso ng dalagang ni


hindi niya alam ang pangalan nang sambitin na naman nito ang kanina pa sinasambit
na pangalan. At nahuhulaan na niya kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang iyon.

Awang awa siya sa itsura nito. Lalo na sa pinagdaaanan nitong siya mismo ay saksi.

Kumuha na siya ng isang private room at doon dinala ang dalaga. Walang kulay ang
mga labi nito na sa palagay niya'y dahil sa sobrang depression, at kung tama nga
siya at ang sinabi ng doctor, mukhang hindi ito kumakain man lang sa loob ng ilang
araw. Mahina ng sobra ang katawan nito bago pa man mawalan ng malay. At mas
nakapagpahina pa ata nang itulak niya ito dahil sa muntikang pagkakasagasa ng isang
bisikleta rito paglabas nila sa iskinita. Bumagsak ito kanina sa lupa at nagtamo ng
mga gasgas sa braso, palad at malaking sugat sa tuhod.

At paano'ng hindi nga manghihina ito? Tumagal ba naman sa ganoong pwesto ng


pagtulog ng mahigit tatlong oras na hindi man lang nagbabago ng pwesto? Lalo pa
nang kitang kita ng mga mata nito ang....... pagkawala ng buhay ng kasintahan nito.

Hindi niya magawang iwan ang dalaga. Alam niya kasing anumang oras ay magigising
ito. At alam niyang magpipilit agad itong tumayo pagmulat pa lang ng mga mata nito.

*Baby baby baby koooooo. Ang sexy sexy sexy moooooo.*

Napatingin siya sa cellphone nito na nasa bedside table at agad niyang sinagot
iyon. Kanina niya pa kasi gustong tawagan ang pamilya nito pero hindi niya alam
kung sino ang tatawagan kaya't naghintay na lang siya ng tawag.

"*A, nasaan ka ba?! Nag-aalala na sina mommy't daddy! Gabing gabi na! Saang lupalop
ng Quezon ka b-*"

"Are you perhaps the owner of this phone's sister?" putol niya sa pagbulyaw ng
babae sa kanilang linya.

Tila naman ito natigilan. "*O-oooh, boylet?*"

"Uhh... Hello", medyo awkward na sabi niya. Medyo nahiya kasi siya sa tonong
ginamit ng babae. At ipinagpalagay niya na lang na kapatid nga ito ng babaeng
kasama niya ngayon.

"*Nasa'n si A?*" tanong nito.

A? "Hospital...."

"*What?! W-what... happened? Oh my god, don't tell me-*"

"Calm down. She's okay, she's..... okay." No, she isn't.


Narinig niya ang pagbuntong hininga ng babae sa kabilang linya. Sinabi niya na lang
ang pangalan ng ospital.

Matapos ang pakikipag-usap ay agad na ipinagpatuloy niya ang paglilinis sa katawan


nito.

"T-Troy..." muling sambit ng babae. But this time, unti-unti nang nagmumulat ang
mga mata nito.

"H-hey..." inalalayan niya itong maupo at kusa itong sumandal sa dingding dahil
wala namang headrest ang kama.

Pero bigla na lang nitong tinanggal ang dextrose sa kamay nito.

"Hey, don't..."

"Get off. Kailangan ako ni Troy. Naghihintay sa'kin si Troy", walang lakas ang
boses nito pero ma-awtoridad.

Yes, he knew this would happen.

Hinarangan niya ang iika-ikang paglalakad nito dala marahil ng malaking sugat na
natamo ng kanang tuhod nito.

"Kailangan mong magpahinga."

"Kailangan ako ng asawa ko."

Natigilan siya hindi lang dahil sa intensidad ng tingin nito kundi pati sa sinabi
nito. Asawa?

Magsasalita pa lang sana siya nang may biglang nagbukas ng pinto at nagpasukan ang
tatlong taong sa palagay niya'y pamilya ng babaeng kasama niya.
"Anak..."

"A...!"

Para siyang natulala-No. Natulala talaga siya sa nakita niya. Para siyang
namamalikmata nang makita ang sa palagay niya'y kausap niya lang kanina. Kamukhang
kamukha ito ng babaeng nasa tabi niya ngayon. At noon niya rin napagtantong kambal
ang dalawa nang muling maalala ang pagkakapareho ng boses ng mga ito.

"Anak.... D'yos ko po", bigla na lang lumapit ang mama nito at niyakap ang babaeng
sa palagay niya'y A ang palayaw. Doon na ito biglang nag-breakdown.

"Mommy.... Mommy...."

"It's okay, baby. It's okay.... Time will tell. Magkikita pa kayo ni Troy."

Lalong napahagulgol si A at sa nanghihinang mga tuhod ay napaupo ito. Agad na


niyakap ito ng mama nito. Bigla siyang napaiwas ng tingin. Wala pa nga palang alam
ang mga ito sa nangyari.

"God, A! Magkikita pa naman kayo, bakit kailangan mong magkaganyan?!" sermon ng


kambal nito na lalong nagpahagulgol kay A. Habang ang papa naman nito ay nakatayo
lang at kitang kita niya ang sakit sa mga mata sa nakikitang kalagayan ng anak.

"Mommy.... si Troy.... Si Troy...." hagulgol ng hagulgol si A. "Kailangan ko siyang


puntahan.... Kailangan niya ako, mommy.... Kailangan niya ako...."

Hindi niya na makayanan ang nakikitang paghihirap ng babae. Nasasaktan siya at


hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya para sa isang estranghera. Dahil ba
saksi siya sa mga pangyayari? At ramdam niya sa maikling mga oras na iyon ang
pagmamahalan ng dalawa? Hindi niya alam. Marahil.... Pero nasasaktan talaga siyang
makitang nagkakaganoon ang dalaga.

"Pupuntahan ko siya... Pupuntahan ko si Troy... Hihintayin ko pa siya, e.... I


promised I'll wait.... Mommy, babalikan pa ako ni Troy!"
"A, what are you saying?! TJ left!" bulyaw na naman ng kambal nito.

"Anak, h'wag mong sigawan ang kapatid mo", awat ng papa nito.

"But, dad, it was her fault, anyway! TJ left and he just left!"

"And he's not coming back." Hindi na niya napigilang sumabat. Napatingin ang lahat
sa kanya maliban sa hirap na hirap na umiiyak na si A. Nag-angat siya ng paningin
at sinalubong ang tatlong pares ng nagtatanong na mga mata. "He's dead."

"DON...."

Hindi tuminag si Don Gabriello nang muling dumating si Cedrick. Ang kanang kamay
niya at sekretarya niya. Kasalukuyang nasa hallway pa rin siya ng emergency room at
nakaupo sa mahabang upuan doon.

"Nagawa mo na ba?" walang emosyong tanong niya kay Cedrick.

"Opo. Walang kasing edad ang anak n'yo, pero may katulad ito ng katawan. Nga lang
ay sira ang mukha nito dahil bugbog ang ikinamatay."

"Mas mainam", walang pakialam na sabi niya.

Oo. Mas mainam na hindi makilala ang mukha ng kikilalaning bangkay ng anak niya.
Inutusan niyang maghanap ng bangkay sa mga punerarya si Cedrick at bihisan iyon ng
damit na kaninang suot ng anak niya. Marahil ay ipa-wax na lang niya ang mukha nito
katulad ng mukha ng anak niya kung kinakailangan.

"Don... sigurado po ba kayo sa gagawin n'yo?"

Nagtagis ang mga bagang niya. "Ikaw na mismo ang nagsabi, Cedrick. Mas pipiliin
nilang sukuan ang anak ko, kaysa makitang nahihirapan."
Oo. Maski ang doktor, pinaghahanda na siya sa anumang pwedeng kahantungan ng anak
niya. Ni hindi na kasi ito gumagalaw at tanging makina na lang ang bumubuhay dito.

Dinala lang nila sa isang kwarto sa itaas ang anak niya. Pero ang palalabasin sa
lahat, ay patay na ito at nasa punerarya na.

"Kilala mo ako, Cedrick. Makasarili ako. At mas pipiliin kong mahirapan ang anak
ko, mabuhay lang siya." Nagpipigil siyang umalpas ang luha sa mga niya. Makasarili
na kung makasarili. Mahirapan na kung mahirapan. Pero hindi pa niya kayang
pakawalan ang anak niya. Hindi....

"Pero, Don.... Brain dead na ang anak n'yo. Anumang oras ay maaaring-"

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Cedrick!"

Agad na napayuko ang sekretarya niya.

Nagtatagis ang mga bagang niya. Hindi pwedeng mamatay ang anak niya! "He is not
totally brain dead. Dahil kung brain dead siya, patay nang talaga siya ngayon!
Hindi mo ba alam iyon?!"

"I know, Don, but...."

"Buhay siya. At kahit ilang lintik na makina lang ang bumubuhay sa kanya, buhay pa
rin siya! Kung kinakailangang ipagdasal ko sa lahat ng santo na himalain siya,
gagawin ko, mabuhay lang siya! Makasarili na kung makasarili! Mahirapan na kung
mahirapan! Ang mahalaga ay mabuhay ang anak ko!" Napahawak siya sa dibdib niya.

"Don...."

Agad siyang nagsalita. "Make him a new identity under my name. Get his papers
ready. Birth certificate, passport, VISA, everything.... We'll move him in
Massachusetts in-"

"Don, delikado po! Hindi n'yo ba narinig ang sabi ng doctor kanina? Hindi pa siya
pwedeng ibyahe kahit sa St. Lukes lang!"

"Alam ko, Cedrick, hindi ako tanga! Ililipat natin siya kapag gumanda-ganda ang
kalagayan niya", ma-awtoridad na sabi niya.

Napabuntong-hininga ang sekretarya niya. "Masusunod po. Pero, bakit hindi na lang
natin ipaalam sa lahat-"

"Tarantado, mahina ba talaga ang ulo mo?! Hindi n'yo man ako deretsuhin ng lintik
na mga doktor na 'yan, alam kong pinapasuko n'yo na ako! Ano pa kaya ang mga
malalapit sa anak ko na hindi rin siya kayang makitang nahihirapan?!"

Muling napayuko ang sekretarya niya.

"Umalis ka na, Cedrick. Gawin mo ang dapat mong gawin", utos niya. Agad namang
tumalima ang sekretarya niya at tumalikod na nang may maalala siya.

"Cedrick..." Kinuha niya sa bulsa ng polo niya ang kwintas na kinuha niya mula sa
kamay ng anak niya. "Ilagay mo ito sa kamay ng bangkay", at ibinigay niya sa
sekretarya niya ang kwintas.

Muling pumasok sa isip niya ang mukha ng kasintahan ng anak niya. Ang pag-iyak,
sigaw, at pagbagsak nito kanina..... Wala siyang magawa kundi ang mapapikit sa
hirap at bigat ng kalooban niya.

Patawarin n'yo ako, mga anak.

Nang dumating ang mga tumayong magulang para sa anak niya, he immediately put on
his act. At kahit umaarte lang siya, hindi pa rin niya napigilan ang umiyak katulad
ng mga ito.

Anumang oras... anumang oras.... Pilit tinatagan niya ang loob niya.
Nagpuntahan na sa punerarya ang mga ito at maging siya ay sumama. Pero nang sumapit
ang madaling araw, muling bumalik siya sa ospital kung saan naroroon pa rin ang
anak niya. Pero naging maingat siya dahil alam niyang naroroon din sa ospital na
iyon ang kasintahan nito.

Pumasok siya sa pribadong kwarto at doon ay nilapitan niya si Troy at hinawakan ang
kamay nito. Doon muling tumulo ang mga luha niya. "Patawin mo ako, anak. Patawarin
mo ang pagiging makasarili ko..... Pero, kailangan mong lumaban.... Kahit mahirapan
ka pa......... kailangan mong mabuhay."

***

A/N:

Ang makasarili. Bow.

Mehehehey! Wala lang. Drama drama lang para masatisfy na ang mga isip n'yo kung
paano talagang naitago ng tatay ni Troy si Troy. Hehe. O, ano?

Goodness! Ang hirap mag-isip, ang daling magtype, ako nama'y tamad. Hahaha!

Wala tayong pambalanseng pang Troy's Funniest Photos sa ngayon katulad noong sa
chapter one, e. Hahaha! Kayo! Pinagtatawanan n'yo 'yung naghihingalo! TSE!

Haha. Bebes, comment naman ng maayos dyan, o. Ayiiie! Thank youuuu!

MASASANAY DIN KAYO SA 3rd PERSON POV. Mwa!

Love youuuuuus! :*

*******************************************
[4] 4. Goodness' sake!
*******************************************
STYLE NI WITCHEVERWRITER SA PAGSUSULAT.

[Maarte ako, pasensya na, hindi naman kita pinilit na basahin ang story ko.]

Bibigyan ko kayo ng ilang tips sa way ko ng pagsusulat. Na sa pagkakaalam ko, way


din ng pagsusulat ng maraming writers sa labas ng wattpad. Katulad sa pocketbooks.
Nasanay lang kayo dito sa wattpad na madalas at madalas sa madalas na POV o
character mismo ang nagku-kwento. Oo nga, nasa wattpad ako. Pero hindi ko naman
kailangang makiuso, di ba?

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kayo nalilito sa 3RD PERSON POV. Ganito.
Para hindi kayo malito. Ilang tips pordalab. Chot.

TIPS:

1. Balikan mo ang book 1. Although hindi ko pa tapos i-change ang lahat sa 3rd
Person, lagpas kalahati na ang na-change ko. Kung babalikan mo 'yun, masasanay ka
na. Ngayon kung ayaw mo dahil uulitin na naman, e, nabasa mo na nga. Edi, wag.
Sabihin mo pa paimportante ako. Try mo lang, lechugas ka.

2. Isipin n'yo na ako ang 3rd Person dahil ako naman talaga 'yon. Kaloka. Ganu'n pa
rin naman, e. POV pa rin ng mga characters kaya lang ako ang nagku-kwento. Pero
ganu'n pa rin. Kung POV ni Yanna, POV ni Yanna. Kaya lang, AKO ang nagsasalaysay.
Pero si Yanna pa rin. Naamoy niya, nakita niya, narinig niya, naramdaman niya,
nangyari sa kanya PERO ako ang nagsasalaysay.

3. MALAKI. NakaMALAKI ang unang salita kapag nagpapalit ako ng POV. At hindi lang
nakaMALAKI. INDENTED pa. Example natin si Troy sa chapter 1. Isinalaysay ko ang
naramdaman niya, nakita niya, narinig niya at nangyari sa kanya. Siya lang. Siya
lang. Siya lang. Pero AKO ang nagsasalysay. Pagkatapos, naging kay Don Gab naman
dahil hindi na kayang ikwento ni Troy ang mga sumunod kasi nga pa-deads na siya.
NakaMALAKI ang unang salita, di ba? Indented pa. So bakit nalilito kung sino ang
sino?
4. LONG SPACE, INDENTED, MALAKING FIRST WORD. PANGALAN NG CHARACTER. Kapag naman
nag-iiba ako ng isinasalaysay na Point of View, hindi ba't bukod sa nakaMALAKI ang
first word, makikita n'yo agad ang pangalan?

Example ulit: Matapos ng pagkakabundol kay Troy. Matapos ang BLAAAG! May LONG SPACE
na, tapos ang susunod, INDENTED na. At ang unang sentence ay :

["DON!"Nanlaki ang mga mata ng driver ni DON GABRIELLO blah~blah...]

O, edi, ibig sabihin, POV naman ni Don ang iku-kwento ko. Nakukuha n'yo ba?

5. Mas hahabaan ko na ang space kapag nagpapalit ako ng POV para mas malaman n'yong
palit POV na pala. Ewan ko na lang kung malito pa kayo.

Ayoko na lang kasi no'ng katulad noon sa BME 1 na may Arianna's POV, Troy's POV,
Joice's POV tapos may Author's POV pa. Alam n'yo nabaduyan talaga ako nu'ng
binalikan ko ang book 1 kaya nga ine-edit ko na, e. Kung sana, katulad ng book 2
ang book 1 na POV lang ni Yanna lahat at kayang kayang burahin ang kaepalan ni
Keslo doon. Pero hindi. Andaming POV sa book 1, baduy baduy. Promise. Kaya nga
inedit ko sa 3rd Person dahil ang 3rd Person kahit ilang beses kong pagpalit-
palitin ng POV 'yan, hindi na ako mababaduyan sa ek-ek na ganito POV, ganyan POV.
Pero UTANG NA LOOB. Sa gawa ko ako nababaduyan at hindi sa gawa ng iba, okay? GAWA
KO. BADUY 'YUNG DATI. BADUY. HEHE. Pero siguro kasi Octoberian ako. At
PERFECTIONIST daw ang Octoberians. E, oo. Perfectionist ako in my own way.

Kapag ako nakakita pa ng mga comment sa susunod na chapters na 'Sana po ibalik nyo
na lang sa dating POV' 'Nalilito ako mas maganda 'yung dati'. JUSKO. MAAWA'T
MAHABAG. EDI, BALIKAN MO 'YUNG DATI!

Uy, pero thank you du'n sa hindi nagbabasa ng 3rd Person pero dahil gusto ang
story, nagtyatyaga. Yey, lamyu kita! :* Hihi

OKAY.
KARAGDAGANG KAALAMAN:

Hindi ko hinihingi ang loob n'yo kapag sinasabi kong readers ang inspirasyon ko.
Sadyang readers at lalong COMMENTERS ang inspirasyon ko. Kaya nga ginaganahan akong
magsulat kapag kini-criticize n'yo ang gawa ko dahil gugustuhin kong i-improve ang
sarili ko at same sa ginaganahan akong magsulat kapag natutuwa kayo at naappreciate
n'yo ang update ko. Pero kung ico-comment mo na hindi mo gusto ang 3rd Person POV
ko.... 'Te, hindi ka rin niya gusto. Move on.

Hindi ako katulad ng ibang writers na magsusulat kahit walang papansin ng gawa.
Hindi ako gano'n, pasensya. Praktikal ako. Maturn-off na ang maturn-off pero
praktikal ako. Bakit ko ipagpapatuloy ang paggawa ng istorya kung wala namang
aappreciate sa gawa ko? Duh. Nag-jackstone na lang sana ako, naaliw pa 'ko.

H'wag mo 'kong piliting mag-update lalo ang tapusin ang book na 'to agad. Utang na
loob. DAKILANG TAMAD ANG AUTHOR.

Hindi ako PASIKAT dahil hindi ako SIKAT at hindi ko gustong SUMIKAT dahil kung
gusto ko, nahiya naman si TAEYEON sa DP ko.

PS. Saturday ang update.

PPS. Akala mo update? PS na lang sana ang binasa mo nahiya naman ang title sa'yo.

*******************************************
[5] 3. Love, lies, and lives.
*******************************************
3. LOVE, LIES, AND LIVES.

HINDI na ata maubus-ubusan ng luha si Yanna.

Manhid na siya. Tulala. Ni hindi niya alam kung humihinga pa ba siya.

Ang tanging alam niya lang, buhay siya pero parang patay na rin siya.

Dalawang araw na ang nakalipas, pero hindi niya pa rin nasisilayan ang mukha ni TJ.

Nasaan na ba si TJ? Bakit hindi pa nagpapakita sa kanya? Ang tagal naman nito?
Akala niya ba parating na?

Bantay sarado siya ng mommy at daddy niya, pati ni Brianna. Ayaw ng mga ito na
umalis siya. Kaya tuloy, hindi siya makapunta sa infinitree nila ni TJ.

P-paano kung nandoon si TJ at hinihintay siya? Inip na inip na 'yun, sigurado.


Paano kung magalit si TJ sa kanya? Mainipin pa naman ng sobra 'yun. Magtatampo na
naman 'yun. Susungitan na naman siya.

Kailangan niyang pumunta sa infinitree nila. Pero paano?

Tulala lang siya. Hindi na kasi niya alam kung papa'no tatakas. Kaya nakaupo lang
siya sa front porch steps nila at tulala sa kalangitan.

"Anak, magtsinelas ka. Hindi ka ba nilalamig? Gabi na." Wala pa rin siyang imik
nang ibalabal ng mommy niya ang isang jacket sa kanya. Ni hindi niya alam kahit
nang suutan siya nito ng tsinelas na panloob.
Wala siyang kahit na anong naririnig o nararamdaman... Or rather, lahat naririnig
at nararamdaman niya pero wala siyang iniintindi.

Nang may humintong mga sasakyan sa tapat ng bahay nila.

"Anak, tatagan mo ang sarili mo... Nandito na si TJ."

Si TJ.....

Wala sa sariling tumingin siya sa naglabasan sa mga sasakyan.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.

Ang daddy ni TJ!

Dali-dali siyang lumabas sa nakabukas nilang gate at nilapitan ang mga bagong
dating.

"T-tito Gab...! S-si TJ.... Nasa'n po si TJ?" tuloy-tuloy na naman ang agos ng mga
luha niya.

Hindi ba't kasama nito si TJ? Tiyak niyang kasama nito si TJ!

Pero hindi siya tinugon nito. Sa halip, tinitigan lang siya nito.

Ano ba? Nasaan si TJ??? Bakit hindi siya sagutin nito???

"J-Joice..." Dumako ang tingin niya sa kalalabas lang na babae mula sa isang
sasakyan.
Si Joice? Pati ang mommy nito at ni TJ? Kailan pa nakauwi ang mga ito?

"J-Joice... Joice... s-si kuya mo? Nasa'n??? Nasa'n si kuya mo?" Niyugyog-yugyog
niya pa si Joice.

Pero bakit parang galit na galit sa kanya ang itsura ni Joice? Dahil ba hindi niya
pinigilang umalis si TJ? Hindi! Pinigilan niya si TJ! Pabalik na nga si TJ sa
kanya, e. Parating na... Kaya lang.... wala pa. Pero pabalik na. Nangako si TJ sa
kanya, e.

"Joice.... nakita mo ba si kuya mo? Pabalik na siya, e. Nakita mo ba? Kasama n'yo
ba??? J-joice.... Joice, sumagot ka." Bakit ayaw siyang sagutin nito? "Joice, si
kuya mo-"

*SLAAP!*

"Joice!" Hindi niya alam kung sino ang mga napasigaw na iyon.

Ang alam niya lang.... nagulat siya. Oo, sinampal siya ni Joice. Pero nagulat siya
hindi dahil doon kundi dahil hindi niya man lang ininda ang sampal nito sa kanya.
Manhid na nga ata talaga siya.

Hinawakan na lang bigla ni Joice ang mga braso niya at pilit siyang iniharap sa
isang bagay.

"Ayan...! Ayan si kuya, Arianna!"

Sinundan ng tingin niya ang mahabang puting kahon na ipinapasok ng tatlong tao sa
bahay nila TJ.

Nahigit niya ang hininga niya. Doon? Paano namang mapupunta si TJ doon?

"Nandyan si kuya, Arianna! Nakahiga siya dyan...! Walang buhay!"

Nagsisikip ang dibdib niya. Hindi siya makapagsalita.


Ano ba'ng sinasabi ni Joice? Doon niya lang napansin ang mga tao sa labas ng bahay
nila TJ. Maraming tao... Mga nakatingin sa kanila.

Bakit maraming tao? At ano'ng sinasabi ni Joice?

Nakahiga doon sa bagay na 'yon si TJ? No.... Hindi totoo...

"H-hindi... Bakit naman hihiga si Troy do'n? Masaya ba do'n? Pagtatawanan ka pa


niya kapag narinig ka niya. Bakit siya mahihiga do'n? E, may kama naman siya...
Joice, utak nga-"

"Ikaw ang utak nga! Patay na si kuya, Arianna!"

Natigilan siya sa sinabi ni Joice. Ano'ng sinabi nito?!

Galit na galit na hinarap niya si Joice. "Bawiin mo 'yang sinabi mo! Hindi ka
nakakatuwa!"

"Mas lalong hindi ka nakakatuwa! Tigilan mo 'yan, Arianna! Tigilan mo! Hindi ko
alam kung bakit pinapigilan ko pa sa'yo si kuya! Malas kayong kambal sa buhay niya!
Sana kasi hindi na lang niya kayo nakilala! Patay na siya! Patay na siya at dahil
sa'yo patay na siya!"

Bigla na lang nanlambot ang mga tuhod niya. Napaupo siya sa semento. Napatakip ng
mga tenga niya.

"Hindi.... Hindi totoo.... Hindi...."

Si TJ....? Patay....? Ang asawa niya....? Si Troy???

"Hindi.... Hindi.... Hindi... Hindi, hindi. Hindi......" wala siyang magawa kundi
ang mapahagulgol. "Hindi totoo. Parang awa n'yo na, hindi totoo... Hindi...!"
SA kwarto nila ni Brianna siya itinuloy ng mommy at daddy niya. Matapos
magkasagutan nila Brianna at Joice kanina, ipinasok siya ng mga ito sa bahay.

Oo. Nagkasagutan sina Brianna at Joice. Dahil kapatid si Joice. At masakit sa isang
kapatid ang mawalan. Kaya maski si Brianna, sinisisi nito. Dahil na rin sa
pananakit nito kay TJ noong panahong ang mga ito pa. Sinisisi nito ang pagpasok
nilang kambal sa buhay ni TJ.

"I wanna be alone", sambit niya nang bumukas ang pinto at akmang papasok si
Brianna.

"A-"

"Alone", ulit niya.

Naintindihan naman ng kambal niya kaya iniwanan na siya.

Ang tagal niya ring nakaupo lang sa kama. Nakatitig lang sa mga gamit na iniwan ni
TJ bago ang dapat nitong pag-alis.

Isang puting teddy bear at mp3.

Hindi niya magalaw ang mga iyon. Ni hindi niya malapitan.

Hindi niya alam pero natatakot siyang lapitan. Natatakot siya sa hindi niya alam na
dahilan.

Hanggang sa dumako ang tingin niya sa damit na nakahanger sa handle ng closet nila.

Natulala siya roon. Ang damit na iyon....


Maliliit ang mga hakbang na tinungo niya ang damit. Kinuha iyon at umupo siya't
sumandal sa closet.

Ang damit na ito... Ang isa sa mga designs niya na ipinagawa ni TJ para sana sa
debut niya.

Agad na nagflashback ang samu't-saring alaala sa kanya....................

"Drawing na naman!" puna ni TJ sa kanya nang makita nitong nagdo-drawing na naman


siya sa likod ng notebook niya. Pa'no, inip na inip na siya, wala silang teacher,
hindi pa dumarating.

Sinimangutan niya si TJ na pumwesto sa armrest ni Jake tsaka niya hinampas ang abs-
este, tyan pala nito. "'De, matutulog na lang! Tse!" Yuko agad siya sa desk niya.

"Huy... Ito namang sexy na 'to. Bangon. Pakitaan kita tunay na talento. Ipapakita
ko sa'yo ang masterpiece ko. Tara, drawing na lang tayo."

Bigla na lang nitong kinuha ang notebook niya na pinagpapatungan ng ulo niya kaya
nauntog ang noo niya sa desk. "Aray!! Sweet naman!"

"Syempre, labyu nga, e!" Pacute na tinataas-taasan pa siya nito ng mga kilay.

"Bwiset... Kundi ka lang gwapo", bubulong-bulong na sabi niya.

"Sorry na, hindi ko naman ginusto 'to. Minsan nga nai-stress na 'ko." Umarte pang
malungkot ang loko.

"Ewan ko nga sa'yo, labyu!" Iningusan niya na lang. Yabang lang talaga, e.

"Sexy mo po. Hmp." Kinurot pa ang pisngi niya.

Syempre, siya naman 'tong si namula na nagkunwaring nang-irap na lang. May sexy na
nga, may po pa? Simpleng gano'n kinikilig na talaga siya. Para kasing lambing sa
kanila ang salitang 'po'.

"Ang lalandi n'yo", sabat ni Derick.

"Haha. Sinabi mo pa, 'tol", segunda naman ni Jake.

"Ann, bakit kasi siya pa? Mas pogi naman ako sa kanya", biglang sumingit ang
nakabusangot na si Keslo.

"Nahiya naman ang salamin sa kasinungalingan niya." Nakita niya pang umismid si TJ.

Ang cute lang talaga, e. Parang kapatid lang naman talaga si Keslo para sa kanya
pero selos na selos si TJ dito. Ibang klase lang talaga kung magselos. Kawawa tuloy
si Keslo sa pambabara ni TJ.

"Mas pogi naman kasi talaga 'ko. Nyenye!" Keslo.


"Manahimik ka, loko. Taob ka sa gwapo." TJ.

"Tumahimik pa kayong dalawa", sabat niya.

Para naman kasig mga bata. Tsaka, naawa siya na hindi kay Keslo. Lagi na lang
barado. Haha.

"Nasa'n na po 'yung pinagmamalaki mong masterpiece, aber?" baling niya ulit kay TJ.
Tignan niya lang ang yabang nito. Alam niya namang hindi 'to sanay mag-drawing, e.

"Wait, mahal..." Itinaas pa sa harap niya ang notebook niya tsaka nagguhit. Akala
mong expert talaga, e. Ilang minute pa, natapos na rin ito.

"Tunun!" Ayan na naman sa tunun.

"Uy, siopao? Hahaha. Galing galing ni Jepjep!" pang-aasar agad ni Keslo kay TJ.

Maski naman sila nila Derick at Jake, natawa, e. Bilog lang naman kasi ang
dinrawing, kung makapagyabang! Naka-ilang minuto pa sa isang bilog 'yun, ha? Sira-
ulo talaga, e!

"Wala bang hint kung asado o bola-bola? Hahaha!" Derick.

"Loko. Baka naman kasi piso. Haha!" Jake.

"Piso, Jake? Nagkasya si Rizal? Inasal!..... H'wag n'yo ngang pinagtatawanan


masterpiece ko!" bulyaw ni TJ sa mga ito. Siya naman natatawang nakamasid lang.
"Itong sexy na 'to! Tawa-tawa ka? Kiss kita dyan, e!"

Agad na tinakpan niya ang bibig niya. Nagpipigil ng tawa. Loko-loko naman kasi!
Hahaha. "Ano ba kasi 'yang masterpiece na 'yan?" tatawa-tawang tanong niya.

"Itlog! Weheh~!" Nakakalokong tumawa pa si TJ.

Wehe pa raw, e. Para talagang sira!

"Hanep naman sa itlog, p're! Di man lang inoblong!" Derick.

"Anga anga! Kung itlog dapat nilagyan mo ng kiti sa loob!" Keslo.

"Itlog, hindi balot! Itong betlog na 'to!" Inakmaan pa ni TJ si Keslo pero pabiro
lang.

Tapos nagkandahaba ang nguso na dinagdagan ni TJ ang dinrawing. Tuloy, may mukha na
ang itlog.

"Uy, smiley! Edi, ikaw na, baho! Yahoo!? Hahaha!" Derick.

"Si Direk! Isa pang anga, e! Smile, nanginginig?" Keslo.

"E, baka giniginaw! Nanginginig, live action? 4D?" Derick.

"Manahimik nga kayo! Kung anu-ano'ng sinasabi n'yo sa masterpiece ko!" TJ.

"Haha. E, ano ba kasi 'yan, 'tol?" Jake.

"Obvious ba? Nag-evolve lang, e..... Itlog na baog!"


Pak! Pa-pak! Pak!

"AAAAH!" TJ. Pa'no, pinagbabatukan lang naman ito ng tatlo.

Hahaha! Kaya pala nangangatal ang bibig! Baog? Hahaha. Kung anu-ano'ng naiisip!

Nangiti siya sa naalala niyang iyon. Kaya pala ang design na iyon ang pinagawa
nito. Dahil magkasama ang mga masterpiece kuno nila. Ngayon, naalala na niya.

'Yung mga simpleng bagay na 'yon... Aakalain niyang hindi maiisip ni TJ pero hindi,
nagawa na nito. Na hindi nito gawi ang manorpresa ng materyal na bagay o regalo.
Pero dahil sa kanya, nagbago si TJ.

At agad-agad na nag-flashback sa kanya ang gabing iyon...................

"'Yang damit... nagustuhan mo ba? Sorry ha? Dapat talaga regalo ko 'yan noong debut
mo. Pero kasi kahapon lang natapos no'ng pinagpagawaan ko, e. Maganda, di ba?
Syempre kasi design mo 'yan. Nagustuhan mo ba? Kasya ba sayo? Hindi naman ba
masikip? Oo nga pala, sexy ka. 'Yung kulay? Sumakto ba sa gust-"

Hanggang sa pagmamakaawa nito....................

"Please? Don't leave me, please?"

Ang pag-iyak nito....................

"Please? H'wag.... Parang awa mo na. Hindi ko kakayanin."

Ang pagluhod nito sa harap niya....................

"H'wag. Parang awa mo na. H'wag mo 'kong iwan... Hindi ko kaya. Baka mabaliw ako.
Please? H'wag mo 'kong iwan. Mahal na mahal kita, e."

Ang pagsusumamo....................

"Ipaglaban mo naman ako, o... Ipaglaban mo ako... Kasi, pinaglalaban ko kung ano'ng
meron tayo. Hangga't kaya ko, lumalaban ako. Para sa'yo. Para sa'tin. Kaya
ipaglaban mo naman ako, o... Kasi, hindi natin 'to kakayanin kung ako lang mag-isa
ang lalaban!"

Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha niya sa mga alaala ng gabing iyon. Lalo pa nang
umalingawngaw sa isip niya ang katangahang lumabas sa bibig niya matapos ang lahat
ng pagsusumamo ni TJ sa kanya. Nang biguin niya ito....................

"Hindi ko na kaya."

Napahagulgol na siya habang yakap yakap ang damit na ipinagawa ni TJ para sa kanya.

"Troy... Troy..." Wala siyang magawa kundi ang sambitin ang pangalan ng mahal niya.

Ang sakit lang. Ang sakit... Na kahit simpleng bagay, mauuwi sa masaklap na alaala
ng gabing iyon. Ng napakasaklap na gabing 'yon.

Ang desisyon niyang nagpabago ng lahat.

Hagulgol lang siya ng hagulgol.

Ang sakit... Sobrang sakit......

MATAPOS ilibing si TJ, dalawang araw makalipas, babalik na ulit sa New


York si Margarette. Pero bago siya bumalik, magpapaalam muna siya kay Tito
Gabriello.

Mugto pa ang mga mata niya at ang layo ng tanaw niya habang nasa loob siya ng taxi.
Ni hindi man lang niya nakita ulit si TJ bago ito mawala.
Bakit ganoon? 'Yung akala niyang malakas at hindi tatablan ng kahit ano, 'yun pa
ang unang kukuhanin ni Lord.

Bakit ang kababata niya pa? E, kahit mayabang 'yun, sobrang bait kaya no'n. Mas
iniisip ang kapakanan ng mga mahal sa buhay kaysa sa sarili. Bakit inunang kunin si
TJ? Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap kahit kailangan na.

"Ma'am, nandito na po tayo", pagbibigay alam ng taxi driver sa kanya.

Pinahid niya ang luha na bumagsak mula sa mata niya tsaka niya inayos ang sarili
niya. Kukuha pa lang sana siya ng pambayad sa driver pero natanaw niya sa harapan
nang sumakay ng sasakyan si Tito Gabriello at umalis iyon.

"Manong, pakisundan po 'yung sasakyan", sabi niya sa driver.

Kahit saan man pumunta si Tito Gabriello, mas gusto niyang makapagpaalam muna rito
bago siya umalis ulit ng bansa.

Pero nagtaka siya nang sa isang ospital pumasok ang sasakyan nito.

Ospital? May sakit ba si Tito Gab? ang unang pumasok sa isip niya.

Bumaba ito at ang kilala niyang sekretarya nitong si Cedrick pakaraa'y pumasok sa
loob.

Nakakapagtaka naman ata? Kung may sakit si Tito Gabriello, bakit ito nasa tila
hindi naman private na ospital? Maliit lang ang ospital, e. Bakit....?

Agad-agad na binayaran niya ang driver at lumabas na rin. Naisip niyang marahil ay
may dadalawin lang itong kaibigan o kakilala sa ospital na ito.

Sa 2nd floor tumungo ang mga ito at pumasok sa isang kwarto.

Nagdadalawang isip pa siya kung papasukin o hindi ang kwarto. Baka sabihin, wala
siyang galang. Kakatok na sana siya nang bigla na lang bumukas iyon at bumungad si
Cedrick sa kanya.

Tila ito gulat na gulat pero hindi iyon ang ikinakunot ng noo niya. May nahagip ang
mga mata niya sa loob ng silid....

"Margarette, ano'ng...." Naghahadaling isinara ni Cedrick ang pinto pero matuling


hinawi niya ito at binuksang muli iyon.

"Oh my god...." ang tanging lumabas sa bibig niya.

"Margarette...!" bulalas ni Tito Gabriello.

Saglit na tinignan niya ito at muling napako ang tingin niya sa lalaking nakaratay
sa kama.

Unti-unting nagsimulang mag-ulap ang mga mata niya.

A-ano'ng.... ibig sabihin.... n-nito? B-bakit.... "God.... TJ...?"

PABALIK na sa kwarto nila si Brianna na may dalang baso ng gatas para sa


kambal niyang si Arianna.

Ni ayaw kasi nitong lumabas ng kwarto at parati na ay nagmumukmok lang sa loob.


Ayaw ng ilaw. Ayaw ng liwanag. Nakakapanibago dahil ang kambal niya ang tipo na
hindi tatagal sa dilim.

Hindi niya alam kung ginalaw ba nito ang hapunang dinala niya kanina. Daig pa nito
ang preso. Laging hinahatiran ng pagkain.
Binuksan niya ang kwarto nila at pumasok doon.

Pero ganoon na lang ang sindak niya sa nadatnan niya sa loob.

Kasabay ng pagdausdos ng baso sa kamay niya at pagkabasag nito, ay ang nanginginig


na pagsigaw niya. "M-mommy...! D-daddy!"

"Anak... Bakit?" Agad na lumabas ng kwarto ang daddy niya kasunod ang mommy niya
mula sa ibaba.

"Arianna, anak!" "Oh my god!" magkasabay na bulalas ng mga magulang niya.

Siya, natigagal lang siya. Ni hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya.

Ang kambal niya.... Si Arianna.... walang malay na nakahandusay sa sahig. Katabi


ang piraso ng basag na pinggan na ginamit nito....... para maglaslas.

***

A/N:

Hindi po ako galit sa note ko na "4.Goodness' sake!". Nawalan lang ako ng mga haha
at smileys, galit agad? Di po. :) Nagpaliwanag lang ako at nagbigay ng tips.
Sarcastic and nagpapatama, maybe. Pero hindi ako galit. Hindi ako ganu'n magalit.
Kasi 'pag nagalit ako, rebelde ang peg ko. ;D

Hindi ko alam na kapag nagpapaliwanag ako, nakakatakot pala ang notes ko. XD
Pasensya na kasi, lamyu ko naman kayo. Totoo po.

Nakulili lang kasi talaga ako sa mga hanggang chat at PMs, kinukulit ako sa 3rd
Person POV ko. Ano ba naman 'yung; "Ate, ibalik mo na lang sa dati yung POV"
Acheche? Nag-ate ka nga, inutusan mo naman ako.

Pasensya naman, hindi ako si Noynoy na nagsabing 'Kayo ang boss ko'. E, utut.

Pero hindi po talaga ako galit. Natotolerate ko pa kayo kaya hindi pa ako galit.
Kasi nga, rebelde ako kung magalit. Ibig sabihin, kapag ako ay ginalit...... Hah...
Goodbye, everyone.

Chot. Haha

Nga pala. Pwede h'wag akong utusan na hadaliin ang flashbacks? Kasi kung hahadaliin
ko, bahala kayong umintindi sa mga nangyari. Kaya n'yo? Tapos kukulitin n'yo na
naman ako na bakit ganito, bakit ganyan?

Oh... Hindi ako galit. Okay? Haha. Kayo talaga! :D Pakiss nga!

*******************************************
[6] 4. The Numb. The Martyr.
*******************************************

4. THE NUMB. THE MARTYR.

"PERO kailangan nilang malaman, Tito Gab!" sigaw ni Margarette.

Umuwi sila sa bahay nito at ngayon nga ay kasalukuyan niyang kinokompronta si Tito
Gabriello. She can't believe it! Buhay ang kababata niya! Buhay si TJ!

"Margarette, I can't", mariing tugon ng don.

"Tito Gab, they have every rights to know!"

"Pa'no? Sabihin mo nga sa'kin, Margarette? Pa'no? Ganu'n ba kadali 'yun? I know I
was wrong for making the world believe my son's dead. Nandu'n na. Oo, mali ako. Oo,
dapat hindi ko ginawa 'yon. Pero natakot ako. Natakot ako..."
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kitang kita niya ang hirap at
pagsisisi sa mukha nito habang sapo-sapo ang ulo at halos sabunutan na ang sarili.
Tila gustong umiyak pero walang luhang lumalabas dahil sa pagpipigil.

"Nakita mo siya, di ba? Alam kong nahihirapan na siya. Alam kong hirap na hirap na
ang anak ko sa kalagayan niya. Pero ngayon ko kailangan higit kailan ang pagiging
makasarili ko. Hindi ko pa kayang mawala siya, anak. Hindi ko pa kaya..."

She brushed the tears that fell on her cheeks. Pilit niyang tinatatagan ang sarili
niya.

What she saw earlier... Image of her most treasured friend, TJ, popped up her
memories. Tila na ito walang buhay. Hindi man gumagalaw, alam niyang nahihirapan na
ring lumaban ang kababata niya sa kalagayan nito. How she hate seeing TJ like that.
Pa'no pa ang sariling ama nito?

Pero hindi tama ang ginawa ni Tito Gabriello. Hindi tama. Maling mali.

"Mali, Tito Gab. Sobrang mali..." Mariing umiling siya. "Hindi lang kasi ikaw, Tito
Gab, e! Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Hindi lang ikaw ang may karapatan! Hindi
lang ikaw! Kailangan nilang malaman ang totoo!" Hindi niya napigilan ang mapasigaw.

"Ganu'n ba kadali 'yon? Tell me, how? When all of you saw the image of my son lying
at that coffin? Ganu'n ba kadali 'yon? Na matapos n'yo-nating paglamayan at ilibing
ang anak ko, bigla ko na lang siyang ilalabas? And tell what? 'Hey, people, I
tricked you! Funny that body you mourned for was not my son but an impostor. He's
not yet dead, but hey, he's almost there!' Ganu'n ba??? For the love of God,
Margarette, I can't do that!" Hindi rin napigilan ng don ang mapasigaw sa kanya.

Nanghihinang napaupo siya sa couch. Wala siyang magawa kundi ang mapaiyak.

Hindi siya makapaniwala. Totoo pa ba ang lahat? Hindi ba ito isang napakalaking
biro o panaginip lang?

Paano nga naman? E, maski siya, napaniwala roon. Who would've thought that was
someone else's body with a face done and waxed to look like TJ? Na kaya pala
dalawang araw pa bago ilagak at paglamayan ang inakala nilang lahat na si TJ ay
dahil 'minagic' pa muna ang mukha nito? Na ang paniniwala nilang dahil sa tindi ng
pagkakabundol kay TJ kaya natagalan ang pag-aayos sa mukha nito ay dahil buong
mukha pala ang inayos? Why, the man has some incredible mind made for tricking
people! Lahat sila, napaniwala sa palabas nito!

"Ang sama mo, Tito Gab... Ang sama sama mo." Hindi niya mapigilan na tumulo ng
tuloy-tuloy ang mga luha sa mga pisngi niya.

"Alam ko.... Alam na alam ko...."

Lalo siyang nanghina. Nasasaktan siya. Nasasaktan siya hindi lang para sa kanya.
Mahal na mahal niya ang kababata niya kahit ba nagkahiwalay sila nang manirahan
siya sa ibang bansa. Masakit para sa kanya ang malamang patay na si TJ. Pero alam
niyang may mas nasasaktan kaysa sa kanya. Kaysa sa pamilya't mga kaibigan nito....

Si Arianna.

Naaalala niya nang umuwi siya at naging pansamantalang hadlang sa relasyon ng mga
ito. But that was all for fun and no. Nasaksihan niya sa maikling bakasyon niya na
'yon kung gaano kamahal ng mga ito ang isa't isa. And it pained her when she saw
how Arianna can't accept the fact that TJ's gone.

"Napakasama mo..." Mariing pumikit siya. Nasasaktan siya para kay Arianna. Kung
gaano ito nahihirapan sa pagtanggap sa pagkawala ni TJ, gayong may pag-asa pa. May
pag-asa pa....

Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. "Sobrang sama mo.... How dare you, Tito Gab?
Bakit kasi hindi mo na lang sila hinayaang maging masaya? I backed out, didn't I?
Bakit hindi mo na lang siya hinayaang makasama si Yanna?"

Puno ng hinanakit na sinalubong nito ang tingin niya.

"I let them be... God knows how I let and wished them happiness", gumagaralgal na
tugon nito. "Maniwala ka, anak, hinayaan ko sila.... Hinayaan ko sila pero hindi
ang tadhana."

Lalo siyang napahikbi. Natutop niya ang bibig niya nang hindi niya mapigilan ang
pag-iyak.

Oo. Alam niya na na naaksidente si TJ nang pabalik ito kay Yanna. Na sabi nga
nila... tadhana na ang nangialam.

"Pero, kailangang malaman nila, Tito Gab, e. Kailangan.... Promise me. Oras na
gumaling siya-" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya, tinugon na agad siya
nito.

"Pangako, ibabalik ko siya sa kanila. Pangako, anak."

Mariing ipinikit niya ang mga mata niya sa sinseridad na narinig niya mula rito.

Ang sakit. Feeling niya, nararamdaman niya ang lahat ng sakit ng mga taong bahagi
ng buhay ni TJ. Nasasaktan siya para sa pamilya't mga kaibigan nito, kung paano'ng
hindi makapaniwala ang mga ito sa nangyari. Nasasaktan siya para kay Tito Gabriello
na halata at alam niyang sinisisi nito ang sarili sa nangyari. Nasasaktan siya para
kay TJ, kung gaano ito nahihirapan sa kalagayan kahit na walang malay. Nasasaktan
siya para kay Arianna na higit kanino man, alam niyang ito ang pinaka nasasaktan.
At nasasaktan siya para sa sarili niya.... Nasasaktan siya dahil nalaman niya pa.
Na kahit alam niya na may pag-asa pa, napakaliit lang ng tsansa.

"Sana kasi mas maaga, e... Sana noong una pa lang... Sana hindi ka na lang
humadlang."

Dahil kung hindi naman ito nagmatigas, hindi naman hahantong sa ganito ang lahat.

At mas lalo siyang nasaktan para rito nang marinig ang pagsisi ng isang Don
Gabriello.

"Kung kaya ko lang sanang ibalik ang panahon..."

GABI na ng Linggo nakarating si Tim Angelo sa Bakewell Village kung saan


nakatira ang babaeng tinulungan niya mahigit talong linggo na ang nakararaan. Si
Arianna.
Nakilibing rin siya kahit na hindi niya totoong kilala ang nobyo nito. He felt sad
when he got to know those two's story from Arianna's twin, Brianna. A part of him
wanted to just get over with the help he did but a big part of him wanted to know
how Arianna was coping.

Mangangamusta lang siya. Matapos kasing ilibing ang boyfriend nitong si TJ,
dalawang beses pa lang siyang nakadalaw at kinabukasan iyon ng libing at noong
nakaraang Martes. Naging busy kasi siya sa pag-aaral dahil graduating na siya.
Ngayon lang siya nagkaroon ng libreng oras para kamustahin ang mga ito. Ilang
gabing hindi kasi siya makatulog sa pagpapabalik-balik ng mga pangyayari ng gabing
iyon. Pero ang sakit sa mga mata ni Arianna ang pinaka-hindi mawala sa isip niya.

Bukas ang gate ng bahay ng mga Santana kaya hindi na siya nag-doorbell pa. Pumasok
na siya sa loob pero kumatok siya sa pinto kahit hindi naman iyon nakasara.

"Tim!" Nakangiting sinalubong siya ni Tita Geli, ang mommy ng kambal. "Come in!"
Pintauloy siya nito sa loob at sumunod naman siya. Nagulat pa siya nang makitang
hindi lang pala siya ang bisita.

"Napadalaw ka ulit? Sakto ang dating mo, iho. Nandito rin ang barkada ng dalawa.
Talk to them." Nakangiting itinuro ni Tita Geli sa kanya ang magkakaibigan.

Nginitian siya ng mga ito at ngiti rin ang ginanti niya. Nakausap niya na kasi ang
ilan sa mga ito lalo na ang mga lalaki noong nakilamay din siya. Actually, hindi
lang nakausap, kundi nakakwentuhan pa. Alam niya na rin ang mga pangalan ng mga
ito, syempre. And they are thankful to him when they were not there and he was that
night.

"Ah, Tita", habol niya kay Tita Geli nang akmang pupunta na ito sa kusina. May dala
kasi siyang isang basket ng prutas dahil hindi niya alam kung ano ang dadalhin
niya. Iniabot niya iyon kay tita Geli at nakangiting kinuha naman nito iyon.

"P're." Nakangiting sinalubong siya nina Derick, Neil, Jake, at Diego, giving him
men's greet; a tap on his shoulder and a simple handshake.

Ang mga babae naman ay nakangiting kinawayan siya na ginantihan niyang muli ng
ngiti.

Uupo pa lang sana siya nang biglang bumababa mula sa hagdan si Brianna at ang daddy
nito. Nagulat pa ang mga ito nang makita siya. Nagkangitian sila pero hindi niya
alam kung ano ang biglang nagpawala sa ngiti ng mga ito. Nagpatiim ng bagang ni
Tito Ariel, at nagpakunot ng noo ni Brianna.

And when he turned his head to see what, he himself was shock at the newcomers.
Napadiretsong muli siya ng tayo.

Arianna was holding carefully to her chest a black kitten, with blood everywhere
it's face and body. The kitten was kind of a little scary and... disgusting. But it
was like Arianna was carrying a child as she held the kitten possessively and
carefully to her heart.

"Goodness, A! What the hell is that?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Brianna sa


kambal.

Napansin niya rin ang pagngiwi ni Third na kasamang dumating ni Arianna pero nasa
likuran nito.

Mula sa kuting, umangat ang tingin ni Arianna kay Brianna at gamit ang napakalamig
na tono, tinugon nito ang kambal.

"Kuting."

Kuting nga naman.

"Ibalik mo kung saan man 'yan galing, A! Ano ka ba?!" bulyaw ni Brianna.

Doon muling pumasok sa living room si Tita Geli mula sa kusina at napasinghap sa
nakitang hawak ni Arianna.

Umismid si Arianna at saglit na sinulyapan ng tingin ang mommy nito. "Subukan mo


munang bumalik sa tiyan ng nanay mo."

Napasinghap si Tita Geli. That was....

Napayuko siya sa lamig ng tono ng boses ni Arianna at sa mga salitang pinagsasabi


nito.
"Arianna, 'yang bibig mo!" suway ni Tito Ariel.

Napatiim-bagang siya kasabay ng pagyuko ng mga magkakaibigan. They were in awkward


position right now.

"God, A, what has gotten into you?! It's disgusting, throw that away!" Brianna
yelled.

"Nakakadiri na dumudugo ang sugat niya? E, bakit hindi n'yo na lang din ako tinapon
no'ng naglaslas ako?"

Nanlaki ang mga mata niya.

Naglaslas siya?! hindi makapaniwalang bulalas ng isip niya. Agad agad na dumako ang
mga mata niya sa palapulsuhan nito at ngayon niya lang napansin ang benda doon!
Hindi siya makapaniwala. He knew it's hard for her to accept the fact but to
attempt suicide???

Pero kasabay ng pagkakatigagal niya......

*SLAP!*

"Ariel!" bulalas ni Tita Geli.

Isang hakbang lang kasi ang kinailangan ni Tito Ariel para sampalin ng malakas si
Arianna.

Sa gilid ng mga mata niya, nakita niya ang iba't ibang reaksyon ng mga
magkakaibigan. Mas pinili pa nga ng mga ito na magababa ng tingin pero siya, mas
pinili niyang tignan si Arianna.

It was like she expected she'd get that. Imbis na masktan, umismid pa ito.
"I don't know if I'm sorry for what I did. Pero hindi na tama ang ginagawa mo,
anak. Nahihibang ka na...." iiling-iling na sabi ni Tito Ariel.

Umangat muli ang tingin ni Arianna kay Tito Ariel at malamig ang tinging tinignan
ito, hindi inda ang sampal na natamo.

"Nakita mo 'to?" tinuro nito ang pulso na may benda. "Ito nga, hindi umepekto, 'yan
pa kaya?" Muli, umismid ito.

Napatiim-bagang siya. Tatay nito ang kausap nito, nakalimutan na ba ni Arianna


iyon?

Mahabang katahimikan ang sumunod. Hindi niya alam kung ano pa ang tinatayo-tayo
niya. Dapat na ba siyang umupo at gayahin ang pagyuko ng mga magkakaibigan o dapat
na ba niyang kapalan ang mukha niya't basagin ang katahimikan?

But before he could do either, Arianna went out of the house, again. He had this
sudden urge to follow her but stopped when Third moved first and stopped at the
door.

"Sa swing lang siya", pagtitiyak ni Third sa kanila. Hindi ito umalis sa may pinto
at pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ni Arianna. "Parang mag-isa lang siya sa mundo
niya, o. Kahit ano'ng kulit ko sa kanya kanina, parang hindi niya ako nakikita. Ni
hindi ko mahuli ang tingin niya. Ni hindi ko alam kung alam niya bang nasa tabi
niya lang ako." Nakangiti nga, alam niya naman malungkot ang ngiti nito.

"Grabe. Parang hindi niya na tayo kilala. Parang hindi na natin siya kilala",
malungkot na pahayag ni Bea. He'll take that as Bea agreed to Third.

"Mas okay pa nga no'ng mga nakakaraan. Sinisigawan niya tayo. Tinataboy. Atleast,
alam niyang kasama niya tayo. Pero ngayon, parang hangin na lang tayo sa kanya, e",
dagdag ni Krystal.

"It is getting worse everyday. Ang layo na niya sa dating siya. Ni ayaw niyang
pumasok sa school. Kami nila mom and dad, kinakausap niya nga kami, pero parang
wala siyang pakialam sa'min kung kausapin niya kami." Awang awa para sa kapatid si
Brianna.
"Hindi ko na makita 'yung dating Yanna na masyado ang pagpapahalaga sa mga
kaibigan. Sa'tin. Parang namatay na rin siya pero nabuhay ang madilim na Arianna",
mahinang sabi ni Julia.

"Kasalanan ko 'to. Parang nababaliw na ang anak ko..." gumagaralgal na pahayag ni


Tito Ariel.

"Daddy...."

Lahat sila napapayuko na lang. Gusto niyang magsalita pero ano ang sasabihin niya?
Hindi niya naman alam kung ano ang dating ugali ni Arianna. Oh, he has an idea.
Masungit.

Dahil bago ang aksidente ng boyfriend nito, sinungitan muna siya nito gayong siya
na nga ang nagbantay rito. Hindi naman sa nanunumbat siya. Naaalala niya lang na
masungit itong makipag-usap sa hindi kilala. Malay niya naman sa pakikitungo nito
sa mga malalapit dito, di ba?

"Ang drama na nga ni Ann, sinasabayan pa natin! Makakamove-on din siya, ano ba
kayo! Naku! Pektos talaga sa'kin 'yang Jepjep na 'yan subukan niyang magparamdam!"

Siguro kung wala si Third, ang down pa rin ng atmosphere nila. Bigla na lang kasi
silang napangiti sa sinabi nito kahit hindi nila magawang matawa.

HINDI inda ni Yanna ang sampal na natamo niya mula sa daddy niya. Kahit
pa sagasaan ata siya ng truck, hindi niya mararamdaman ang sakit.

Sa swing lang siya nagtuloy. At dahil doon napatingala siya sa veranda ng kwarto
niya sa itaas.

Sumiklab na naman ang galit sa dibdib niya. Galit na galit siya. Ni hindi niya
magawang makapunta na sa veranda niya. Pinaiba ng daddy niya ang doorknob noon at
ginawang sa labas ang lock at inilock iyon. At hindi pa nakuntento, pinalagyan pa
ng gate. Ni hindi niya mabuksan. Hindi niya mapuntahan.

Doon sila bumuo ng maraming memorya ni Troy! Why can't she go there anymore?!

Pinagbawalan siyang pumunta sa sariling veranda niya? Sino ba ito para pagbawalan
siya?! E, tatay niya lang naman ito at labing anim na taon siyang nabuhay na wala
ito at kayang kaya niyang mabuhay buong buhay niya na wala ito! Ano'ng karapatan
nitong diktahan ang buhay niya?!

Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang pagsisi.

Bakit ba nagpadala ako sa'yo? Bakit mas pinili ko kayo kaysa sa mahal ko? Sana
hindi kita pinili. Sana hinayaan ko 'yang lintik na kompanya n'yo. Sana hindi ako
nagpadala sa pagluhod mo... Sana hindi na lang kayo bumalik sa buhay namin ni
mommy.

Sising sisi siya na nagpadala siya sa pagluhod ng daddy niya. Sising sisi siya.
Sobrang nagsisisi siya na nabuo pa ang pamilya niya. Ano'ng silbi? E, wala na ang
mahal niya.

"Nng...eaow", the kitten winced as her grip to it tightened.

Gusto niyang pipiin ng sobra ang kuting pero hindi niya magawa. Gusto niyang
sakalin ito hanggang sa mawalan ng hininga pero hindi niya magawa. Hindi niya alam
kung bakit hindi niya magawa at lalong hindi niya alam kung bakit naiisip niyang
kitilin ang buhay nito.

She found it in Troy's grave. That very little piece of reason made her want to
take care of the kitten.

Kamukha ni Troy, tinaboy-taboy niya ito. Kamukha ni Troy, bumalik-balik ito.

Masuyong hinaplos niya ang ulo nito. Hindi pinansin ang dugong kumakapit sa kamay
niya sa bawat haplos niya.

Aalagaan kita. Poprotektahan kita, pangako niya sa sarili niya.


"Hey."

Tayong dalawa na lang ang natitira sa mundo. Tayo na lang ang magkakampi. Tayo na
lang ang magkasama.

"Can I?"

H'wag mo 'kong iiwan, ha? Tayo na lang ang natitira.

"Can I see and maybe clean her wound?"

Umangat ang tingin niya sa lalaking nagsalita.

Who the hell is this guy?

SINUNDAN ni Tim Angelo si Arianna sa labas. Nanghiram pa nga siya ng


bulak at wet cloth kay Brianna bago siya lumabas. He doesn't have any idea why he's
doing this, he just felt like following her and so he did.

Umangat ang tingin nito sa kanya at hindi niya maipaliwanag kung ano ang
ipinapahiwatig ng mag mata nito. They are blank. No emotions can be read.

Bumaba ang tingin nito sa mga hawak niya at walang sabi-sabing kinuha nito sa kanya
ang mga iyon at wala ring sabi-sabing umalis ito sa swing at pumasok ulit sa bahay.
Tanaw niya nang dire-diretso itong pumanhik sa itaas.

Lumapit si Third sa kanya at tinapik siya sa likod. "Kala mo tsong, ha! Haha.
Ramdam kita, p're."
Napangiti na lang siya. Si Third lang ata ang may kayang magpatawa kapag naaawa
sila kay Arianna, e. Siguro, si Third din ang may kayang magpangiting muli kay
Arianna.

Napatingala siya. Kung saan nakatingin si Arianna kanina. At parang may nabago? No.
May nadagdag.

"Third. Bakit may gate na 'yon?" Tinutukoy niya ang veranda sa itaas na sa
pagkakaalam niya ay kwarto ng kambal.

Sinundan ni Third ang tingin niya. "Ah. Bawal na kasi dyan si Ann."

Napakunot ang noo niya. "Bakit naman?"

Nakangiting inililis ni Third ang damit at sa bandang likod ng tagiliran nito,


isang malaking sugat na pulang pula ang nakita niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Masaya ka pa?" Hindi siya makapaniwala na nakangiti pa
ito! "Ano'ng nangyari dyan???"

Lalong natawa si Third at ibinaba na ang damit tsaka siya tinapik sa balikat.

"Alam mo naman ako, may pagka-stalker kay Ann. Lilibangin ko sana.... E, tumalon.
Syempre, sinapo ko! E, may paso..."

Lalong nanlaki ang mga mata niya. Tumalon si Arianna mula sa veranda na 'yon?! At
sinalo ni Third? At ang malaking sugat..... Holy shit!

"Naku po! Hahaha!" Nakukuha pa talaga nitong tumawa? "Bilib ka 'no? Superman yata
ako! To the rescue sa pagsapu! Hahaha!" Natatawang pumasok na ulit sa loob si
Third.

Napanganga siya. Hindi siya makapaniwala.


Tumalon... si Arianna.... Naglaslas.... Tumalon.... God.... Buti na lang nakita ni
Third! Pero 'yung sugat..... Malaking sugat....

Kung paano'ng hindi siya makapaniwala sa mga tangkang pagpapakamatay ni Arianna,


hindi rin siya makapaniwala sa pagbabalewala ni Third sa nangyari at sa sarili.

He can't believe him. Paano'ng nakakatawa pa ng ganoon si Third?

***

A/N:

Alam ko, boring. T_T Haha. Pero kailangan n'yo munang malaman kung ano ang mga
nangyari kasi. Kung paano'ng hindi nagsalita si Margarette. Halos mawala sa sarili
or "mabaliw" ika nga si A. Kung paano'ng si Angelo lang ang nakikita ni A at naging
aloof siya sa iba. At ano'ng spark ang makikita sa GeRianna/TimYan at TroMeg(?). At
kung paano'ng nagpakamartyr si Keslo.

More of all of that in the nexts. :)

Siguro mas dadami pa ang magmamahal kay Keslo ngayon, 'no? ;)

Any, my goal to this third book ay guluhin ang loveteams na gusto n'yo. Sana ma-
achieve ko dahil gusto ko maging makatotohanan ang pagpili n'yo. Hindi lang dahil
si TJ ang orig. :) Dahil ako, ayoko na kay TJ. O__O! Spoiler alert! HAHAHA. Hoy,
ha! Kay TJ hindi kay Daniel, ha! Tse! XD

And, oh. How do you feel now about Don Gab? :)

Do comment, guys! Love youuus!

*******************************************
[7] 5. Every place and every face.
*******************************************
Tip:

Sa flashback, kapag may sentence na enclosed sa single quotation mark (eg: 'blah-
blah' ). Isip na mismo ni Arianna 'yon. Okay?
5. EVERY PLACE AND EVERY FACE.

ANG akala ba ng daddy ni Yanna, may mababago kung isasarado nito ang veranda niya?

No.

Dahil kahit nakahiga lang siya sa kama niya, ala-ala pa rin ni TJ ang pumapasok sa
isip niya....................

TOK! Tok! Tok!

She groaned as she rolled her eyes upon hearing the knock from her veranda door.

Patulog na siya, e. Malapit na.

'Ugh. Sino na naman ba'ng istorbo 'to?' inis na isip niya habang nakabusangot na
tumayo.

"Bulaga. Naku, nagkakamali ka, hindi ako hulog ng langit, mukhang anghel lang
talaga 'ko."

'Syempre, 'yung mahal ko. Istorbong gwapo. Hmp.'

Lalo tuloy siyang napabusangot pero nagpipigil ng ngiti sa sariling joke at joke na
rin ni TJ-kung joke nga ba 'yon para kay TJ.

She narrowed her eyes at him. "Anghel pero evil sweetheart ang bansag? Sino'ng
niloko mo? Playboy. Hmp."
Napayuko si TJ at tila naging seryoso. "Hindi naman kita niloloko. Nagbago lang
talaga 'ko dahil sa'yo. Kita mo, hindi naman na 'ko playboy, ah. Kasi kahit
pagsama-samahin pa sila, wala pa rin silang binatbat sa'yo."

Namula ba siya? Ang alam niya, pipikit-pikit na siya, ha? Namula ba siya? Anak ng
pakilig talaga.

Sinamaan niya ng tingin si TJ kahit obvious naman na kinikilig siya dahil sa


pagpipigil ng ngiti.

E, ang loko! Taas-taasan ba naman siya ng kilay! Halatang nang-asar/nagpakilig


lang, e!

"Pumasok ka na nga, buset! Tutulog na 'ko, istorbo ka pa dyan." Tumalikod na siya


para hindi makita ni TJ ang pagngiti niya ng wagas.

Hah. Edi, may pang-asar na naman si TJ kapag nakita nitong kinilig siya sa line
nito? Nako, h'wag na, 'no.

"Hehey. Oo na, mahal. Kunwari hindi ko na lang nakitang kinilig ka. Lakas mo
sa'kin, e. Haha."

Hinagisan niya nga ng unan!

"Letche. Sara mo nga 'yang pinto, papasok lamok!" Nagpipigil ng kilig na


sinimangutan niya si TJ.

Humarap si TJ sa kanya at kinuha ang unan na hinagis niya nang maisara na nito ang
pinto. "Bad word."

She pursed her lips. "Sorry."

He smirked.
'Buset', she just cursed in her head.

"Di ka nagreply na."

"Eh???" Nang-istorbo dahil lang hindi siya nagreply? "Nagreply kaya ako! Ikaw nga
hindi nagreply dyan, e."

Kanina niya pa kaya hinihintay ang reply nito kaya nga siya muntik nang makatulog
dahil sa tagal, e.

Naupo si TJ sa kama niya at kinuha ang phone niya na nadaganan ng unan niya.

"Kita mo? Ako ang huling nagtext. 'Ano'ng ulam mo? Hindi pwedeng ako.'" Talagang
binasa pa nito ang huling text sabay pakita sa kanya.

"Haha! Ano ba namang klaseng text 'yan! Bakit naman kita uulamin? Napaka-pervert
mo!" Okay, gising na gising na ang diwa niya. Great.

"Hindi pa kayo kumakain, matutulog ka na? Ayos ka, ha", maangas na sabi nito na
isinantabi ang sinabi niya.

'Ayan na naman si kumander', anas ng isip niya.

She rolled her eyes. "Inantok lang. Gigisingin naman ako ni B 'pag kakain na."
Naupo siya sa tabi nito.

"Tumalikod ka nga", utos ni TJ.

"Bakit?"

"Basta. Talikod."

'Edi, tumalikod. Hmp.'


Nag-indian sit siya at medyo gumitna sa kama at nakita niyang ginaya siya ni TJ.
Maglalambing na naman ba ito? Hehe. Napangiti siya at bigla, inunahan niya na si
TJ. Bigla na lang siyang sumandal dito.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Sandal ata tawag nila rito", ngingiti-ngiting sagot niya.

She felt his smirk through her ears. "Flirt."

Nahigit niya ang hininga niya.

That was.... uhh..... sexy.

"Pa'no ko maaayos 'yang pusod mo kung nakasandal kang ganyan sa'kin? Flirt flirt
naman po." At alam niya, tinutukso na siya ni TJ dahil sa hindi tagong pagtawa
nito.

Bigla siyang umalis sa pagkakasandal kay TJ.

"Tse! Pa'no flirt ka, natuto lang ako sa'yo, 'no!" Gaaaah! Pulang pula na ata siya!
Napahiya siya!

Malay ba naman niyang pusod niya pala ang aayusin nito?

"Haha. Basta ba sa'kin ka lang flirt, walang problema."

Omg lang. Hiyang hiya na siya, pwede ba?

"'Lika na nga, ayusin ko na 'yang ipit mo." Tinanggal na nga ni TJ ang pagkakapusod
ng buhok niya at sinimulang ayusin 'yon. Habang siya, kukusot-kusot na lang ng
mata. "Ang tamad mo lang talaga, 'no? Matutulog na lang nakapusod pa."
"Oo na", nakasimangot na tugon niya. Ano'ng isasagot niya, e, alam naman ng lahat
na tamad siya.

"Flirt."

Okay. May pang-inis na naman!

"Naman, e! Sa'yo lang naman kasi ako flirt!"

"Syempre!" Pok!

"Aray, bakit may batok?! Kasi likod ng leeg? Letche, ayos ka po, ha!" Batukan ba
naman siya natapos lang siyang ipitan!

"Oo! Try mo lang kasing mang-flirt ng iba, makikita mo!"

Hinarap niya si TJ at masamang tinignan. "Ano'ng gagawin mo???" Hamon niya.

"Magka-flirt-an na!"

"Hah! E, flirt ka naman talaga!"

"Sa'yo na lang kaya!"

"Pero flirt ka pa rin dati! Playboy!"

"Tss", sabay irap sa kanya ni TJ. "Sinabi nang binago mo nga ako, e...." he
murmured.

Napanguso siya. "Kaya nga sabi ko dati, e."


Ano ba naman? Hindi siya masanay-sanay sa style ni TJ, e. Mang-aasar, tapos biglang
seseryoso. Siya naman 'tong magui-guilty bigla. At first, siya ang inaasar, in the
end, siya ang guilty. Aba, magaling, ha!

Naramdaman niya na lang na kinukurot na ni TJ ang magkabilang pisngi niya. Tamo,


ngayon? Balik kulit na naman! Nakooo!

Mas lalong dumiin ang kurot nito sa mga pisngi niya. Salubong ang mga kilay na
tinignan niya si TJ. "Aaaaaaahhh...!"

"Eeehhh?" Mapang-asar na ang mukhang gaya nito sa kanya.

"Iiiiiiihhh...!" Ngingiti-ngiti pa siya kahit ang sakit na nang pisngi niya, ha!

"Ooohh?"

"Uuuhhh-"

*Tsup!*

Nanlaki ang mga mata niya. H-he... he just kissed her!

A peck, okay. But still...!

He smirked. "Flirt flirt ka talagang sexy ka, ha." Mapang-asar na ngingiti-ngiti pa


ito!

Bakit ba kasi sa kanya natapat ang 'u'?!

"Ang sama mo! 'Pag nag-a-e-i-o-u, flirt na? E, sa nakanguso ang 'u', e! Mag-a-e-i-
o-u ka rin!"
He smirked. "Sino'ng niloko mo?" asar nito sa kanya.

She pouted. "Sama sama mo."

"Flirt flirt mo", panggagaya ni TJ sa kanya kaya lalo siyang napabusangot. "Haha.
Bakit kasi ngumunguso ka pa? Pwede mo namang sabihing 'TJ, kiss mo 'ko'. Malugod
naman akong susunod sa'yo! Lakas mo kaya sa'kin! Hahaha!"

"Aaaah! Naman, e! Ikaw nga dyan! Pervert! Argh!" Pagkahaba-haba ng ngusong napayuko
na lang siya.

"Ikaw nga pervert dyan! HOY!!! Sa'n ka nakatingin?!" sigaw ni TJ sa kanya.

Her eyes widened. Sa ano... saktong sa gitna ng shorts nito siya nakatingin! Hindi
niya namalayan! Promise! Hindi niya alam!

"AAAAHH!! Hindiiiii! TJ, hindi!" Nataranta na siya.

"Hahahaha! Pervert na 'to! Bakit du'n ka nakatingin?! Hahaha-phhp!"

Tinakpan niya ang bibig nito. "Hindi kasi! Ano ba! TJ naman, e! Nakakahiya na!"

Nakakahiya na 'yun! 'Jusko, nakakahiya na talaga!'

Nagpipigil ng tawang itinaas ni TJ ang mgha kamay. Senyales na titigil na ito.

Tinanggal niya ang kamay niya sa bibig at likod ni TJ at napabuga ng hangin.

Pero may tanong talaga siyang gusto niyang malaman ang sagot, e.

"Hoy, patootie."
"Yes, sexyperv?"

She glared at him.

"Haha. Yes, sexy?" pagtatama ni TJ sa sarili.

And with all her mighty power, she asked... "Virgin ka pa ba?"

One second... Two seconds... Three... Four....

"Phhp!" Nagpigil matawa si TJ.

Napakagat-labi siya sa sariling tanong niya. Bakit ba? E, gusto niyang malaman, e!
Kasi, di ba? Dating playboy? Malay niya ba kung....

"Perv."

"Aaaahhhh! H'wag na! Kalimutan mo na!" Napatakip siya ng mukha niya sa sobrang
hiya.

Bakit ba kasi tinanong niya pa? Gaaah! Pinagsisihan niya agad, e!

"Sasagutin ko 'yang tanong mo."

Napatanggal siya ng takip ng mukha.

"Tanong mo kay Lexi."

Nanlaki ang mga mata niya. Ibig sabihin.... "May nangyari sa inyo ni Lexi???"
"Pervert talaga", iiling-iling at ngingiti-ngiting sabi ni TJ. "H'wag kang mag-
alala, babe. Sa sexy mo, sa'yo ko lang ibibigay ang sarili ko."

Natameme siya ro'n. So... nagloading pa talaga sa isip niya ang sinabi ni TJ tsaka
niya lang na-gets na.... He's still a virgin.

"Forget I ask. Okay?" pinandilatan niya pa si TJ.

"Kunwari may amnesia? Acheche? Perv." Nag-smirk pa!

Napatakip na naman siya ng mukha sa sobrang hiya. "Kalimutan na lang kasi!"

Hello? Hiyang hiya lang naman kaya siya! Tapos tinatawanan pa siya? Pinantutukso
pa?

"Perv."

Jusko, kahit hindi siya nakatingin, sobrang naiimagine niya ang pang-asar na ngiti
ni TJ, e!

"Naman kasiiii! Tumigil ka na!"

"Perv."

"Sasakalin kita, sige ka!" banta niya.

"Edi, sakalin mo. Perv."

Argh! Lakas mang-asar! "Sasakalin talaga kita!"

"Ayos lang, first love never dies naman."


Tinanggal niya ang takip ng mga kamay niya sa mukha niya tsaka clueless na tinignan
si TJ. "So?"

"So...... imortal ako."

'Huh???'

Pero bigla na lang yumakap ang mga braso ni TJ sa bewang niya at hinapit siya
papalapit.

The next thing she knew, his lips were tracing lines on her neck.

Okay, what just happened?

Pigil niya ang hininga niya. Jusko, ano'ng ginagawa ni TJ sa kanya?

"Bampira kaya ako... At nangangagat ako..."

'Oh my God...!'

"Arng."

Napasinghap siya at biglang napalunok nang bigla na lang kagatin ni TJ ang leeg
niya.

Oh, God. The touch of his teeth as his warm breath touches her skin... He really
did bite her! And his husky voice..... Damn it, hindi ba nakatodo ang aircon niya?!

And then he murmured. "My little pervert." Swear, she could hear his low chuckle!
Saktong biglang bumukas ang pinto at pumasok si Brianna.

Para silang magsyotang nahuling nagme-make-out sa biglaan nilang paghihiwalay.


Okay, that fits perfectly, though not really.

"Hi, first love~!" pakantang bati ni TJ sa kambal niya na prang walang nangyari.

Matapos siyang i-seduce? Hi, first love??! Hah!

"Uh.. Hi?" alanganing kumaway pa si Brianna kay TJ.

Hah... Anak ng pang-asar talaga, oo. "Ah, gano'n?"

Akmang kukurutin niya na sa tiyan si TJ nang awatin siya ni Brianna.

"Hep hep hep! Baba na raw sabi ni daddy, kakain na. 'Yun lang. Kbye. 'Di ko kineri
ang first love. Haha." And then Brianna's gone.

Agad na binalingan niya si TJ at tinignan ng masama. "Huh. First love pala, ha?"

"O, bakit? First love ko naman talaga 'yung si B, ha?" Halatang nang-iinis ang tono
itsura nito.

Pero ano nga ba? E, first love naman talaga ni TJ ang kambal niya?

Nakabusangot na sumandal na lang siya sa headboard ng kama niya tsaka pinagkrus ang
mga braso. "Tss. Edi, siya na." She rolled her eyes.

Tatawa-tawang tinapatan siya ni TJ. Pagkaraa'y ini-spread ang mahahabang binti


tsaka siya niyakap gamit ang mga ito. Bale, parang nakakulong siya sa mga binti
nito.

Ewan, natawa lang siya sa ginawa ni TJ kaya ginaya niya ang ginawa nito. Niyakap
niya rin sa bewang ni TJ ang mga binti niya.

Pero si TJ, pati ang mga braso, niyakap sa bewang niya.

"Cute mong magselos talaga, 'no?"

"Hmp. Tuwa ka naman." Kunwaring tampo-effect pa siya. Pero nakayakap naman siya!
Naks! Ang fail niya talagang magpakipot.

Natawa na naman si TJ. "Selos pa, e... E, ano kung siya si first love? Ikaw naman
si True Love."

Syempre, siya na naman 'tong si kinilig!

"E, bakit ang keso?"

"Kasi, I love you."

May ikikilig pa ba do'n?! Naman talaga, o.

"Kiss kita, ha?"

Okay. Landi mode: ON.

Nginitian lang siya ni TJ at inilapit ang mukha.

She kissed him. At first, it was just a light kiss. But when she was about to pull
back, he hugged her and made the kiss longer. Hindi bumubuka ang mga bibig nila. Sa
halip, magkalapat lang talaga ang mga labi nila.

Niyakap niya ang mga braso niya sa leeg ni TJ at mas diniinan pa ang halik.
"I love you too, pogi." Nakangiting sabi niya nang maghiwalay ang mga labi nila.

Bigla na namang bumukas ang pinto at ang mommy niya naman ngayon ang istorbo-este-
bumungad mula sa labas.

Patay! Kakain na nga raw pala!

Agad na humiwalay siya kay TJ.

"Hoy, mga bata kayo! Ano'ng pwesto 'yon? Aba, hindi pa honeymoon!"

"Practice, Mame!"

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pamumula.

Kung akala n'yong siya ang sumagot, nagkakamali kayo. Si TJ ang nag-mame na 'yon!
At ano raw? Practice???

'Gaaah! Lord, hndi ba pwedeng bigyan n'yo siya ng kaunting hiya? Hiyang hiya kasi
ako po! Huhuhu.' Yukong-yuko lang siya, e. Mommy niya na kaya ang nakahuli sa
kanila! With their awkward position earlier? Tapos parang wala lang kay TJ? Omg
lang!

"Haha. Sira-ulo ka, Tj, ha. May tiwala ako sa'yo!" biro ng mommy niya kay TJ.

"Yes, ma'am! Save it for the honeymoon, ma'am!" parang sundalong nagreport lang ang
loko, e. Sabay karipas ng takbo.

"Hoy, bata ka, mag-ingat sa pagtalon!"

Pigil na pigil ang tawang napapayuko na lang siya. Sa tawa at hiya, syempre.
Akala mo ba naman ang lakas ng loob ng loko, bigla pa lang kakaripas ng takbo! At
ano? Sa kanya iiwan ang pagkahiya? Nako talaga!

"Naku 'yang jowa mo, Arianna. Napakaloko!"

"Sinabi mo pa, 'me", ngingiti-ngiting sang-ayon niya.

"Nakuuuu! At nakita ko 'yon, baby, ha! Huleee! Nako, lagot ka sa daddy mo!"

Hala! Isusumbong siya sa daddy niya?! "Eee, mameee, h'wag mo 'ko sumbong!"

"Bleeh!" Binelatan lang siya!

"Mameee~!" pakiusap niya sa mommy niya. Hindi pwede, may pagka-strikto pa naman ang
daddy niya!

"Haha. Joke lang po. Hala. Tara na, kakain na."

Napangiti siya ng bongga. 'Yan ang mommy niya!

"ANAK, kumain ka naman na, o."

She chose to ignore her mom's words and presence.

That flashback of memories a while ago... Parang doon pa lang, napredict na ang
lahat. Parang doon pa lang, may ipinahiwatig na ang tadhana. Kahit ba biro lang...

First love never dies? Imortal? Bampira? Sana gano'n na lang, 'no? Sana bampira na
lang siya. At nang kinagat niya ako, naging bampira na lang din ako. At dahil
bampira kami, hindi kami pwedeng mamatay. Buhay pa sana siya ngayon...
Mapaklang umangat sa isang sulok ang mga labi niya.

Sana mga tauhan na lang sila sa isang libro na may happy ending. Sana hindi
ganito...

Paano? Paano niyang maiaalis sa isip niya ang mga ala-alang kasama si TJ kung bawat
tao at lugar sa paligid niya, si TJ ang naaalala niya?

"Anak-"

Walang sabi-sabing tumayo siya at kinarga ang kuting niya tsaka lumabas ng kwarto.
Hindi pinansin ang mga taong nadaanan at tuloy-tuloy lang na lumabas ng bahay.

Saan siya pupunta? Saan siya pwedeng pumunta na hindi niya maaalala ang mahal niya?
Pero gusto ba niya? Gusto ba niyang kumalimot?

Tanga ba siya para kalimutan ang mahal niya? Tanga ba siya para kalimutan si TJ?

Para lang siyang ligaw na kaluluwa na pagala-gala sa kalye. Hindi niya alam kung
saan siya pupunta. Hindi niya alam kung saan niya gustong pumunta. Basta ang gusto
niya, malayo sa lahat. Malayo sa mga ala-ala.

Kahit na blangko ang ekspresyon niya, hindi niya mapigilang mamangha habang
tumatawid siya ng kalsada.

Para siyang reyna. Para silang reyna ng kuting na karga niya.

Kada dumadaan sila, kusang humihinto ang mga sasakyan. Palagi nang ganito. Palagi
nang para siyang reyna sa sarili niyang mundo.

When they were finally at the side of the street, she turned to face the guy she
knew she's with all along.
She looked at his eyes. The guy's eyes were raven black, unlike her Troy's
chocolate brown ones.

"Ano'ng pangalan mo?"

NAGKATINGINAN sina Tim Angelo at Third sa itinanong ni Arianna.

"Pangalan ko?" nagtatakang ulit ni Tim sa tanong sa kanya ni Arianna.

Hindi sumagot si Arianna. Sa halip, pinagpatuloy lang siyang tignan.

"Tim.... Angelo Piero."

Nagtataka siya. Hindi alam ni Arianna ang pangalan niya? Pero nagpakilala na siya
rito noon, ha?

But what she murmured the next was the first.

"Angelo...."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Nang dahil lang sa pagbanggit nito
sa pangalan niya, parang may kung ano'ng naramdaman siya sa dibdib niya.

"One lucky bastard", nakangiting tinapik ni Third ang balikat niya at sinundan na
ang naglakad na namang muling si Arianna.

Napangiti na lang siya. Sign na ba 'yon? Pinansin na ang isa sa kanila ni Third
ngayon. Sign na ba 'yon?

Sinabayan niya na ulit maglakad si Third. Nasa unahan nila si Arianna na sinusundan
lang nila kung sa'n man magpunta. Bodygurad lang, sabi nga nila.

"Hello, 'ma?"

Napalingon siya kay Third na may kausap sa phone.

"Kasama ko si Ann-"

Kahit ba maingay ang mga sasakyang nagdaraan, narinig niya pa rin ang malakas na
boses ng mama ni Third sa kabilang linya. Parang sinesermunan si Third.

"'Ma naman, okay nga lang ako." Parang iritado pang sabi ni Third.

"Bukas na lang ako magpapa-check-up, nasa labas kami ni Ann, e. Ha? Sige, 'ma."
Tsaka nito ini-end ang tawag.

"Check-up mo ngayon? Pumunta ka", sabi niya kay Third.

"Para masolo mo si Ann? Nako, hindi na!" pabiro pang tugon nito.

"Para naman tayong mga manliligaw", tatawa-tawang sabi niya. Kahit na ba sa mata ng
iba, mukha nga silang manliligaw ni Arianna at magkakumpitensya. "Sige na.
Babantayan ko para sa'yo." Nginitian niya pa si Third.

"'Di na. Paulit-ulit na reseta lang naman binibigay. May bukas pa naman. Tsaka,
gusto ko, ako mismo ang makasiguro na walang masamang mangyari sa kanya."

Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ni Third habang naglalakad sila. Si Arianna.
Wala pa ring tigil sa paglalakad. Ang layo na ng nararating nila. Malapit na silang
lumabas sa sumunod na baranggay.
Nagulat na lang sila nang biglang huminto si Arianna.

Saglit na nagkatinginan sila ni Third at agad na ibinalik rin iyon kay Arianna nang
pumihit ito paharap sa kanila.

She stepped towards them, once. Twice. Thrice.

Unti-unting umangat ang tingin ni Arianna sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.

Napalunok siya. Nakakatakot na ewan ang tingin nito sa kanya. Nakakatakot na


nakakaawa...

At nagulat na lang siya sa sumunod na sinabi nito sa kanya.

"Iuwi mo na 'ko..."

Sa una, hindi niya lubos na maintindihan ang sinabi nito. Hindi niya alam kung ano
ang gagawin niya.

"Hay, nako. Pasaway na nilalang! Gusto mo na palang umuwi, ngayon ka lang nagsabi?
Ikaw talaga, Ann! Tara na nga-"

"Angelo..."

Napalunok siya nang tawagin na naman ni Arianna ang pangalan niya. At tila saydang
pinutol pa nito ang sinasabi ni Third. O talagang hindi lang nito narinig?
Imposible... O talagang pinili lang nitong hindi pansinin ang sinabi ni Third?

Napatingin siya kay Third. Si Third na napangiti... pagkaraa'y nagyuko na lang. Na


para bang natalo sa hindi niya alam na pagkatalo.

Naaawa siya kay Third. Na parang nagui-guilty din at the same time. Parang feeling
niya, inagawan niya si Third.
Humakbang si Arianna palapit ulit sa kanya. Naiinip na marahil kaya naman tinawag
na niya si Third.

"Third..."

Tumingin si Third sa kanya at nginitian ulit siya. "Sige, 'tol. Galit na si mama,
magpapa-check-up na muna 'ko." At ang sumunod, naka-para na ng tricycle si Third at
nakaalis na.

He sighed as he looked down at Arianna. Talaga bang hindi nito napapansin si Third?
O umaarte lang na hindi? Naaawa siya sa mga sakripisyo ni Third para rito, pero
parang wala lang iyon kay Arianna. Naging manhid na ba talaga ito sa mga taong
nakapaligid dito? Pero... bakit siya...?

Again, he sighed. "Just a second. Papara lang ako ng tricyc-"

Napigil ang sinasabi niya nang hawakan ni Arianna ang laylayan ng damit niya.
Nakayuko ito kaya hindi niya alam kung ano ang nais ipahiwatig nito.

"Hey..."

Pero nanatili lang nakayuko si Arianna.

"Iuwi mo 'ko..." ulit na naman nito sa kaninang sinabi.

Nalilito man, tumango siya kahit hindi nito nakikita. "Yes, hahatid na kita..."

Pero sa pagkakataong iyon, umangat na ang ulo ni Arianna at tinignan siya sa mga
mata. At mas lalo siyang nalito sa sumunod na narinig niya.

"Ayoko sa'min..... Iuwi mo 'ko sa inyo."

"A-ano?"
***

*******************************************
[8] 6. She's back. He's not.
*******************************************

6. SHE'S BACK. HE'S NOT.

"WHAT do you mean? Hindi pwede, Arianna", tanggi ni Angelo sa sinabi ni Arianna.

She gave him a cold stare. Then without a word, she walked past him.

Kung hindi pwede, edi, hindi. Marami siyang pwedeng puntahan. Malaki ang mundo.

"Hey!" Hinabol siya ni Angelo. "Arainna, sandal!" Pinigil siya nito sa braso. "Tara
na. Magtricycle na tayo pauwi sa inyo."

Sinalubong niya na naman ito ng galit na tingin. "Hindi na 'ko uuwi sa'min."
Hindi na. Ayaw na niya. Ayaw niya sa mga tao sa bahay nila. Ayaw niya.

"Arianna. Ano ka ba? Bumalik na tayo sa inyo. Gabi na."

Nagtagis ang mga bagang niya. Ang kulit din ng lahi nito, e. Biglang tinapik niya
ang kamay nito. At naglakad na naman palayo kay Angelo.

She heard him groan. At hinabol na naman ulit siya nito.

"Okay. Sabihin mo sa'kin kung saan nakatira ang isa sa mga kaibigan mo. Du'n kita
ihahatid. Julia? Cause Third's place is automatically and definitely a no, right?
Bea? Yen?"

She had to admit, he's smart. But not at all. "No."

"Then.. W-where are you planning to spend the night? I mean, your life."

I don't even have to plan where I should spend my life. I'm trapped in hell called
earth! sigaw niya sa isip niya pero ang isinagot niya kay Angelo, sarkastikong
inilibot niya ang paningin niya.

"Here? Sa kalye?!"

Sa'n pa ba?

Napabuga ng hangin si Angelo kasabay ng paghimas sa noo.

Guess, she's really a pain in the ass, eh? Nobody can tolerate her, like she cares.

"Okay, let's do this. Sa'kin ka titira. Fine."

Natigilan siya sa totoo lang. Kahit hindi halata.


Pumayag ito? What? Hindi ba nito nakikitang baliw na ang tingin sa kanya ng lahat?
Payag itong tumira ang isang baliw sa bahay nito? But the guys seems serious.

"Just one thing."

Oh. Okay. A blackmail... Fine. Basta ba mailayo siya sa bahay nila.

She raised an eyebrow as for asking him what's that thing.

"Eat."

At mas lalo pang tumaas ang kilay niya.

Eat? Not as if she isn't eating anything for she will be dead now like she always
wanted.

"I mean, don't just... taste... or touch foods. Eat. Eat right. Eat proper." Tila
nahihiya pang sabi nito.

Gusto niyang matawa. 'Yun lang 'yon?

So... it's a good blackmail, right?

Napatitig siya sa mga mata nito. Those sincere eyes.... looking at a crazy woman.
Maybe he's stupid.

"Deal?"

She rolled her eyes off him..... then nodded twice.

Sa gilid ng mga mata niya, nakita niya ang paglapad ng mga ngiti nito.
Nagkunot-noo siya. Ano'ng masaya du'n? Tss.

"Okay. Tara? But uhh... we really need to go back to your house", tila nag-
aalangang sabi nito.

What? Why? Niloloko lang ata siya nito, e. Tricking her? In the end, sa bahay pa
rin nila ang bagsak niya?

"Uh.. my car?"

Oh.

"OPEN the car."

"No."

"Open it."

"Arianna...."

"Open it! Or else, fine! Leave me and I won't eat even a single shit." Nagngangalit
na ang mga bagang niya. Nanggagalaiti na siya. Why, he tricked her! She knew it!
Pinauwi lang talaga siya pero walang balak na iuwi siya sa bahay nito!

"Tim?" Biglang bumukas ang gate nila at lumabas ang mommy niya't si Brianna.
"Tim... Anak..."
Sarkastikong nagbuntong-hininga siya kasabay ng pag-irap. She bit her bottom lip.
Nagtitimpi na lang siya. How dare he trick her?!

"Bakit kayo nagsisigawan? Pumasok na kayo sa loob." Brianna.

"Tanga. Hindi kami nagsisigawan. Ako lang ang sumigaw", she murmured to herself.

"Whatever, I'm not talking to you." Brianna.

"Brianna!" suway ng mommy niya sa kamabl niya.

Again, she rolled her eyes.

"Tita..." singit ni Angelo. "G-gusto niya po kasing-"

"Sa kanya 'ko titira o maglalayas ako." Matuling putol niya sa sinasabi nito.

F-ck. Why can't guys be just like TJ?! Straight to the point not being gay?! Cause
seriously? Kung si TJ ang nandito ngayon, nahuhulaan niya na ang sasabihin ng asawa
niya. "Mame, iuuwi ko na 'to. Ba-bye." That simple!

Unfair kung unfair ang pagko-compare niya but.... F-ck..... she's remembering them
again.

Sabi na. Sabi na nga ba't ayaw niya na talagang makakita ng kahit sino at lugar na
makakapagpa-alala sa kanya. She wants TJ in her mind and heart but she just can't
take the sight of people and places they made memories with, anymore.

Ayaw na niya. Ang sakit sakit pa rin kasi. Sobrang sakit. Panghabang buhay 'yung
sakit.

"Hindi ka papayagan ng daddy mo. Baka ikulong ka pa nu'n sa bahay. Anak-"


"Wala akong pakialam sa kanya, pwede ba? Hindi siya ang nagpalaki sa'kin kaya wala
siyang karapatan sa'kin. Ikulong niya 'ko, fine with me! I'll be dead before you
knew it."

"Arianna!" "A!" Magkasabay na sigaw ng mommy't kambal niya sa kanya.

"Are you really crazy, A?!" Brianna.

"Take a guess", sarksatikong sagot niya.

"Fine, Tita. If you'll trust me....."

Bigla silang napalingon kay Angelo. Tinaasan niya ito ng kilay pero tipid na
nginitian pa rin siya nito at binalingan na ang mommy niya.

"...I'll take care of her. I promise."

Napaiwas siya ng tingin sa tatlong kaharap niya.

F-cking promises.

ILANG buwan na ang nakalipas. Nagdaan ang Pasko, Bagong Taon, birthday ni TJ, at
nito lang, grumaduate na si Angelo.

Ang bilis ng panahon. Ni hindi niya namamalayan ang paglipas ng mga araw.

Kain, tulog, hinga. 'Yun lang ang nagpapatagal sa buhay niya.


Nasa swing siya ngayon sa gilid ng bahay ni Angelo. Kalong-kalong ang pusa niyang
pinangalanan niyang Queen.

"Arianna!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya. She didn't answer him. As always, she just
looked at him.

"May good news ako sa'yo", masayang pahayag ni Angelo na tinabihan siya sa mahabang
wooden swing.

She rolled her eyes. Every good news for him is just a news for her.

"Eyy.. C'mon, this one's really good."

Here he goes again. Trying to light up her forever down mood.

Walang pakialam na tumingin lang siya sa malayo.

"Tsk. Kj..."

Bigla siyang napataas ng kilay kay Angelo.

'Kj? TJ ako. TJ. Sino si Kj? Gwapo ba 'yon?'

Mariing napapikit siya nang pumasok na naman sa isip niya ang boses ni TJ. Hindi
niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot na naman sa ala-alang 'yon.

"Snap!" Angelo loudly flicked his fingers infront of him which startled her. "Okay,
stop reminiscing, I'm spilling the bean! You're in! You've got Parsons!" tuwang
tuwang pahayag pa nito.
Ah-huh?

Gusto niyang mapa-nganga sa totoo lang. Cause seriously? She has no clue on what he
said. Parsons what?

"Okay, 'di ko pa nasabi sa'yo. Remember when I was getting your things from your
home? I saw your notebook."

She raised a brow. What notebook? College notes?

"The one with your sketches."

Oh. So?

"Look. I applied you a scholarship to some of the schools of design in New York.
Actually, Pratt got you first. Pero may hatak tayo sa Parsons, may ninong ako
do'n."

Hindi siya makapagsalita. Kahit madalang naman talaga siyang magsalita, first time
niyang parang natameme sa isip niya.

What did he do?

"I-I know. I know, I have no rights. But... Arianna, kailangan mong mag-aral.
Sayang 'yang talent mo. At... di ba, you want to go away from.... them.... See, you
can move on there."

"Believe me..." she cut his words. "I can't cause I won't."

Natigilan at tila natamaan si Angelo sa sinabi niya.

Parang nataranta na ewan ang itsura kahit parang relax pa rin. Pero mukhang
kinabahan.
"Hey... Don't get mad at me... please?" And so now, he's sorry.

Bakit siya nagso-sorry? Stupid.

She mentally shook her head. Then sighed. "New York?" she said, almost a whisper.

"Yeah.... 2 year scholarship."

Again, she sighed. "Alam 'to ng mama mo? Alam niyang pinagkagastusan mo na naman
ang baliw na katulad ko?"

Yes. Na naman. Dahil binili pa talaga ni Angelo ang bahay na 'to para sa kanya.
Dahil ayaw ng mama nito sa kanya. Kasi nga, baliw daw siya. But Angelo bought him
the house. Using all the money left to him by his father. Hindi nga makapaniwala
ang mama nito't kapatid sa ginawa, e. Maski siya.

Pero biglang napangiti ulit si Angelo sa kanya.

"I'll take that as.... fine to you? Right? Yes! Oh, and one more thing... Hindi ka
baliw."

Natigilan na naman siya.

Hindi ako baliw?

"Hindi ka baliw. Dahil kung baliw ka, hindi mo sasabihing baliw ka. Alam ko kung
ano ka."

What?

"Nasasaktan ka.... pa rin."


Parang may kung ano'ng nagpabagal ng paghinga niya. Hindi niya magawang mag-iwas ng
tingin kay Angelo. Sa mga mata ni Angelo. Hindi kasi awa ang nakikita niya sa mata
nito. Hindi awa kundi... pang-unawa.

Bigla siyang nag-iwas ng paningin kasabay ng pagtayo ni Angelo.

"Thanks, Arianna. Thank you, hindi ka nagalit."

Napayuko siya. Marahil papasok na si Angelo sa loob pero bago ito makadalawang
hakbang, nagsalita siya.

"No. Thank you."

"'MA naman. Sige na naman, o", ilang beses nang pakiusap ni Third sa mama
niya.

"Third, tigilan mo 'ko. Wala tayong pera. Ano ka ba? Ni hindi ka nga pinapansin ni
Yanna, e, susundan mo pa sa America?"

"Mama naman! Utang! Babayaran kita 'pag nagkatrabaho na 'ko. Sige na kasi, 'ma!"

Nakaalis na kasi ng bansa sina Yanna't Angelo. Dapat siyang sumunod. Sa kanya
binilin ni TJ si Yanna. Kaya dapat niyang bantayan si Yanna. Dapat.

"Kesley! Ano ka ba? 'Yung ipapautang ko sa'yo, uutangin ko muna sa kung sino!"
bulyaw ng mama niya.

"Edi, mangutang ka ta's bigay mo na lang sa'kin h'wag nang pautang. O, di ba? Ikaw
na lang may utang." May halong biro na sabi niya sa mama niya.

"Hay, nako, nako! Ewan ko sa'yo! Umalis ka kung may pera ka! Nagpapakatanga ka sa
kanya, ni hindi ka naman niya kailangan!"

"Ma!" Ipamukha ba naman sa kanya?

"Ano? Totoo naman, ah? Hindi ba? Alam mo anak, kahit ikaw ang huling pinuntahan ni
TJ bago siya mamatay, hindi ibig sabihin no'n, ikaw na ang may karapatan."

Heto na naman sila.

"Wala ka kasing alam, 'ma", may halong inis na sabi niya.

"Try mo'ng ipaalam, Third."

Napaikot ang mga mata niya pagkaraa'y nagbuntong-hininga. Fine. Sasabihin niya na
sa mama niya.

"Sa'kin siya pinagkatiwala ni TJ."

Medyo natigilan ang mama niya. Napakamot ito saglit sa noo.

"Ah... Sa'yo pinagkatiwala. Hmm..... Gan'to 'yan, anak, e. Si lalaki, pinagkatiwala


si babae sa'yo. Ang kaso, walang tiwala si babae sa'yo."

Nagtagis ang mga bagang niya. Pinapangaralan na naman siya. "Hindi niya lang ako
pinapansin pero may tiwala siya sa'kin."

"Hindi ka niya pinapansin kasi wala siyang pakialam sa'yo. Tell me, pa'no siya
magtitiwala sa'yo?"

Natameme siya. Bakit ba sinabi niya pa sa mama niya?


"'Ma, bigyan mo na lang kasi ako ng pera!" pag-iiba niya ng topic sa mama niya.

"Hay, ewan ko sa'yo! Tablan ka nga, Third!" Tumayo na ang mama niya.

''Ma! 'Ma, sa'n ka pupunta? Hengeng peraaaaa!" tila batang habol niya sa mama niya.

"Bahala ka sa buhay mo! Kahit alugin mo ang pagkatao ko, wala akong maibibigay
sa'yo. Ikaw, try mong kalugin 'yang sarili mo, baka sakaling mawala 'yang ka-
martyr-an mo."

Bigla siyang napahinto sa sinabi ng mama niya at hinayaan niya nang lagpasan siya
nito.

Dati, hindi siya naniniwalang martyr siya. Pero ngayong galing na sa mama niya.....

2 YEARS LATER....................

AIRPORT

"Tim! Arianna, anak!" Mommy Geli.

"Anak..." Daddy Ariel.

"Hey, Tim... A..." Brianna.

Yes, they're back. She's back. After two years, she's now back.
But not for them.

Mahigpit na hinawakan niya ang damit ni Angelo at nagtago sa likod nito.

Samantala.....

BOSTON, MA, USA

"TJ!" tawag ni Margarette kay TJ. Natagpuan niya na naman ang kababata sa lake
malapit sa tinitirahan nila. Wala. Gustong gusto kasi ni TJ sa lake do'n.

"Meg!" nakangiting kinawayan pa siya nito nang papalapit na siya.

"Hey... Why are you here?"

"Kasi wala do'n."

"Ugh, TJ. May amnesia ka, pero 'yang pambara mo, hindi mo nakakalimutan." Inirapan
niya nga.

"You forgot you." Ngumiti pa si TJ. Ang gwapo lang talaga ng bestfriend niya, e.
Mayabang lang talaga.

She rolled her eyes again. "Fiiiiine. I'm lucky, right?" Sarkastiko pero pabirong
sabi niya.

"Syempre. Kaya lang uhugin ka sa aking alaala."


"NOOOO! You--!"

"Hahahaha!" Tinawanan pa siya?!

Pinaghahampas niya nga! "Kainis naman 'to! Hindi kaya ako uhugin noon! Argh, I hate
you!"

"Haha! Sorry ka, pero uhugin ka. Haha. O, tama na, abuso ka. Chansing 'yan." Medyo
lumayo pa si TJ sa kanya.

"Hmp! Epal!" Iningusan niya nga. Lakas makaasar.

"Haha. O. Galing kang school?" tanong ni TJ sa kanya.

"Hindi. Sa bahay n'yo", pambabara niya kay TJ sabay irap pa.

Well, totoo naman talagang galing siyang school pero mas galing siya sa bahay nito.

"Ah... 'Kala ko sa tyan ng nanay mo."

"TSE!" Bwiset mambara!

"Haha. Joke lang, e. Ano? Swimming ka?" turo nito sa lake.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Baliw!" Sira-ulo talaga. Kung anu-ano'ng pinagsasasabi.
"Hinahanap ka na kaya po ni Tito."

"Tss... 'Yaan mo siya...."

"Malaki na siya?" sinabayan niya ang sinabi nito at umirap na naman siya. Hilig
lang talaga ni TJ 'yung line na 'yon, e. Kabisado niya na nga.
Napabuntong-hininga siya. "TJ-"

"Ayoko, Meg", putol ni TJ sa sasabihin niya. Malamang alam na nito kung ano ang
sasabihin niya.

Nag-iwas si TJ ng tingin sa kanya at tumingin malayo sa lake.

"Ayokong umuwi sa Pilipinas."

***

A/N:

Kung nalilito kayo kung bakit ayaw ng mama ni Angelo kay Yanna, sige malito lang
kayo. Haha. De joke. Basta, ganun lang 'yun. :D

Tapos.... nakakalito 'yung kondisyon ni TJ? Onga ata. Haha.

Okay. Eto na. Kung naiinip kayo sa flashback, mas naiinip kaya ako. Kaya nga ang
tagal kong mag-ud, tinatamad kasi ako. Ganu'n 'yun, pag naiinip ako sa story ko,
tinatamad akong magsulat. Pero nakaisip na ako ng way. Kay nga next chapter....
PRESENT na. ;)

*******************************************
[9] Zecrets...
*******************************************
;)

*******************************************
[10] ~ Arianna ~
*******************************************

Play the song----------->

~ ARIANNA ~

Alam ko kung paano naging ganito kakomplikado ang buhay ko. Pero hindi ko
alam kung bakit.

Marahang hinaplos ko ang pisngi niya habang mahimbing na natutulog siya.

Siguro nga, mali itong ginagawa ko. Nasasaktan ako, nasasaktan siya,
nasasaktan ko sila. Pero, kasalanan ba'ng maging masaya?

Tumayo ako at bago ako lumabas ng kwarto, muling sinulyapan ko ang mukha
niya.

Mahal kita... Mahal na mahal kita......... pero mahal na mahal ko rin


siya.

***

*******************************************
[11] 1. Every possibility.
*******************************************

Hi, guys! I'm officially back!

Three months akong nawala so ilalagay ko na rin dito ang Epilogue ng BME2, dahil
baka nakalimutan n'yo na, okay? Alam n'yo naman ayokong nahihirapan kayo. Don't
worry, buburahin ko rin siya after a few weeks.
Nakakakilig 'to, promise. Araw ng mga puso, e. Hihi :) Kiss n'yo 'ko :* Happy
Hearts! ♡

EPILOGUE

Boog!

"Aww, sorry, miss!" the guy automatically apologized after accidentally hitting me.

I gave the guy a slight smile then slightly nod in response. Naramdaman ko na lang
na may braso na ang nakaakbay sa balikat ko. Nilingon ko siya, at nginitian.

"We're home", he smiled his angelic smile which made my heart flutter. I bit my
lower lip. Bakit ang gandang lalaki ng asawa ko? Ang amo ng mukha, nakadagdag
gandang lalaki pa.

Yeah, we're home again. Balik Pinas na after a month of our honeymoon which also
became our vacation. 30 days of happiness. Grabe. Noon na lang ulit ako naging
masaya.

"Hah", I faked a sigh. "And it's gonna be work, work, work", natatawang iniikot ko
ang mga mata ko.

"Sino ba kasi'ng may sabi na maging magaling na designer ka?" natatawang biro niya
sa akin na sinimangutan ko na lang.
"Nagsalita ang hindi sikat", bubulong-bulong na sabi ko pero hindi niya ata talaga
narinig dahil inayos niya saglit ang bagahe namin.

Paano? May mga dalawa o tatlong reporters ang kumukuha pa rin ng pictures namin, e,
sikreto na nga itong pag-uwi namin, gabi pa. Nakakaloka, hindi naman kami artista.

Noong kasal namin, marami ang reporters, kaya ngayon sinikreto na namin kahit kina
Tita-I mean Mama Therese, Angela and sa parents ko at kay Bri. Paano, sila ang
pumayag sa mga reporters noon. Minsan lang daw naman. Pero hindi pa rin kami
nagtiwala ni Angelo sa kanila ngayon. Alam naman naming pareho, lalo pa sina Mommy
at Mama Therese. Naku...

Dahil nakaakbay si Angelo sa akin, ipinulupot ko sa bewang niya ang kamay ko at


pareho na kaming naglakad.

**

"Hello?" sinagot ko ang tawag ng secretary ko. "Oh, Molly?"

["Ma'am.... About sa ipinapahanap nyo pong puno...."]

Oh! Infinitree namin ni Troy! Nakita na? Ilang tawag na ba ang natanggap ko na
hindi pa rin makita? Nakita na ngayon?

[".......Wala po talaga, e."]

Bigla akong nadisappoint. 'Yun na nga lang, e. 'Yun na lang.... Napabuntong hininga
ako. Ilang buwan ko nang ipinapahanap ang infinitree namin ni Troy, pero wala
talaga.

Napatingin na lang ako kay Angelo nang hawakan niya ang kamay ko. May pag-aalala na
naman sa mga mata niya. Parang sinasabi niya na 'wag akong mag-alala dahil makikita
ko rin iyon.

Si Angelo talaga.... Nasasaktan 'yan, alam ko. Pero kahit nasasaktan siya, tinitiis
niya dahil mahal niya ako. Sobrang swerte ko sa kanya. Napaka-maintindihin niya.
Hindi niya ako kailanman pinilit. At ngayon, he wants me to take my time in moving
on. Oo, unti-unti, nagiging okay na ako. Syempre, dahil 'yun kay Angelo. Kaya nga
gagawin ko ang lahat, masuklian lang ang pagmamahal niya.

Nginitian ko siya at hinawakan din ang kamay niya. "Okay lang, 'no", nakangiting
pagsisiguro ko sa kanya. "Let's go home."

**

"Ge, kain muna tayo. Nagugutom ako", I unconsciously pouted. Gutom na kasi talaga
ako.

"Pa'no natulog lang sa eroplano", sisi pa ni Angelo kaya lalo akong napa-pout. E,
sa inaantok ako, e. "Oo na po, pout ka pa dyan."

"He-he." Syempre, hahayaan ba akong magutom niyan?

Isa pa, gabi na. Sure na gutom na rin si Angelo, hindi naman kami nag-dinner sa
eroplano. Balak na lang naming huminto sa hindi mataong restaurant. Wala lang. Ayaw
ko lang ng matao. Mainit talaga ang mata ng publiko sa akin. Sa amin ni Angelo.
Syempre. Big companies, nagsanib. Kaya nga... reporters. Ugh...

Italian restaurant ang nadaanan namin kaya doon na lang namin napagdesisyunan na
kumain.

Magpapark na kami ng sasakyan nang bigla na lang...... may isang bata na kumaripas
ng takbo!

"AAAAAAH!" napasigaw ako kasabay ng pagpikit ko nang magpreno si Angelo. Pero bago
ako tuluyang napapikit, nahagilap pa ng mga mata ko ang isa pang bulto ng katawan
na kumaripas papunta sa bata.

God! Kumaripas din ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas ng pagpreno ni
Angelo. Hindi pa naman siguro kami huli, di ba? Nakabundol ba kami ng bata? Oh my
god.... Oh my god....

"Arianna, are you okay?" ako agad ang inalala ni Angelo. Kinakabahang napalingon
ako sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin at marahang tinanguan ko siya. "Dito ka
lang. I'll check." Wala sa sariling napatango na lang ako.

Bumaba na si Angelo at naiwan ako.

No. Please, hindi sana kami nakabangga.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kahit kinakabahan ako, nanginginig ang
katawan ko na bumaba na rin ako ng sasakyan.

"Ayos lang ho kayo?" boses agad ni Angelo ang narinig ko. And thank god! Nasa gilid
ng daan ang bata at lalaking sumagip dito! "Pasensya na... hindi ko alam... Bigla
bigla na lang siyang tumak-" naputol ang paghingi ng tawad ni Angelo nang isang
babae naman ang dumating.

Napalingon ako sa babae kasabay ng pagsara ko ng pinto ng sasakyan.

"Oh my god! What happened?" puno ng pag-aalala ang boses nito.

Wait... Isn't that..... Margarette?

It's really her!

I'm sure si Margarette siya. Pero hindi niya ata ako napansin dahil sa lalaki at
bata agad siya nagtuloy. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Nilapitan niya ang
dalawa na ngayon ay nakaupo na ang lalaki habang nakatayo naman na ang bata.
Nakatalikod ang bata sa direksyon ko at nakaharap sa lalaki kaya hindi ko makita
kung may sugat ba sila o wala. Isa pa, hindi ko magawang lumapit sa kanila. Dala na
rin ata ng kaba. Sobrang kinabahan talaga ako.

Naramdaman ko na kung paano muntik na mabundol ng sasakyan, e. Ano na lang kaya ang
naramdaman noong bata?

Nilingon ko si Angelo pero bakit parang... natigilan siya?

"God! Are you alright?" nabaling ang tingin ko kay Margarette na agad na chineck
ang katawan ng bata.

"M-mom.... 'my", hindi pa diretsong tugon ng bata.

May anak na si Margarette?

Napayakap ng mahigpit si Margarette sa bata at kitang kita ko ang pag-aalala sa


mukha niya.

"H'wag mo nang uulitin 'yon, okay? Pinag-alala mo kami ni papa", sabi ni Margarette
sa anak. Nilingon ni Margarette ang lalaki sa tabi niya na natatakpan niya at ng
anak niya kaya hindi ko makita. "TJ, are you alright?"

Parang huminto ang paligid ko sa narinig ko.

Did she just.....

No.

I mentally shook my head.

Imposible...... Imposible.

Tumayo si Margarette at dumiretso ang tingin niya sa nasa harapang si Angelo. Hindi
niya pa rin ako napapansin.

"I-I'm sorry, hindi ko nabantayan nang maigi ang anak ko. We were at the side lane
and he suddenly just.... I'm sorry", hinging paumanhin agad ni Margarette kay
Angelo.

"Baby, don't do that again, okay? Look what happened! Muntik ka nang masagasaan!"
sermon ni Margarette sa bata.
"M-m-mu... shoo...." mangiyak-ngiyak na usal ng bata.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ng bata dahil hindi ko rin magawang ibaling sa
kanila ang tingin ko. Ewan ko pero parang may kung ano'ng humahatak ng tingin ko
papunta sa lalaking sumagip sa bata-sa ama nito.

Gusto ko kasing makita ang mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit....

"Huuu..... Pa-paaa!" umiyak ang bata at yumakap sa nakaupo pa ring lalaki.

"It's okay, baby. It's okay."

Parang may kung ano'ng bumundol sa buong pagkatao ko.

Parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

Ang boses na kahit ilang taon pa ang lumipas, alam ko at kabisado ko.

No. Please, no. Please.... Please.....

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumayo ang lalaki at mapaharap sa
akin.

"Pasensya-"

No. No. No.....

Parang hindi ako makahinga pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Natulala ako.
Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko.

No.....

"T--troy........"

God. Tell me I'm dreaming.

Please, tell me its isn't true.

Someone tell me.

Angelo... Margarette...

Please....

Hindi. Hindi siya 'yan... Kamukha lang. Kamukha lang. Hindi siya si Troy...

No...

"Helen....."

***
1. EVERY POSSIBILITY.

"HELEN..."

H-hindi makapaniwala si Arianna sa nakikita niya, pero lalong hindi siya


makapaniwala sa narinig niya.

What is happening? A-ano'ng..... ano'ng ibig sabihin nito?

Nakarinig rin siya ng malakas na pagsinghap. "Y-yanna...?"

Alam niyang kay Margarette nagmula ang reaksyon na 'yon pero hindi niya maalis ang
tingin niya sa lalaking kamukhang kamukha ng taong kay tagal niyang inasam na
bumalik kahit napaka-imposible pa.

T-troy....

Hindi niya mapigilan ang mga luha niya. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga ito
mula sa mga mata niya.

Si Troy? Margarette?

No.... Napailing siya habang tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha niya.
I-imposible.... Imposible.

Nananaginip ba siya? Nananaginip lang siya, di ba? Oo. Nililinlang lang siya ng mga
mata niya. Wala bang gigising sa kanya? Wala bang yuyugyog sa kanya at sasabihing
nanaginip na naman siya?

Gusto niyang pumikit. Gusto niyang maging panaginip lang ang lahat. Sana panaginip
lang ang lahat. Pero hindi. Hindi niya kayang pilitin ang sarili niya. Feeling
niya, kapag nag-iwas siya ng paningin, magiging panaginip lang nga ang lahat.

Hindi niya mapigilan ang baba niya sa panginginig kaya natutop ng dalawang kamay
niya ang bibig niya. Tuloy tuloy pa rin ang agos ng mga luha niya.

Hindi nga siya nananaginip. Kahit gustuhin niyang panaginip lang, pero totoo ang
lahat.

"T-troy..." usal niya sa nanginginig na boses.

No one can't deny what she heard earlier. He can't deny what she heard. Troy is
real. Troy is here.

"H-helen..."

Doon na siya napahagulgol. Para siyang mauubusan ng hininga.

Hearing her name again is all it takes to believe everything.

Totoo nga. Totoo nga ang lahat.

Kahit ba parang mabubuwal siya sa kinatatayuan niya, pinilit niyang humakbang para
mahawakan at malapitan ang lalaking napakatagal na nawala sa kanya.

Pero isang maliit na hakbang pa lang ang nagagawa niya, napahinto na agad siya.
"Helen Arianna, right?"

Kasabay ng pagkahinto niya ay ang paghinto rin ng mga luha niya. Unti-unting bumaba
ang mga kamay niya mula sa pagkakatutop sa bibig niya.

A-ano'ng...?

"Or are you, perhaps, Maria Brianna?"

Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig sa narinig niya.

Ano'ng ibig sabihin.... ng sinabi nito?

"I... I'm sorry. I can't tell who's who."

C-can't tell.... who's w-who?

Gusto niyang matawa. "No. No. No." Matawa-tawang napailing-iling siya. "No...."
Hanggang sa napalitan na naman ng luha ang pilit niyang pagtawa. Iyak na naman siya
ng iyak.

Parang hindi na talaga siya makahinga.

"Ako.... Ako 'to, Troy. Ako 'to."

But the look on his face.....

Wala siyang magawa kundi ang mapaiyak. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa.
Kalokohan ba'ng lahat ito?

"Yanna..."
Hindi na niya napigilang mapatingin sa tumawag sa kanyang si Margarette.

"M-margarette..." Iyak lang siya ng iyak. "Margarette..." Ano'ng ibig sabihin ng


lahat ng 'to? Bakit magkasama kayo? Bakit? Bakit buhay siya? Bakit hindi niya 'ko
kilala? Niloloko n'yo lang ako, di ba? Tell me, Margarette. Please, tell me...
"Margarette...!" Hagulgol na siya ng hagulgol. Magpaliwanag ka. Please...
"Margarette..."

"Yanna..." At sa nanlalabong paningin, nakikita niyang umiiyak na rin si Margarette


habang tutop ng isang kamay ang bibig, ang isa ay nakayakap sa batang.... sa batang
muntik na nilang mabundol kanina.... sa batang..... sa batang tumawag ng Papa at
Mama kina Troy at Margarette kanina.

Pinilit niyang huminto sa pag-iyak. Gusto niyang makita ang buong mukha ng bata.
Imposible. Imposibleng anak ni Troy iyon. Pilit niyang pinakalma ang sarili kahit
hindi niya kaya at matiim na tinitigan ang bata.

Ganoon na lang ang pagkakatigagal niya nang lubos na matitigan ang bata.

No. This can't be happening. No... Please, no...

Hindi niya alam ang gusto niyang gawin pero napahakbang siya sa direksyon ng bata
at ni Margarette. Doon naman humigpit ang yakap ni Margarette sa bata na para bang
may gagawin siyang masama sa paglapit niya kaya napahinto agad siya.

Wala siyang magawa kundi ang takpan ang bibig at pilit pigilin ang paghikbi.

No.... Wala siyang magawa kundi ang mapaiyak. No... No... Kamukha ni Troy...
Kamukhang kamukhang ni Troy.

Mariing napapikit siya habang patuloy pa rin sa paghagulgol. Mauubusan na ata siya
ng lakas.

Please... Panaginip lang 'to. Nanaginip lang ako. Hindi 'to totoo. Please,
please... I'll open my eyes and they'll be gone. Come on. Someone wake me up. Wake
me up. Come on! Wake me up for I don't know if this is a dream or a nightmare. But
when I opened my eyes, everything's mocking me.
Margarette is there. The child is there. And Troy... They're all real, right there
infront of her.

Margarette with her sorry and 'I-don't-know-what-to-say' expression, she wanted to


yell at her so bad but words just failed her. And Troy's, she just can't figure
out.

Nabablangko ang isip niya. Nanghihina siya. Parang nag-i-i-slow motion ang mga
pangyayari sa kanya.

Ang pagtitinginan nina Margarette at Troy. Ang pagkuha ni Troy sa bata mula kay
Margarette.....

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Ano'ng nangyayari? Ano 'to?

Bakit naging ganito ang lahat? Bakit may nagbalik? Bakit may nabuhay? Bakit may
nadagdag? Bakit ngayon lang? Bakit hindi noon? Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan
nagiging masaya na ulit siya? Bakit kailangang masaktan na naman siya?

"Please... please..." Tell me what I should know. Please.

"I can explain."

Hindi si Margarette o si Troy ang nagsalita. Galing sa likuran niya. At nang


lingunin niya kung sino, para siyang lantang gulay na muntik nang matumba mula sa
kinatatayuan niya.

Si Don Gabriello.

May sumalo lang sa katawan niya at inalalayan siyang tumayo kaya naagapan ang
pagbuwal niya.
At nang tingalain niya kung sino ang sumalo sa kanya, automatic na nag-unahan na
naman ang mga luha niya sa pag-agos mula sa mga mata niya.

"Angelo..." Napahagulgol nanaman siyang bigla pagkakita sa mukha ng asawa. Iyak ng


iyak na napakapit siya sa damit nito.

Akala niya mag-isa na lang siya. Akala niya siya na lang. Nakalimutan niyang may
Angelo nga pala siya. Na, oo nga pala... may asawa na ulit siya.

Hagulgol at hagulgol lang ang tanging nagawa niya sa mahigpit na yakap ni Angelo sa
kanya.

TIM Angelo followed the car infront of him. They decided to have a talk
in a more private place. In Gabriello's house.

Tahimik lang siya habang nagda-drive. Pero hindi niya mapigilang hindi tignan ang
asawa niya.

Saksi siya kung paano nasaktan ng sobra sobra si Arianna na umabot na sa puntong
ilang beses pagtangkaan ang sariling buhay nang dahil sa pagkamatay ni TJ. Sobrang
nasaktan si Arianna noon, ano pa 'yung ngayon?

Mas masakit ba ang namatayan? O mas masakit na ang inakala mong patay, muling
nabuhay pero hindi ka na naaalala, at may pamilya nang iba?

Kung mas masakit ang isa kaysa sa isa. Ano pa 'yung parehong naranasan ng asawa
niya ang dalawa?

How he wish he's the one who's hurting from all the pain Arianna's getting instead
of her.

Saksi siya noon, saksi rin siya ngayon.

Bakit? Bakit sa dinami-rami ng batang pwede niyang muntik na masagasaan, bakit ang
anak pa ng inakala ng lahat na patay na?

Ni hindi nga nila napansin na ang mga ito pala ang nasa gilid ng daan na nag-uusap.
Bakit hindi na lang nila nalagpasan? Bakit kailangang tumawid pa ang bata?

He looked at his wife. He can't even touch her right now. He knows he have every
rights but he just chose to stop his self. Being by her side is probably the best
he can do. And maybe she needs space, or he's just damn afraid he'll be rejected.
Because it feels like Arianna becomes distant in a short period of time. Malayo
lang ang tanaw nito sa labas ng sasakyan habang nagpipigil na umiyak.

Be strong, love. I'm here... be strong.

Bumaba na sila ng sasakyan nang makarating sila sa bahay ng mga Fontillejo.

Lumapit agad siya sa asawa niya. Kanina pa tumigil si Arianna sa pag-iyak pero nang
makalapit siya rito, bigla na lang mariing hinawakan nito ang damit niya at
sinandal ang noo sa dibdib niya. Doon niya narinig ang mahinang hikbi nito. Umiiyak
na naman si Arianna.

God knows kung gaano siyang nasasaktan para sa asawa niya. Kung pwede nga lang na
akuin niya ang lahat ng sakit na nararamdaman nito ngayon, gagawin niya.

Hahawakan niya na sana sa magkabilang balikat si Arianna pero bigla na lang siya
nitong tiningala na para bang alam kung ano ang gagawin niya. Tinignan lang siya
nito na para bang sinasabing.... Kaya ko 'to, kahit sobrang nasasaktan ako.
He restrained his self from touching her. It's what she wanted him to do.

Nag-iwas ng tingin si Arianna sa kanya. Binitawan na siya tsaka ito nagtuloy


pumasok sa loob ng bahay ng mga Fontillejo.

Napayuko na lang siya at sumunod na rin sa loob.

"Let's talk. Just the three of us", sabi ng don kay Arianna.

Nakita niyang tumingin naman kay TJ si Arianna, senyales siguro na gusto rin nitong
pati si TJ ay kasama.

"He doesn't know a thing about it", mahinang pagdidiin ng don sapat para silang
tatlo lang ang makarinig. Nasa likod kasi siya ni Arianna habang si TJ ay nilalaro
ang anak sa living room, gayundin si Margarette pero sa kanila nakatuon ang pansin.

"Then Margarette. I think she has a lot to say", matigas na sabi naman ni Arianna.

Pumasok sila sa study ng matanda. Ngayon, magkakaharap na silang apat.

Hindi niya alam kung dapat bang nandito siya. Oo, dapat nga nandito siya. Asawa
niya si Arianna, e. Pero hindi niya alam kung kaya niyang marinig ang usapan gayong
may kutob na siya sa patutunguhan.

"So.... You're getting big with your marriage just a month ago, huh. It maybe late
but still I really want to congratulate-"

"Just cut the bullsh-t, will you?" Arianna coldly cut the man's sentence. "Sa dami
ng kasinungalingang ipapaliwanag mo sa'kin, sa tingin mo ba kailangan kong
magsleep-over dito?"

His wife may seem tough but he can hear her voice is trembling.

Bahagya namang natawa pa ang matanda. "To make it simple, itinago ko siya sa
Amerika para doon magpagaling. At ngayon, may amnesia siya. At hanggang ngayon,
wala pa rin siyang maalala bukod sa panaka-nakang alaala noong siyam na taong
gulang pa lang siya pababa. In fact, napakaliit ng pag-asang bumalik pa ang ala-ala
niya sa tindi ng pagkakabagok ng ulo niya."

"Pag-asa pa rin 'yon", matigas na sabi ni Arianna.

"Like I've said, napakaliit. Let's face it. It's been what? Five? Six years?
Matagal na pero wala pa rin siyang maalala."

"Lie to me that he did't even ask", sarkastikong balik ni Arianna.

"Of course, he did. But this old man here is one hell of a manipulative liar,
aren't I? It's as simple as I took his condition for granted and planned it all.
Everything. You can fill the blanks.

Nakikinig lang siya sa usapan. Nakikiramdam.

Alam niyang nagpipigil lang ang asawa niya. Kilala niya si Arianna. Kaya nitong
kontrolin ang emosyon pagdating sa ibang tao.

"'Yung bangkay niya. How in the world did you fake that? I even saw a glimpse of
his face inside that coffin. How... How...?" Hindi na maituloy-tuloy ni Arianna.

"That wasn't his body. Nagpahanap lang ako ng kasing katawan niya tsaka ko pinawax
ang mukha katulad kay Troy. Ever wonder why it was after two days tsaka n'yo lang
siya napaglamayan?"

Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Can someone even do that? Yeah, the old
man did, but.... it's unbelievable.

And this time, nag-uumpisa na namang umiyak si Arianna. "Ang kapal ng mukha mo. Ang
sama mo. Ang sama sama mo!"

Gustong gusto niyang saktan ang matanda sa mga oras na 'yon. Dahil pinangako niya
sa sarili niya na mananagot sa kanya ang lahat ng magpapaiyak pang muli sa asawa
niya. Sino 'to para paglaruan ng gano'n si Arianna? Hindi lang si Arianna. Lahat!
"Margarette... Margarette, why didn't you... You knew I was literally dying from
the pain. Wala ka bang puso? Ni hindi ka man lang ba naawa sa'kin noon?!" Lumalakas
na ang boses ni Arianna. Hindi na malamang nito makontrol ang galit.

He looked at the girl infront of him. Margarette. Who's also starting to weep.

"I don't know.... I just didn't know what to do back then, Yanna. TJ was in a very
critical situation that even I didn't think it's possible he'll survive. I wanted
to tell you but I didn't want to give you false hope when you were already in that
state. He's in coma for a year and three months, Yanna. I didn't even think it's
possible."

"And when he finally woke up... Why then didn't you tell me?" hamon ni Arianna
rito.

"I.... He can't remember anything past his 9-year-old life. Means he can't remember
you at all-"

"And you're one lucky bitch he remembers and so you took the opportunity and you
seduced him and now you are married and even have a child. Is that it, Margarette?
Is that it? Huh?!"

Arianna's now shouting.

Alam niya. Alam naman niyang dito patungo ang lahat.

"I didn't seduce him", may pagdidiing sabi ni Margarette.

Napalingon siyang muli rito dahil sa tonong gamit nito.

"Then what?! Bakit kayo may anak ngayon kung hindi mo siya nilandi?!"

Napayuko't napapikit siya nang dahil sa intensidad ng sigaw ng asawa niya.


"Woman-" Narinig niyang magsasalita sana ang matanda pero mariing nagsalita si
Margarette.

"Yanna, I am his bestfriend. It's no surprise if I was willing to take care of him
when I was one of the few who knows he's still alive."

Few?

"And it's a BIG surprise you were willing to tell lies at his face when he can't
remember me just because this old man told you?"

"She didn't lie", singit ng matanda. "In fact, my son knew you were once his
girlfriend. And so was your twin. In fact, you should thank her. Kinwento ni
Margarette kung ano ang alam niya. Na patay na siya sa mata ng lahat. Na nagkaro'n
kayo ng relasyon. Na tinutulan ko kayo pero pareho kayong nagmatigas kaya
naaksidente siya. Pero dahil wala talagang maalala si TJ, mas pinili ng anak kong
h'wag nang magpakita pa."

"Kinwento niya rin bang may naiwan siyang asawa sa Pilipinas?" matigas at
sarkastikong balik ni Arianna sa matanda.

Though now's not the time to be insensitive. Hearing his wife's words.... It breaks
a part of him.

Tila naman gulat na gulat si Margarette. "A-ano...? K-kasal.... kinasal kayo ni


TJ?" Napailing ito. "Imposible."

"Bakit? Natatakot ka ba? Kinakabahan ka ba? Kasal kami, Margarette. Kasal kami! At
kaya ko 'tong ilaban sa korte para mapawalang bisa ang kasal n'yo!"

That time, he wish he's not inside the room.

"And your husband is right there listening beside you."

Fck you, old man. He cursed inside as his jaw hardened.


Hindi niya tinignan si Arianna pero sa glid ng paningin niya, nakita niyang kung
ilang beses lang itong nagbuga ng hininga at yumuko. Ni hindi man lang siya
sinulyapan ng tingin.

Aaminin niya. Nasasaktan siya.

"I'll leave you three to talk", paalam niya sa mga ito at nagtuloy na siyang
lumabas. Hindi na niya kayang makinig.

Alam niya namang magkakaganito ang lahat, kung bakit sumama pa siya sa loob.

Nahihirapan siyang tanggapin ang lahat. Palagay niya, kailangan niya rin ng hangin.

Pero nang makababa siya sa sala, naabutan niyang naroon pa rin ang mag-ama.

Yeah. The 2 year old child is Margarette and Troy's son. They confirmed it earlier.
And one can tell when you look at the child.

Nang makita siya ni TJ, saglit na iniwan nito ang bata at nilapitan siya.

"How's it going?" TJ asked, clueless.

He doesn't know what to answer. Should he say everything's fine when it is


seriously a mess in there? Quite frankly, he wants to say 'It's fun there. I think
I'm getting divorced because you're now alive and kicking infront of me'. Can he?
So instead, he just simply replied. "Sucks."

Napailing si TJ. "Nangako ako sa sarili ko na hindi muna 'ko babalik ng Manila
hangga't wala pa 'kong maalala but because of business, I need to. I know your wife
and I didn't have a proper closure before I..... You know, this is unexpected."

"This is never expected." He stressed the word never while fighting the urge to
sarcastically smirk at him. And he suddenly can feel the tension between him and
TJ.
Ni sa hinagap hindi niya inaasahang magkakaganito ang lahat. At alam pala nito na
kasintahan nito dati si Arianna. Pero malamang iniba na rin ng tatay nito ang ibang
mga detalye, ayon na rin sa reaksyon ni Margarette kanina nang banggitin ni Arianna
ang kasal nito't ni TJ.

"Yeah. Rising from the dead... Definitely not." TJ gave away an awkward smile.

Nang bigla na lang umiyak ang bata. Napalingon agad si TJ at gano'n na rin siya.

"I'll just wait at my car", sabi niya kay TJ.

"No, you can join us here", said TJ. But he can't tell by the tension if TJ really
wants to.

"No, thanks. I miss my car, anyway." He faked a smile.

And so did TJ. "Sure? Sige. By the way...." Bigla nitong inilahad ang palad sa
kanya. "....nice meeting you."

This time, hindi na niya pinigilan pang umismid.

Pero inabot niya rin naman ang kamay ni TJ pagkaraan.

Ito. Ito ang taong mahal na mahal ng asawa niya. Ang taong hindi ipagpapalit sa
kahit na ano o kahit kanino ng asawa niya.

He shook TJ's hand but didn't even bother to fake a smile. "I wish I could say the
same."

And the tension just intensifies.

It is men's thing. He left before he could say something.


Everything is believable but is hard to believe.

What will happen next? He can't help but think of the possible. All possible.

Hinintay niya sa loob ng sasakyan niya si Arianna. Pero halos magdadalawang oras
na, hindi pa rin 'to lumalabas mula sa bahay.

Lumabas siya ng sasakyan at sumandal. Nag-aalala na siya, kaya hindi rin nagtagal,
pumasok na ulit siya sa bahay.

Nagtuloy siya sa living room pero wala naman siyang nakitang tao. Pero nang
malingon siya sa glass wall, doon niya natanaw sa labas may kalayuan sa bahay, ang
asawa niya..... kasama ang dati nitong asawa.

Malungkot na napangiti na lang siya. How ironic.

Dapat na ba niyang ihanda ang sarili niya sa naiisip niyang mga posibilidad? Siguro
nga, patikim lang ang ilang buwang kaligayahan niya simula nang piliin siya ni
Arianna. Kaya niya ba? Kaya niya bang palayain ang mahal niya kung doon ito sasaya?
Kaya niya bang ibigay ang kalayaan nito kung iyon ang hilingin sa kanya?

He made a slow glance at the two who are standing side by side far outside. And
before he could see something that can hurt him more, he left and decided to wait
again at his car. Wishing everything's gonna be alright.

[Play the song POSSIBILITY by Lykke li --->]


NAKATAYO lang si Arianna katabi si TJ.

Gusto niyang alisin lahat ng bigat sa damdamin niya. Gusto niyang katulad ng
dati.... katulad ng dati.....

She can't help it. Nag-aamba na naman ang mga luha niya.

Nasa tabi niya si TJ pero ni hindi niya mahawakan. Napakalapit na sa kanya pero
hindi niya pa maabot.

Hindi rin siya makapagsalita kasi dati, hindi naman nila kailangang magsalita.
Basta magkasama lang sila, masayang masaya na sila.

Pero pinilit niya pa rin ang magsalita.

"Masaya ka ba?" tanong niya kay TJ kahit paiyak na naman siya.

"Masaya saan?" TJ.

Bigla na lang tumulo ang mga luha niya kahit anong pigil niya.

Just hearing him talk to her is so unbelievable. How she long for his voice.

Pinilit niyang magsalita ulit. "Sa buhay mo...." She sniffs. "May asawa ka. May
anak... Masaya ka ba?"

It took TJ seconds but she waited for his answer.

And when he did.....

"Oo naman. Sila ang buhay ko, e."


Para siyang binuhusan ng kumukulong tubig sa sinabi nito. Doon niya na hindi
napigilan ang mapahagulgol ng husto.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sobrang sakit pakinggan. Para siyang madudurog sa sakit
na nararamdaman niya.

Dati.... dati ako lang ang buhay mo. Dati ako lang ang buhay mo pero ngayon hindi
mo na alam kung sino ako sa buhay mo.

Gusto niyang sabihin 'yon kay TJ pero hindi siya makapagsalita.

Bakit ganito? Bakit lagi na lang siyang nasasaktan? Wala na siyang ibang magawa
kundi ang umiyak ng umiyak.

"Ikaw? Masaya ka ba?" TJ asked.

He even have to ask?

Kung ang ganitong sitwasyon ko ang bagong tawag sa pagiging masaya... Oo. Masaya
'ko kahit alam kong sino ang niloko ko.

But so to satisfy him, she nodded repeatedly while uncontrollably crying.

Oo. Oo, masakit pero masaya siya ngayon. Kahit ba sa isang iglap nagbago na naman
ang lahat. Pero ang mahalaga, buhay si TJ at nasa tabi niya pa kahit ngayon lang.
Masaya na siya rito kahit gusto niya pa ng mas kaysa rito. Oo. Masaya nga siya.
Masayang masaya siya kahit sobrang nasasaktan pa siya.

All she can do is break down and cry.

Lalo pa nang yakapin siya ni TJ at sinubukang patahanin.

"I'm sorry..."
He's sorry? Sa sinabi nito, pa'no siya makakatahan? Pa'no niya pipigilan ang mga
luha niya na mag-unahan? When his sorry was meant for her tears, not for the pain
she's been through all along and now.

Hindi niya na pinigilan ang sarili niya. She hugged him tight and cry in his arms.

Dati, lagi siyang niyayakap ni TJ 'pag magkasama sila. Ngayon, pahiram lang 'to
dahil ni hindi siya nito maalala.

Ang sakit, e. Ang sakit sakit. Ang tagal tagal niyang nagdusa. Pero heto, buhay
pala ang mahal niya.

Oo, nasasaktan siya. Pero iisipin niya pa ba 'yon? Ang mahalaga, buhay ang mahal
niya. Buhay si TJ, at yakap yakap pa siya.

Sana ako na lang. Sana tayo ulit.... Sana tayo na lang ulit.

How she wish she can stop this moment forever...... 'Cause forever is such a long
time.

"DAD..." TJ entered his father's room. He saw him standing by the window
looking far away outside.

"Troy? Come in."

He did. Nilapitan niya ang ama niya at tumingin rin sa labas.


"That was... expectedly unexpected", said his father.

Malungkot na napangiti siya.

Pero hindi naman iyon ang ipinunta niya rito.

"Dad, gusto ko lang..... mag-sorry."

"No..." Umiling ang ama niya.

He smiled a sad one again. "At mag-thank you."

Kunot-noong muling umiling-iling ang ama niya. Marahil, alam na ang sasabihin niya.

"Dad, I'm sorry." And then he sighed as he looked down. He just can't find the
words to tell his father how sorry he is.

"Don't be, Troy. This is for me to blame. Not yours."

"No." Turn niya naman ngayon para umiling. Who is his father kidding?

Tinignan niya ang ama niya. Nagbuntong-hininga tsaka muling pilit na ngumiti.

"Just... thank you, dad. And sorry...... for having to be the bad guy."

***

MARGARETTE carefully closed the door when she finally heard what she wanted to
hear. All she can do is close her eyes as she leaned back the wall. While TROY
looked at the sky as he prayed that everything... everything is for the best.
TIM ANGELO is driving their way back home as he takes a glance at his wife. How she
looks so fragile right now. 'Cause ARIANNA just can't stop herself from crying when
the pain is just so unbearable.

***

*******************************************
[12] 2. Who knew.
*******************************************

2. WHO KNEW.

"MA'AM Lex!" Lexi stopped scrolling through her computer when Louise-her assigned
reporter for her friend Yanna and Tim's arrival-approached her.

Yes. Alam niya kung kailan ang uwi ng dalawa. Sinabihan kasi siya ni Tim dahil
nangako naman siya na ni hindi nito makikita ang kukuha ng pictures sa mga ito.
Kaya nga si Louise lang ang pinadala niya't ito na rin ang photographer, e. Para
hindi halata.

"Louise! Ano, may ibang reporters pa? Were they so sweet? Oh, c'mon, I bet they
were." Makilig-kilig na na-imagine niya ang honeymoon ng dalawang kaibigan.
Syempre, 'yung pamamasyal lang, 'no.
"E, ma'am-"

"Louise? Uwian na kaya." She rolled her eyes. Tsaka, Assignment Editor lang naman
siya at same age lang sila at magkaibigan pa sila, kung maka-po naman ito, e, wala
na namang ibang tao.

"E, kasi naman. Okay, Lex... Merong mga three reporters ata akong kasabay. But they
were not expecting the two. They took couple of shots lang from the airport, but
then, I think they have to wait for the Korean model. So, it was only me who tailed
them." Ngiting-ngiting sabi ni Louise sa kanya kaya na-excite siya.

Sila lang ang may scoop sa sweetness ng newlyweds? Yes!

"Guess what? I think I'm gonna get promotion!" Pinagmalaki pa nito ang camerang
hawak.

Mas lalo siyang na-excite.

"W-why? Nag-PDA ba sila? What? Come on, girl! Let me see!" Naaatat na siyang makita
ang mga shots nito. Naaatat siya na makita ang ka-sweet-an ng mga ito, o naaatat
siya dahil sila lang ang may scoop nito? Pwedeng both.

"Here. Look. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari, but.... Ang intense niyan, 'te,
promise."

Inabot ni Louise sa kanya ang cam pero kinunutan niya muna ng noo si Louise bago
tignan ang mga shots. "Ba't intense? Oh, gee.. Were they making out?"

"Tignan na lang kasi po."

And so she did. And when she saw the pictures....

"What was going on here? Si Tim at Aria 'yung nakatalikod, di ba?" tanong niya.
Aria kasi ang pangalan ni Yanna sa lahat. Aria S, short for Arianna Santana. Not
Salamat.

"Yup! Muntik na nilang masagasaanan 'yung bata dyan. 'Yan, o. Tumakbo kasi bigla,
e, saktong padaan sila. Ta's hindi ko na alam kung ano'ng pinag-usapan nila. Bumaba
ako ng taxi at nagtago lang sa mga kotseng naka-park, e. Open area kasi. Kainis
nga, e. 'Di ko narinig 'yung pinag-usapan nila. Sayang!"

Busy siya sa pagtitingin ng mga shots habang nakikinig kay Louise.

"'Yun lang? Tingin mo, mapo-promote ka dahil lang sa nakuhanan mong muntik silang
makasagasa? Hello? Kung nakasagasa talaga sila, promote na promote ka. E, ni
daplis, ineng, wala! Kaloka ka. Ito ba'ng pinagmamalaki m--Wait..." Bigla na lang
siyang natigilan nang parang may pamilyar sa kanya. "Parang kilala ko 'yung side
view ng girl.... and............ What... the f-ck?"

Unti-unti niyang nahigit ang hininga niya nang i-zoom niya pa ang cam sa lalaking
nakaharap kay Yanna.

Oh, my God..... TJ??!! Napabulalas siya sa isip niya at bigla na lang siyang
kinilabutan.

"Tsk! Nakakainis talaga... Hindi kitang umiiyak si Aria dyan, 'no? Sayang, susme.
Pero, promise, umiiyak siya dyan. At inext mo pa, 'te. Halatang halata na dyan na
nagbreak-down siya. Sinalo pa ni Tim!"

At nakita niya nga ang kuha ng pagsalo ni Tim kay Yanna.

Oh, my God. Oh, my God. Si Margarette 'yung babae at namukhaan niya rin si Don
Gabriello! And who's the little boy? What.....

"Malaking palaisipan 'yan sa madla, 'te. Ako nga napapaisip rin, e. Ba't ganyan
reaction niya? Parang magkakakilala sila, di ba? Promise, kung nandu'n ka...
Hagulgol kaya si Aria. Kung dahil lang sa muntik na silang makasagasa kaya siya
naiyak ng ganyan... Parang hindi naman ata ako tanga? May something sa kanila, sure
ako dyan. Kung videocam lang sana pinadala mo sa'kin... Hay, sayang! Pero pustahan,
promotion pa rin ako niyan! Yeah!"
"Shut up, Louise." Titig na titig siya sa mga pictures at hindi na pinansin ang
excitement ni Louise.

Nanlalamig siya, sa totoo lang. Si TJ ba talaga 'yun? Pinaglipat-lipat niya pa sa


ibang mga shots and what in the world, she can't believe it's really TJ on the
photos!

But that doesn't even make sense! Five years nang patay si TJ at kitang kita pa
nila ang katawan nito sa kabaong!

"Sh-t." Nasapo niya ang noo niya. "N-nasa'n na sila ngayon?"

"Sinundan ko sila hanggang sa I think bahay ng other party. Pero ang tagal nilang
lumabas, e. Tsaka, after half an hour lang siguro, may sumitang lalaki na sa'kin
habang nakapark ako medyo malapit sa bahay. Obvious na kung hindi pa 'ko sumibat
kaya sibat agad. But, don't you worry. Okay lang 'yon. Pag-uwi lang naman ata ng
mag-asawa mapapala ko kung nag-abang pa 'ko, e."

Oh, God...

Si TJ.... Buhay si TJ? Buhay talagasi TJ?

Napapailing siya. Hindi siya makapaniwala. "What-" Parang gusto niyang maiyak.
Buhay ang kaibigan nila? Paano???

"Louise. Ito lang. Itong isa lang na 'to. Please? Walang makakalabas kahit kanino.
Lalo na sa mga boss. Ha? Sige na, o. This is really a private matter. Please? Ito
lang", pakiusap niya kay Louise.

Natataranta na siya. Her friends need to know this. ASAP.

"W-wait, what? Promotion 'yan, 'te." Parang tinanong na ni Louise kung nahihibang
na ba siya.

Alam niyang pwedeng mapromote si Louise pero alangan namang hayaan niya lang
lumabas ang private life ni Yanna? Lalo pa ngayon?
Jusko, ano na namang pagdadaanan ni Yanna sakali mang totoo ang mga nasa pictures?
Hell, but the pictures can't be fabricated!

"Please?" muling pakiusap niya.

"Pero, promotion 'yan, e", tutol ni Louise.

"Please? Please? Just this once. Please.... Please?" She even clasped her hands
together.

Ang gusto niya, mai-cover ang sweetness ng newly married couple, hindi ito....
Hindi itong nakakagulantang na bagay na ito. This is a private matter. Ni hindi
alam ng madla na nagkaasawa si Yanna bago si Tim.

"Pambihira naman, o..." Napakamot na lang sa batok si Louise.

"Thank you, Louise. I owe you this."

"Talaga!" Halatang may inis na sabi ng kaibigan.

Nagpilit siyang ngumiti. "Really.. Sige na, uwi ka na. May tatapusin pa 'ko, e."

"Pero kasi.... Tsk. Sige na nga! Bye! See ya!"

Buti na lang talaga kaibigan niya si Louise.

Pagkaalis na pagkaalis nito, she immediately send the clearest photo-where A, Tim,
TJ, Tito Gab, Margarette and the little boy is in-to her friends indicating a note;
Guys kinikilabutan ako. Suggest kung sa'n tayo magkita-kita ngayon.

Kagat-kagat niya ang hinalalaki niya habang naghihintay na matapos ma-send sa mga
kaibigan. Hindi siya mapakali.
And in just a matter of seconds, some replied even before the sending ended.

Bea - WHAT THE HELL? NASAAN KA

Derick - Joke ba 'to?!

Kry - Lex ano to? ANO TO?!

Kagaya niya... Sino ba nama'ng hindi magugulat?

Magrereply na sana siya pero biglang may tumatawag na sa kanya.

Si Julia.

"Alexis, ano'ng ibig sabihin nito? Ano 'yun? Ano.... Sh-t, Lex, napapamura 'ko! Ano
ba'y sinend mo? Totoo ba 'yon?? Saan? Bakit alam mo? Bakit? Pa'no??" Halata niya sa
boses ni Julia na hindi rin ito makapaniwala at natataranta.

"Jules, maski ako nagulat. Nakauwi na sila ngayon pero ako lang ang sinabihan ni
Tim kasi nakiusap ako for a scoop."

"So, may plano kang ilabas 'yan sa public? Lexi, NO!"

"I won't, of course! Why would I? Si A 'to... Napakiusapan ko na si Louise na


ibalato na sa'kin 'to. Ako lang ang may kopya nito. Sabi ni Louise, siya lang daw
ang reporter na sumunod kila Yanna, e. I think hindi rin alam nila Tita Geli na
ngayon ang uwi nila. 'Di pa nagrereply si B sa'kin. Don't know kung nakita niya na
message ko. God, kinikilabutan pa rin ako... Hindi ko alam kung totoo o...."

"Oh, my God... Oh, my God... Posible ba 'to? Pero nando'n ang totoong ni TJ at si
Meg... Sh-t, ano ba'ng nangyayari? Ano'ng sabi ng iba?"

"Of course, gulat din sila. Wait... Bea's calling din. I'll connect her-"
"No. H'wag na. Magkita na lang tayo, ngayon na. Ngayon na, Lex. Sabihin mo rin sa
kanila. Sa.... sa bahay na nila A at Tim. Okay? Ngayon na, Lex!"

"Okay, okay, I got it!"

Agad na sinunod niya ang sinabi ni Julia.

Oo nga. Mas maganda sigurong sa bahay na ng mag-asawa sila pumunta nang sa gano'n
malaman na rin nila kung ano'ng nangyayari.

God.... So many questions are rambling on her mind.

BRIANNA was busy hanging out in a club with her model friends when a
message from Lexi came up.

Nakainom siya kaya hindi niya alam kung ano'ng ibig sabihin ng message ni Lexi sa
ilalim.

Kinilabutan? Bakit naman?

Muling tinignan niya ang indicated photo sa itaas, and this time, pinagkatitigan
niya na para naman makarelate siya sa kilabot factor ni Lexi.

"Biriri biriri... Biriri biriri..." May isang lalaking nagsumiksik sa tabi niya.

"Ugh, Uly." Iritadong tinulak niya si Uly. Co-model niya na walang humpay ang
pangungulit sa kanya hangga't hindi niya pinapatulan ang trip nito.
Oo, player siya. Pero mas player si Uly. At ayaw niyang makipag-relasyon or one
night-stand man lang sa mga player na kaibigan o madalas niyang makikita.

"Biriri! Arng!"

"EW, ULY!" Sinupalpal niya sa mukha si Uly sabay tulak palayo. She glared at the
jerk. Kagatin ba naman siya sa gilid ng leeg? Hindi nga masakit, may laway naman
siyang naramdaman. Ew kaya!

Pero ang sira-ulo, nginitian lang siya ng todo. Palibhasa mas lasing kaysa sa
kanya, e. Ugh! Ang kulit!

Hindi niya na lang ulit pinansin at ibinalik ulit ang atensyon sa text ni Lexi.

At nang lubusang makita't maintindihan kung bakit ganoon na lang ang choice of word
ni Lexi, maski siya kinilabutan ng todo.

Napatayo siya at ewan ba niya, bigla na lang siyang kinabahan na hindi niya
maintindihan. Ang alam niya lang, kailangan niya ng explanation.

"Guys, I gotta go!" nagmamadaling paalam niya sa mga kaibigan at sinenyasan na lang
ang iba.

"Oh, c'mon, Brii. Don't kill the fun-"

"F-ck yourself, Ulysses", agad na putol niya sa tangkang pag-awat ni Uly sa kanya.

Dali-dali siyang lumabas ng club at tinawagan si Lexi para alamin kung ano talaga
ang nangyayari.

And when Lexi told her what's going on, she immediately called her mom after.

"Yes, baby?"
"Mommy! Mommy...." Pero biglang parang umurong ang dila niya. Pa'no niya ba
sisimulan?

"Bakit, 'nak? Ba't parang hinihingal ka?"

Nagda-drive lang siya pero bakit nga ba parang hinihingal siya? Ninenerbyos kasi
siya!

"Alam n'yo ba'ng nakauwi na sila A?"

"What? Nakauwi na sila? Bakit mas maaga? Ba't hindi pinaalam sa'min? Aba naman
'yang kapatid mo talaga, oo."

Sh-t. Hindi nga talaga alam ng mga magulang niya.

"Mom, go to Tita Mina's house. Now", utos niya sa mommy niya.

"Bakit? Ano'ng kailangan mo sa Tita Mina?"

"Mom....." She's hesitating. God, she just needs to say it! "Mommy, buhay si TJ."

"Ano? Lasing ka, 'nak?"Matawa-tawa pa ang mommy niya.

"Mommy!" Sabi na nga ba, katulad ng inaasahan niya. "Mommy, buhay si TJ at nagkita
sila ni Yanna ngayon."

Ewan ba niya, pero parang gusto niyang maiyak.

"Brianna, ano ba 'yang pinagsasasabi mo??" tonong pinagagalitan na siya ng mommy


niya.

"Ang hirap paniwalaan, di ba, 'my? Kaya please... I need to talk to Tita Mina." Si
Tita Mina ang kailangan niyang makausap, e. Si Tita Mina at si Tito Ren. Syempre,
ito ang mga tumayong magulang ni TJ. Sila ang dapat unang makaalam.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Sige, teka, bababa ako..."

She knew her mom's beginning to believe her now. Kasi kailanman, hindi nila
ginawang biro si TJ.

Narinig niya pa'ng natatarantang nag-usap ang mommy't daddy niya pero hindi na niya
inintindi 'yon.

"O, Romina... Hindi ko maintindihan 'yang si Brianna, kakausapin ka raw." Boses pa


rin ng mommy niya 'yon at alam niyang litung-lito na rin ito ngayon.

Hanggang sa narinig niya na ang boses ni Tita Mina.

"Hello, B? Why, 'nak?"

Oo, anak din tawag ng mga magulang ni TJ sa kanya.

"Tita... Tita, si TJ...."

Saglit na natigilan pa si Tita Mina. "T-TJ? W-what about him?"

"Tita, buhay si TJ... At nagkita sila ni A ngayon!"

"........."

Pero hindi na siya nakarinig ng sagot mula kay Tita Mina.

Of course. Baka hindi rin siya pinapaniwalaan nito. Mahirap naman kasi talagang
paniwalaan.
"Jusko, Mina, h'wag mong sabihing naniniwala ka dyan kay Brianna?" malayong boses
na ng mommy niya ang narinig niya.

Pero wala pa rin siyang marinig na kahit na ano kay Tita Mina. Siguro na-shock
talaga 'to. Sino ba nama'ng hindi? God, siya nga na kaibigan lang, e... Pa'no pa
'yung mga tumayong magulang?

"Oh, my God.... What's with your expression, Mina?"

Nagsimula na siyang magtaka nang marinig na naman ang boses ng mommy niya. What's
with Tita Mina's expression? Of course, clueless siya dahil hindi niya naman
nakikita.

"No... Don't tell me.... totoong buhay si TJ at...... at alam mo?"

Bigla na lang siyang napa-preno nang marinig ang sinabi ng mommy niya.

Alam ni Tita Mina?

"What? Buhay si TJ? Ren, ano 'to?" This time, it was her dad's voice.

"D'yos ko, bakit ganyan ang mga reaksyon n'yo? Mina... Ren!........... Alam n'yo??"

At para siyang namental-block sa narinig niyang sabi ng mommy niya.

Napasandal na lang siya. Hindi na siya makapagsalita.

Ano 'to? Ano'ng lahat ng 'to?

Tita Mina knew all along? And maybe, of course, si Tito Ren din? Alam nila pareho?
Pero bakit? Halos mamatay na si A!! Bakit... Bakit nila sinikreto?? What the hell?!
At sino pa? Sino pa'ng may alam na buhay talaga si TJ? Sino pa?!
Nanghihinang napapikit siya. Kung ganito siya kaapektado, pa'no pa ang kambal niya?

Lord, wala siyang maintindihan sa mga pangyayari. Sino 'yung pinaglamayan nila?
Paano'ng hindi nagpakita si TJ all those years? Pwede pa ang matandang Gabriello na
iyon pero bakit kasama nito si Margarette? Sino 'yung bata? And Tita Mina and Tito
Ren??

Oh, my God, A....

MALAYO pa lang ang sasakyan ni Tim Angelo sa bahay nila, natanaw na niya
ang ilang sasakyan sa tapat mismo ng bahay nila.

Bakit sila nandi-

"You told them that fast?"

Ni hindi na niya nagawang tapusin ang tanong niya sa isip. Napatingin agad siya kay
Arianna. How her tone sounds to him as if she's accusing... Gusto niyang matawa.
Masakit din palang maakusahan kahit sa simpleng bagay?

Nagbuntong-hininga na lang siya at umiling.

Oo. Kailangan niyang intindihin ang asawa niya.

Bumaba siya ng sasakyan at gaya ng nakasanayan, hindi niya pinagbuksan ng pinto si


Arianna. They both know that's not necessary. Sanay na sila ng gano'n.

Tuloy-tuloy lang na naglakad si Arianna hanggang sa gate. Nasa kanya kasi ang susi.
Sumunod siya sa asawa niya pero ni hindi niya magawang tumingin sa mga kaibigan
nila. Para bang feeling niya, hiyang hiya siya kahit hindi niya alam kung bakit
nandoon ang mga ito.

Si Julia, Bea, Lexi, Kiray, Derick at Diego ang mga nandoon. Pero bakit? Alam na ba
ng mga ito? At pa'no nalaman ng mga ito na nakauwi na sila?

"A...." Lexi called his wife.

Lexi? Oh, shoot. Doon niya lang naalalang sinabihan niya nga pala si Lexi kung
kailan ang uwi nila.

"......It was me. Our reporter tailed you...." Lexi tried to explain but she was
stopped by Arianna's sudden glare.

Sinenyasan niya ng iling si Lexi.

Damn. Hindi niya nasabi sa asawa niya na ipinaalam niya kay Lexi ang uwi nila. And
what now? Maidya-dyaryo pa ang nangyari kanina?

"Don't worry, I have the shots, I'll handle it. But, A, what happened-"

Agad na inawat ni Kiray ang pagtatanong ni Lexi.

"Angelo, please..." Arianna's voice was trembling. Alam niya, nagsisimula na naman
'tong umiyak, nagpipigil lang.

Agad na binuksan niya ang gate at gano'n na rin ang bahay. Sinundan sila ng barkada
pero si Arianna, nagtuloy agad sa kwarto nila. Iisa na lang ang kwarto nila at ang
kay Arianna 'yon. Ginawa na kasi nilang study room and kwarto niya bago pa ang
kasal nila.

Napatingala na lang siya. Wala siyang magawa kundi ang mapabuntong-hininga.


Parang hindi niya matanggap sa sarili niya na gano'n nga.... Na may buhay... Na may
anak....

Hindi ba pwedeng panaginip na lang ang lahat?

"Lexi texted us kaya pumunta agad kami rito. Kanina pa kami. I think the others
haven't seen the message yet, but.... Tim.... si TJ ba talaga 'yon?" Bea confusedly
asked.

"Imposible, 'tol! Patay na si TJ!" Diego exclaimed lowly.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa sahig.

"Ah, sh-t, kinikilabutan ako! Pa'no? Bakit? Kung buhay siya bakit hindi siya
nagpakita sa'min? 'Tol, imposible naman 'yan. P-tangina, ano 'yung na kay
Krystanlord ang puso niya??"

Napatingin siya kay Derick.

Krystanlord?.... Oo nga. Ngayon niya lang naisip. Pero ngayong naisip niya na,
posibleng ginamit lang din naman si Krystanlord ng matandang Gabriello na 'yon.
Posibleng hindi talaga nagkaro'n ng transplant si Krystanlord at nakumbinsi lang sa
tricks ng matanda.

Sh-t... Hindi niya alam kung ano pa'ng mga rebelasyon ang nalaman ng asawa niya.

"Kanina ko pa iniisip 'yan, e. He's in the picture. Napapag-connect ko ang iba. At


isa lang ang naiisip ko. Ang tatay ba ni TJ, Tim? Si Tito Gab? Siya ba ang...."

This time, tumango na siya.

"God... And that Margarette? I knew she's a bitch! Nagawa niyang itago si TJ
sa'tin? Oh, my God...." Bea.
"Kalma lang, guys. Hindi pa rin talaga 'ko makapaniwala..." Kiray.

"I can't calm down! Hindi mo ba nakita kung gaano'ng hirap ang dinanas ni Yanna?
Tapos ngayon..... F-ck, bakit lagi na lang si Yanna?"

Bea's right. Bakit lagi na lang si Yanna?

Kung ilang beses na siyang napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung sasabihin niya
sa barkada ang nangyari't mga nalaman nila, pero sino pa ba'ng ibang magsasabi kung
hindi siya? Sigurado siyang atat nang malaman ng mga ito ang lahat pero sa palagay
niya, hindi na naman makakausap ng matino si Arianna. Kaya sasabihin niya na lang
kung ano ang alam niya.

Pero... "Si B? Hindi pa rin baa lam ni B?" tanong niya.

Dapat malaman na ni B 'to. Mag-aalala 'yun tiyak sa kambal. Lalo na rin nina Mommy
Geli't Dad.

Oo. Hindi kaila sa kanya na ganoon katindi ang epekto ni TJ sa asawa niya. Tanggap
niya 'yon.

"She called me. Papunta na raw siya pero ewan ko ba kung bakit natatagalan", said
Lexi.

Napabuntong-hininga na naman siya. Ano naman kayang ikinatatagal ni B?

"Grabe, bakit ganito? Sobrang nakakaawa na si Yanna...."

Napayuko na lang siya sa sinabing 'yon ni Bea. Hindi niya alam kung ano ang ire-
react niya. Pare-pareho na lang silang napatahimik at napaisip.

"Third!" Diego called kaya napatingin sila.

Si Third, dumating na.


Pero bakit ganoon na lang ang ikinilos nito? Tuloy-tuloy itong umakyat sa hagdanan
na parang hindi sila-siya nakita.

"Third, ano ka ba!" Derick.

Napatayo sila nang hindi man lang sila pakinggan ni Third.

Papunta 'to sa kwarto nila ni Arianna. At ganoon na lang ang pagtataka niyang husto
nang nagmamadaling ibukas nito ang kwarto nila.

Kitang-kita tuloy nilang lahat ang asawa niya na iyak ng iyak. Nakaupo sa sahig at
nagsusumiksik sa gilid ng kama.

Sa totoo lang, gusto niyang sapakin si Third ngayon mismo.

Hinayaan niya ang asawa niya na mag-isa muna dahil alam niyang tiyak na gusto
nitong mapag-isa't umiyak. Pero, ano'ng karapatan ni Third na.... Damn, pero may
pilit na pumapasok sa isip niya na ayaw niyang i-entertain, e.

Bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Third? Sa pagkakaalam niya, may ilangan pa 'to
at si Arianna dahil sa confession nito. But come to think of it.... Nandyan siya.
Asawa ni Arianna... Kung matino pa 'yang isip mo at alam mong may asawa ang taong
gusto mo, hindi ka mangangahas sa harap mismo ng asawa nito.

Kaya bakit ganoon na lang ang ikinilos ni Third?

Pilit tuloy pumapasok sa isip niya na hindi kaya....... hindi kaya may alam si
Third?
PAGKAKITANG pagkakita ni Third sa text ni Lexi, kulang na lang lumipad
siya papunta sa bahay nila Yanna. At pagkakitang pagkakita niya sa kalagayan ni
Yanna, sana talaga kaya niyang lumipad para hindi na siya napigilan pa nila Derick
nang agad din siyang lumabas.

"Third, ano ba 'yon? Ano'ng problema mo? Ha? Bakit ganyan kang maka-react?"

Nakakuyumos pa ang isang kamay ni Derick sa damit niya. Alam niyang ikaiirita ng
mga ito ang ikinilos niya. Maski naman siya nairita sa sariling ginawa. Hindi lang
irita. Kundi galit. Galit na galit siya sa sarili niya.

"Dee, kalma! Bitawan mo na si Third!" suway ni Kiray kay Derick.

"'Tol, tama na 'yan..." gano'n din si Diego.

"G-go kasi 'to, e. Ano ba'ng problema mo? Lahat tayo gulat na gulat pero hindi mo
kailangang-"

"Hindi lang kasi ako makapaniwala, Derick! Sino'ng buhay? Si TJ?! F-CK!!!" Tinulak
niya nang malakas si Derick at napatingin sa mga natigilang kaibigan.

Kay Tim.... na tahimik lang na nakatingin sa kanya na para bang may ibang tumatakbo
sa isip.

F-ck! He immediately left to his car and went off.

Kulang na lang habulin siya ng mga pulis patrol sa pagpapatakbo't ingay ng busina
niya. Galit na galit talaga siya.

At nang feeling niya masu-suffocate na siya, huminto siya sa isang tabi. Lumabas
siya ng sasakyan at agad na hinanap ang pangalan ng tarantado sa phone niya.

"Tres-"

"F-CK YOU, TJ!!!"


And with a loud bang, he angrily threw his phone hard on the ground.

***

A/N:

Though feeling ko may nailagay ako sa book 2 na Aria Salamat siya sa madla. Meron
man o wala basta Aria S lang siya kilala. Okay? Sorry naman po, makakalimutin
talaga ako sa ideas.

About sa dedic. Ganito... Sa magugustuhan kong comment po ako magde-dedic. Kung


saan saan kasi kayo nanghihingi. Msg board, PM, twitter, comment... Sumasakit po
ulo ko. Hehe. Kaya ganyan na lang. Pathank you man lang at napangiti mo ako sa
comment mo. :)

*******************************************
[13] 3. It hurts.
*******************************************
3. IT HURTS.

BUMALIK ulit kinaumagahan si Brianna kasama ang mommy't daddy niya sa bahay nila
Arianna.

Noong nakaraang gabi kasi kung kailan nalaman nilang lahat na buhay pala si Troy,
ni hindi man lang nila makausap ng matino ang kambal niya. Iyak lang 'to ng iyak at
ayaw talagang makipag-usap sa mga kaibigan maski sa kanilang pamilya nito.

Kahapon naman, babalik dapat sila pero pinigilan sila ng daddy niya. Hayaan daw
munang lumipas kahit isang araw at nandoon naman ang asawa nitong si Tim na alam
nilang hindi naman umaalis sa tabi ni Arianna. Pero dahil sa pag-aalala ng mommy
niya, nagpumilit na itong bumalik ngayon, kaya heto na nga sila.

May dala pa ngang mga damit ang mommy niya dahil balak nitong magpaiwan para may
mag-asikaso kahit man lang sa pagkain ng mag-asawa dahil wala namang katulong ang
mga ito.

Walang tao sa sala. Syempre, alam niyang nagsiuwian na rin ang mga pabalik-balik
nilang mga kaibigan. Lahat kasi sila, may kanya-kanyang trabaho't gawain.

And speaking of kaibigan. Oras na magparamdam ang hindi nila mahagilap na si


Krystanlord at malaman lang nilang kasabwat ito ng matandang Gabriello, siya mismo
ang magbabalat ng buhay sa lalaking 'yon.

Oo. Hindi nila mahagilap si Krystanlord.

Nagtuloy sila sa kwarto ng mag-asawa kung saan naabutan nilang nakayakap sa balikat
ni Arianna si Tim habang nakasandal naman sa dibdib ni Tim si Arianna at nakakapit
pa sa damit nito.

She smiled. See? Deep inside, they all knew her twin can't withstand all these
tragedies if not for Tim.

Napadilat si Tim nang maramdaman marahil ang presensya nila.


"Mom, dad... B...." usal nito at agad na chineck ang kapatid niya.

Again, she smiled. Ang swerte lang talaga ni Arianna kay Tim, 'no? naisip niya.

Doon na rin napamulat ang kapatid niya. Hindi ito nagsalita nang makita sila pero
bumangon na ito.

"I will just get you food", sabi ni Angelo sa kapatid niya. Hinalikan muna nito ang
ulo ni Arianna bago ito iwan sa kama.

Nang makalapit sa kanila ay mahinang nagsalita ito. "She has a fever. From stress,
I think. Maybe you can persuade her to eat more. Kagaya kasi ng dati, parang
tinitikman niya lang ang pagkain", puno ng pag-aalala ang tono nito.

She saw her dad patted Tim's shoulder. "Kakain 'yan basta magutom. At gaya ng dati,
sa'yo lang makikinig 'yan."

And yes, she thinks so.

Nagbigay ng pilit na ngiti si Tim. "Sana..."

Parang may kumurot na kung ano sa puso niya. Alam niya kung ano ang ibig sabihin
nito.

"Sa baba lang po ako", paalam nito.

Nginitian at tinanguan ito ng mommy't daddy niya habang pasimpleng sinundan niya
naman ng tingin ang paglabas nito.

She can't help but to be curious. Ano kaya ang naiisip at nararamdaman ni Angelo sa
mga pangyayari ngayon?

"Anak... hindi ka na naman kumakain?" Naaawang napailing ang mommy niya nang
lapitan at tabihan sa kama ang kapatid niya.

Naupo rin siya sa dulo ng kama habang ang daddy niya naman ay nakatayong
naghalukipkip lang.

Hindi naman nagsalita si Arianna kaya pilit kinausap ito ng mommy niya.

"Ano'ng gusto mong kainin? Magluluto ako."

At nang magsalita si Arianna, napapikit siya sa pagbabago ng boses nito. Halatang


puro iyak lang ang ginawa.

"Mommy.... alam na ba nila Mama Min? Ni Papa? How are they coping? Are they
like..... me?" Ngayon naman ay tuloy tuloy na nagtanong ito.

"'Nak.... Calm down. Yes, alam na nila. And like everyone, they are both shocked.
Kahapon, pinuntahan nila si TJ. Nagkausap sila and still they can't believe how
Gab's conscience afford to do that. But, 'nak... they're doing well. They eat well
and they sleep well. Please, you should try too."

"Mom, how? Tell me, how? Ang tagal kong pinaasa ang sarili ko na babalik siya. Na
maghintay lang ako, babalik siya kahit napaka-imposible na. Tapos ngayong
nakakamove-on na 'ko, bigla na lang ganito? Bigla na lang buhay siya? Bigla na
lang, nasasaktan na naman ako? Bigla na lang, mas nasasaktan pa ako? Tell me, mom,
how?" Nag-aamba na naman ang mga luha sa mga mata nito.

Kilala niya ang kapatid niya. Madalang lang itong makipag-usap kapag nasasaktan
pero kapag nagsalita ito, tuloy-tuloy na.

Sh-t. Matapang siya pero sa nakikita niyang sitwasyon ng kambal niya, hindi niya
mapigilang mangilid ang luha niya.

Na heto't grabeng nasasaktan na naman ang kambal niya, wala pa silang choice kundi
ang magsinungaling. Na sila na nga na sariling pamilya, nakuha pang
pagsinungalingan ito.

Oo. Nagsinungaling ang mommy niya at sinakyan lang nila ng daddy niya dahil iyon
ang napagkasunduan nila.

Tita Mina and Tito Ren knew about TJ long before them.

Yes. Two months before A and Tim's wedding, they accidentally saw TJ and... his
family. Damn right, f-ck. TJ has a family now. Kaya pa'no'ng hindi titriple ang
sakit na nararamdaman ng kambal niya?

May amnesia si TJ at pinili nito na h'wag magpakita sa kahit na kanino sa kanila


para raw hindi na makagulo pa. Kahit sa mga tumayong magulang nito. Kung hindi pa
aksidente ang lahat, hindi pa mabubunyag. Well, ito naman talaga ang gustong
mangyari ni TJ. Ang hindi na mabunyag pa na buhay 'to. Kaya nga nakiusap ito kila
Tita Mina't Tito Ren na h'wag nang ipaalam sa kanila. Dahil wala itong naaalala.
Kaya't hindi na rin nasabi nila Tita Mina na may asawang naiwan si TJ bago pa man
ito maaksidente. Para sa'n pa nga naman, di ba?

Kung tutuusin, pwede niyang sabihin kay TJ ang lahat, e. Pwede niyang isampal sa
mukha nito ang lahat ng naiwan nitong pasakit sa kapatid niya. Actually, muntik
niya nang gawin.

Pero, kailangan pa ba? E, kung wala ngang naaalala 'yung tao, balewala lang din
naman. At ang pinakapoint dito, pamilyado na 'yung tao at may asawa na ang kapatid
niya.

Naisip niya na lang na.... baka hindi talaga si TJ ang para sa kambal niya. Kasi,
di ba? Mukhang napaka-imposimble na.

"Anak, tama na..." Nangingilid na ang luha ng mommy niya. Ang daddy niya,
napatingala na lang.

"Mommy, alam mo kung ano ang sabi ng daddy ni Troy? Sabi niya, wala na raw akong
magagawa, e. Alam mo 'yung masakit? 'Yung sinabi niya na... sa isang Salamat ako
ikinasal, hindi sa isang Fontillejo."

"Anak, taman na..." muling pakiusap ng mommy niya. Umiiyak na naman ang kambal
niya.

"Pero, mommy... si Troy pa rin 'yun, e. Kahit ano pa'ng apelyido niya, si Troy pa
rin siya. Kasi kahit dalhin ko pa raw sa korte, mapapahiya lang ako. Alam mo ba
'yung gusto kong ipamukha sa kanya na may magagawa ako? Na may kaibigan akong mag-
aabogado at kaya kong ipaglaban si Troy? Pero mom, nagawa niya ngang manipulahin na
patayin si Troy sa mata nating lahat, 'yun pa kayang kasal namin? Mommy.... Mom,
ang sakit..."

F-ck that old man. She could only clench her teeth. Ang matandang iyon naman talaga
ang may kasalanan ng lahat, e. At oo. Kung 'yung patayin nga si TJ sa mata nilang
lahat, nagawa nito, 'yun pa kayang ilang piraso lang ng papel na nagsasabing kasal
ang kapatid niya't si TJ? Sisiw na sisiw lang 'yon sa matandang demonyo.

At naisip niya. Ba't pa nga dadalhin sa korte? E, wala namang kwenta kung ang
kapatid niya lang ang may gusto noon. Kung ang kapatid niya lang ang lalaban.
Manalo man, pipiliin ba ni TJ ang kapatid niya? E, ang sabi ni Tita Mina sa kanya,
mahal na mahal daw ni TJ si Margarette at ang anak dito. See? May amnesia si TJ.
May pamilya. Ang kapatid niya, may asawa. Hindi ba parang wala nang silbi?

Kasi kahit pag-ikut-ikutin pa, iisa lang ang dahilan kung bakit dapat itigil na
lang, e. Na pareho nang may kanya-kanyang pamilya si TJ at si Arianna.

And may God forgive her, but she really wanted to shout at Arianna's face that Tim
is not f-cking invisible. Kasi sa totoo lang? Awang awa na rin siya kay Tim.

"Sshhh... Makakayanan mo rin ang lahat, anak. We're here. We're just here", pang-
aalo ng mommy niya kay Arianna habang haplos-haplos ang magkabilang pisngi nito.

"Mommy, alam mo ba 'yung mahirap? 'Yung hindi ko alam kung matutuwa ako na buhay
siya, o masasaktan dahil ako naman ngayon 'yung parang patay na sa paningin niya."

God. She hissed the word in her mind as if it was a hateful word. She just chose to
look away.

F-ck. She just can't take it. Hindi ba parang napaka-mapaglaro ng tadhana? 'Yung
lalaking pinili niyang iwan at hindi sinasadyang saktan noon, siyang nang-iwan at
hindi sinasadyang nananakit sa kambal niya ngayon. What is really wrong with this
world?

"Tama na, 'nak... Masakit pero kailangan na nating tanggapin. Oo, buhay nga siya.
Pero pareho na kayong may kanya-kanyang pamilya. Baka sign 'yun na tama na. Na
kapag sobrang bigat na, h'wag nang tiisin pa. Kasi akala natin minsan kaya pa. Pero
ang totoo, sobra sobra na..."
Gusto niyang pumalakpak sa sinabi ng mommy niya. Sana lang, maintindihan ng kapatid
niya.

"'Yung bigat dito....?" Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na tinuro ng mommy
niya ang dibdib ni Arianna. "....Sa sobrang bigat... 'nak, baka bumigay na 'yan."

Oh, my God. Great. Just great. Her mom's crying while her twin's like forever
crying.

Nag-aamba na rin ang mga luha niya pero she just can't cry. Ayaw niyang umiiyak.

"Mom, I want. I badly want to accept everything but I can't."

We know. We all know the obvious.

"Gusto kong sumaya. Sa kabila ng lahat, gusto kong maging masaya pero parang ayaw
niya."

Niya? Ah.... God. Bahagyang napaismid pa siya.

"D'yos ko, h'wag ganyan, 'nak. Ayan ka na naman, e. Kamumuhian mo na naman ang
D'yos? May plano siya sa'ting lahat. At lahat 'yon para sa ikabubuti ng lahat",
sabi ng mommy niya.

"Talaga? Bakit ako, ganito?" sarkastikong balik ni A. "Bakit ganito ang plano niya
sa'kin? Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Bakit palagi na lang kung kailan
maaabot ko na 'yung kaligayahan ko, bigla na lang kukunin niya na nga, sasaktan
niya pa 'ko. Mommy, galit ba siya sa'kin? Masamang tao ba 'ko? Bakit ako pa 'yung
pinili niyang saktan ng ganito? Hindi lang kasi isang beses, e. Parang palagi na
lang."

Oo nga. Bakit si A na lang palagi? Bakit hindi na lang siya, na laruan lang ang
tingin sa mga lalaki? Bakit 'yung kapatid niya pa na ang ginawa lang naman, e,
magmahal noon ng lubos sa isang lalaki? Bakit hindi na lang siya?
"Anak, hindi mo ba naisip? Na baka nasaktan ka nga niya sa aksidenteng nangyari kay
TJ, pero binigyan ka niya ng napakahabang panahon para sumaya. Para magmove-on.
Kasi siguro, para mapaghandaan mo 'yung muling pagkikita n'yo ngayon. Pero anak,
hindi, e. Iba 'yung pinili mo. May pag-asa ka naman kasing talagang sumaya noon, e.
Mas pinili mo lang talaga ang h'wag magmove-on."

Napayuko siya. Kung tutuusin, tama naman talaga ang mommy niya.

Hindi lang naman si Arianna ang namatayan ng kasintahan. Marami pa sa buong mundo.
Pero ang kapatid niya, ilang taon ang ginuguol sa pagluluksa bago matanggap na wala
na talaga si TJ.

Baka plano nga talaga ni God na paghiwalayin ang mga ito dahil unfair daw sa iba
ang sobrang pagmamahalan ng mga ito. Na kaya 6 years muna ang lumipas kasi para
maprepare ang kapatid niya sa muling nitong pagkikita kay TJ. Pero dahil tanga ang
kapatid niya at sinayang ang panahon sa pagluluksa imbis na magmove-on, ayan at
kulang na lang, e, maglaslas na naman sa sobrang sakit na nararamdaman.

Ang lupit mo, God. She sarcastically thought.

"'My, kasalanan ba 'yon? Kasalanan ba na hindi agad ako nakamove-on? Sorry for the
word, mom, pero f-ck, mahal na mahal ko, e."

Napangiwi siya. Hindi niya alam kung sino ang kakampihan niya, e. Ang mommy niya, o
si A?

"Sana kasi 'yung mga plano ni God, kahit hindi na para sa ikabubuti, e. Para na
lang sana sa ikasasaya ng lahat."

At hindi niya na napigilan ang sumabat. "Tama na lang, A? Kasi kung kayo, kayo
talaga. Pero may sari-sarili na kayong pamilya. Paulit-ulit na lang kami, di ba?
Kasi kailangan mo nang tanggapin na... iba talaga ang nakalaan para sa inyo.
Pakakasalan mo ba si Tim kung hindi mo siya mahal? Kasi baka si Tim talaga 'yung
para sa'yo pero nabubulag ka lang sa gusto mo na si TJ ang para sa'yo. Alam mo, A,
hindi naman kasi lahat ng nagmamahalan, nagkakatuluyan." She tried hard to calm her
tone.

Ewan. Gusto niya na lang tapusin 'yung usapan. Gusto niya na lang isigaw sa kapatid
niya na tama na. Tama na lang.
Pero parang bale-wala lang lahat ng sinabi nila, e. Sunod-sunod na umiling si
Arianna habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha.

"Hindi n'yo kasi ako naiintindihan dahil hindi n'yo alam 'yung pakiramdam. Hindi ko
kayang isuko si Troy. Nu'ng akala ko ngang patay na siya, hindi ko nagawa, e.
Ngayon pa kayang buhay siya? Kaya you can't tell me to give up on him. Kasi hinding
hindi ko siya kayang isuko."

'Wala ka nang isusuko dahil wala ka nang ipaglalaban!' Gustong gusto niyang
ipamukha sa kapatid niya 'yon ngayon mismo pero pinigilan niya nang husto ang
sarili niya.

God. Ang tigas ng kapatid niya!

Kung sana pagmamahalan nito at ni TJ ang ipaglalaban nito, e. Pero hindi. Kasi nga,
hindi na siya mahal ni TJ. Kaya wala nang kwentang ipaglaban 'yung pagmamahal nito
kay TJ. Kasi ang pagamamahalan, hindi isa lang. Dapat dalawa. Kaya wala na. Wala
na.

Pinahid ni Arianna ang mga luha sa mukha at nang muling magsalita ay tila kasing
lamig ng yelo na ang tono nito. "Kaya kung nandito lang kayo para sabihing tama
na... Pasensya na, pero masakit ang ulo ko at hindi tinatanggap ng utak ko na tama
na kasi alam ko, mali pa." Nahiga itong muli sa kama at tinalikuran sila.

Para siyang natalo sa karerang napabuntong-hininga na lang.

"Anak...." Magsasalita pa sana ang mommy niya pero inawat na ito ng daddy niya.

"Angel... hayaan mo muna ang anak mo. Nandito tayo para makasama niya hindi para
ipilit sa kanya ang ayaw niya."

Napangiwi't napayuko na lang ulit siya. First time na magsalita ng daddy niya,
pinakatama pa.

Oo nga naman. Sa tigas ng ulo ng kapatid niya, makikinig ba 'to sa kanila? Obvious
naman na hindi, di ba? Pinasakit lang ata nila ng mommy niya ang ulo ni A, e.
Tumayo na siya para sana bumaba pero paglingon niya sa may pinto, sa maliit na
awang nito, nakita niya ang kapatid ni Tim na si Kim Angela na nakatayo doon.

Nagulat siya. Si Angela? Nandito pala si Angela?

Kunot ang noo nito at tila galit o nasasaktan na hindi niya mawarian. Bigla na lang
itong tumalikod at umalis nang makitang nakatingin siya.

Sh-t. Napamura siya. Narinig nito ang sinabi ni Arianna?

Tinignan niya ang mommy't daddy niya at nang masigurong siya lang ang nakakita kay
Angela, lumabas agad siya at sinundan si Angela.

"Angela!" Pinigilan niya pa ang paglakas ng boses niya dahil hindi lang ang mga
naiwan niya sa kwarto ang makakarinig sa kanila, maaring marinig din ni Tim na nasa
ibaba ang boses niya.

"Angela, stop!" Nahuli niya sa braso si Angela.

Piniksi ni Angela ang braso kaya napabitiw siya. Galit talaga ang itsura nito.

"Tell me what you are thinking", she commanded Angela. Alam niyang may takot sa
kanya ang kapatid ni Tim dahil marespetong bata ito. Pero ngayon, galit ito, e.

"Advise my brother to prepare for he'll soon be facing documents that will separate
him from your twin sister."

"What? No." Sabi na nga ba't iyon ang iisipin nito, e. "Angela... H'wag ka nang
sumabay." Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Walang sinabi si A na
hihiwalayan niya ang kapatid mo. May narinig ka ba?"

"You were there inside with her. You heard she'll never give up. Tell me it's not
her and Kuya's relationship at stake."
Napatiim-bagang siya. Sumasakit ang ulo niya sa batang 'to. "Angela, intindihin mo
ang Ate A mo. Nasasabi niya lang 'yon kasi nasasaktan siya. Pero narinig mo bang
hihiwalayan niya ang kuya mo? Don't jump into conclusion. Sariwa pa lang ang mga
pangyayari kaya ganyan siyang magsalita." Para siyang matandang nagpapaliwanag sa
bata.

"So I'm jumping into conclusion? Common sense lang 'yan, ate, e." Para pa siyang
nagpapatawa sa tono nito.

Sa totoo lang, gusto niyang batukan si Angela ngayon mismo. Pero tama nga naman ito
at may karapatan itong mag-react ng gano'n dahil kapatid nito ang involve.

"Angela...." Nagtitimpi na lang siya. Jusko, may ikukulit pa ba 'tong batang 'to?
Gugulo lang lalo kapag nagsalita pa 'to, e.

"You know what, ate? You're right. I need not to tell kuya what I've just heard.
'Cause knowing my brother? He already figured that out from the very start." Bigla
na lang itong tumalikod at umalis.

Naiwan siyang parang tinamaan ng kung ano sa huling sinabi ni Angela.

Napabuntong-hininga na lang ulit siya habang napahimas sa noo.

Yeah, right...

Angela was right. Tim was never a fool. He maybe quiet but truth is, he observes
everything that is going on.

"WHAT?! Why?"

Arianna felt a pang of pain in her head when she heard Angelo's panic not far away
from her.

Nasa may pinto lang ito at may kausap sa phone.

Bumangon siya't naupo. Sumandal siya sa headboard at nanghihinang pinanuod lang si


Angelo. Bakit parang balisa ito?

"All right, I'll be there." Tinapos na nito ang tawag pagkaraa'y napamura. "Shit."

Napatingin ito sa kanya at nagbago ang galit na ekspresyon nang makitang nakatingin
siya.

Blangko lang siyang nakatingin dito. Ano'ng nangyayari?

"I'm sorry, I woke you. Let's wait for mom", umupo't tinabihan ulit siya nito sa
kama.

"Mom?" she confusedly asked.

Kanina lang nagkausap sila ng mommy niya at ni B. Ang alam niya, nag-uwian na ang
mga ito. Pero babalik din ba agad?

"Yeah. Nagpaiwan siya. And since walang may alam ng biglaang pag-uwi natin, wala
tayong stocks. She went grocery shopping."

Bahagyang napatango na lang siya. Wala siya sa mood magsalita. Ayaw niyang
makipag-usap na ulit pero kasi, nag-aalala siya kay Angelo.

"What was that?" She asked pertaining to his conversation on the phone a while ago.

"I... don't know. There's a call for a board meeting.... They want to impeach me."

"What?" Nagulat talaga siya sa sinabi nito kaya't nang biglaan siyang magsalita'y
kumirot muli ang ulo niya. Impeach Angelo? Why? Because he's young?

Ayaw niyang maapektuhan, sa totoo lang. Sa lahat ng mga nangyayaring ito, parang
hindi niya na kakayanin pa ang iba pang problema. Ayaw niyang problemahin ang
problema ni Angelo sa business nito pero hindi niya talaga mapigilan ang mag-alala.

Ni hindi niya na hinintay na magsalita ulit si Angelo at nagsalita ulit siya.

"Go. Just go."

Ayaw niyang magmukhang walang pakialam kay Angelo pero 'yung tono niya, parang
gano'n-no, gano'n nga talaga ang pinapahiwatig.

"No, let's wait for mom", mahinahon pa ring sabi nito.

"Angelo.... I'm..... not okay but I won't do anything stupid so just go." This
time, naiirita na siya.

Ewan niya ba kung bakit gusto niyang magalit. 'Yung fact na siya lagi ang inuuna ni
Angelo o 'yung dala ng lahat ng pangyayari, gusto niyang sabihin dito na kaya
niyang mapag-isa kahit sandali lang? Kasi feeling niya, baliw na naman siya sa
paningin ng lahat, e. Baliw na nga siguro ang bagong tawag sa mga taong nasasaktan
ngayon.

Angelo sighed. "Fine. Hindi ako magtatagal. Magpahinga ka lang. Okay?"

She just looked away.

But closed her eyes as Angelo kissed her on the forehead. "I won't take long."

BAM!
Kumirot ang ulo niya nang bigla na lang kumalampag ng malakas ang pinto ng kwarto.
At pagtingin niya kung sino ang parang padabog na nagbukas ng pinto, nagulat siya.

Inaasahan niyang si Angelo 'yon na may nakalimutan lang o kaya ang mommy niya na
nakauwi na galing sa pamamalengke pero mali siya.

Isang galit na Mama Therese ang nakatunghay sa kanya. Si Mama Therese... galit?
Kaya kahit sumasakit ang ulo, pinilit niyang bumangon.

"Ma..."

"Ang kapal ng mukha mo. Ano'ng narinig ko kay Angela na hihiwalayan mo ang anak
ko?!"

She doesn't know what to do or say. Mama Therese is mad. Matagal na nang huli
niyang nakitang ganito kagalit si Mama Therese. And that was when she was trying to
persuade her to leave Angelo.

At ano 'to? Kailan niya sinabing hihiwalayan niya si Angelo? What?

"Ma..."

"Matapos kitang tanggapin dahil sa pagtitiis sa'yo ni Angelo? Who do you think you
are? Huh? Matapos mong pakasalan ang anak ko na isang buwan pa lang... Isang buwan
pa lang, Arianna! Ni hindi pa nga umaabot ng isang taon, hiwalay agad ang nasa isip
mo? Dahil lang sa buhay pala ang dating nobyo mo na akala mong patay na? Ano'ng
akala mo kay Angelo? Pader? Walang pakiramdam? Na matapos mong sandalan, titibagin
mo lang pagkaraan?"

She wanted to tell her to calm down. But... Mama Therese is right. Lahat ng mga
sinasabi nito, tama. Na para siyang dinagukan ng katotohanan.

"And knowing my son, iniintindi ka niya ngayon, di ba? Tell me. May sumbat ka bang
narinig sa kanya sa mga kinikilos mo ngayon? Huh? Tell me!"

Napayuko siya. Nagbabara na naman ang ilong niya. Nag-uulap ang mga mata niya.
Kahit ayaw niya dahil pagod na pagod na siya, mukhang iiyak na naman siya.

"I bet wala. Dahil ganyan ka-martyr ang anak ko. Ganyan siya ka-martyr, at ganyan
ka ka-abusado."

Para siyang nahirapang huminga sa sinabing 'yon ni Mama Therese. It was like every
word she stressed is a push to her heart.

Nagpigil siyang umiyak pero hindi niya na kinaya. Si Angelo. Si Angelo....


Nasasaktan ko si Angelo.... Tuluyan na nga siyang napaiyak.

Oo, alam niyang nasasaktan niya si Angelo, pero parang ngayon lang nagsi-sink in sa
utak niya na oo nga, nasasaktan niya nga si Angelo.

"Hindi ko hinayaan ang anak kong pagtiisan ka para lang saktan mo siya. Pinilit ba
kitang pakasalan siya? Pinilit ba kita, ha, Arianna? Pinaringgan lang kita ng
milyong beses pero ni minsan hindi kita pinilit! Desisyon mo ang pakasalan siya.
Desisyon mo, hindi desisyon namin. Desisyon mo", pagdidiin pa nito. "At ngayon
balewala na lang 'yon? Arianna, asawa mo na ang anak ko. Asawa mo na si Angelo. Iba
na ang estado n'yo. Hindi mo siya kaibigan na lang na nagsilbing sandalan at
pagkatapos, e, thank you na lang."

Nahihirapan siya. Sumasakit ang ulo niya. Gulong gulo ang isip niya.

Hindi niya naman sinabing iiwan niya si Angelo, e. Ni hindi niya nga naisip. Pero
oo nga pala, si Angelo ang mawawala kung si Troy ang pipiliin niya.

Heto na naman. Tanga na naman siya. Palagi na lang.

Nasasaktan ko si Angelo. Nasasaktan ko siya pero kasi.... nasasaktan din ako. Gusto
niyang sabihin 'yon pero hindi siya makapagsalita. Natabunan 'yon ng sunod-sunod na
hikbi niya.

"Ni minsan ba hindi ka naging masaya sa kanya?"

And then flashbacks of their honeymoon flooded her. Parang kahapon lang, ang saya-
saya niya habang si Angelo lang ang kasama niya.
Their laughs. Their jokes. Those beautiful places they went. Those happy mornings,
days and nights... Every touch. Every kiss. Every I love you. Every..... love
making.

Napatakip na siya sa mukha niya habang iyak ng iyak.

'Yung mga araw na 'yon na sila lang dalawa ni Angelo... 'yun na 'yung mga araw na
feeling niya pinakamasaya siya matapos ang napakahabang panahon, e. Noon niya lang
ulit naramdaman kung pa'no maging masaya. Na natututunan niya nang tanggapin na
wala na si Troy. Na hayun at masaya na siya sa piling ni Angelo, hindi ni Troy.

For crying out loud. Natanggap niya na na wala na talaga si Troy at sumasaya na
siya sa piling ni Angelo, pero heto.... Isang iglap.... Kung ga'no niya katagal
inasam ang kaligayahan niya, gano'n namang kabilis bawiin ito sa kanya?

Pero kahit ano'ng pilit niya sa sarili niya na.... Masaya ka na. Masaya ka na kay
Angelo. Sa kanya ka na lang. Mahal ka niya. Mahal mo siya. Mahal na mahal ka niya.
Pero... hindi sapat, e. Kasi ang kalahati niya, pilit sinasabi sa kanya na.... Si
Troy kasi 'yun, e.

'Yung sakit ng ulo niya? Nakalimutan niya na dahil mas nasasaktan ang puso niya. Sa
totoo lang, nahihirapan na naman siyang huminga.

Naramdaman niya na lang na lumundo ang kama. Tinabihan na siya ni Mama Therese.

"Look at me", kalmadong sabi ni Mama Therese. Hinawakan pa nito ang magkabilang
braso niya.

Pero hindi niya magawang tumingin. She just can't. Nahihiya siya. God, hiyang hiya
siya.

"Look. At me", mariing ulit nito.

And the tone of authority in her voice just did it. She looked up at her. At
natatakot siya. Natatakot siya sa ekspresyon ng mga mata ni Mama Therese.
"Anim na taon... Anim na taon, Arianna. Anim na taong pinagtiisan ng anak ko 'yang
ugali mo. And you know what?..." Nararamdaman niya ang pagdiin ng hawak ni Mama
Therese sa mga braso niya. Nasasaktan siya pero binalewala niya lang. Tinatatagan
niya ang sarili niya. Gusto niyang mag-iwas ng tingin mula rito pero parang
hinahatak ng mga mata nito ang mga mata niya. "......Angelo doesn't deserve to be
treated by you this way."

Sa pagkakataong 'yon, nag-iwas na siya ng tingin kay Mama Therese.

No... Alam niyang hindi deserve ni Angelo ang lahat ng 'to. Pero bigla siyang
kinabahan. May ibang kahulugan ang tono ni Mama Therese. What is she trying to say?

"Fine. Go on with your divorce. Hindi naman siguro magpapakamatay ang anak ko kapag
hiniwalayan mo siya, di ba?"

Sa tono nito, para na rin nitong sinabi na hindi niya naman kasi katulad si Angelo,
which is true.

Bu what was that again?

"Hangga't maaga, fine. Hiwalayan mo siya."

NO! Nanlaki ang mga mata niya. She can't lose Angelo. Not now. Kung pati si Angelo
mawawala sa kanya, ano nang mangyayari sa kanya? No. She can't. Can she?

Para siyang kinakapos ng hininga. Hinihingal siya. Habang si Mama Therese naman,
tumayo na at inayos ang bag sa balikat. Pero bago ito umalis, isang masakit na
katotohanan muna ang sinabi nito.

"In the first place? You don't even really deserve him."

Wow. Truth really hurts.


HALOS manggalaiti sa galit si Tim Angelo nang pagdating niya sa Hether ay
isang "Sir, sorry, sinunod ko lang po ang utos ng mama n'yo" ang isinalubong ng
sekretarya niya sa kanya.

What the hell? Hindi totoong may board meeting at lalong hindi totoo ang
pagpapatalsik sa kanya sa pwesto bilang CEO?! To think na nagawa niyang iwan ang
asawa niya-F-ck.

Doon na parang kidlat na tumama sa kanya ang dahilan ng ginawang 'yon ng mama niya.

Galit na galit na lumabas siya ng hotel. At paglabas niya, tinawagan agad niya ang
mama niya. Three rings and it finally connected.

"Ma? Nasa'n ka ngayon?" Hindi tago ang iritasyon sa boses niya.

"Not inside your house, anymore."

F-ck. 'Yung tono ng mama niya, 'yun 'yung tono noong hindi pa nito tanggap si
Arianna, e.

"Ma! Kinausap mo si Arianna? Nagpeke ka pa ng meeting na patatalsikin ako para lang


makausap mo siya ng sarilinan? Ma naman!" Oo, mama niya ang chairwoman. Hether ay
ang kompanyang pinaghirapang itayo ng yumaong papa niya kaya ganoon na lang ang
reaksyon niya nang ilang buwan pa lang niyang napapamahalaan ang Hether ay
patatalsikin na agad siya. Matagal niyang inasam na pamahalaan ang kompanyang
pinaghirapan ng papa niya. Pero hindi iyon ang isyu ngayon. "At ano'ng sinabi mo sa
asawa ko? God, ma, may sakit pa 'yung tao!"

"Wala akong pakialam, Tim Angelo. H'wag mo akong sigawan! Hindi ko siya sinaktan
kung iyon ang inaalala mo. Ibaba mo lang ang tono mo, Angelo", mariing banta pa
nito sa kanya.

Pero wala siya sa mood para sundin ang mama niya ngayon. "Ma, hindi mo kasi
naiintindihan! Hindi ngayon 'yung oras para makialam! Problema namin 'tong mag-
asawa kaya kung pwede sana, hayaan na lang kami."
"Problema n'yo? Kung problema n'yo dapat nagdadamayan kayo. Nag-iintidihan. Pero,
ano? Lumala na naman 'yang pagiging makasarili ng asawa mo!"

"Nasasaktan kasi si Arianna, ma! Naiintindihan ko 'yun!"

"Nasasaktan siya kaya nagiging makasarili siya? Oo, sige na, Angelo. Oo, nagiging
makasarili ang tao kapag nasasaktan. Oo, alam ko 'yon! Pero 'yang asawa mo? Inaraw-
araw na! H'wag ka ngang tanga! Hihiwalayan ka na nung tao, pinagtatanggol mo pa.
And I'm telling you, Angelo... Maghiwalay kayo kung maghihiwalay kayo. Ayokong
magmukha kang katawa-tawa na mayro'n kang asawang pilit nang-aagaw ng asawa ng
iba."

"Sh-t!" Wala na siyang ibanag nagawa kundi ang mapamura nang pagbabaan siya ng mama
niya.

Ayokong magmuka kang katawa-tawa na mayro'n kang asawang pilit nang-aagaw ng asawa
ng iba.

Mariing napapikit siya sa sinabing 'yon ng mama niya. Sa totoo lang, sumasakit na
talaga ang ulo niya. Pero kailangan niyang tatagan ang sarili niya, e. Hindi ngayon
'yung oras para intindihin niya pa ang sarili niya. Kailangan siya ng asawa niya.
Kailangan niyang maging malakas para kay Arianna.

Kaya dali-daling tinungo niya ang kotse niya at pinaandar pabalik sa bahay nila.

Pero pagbalik niya sa bahay, gusto niya na lang mapasigaw ng sobrang lakas pero
hindi niya pa magawa.

"Wala si Arianna, Tim. Ang akala ko kasama mo siya dahil iniwan ko kayong
magkasama", puno ng takot at pag-aalala na sabi ni Mommy Geli.

Shit! Nawawala si Arianna at maggagabi na! F-ck!

Tulirong tuliro na siya. Inisip niya na agad kung saan pwedeng magpunta si Arianna.
Any club or bars. Pero biglang pumasok sa isip niya kung saan nila madalas
matagpuan si Arianna tuwing nawawala ito noon. Sa sementeryo kung saan nakalibing
si TJ.

"God... Sa'n naman magpupunta ang batang 'yon? Tatawagan ko ang Daddy Ariel mo.
Pagtulung-tulungan-"

"No, mom." Bigla niyang inawat si Mommy Geli. "Alam ko na kung nasaan siya. H'wag
n'yo na pong pag-alalahanin pa si dad. Alam ko po kung saan."

Hindi niya na hinintay na makapagsalita pa ito at dali-dali na siyang umalis.

Hindi siya sa sementeryo pupunta. Bakit naman pupunta pa ro'n si Arianna? Kung
buhay naman pala ang taong nakalibing doon.

Damn! Ano'ng gagawin ni Arianna sa bahay nila TJ?

WALA nang pakialam si Yanna. Nakaparada ang sasakyan niya ngayon sa tapat
mismo ng bahay nila Troy.

Kahit ibaba niya pa ang sarili niya, gagawin niya mabawi niya lang si Troy.

Hindi niya alam kung ga'no siya katagal sa loob ng sasakyan. Basta hihintayin niya
si Troy na lumabas o pumasok. Ni wala nga siyang ideya kung may Troy ba na lilitaw
o wala, pero wala siyang paki. Kahit abutin pa siya ng madaling araw, maghihintay
siya makausap lang ulit si Troy.

Kahit kasama pa nito si Tito Gab, o si Margarette, o... o kahit pa.... ang anak
nito.

Gusto niya na namang maiyak. Si Troy, may anak... Bakit ang saklap?
Kaya nga wala na siyang pakialam. Magmamakaawa siya kahit sa harap pa mismo ng mga
ito. Magmamakaawa siya na.... na ibalik na lang sa kanya si Troy.

Oo, makasarili na kung makasarili. Wala na siyang paki sa mararamdaman o sasabihin


ng iba. Wala, e. Wala kasing ibang pumapasok sa isip niya kundi... sila dapat ni
Troy, e.

Madilim na. Nilalamig na rin siya pero wala pa rin siyang paki. Mag-iintay siya
kahit ga'no pa katagal.

Hanggang sa, maluha-luhang napangiti siya nang dumating si Troy. At si Troy lang...

Lumabas agad siya sa sasakyan. "Troy!"

At nang lingunin siya ni Troy... sh-t, pero naiiyak na naman siya.

Unti-unti siyang lumapit hanggang sa pareho na silang nasa tapat ng malaking gate.

"A-ano'ng.... Bakit ka nandito?" Gulat at lito ang reaksyon ni Troy.

Bakit ka nandito? Samantalang dati, basta tinawag niya si Troy, "Miss mo 'ko? Dito
lang ako, 'di ako mawawala sa'yo" ang isasagot nito at kikindatan pa siya. Pero
ngayon, "Bakit ka nandito?" Please!

"B-bakit ka umiiyak?"

At lalo na siyang napaiyak.

Bakit gano'n? Bakit... bakit iba na? Bawat salitang bitawan ni Troy, iba na lahat.
Kasi dati, sa dalang niyang umiyak, basta makita siya ni Troy na umiiyak, hindi
naman 'to magtatanong at basta sasabihin lang na "Himala 'yan, a. Tara, yakapin na
lang kita hanggang sa tumahan ka."

Bakit ngayon wala na? Bakit ngayon, wala na lahat 'yon? Nasa'n na 'yung dating Troy
na mahal ako?

"Troy... Bumalik ka na sa'kin..." Halos hindi na niya maintindihan ang sariling


sinabi niya. Iyak na talaga siya ng iyak.

Troy sighed. "I'm sorry. Please... We all just need to move on."

Move-on.... Gusto niyang matawa.

Ang lamig kasi, e. Parang kasing lamig ng gabi 'yung pakikitungo sa kanya ni Troy.

Pero kagaya ng lamig ng gabi, wala rin siyang pakialam sa lamig ng pakikitungo ni
Troy sa kanya.

"...Di ba... Di ba, sabi mo, ipaglaban kita? Ipaglalaban kita. Ngayon, ipaglalaban
na kita." Oo. Lalaban na siya.

Napatingala si Troy kasabay ng muling pagbuntong-hininga. "Ngayon mo pa ba ako


ipaglalaban? Sobrang komplikado na. Ni hindi kita naaalala. Ipaglaban mo man ako,
hindi ko kayang iwan ang pamilya ko. Kaya tama na."

Pamilya.... Pamilya? Ako dapat ang pamilya mo, e.

"Troy... kaya kong tiisin. Lahat ng sinabi mo. Lahat. Titiisin ko. Kasi hindi mo pa
'ko naaalala kaya mo nasasabi 'yan. Mahal mo ang pamilya mo? Fine. Kasi hindi mo pa
'ko naaalala. Pero once na maalala mo 'ko, alam ko ako ang pipiliin mo. Kaya
magtitiis ako. Ngayon, lalaban na 'ko, Troy. Please, alalahanin mo lang ako.
Hinihiling ko lang na alalahanin mo na mahal mo ako."

"Pa'no mo nasasabing oras na maalala kita, ikaw agad ang pipiliin ko? Gano'n ba
kita kamahal noon? Kung gano'n pala kita kamahal noon, sana hindi mo 'ko
pinakawalan. Sana hindi mo hinayaang sumama ako kay dad para hindi nangyari 'yung
aksidente na 'yon. Kasi ang sabi ni dad, isang tawag mo lang daw handa akong
tumalon sa kotse mabalikan lang. Kung gano'n pala kita kamahal, sana hindi mo na
'ko pinakawalan. Sana noon pa lang, ipinaglaban mo na 'ko. Kasi ibig sabihin lang
niyan, hindi sapat 'yung pagmamahal mo sa'kin kumpara sa pagmamahal ko sa'yo noon.
Kaya hindi mo pwedeng sabihin sa'kin na pipiliin kita kaysa sa pamilya ko."
Hindi niya na alam kung pa'no pa ipapaliwanag 'yung sakit na nararamdaman niya. The
calmness and coldness in his voice can really kill her. It was like he was just
explaining to a little girl.

"Pa'no mo nasasabi 'yan, Troy? Troy, mahal kita. Mahal na mahal kita kaya nga
pinigilan kita bago pa mahuli ang lahat." Please, hindi niya alam kung pa'no
patitigilin ang pag-iyak niya.

"At nakaraan na 'yon. Kasi, eto na tayo ngayon. Huli na ang lahat. Tapos na."

Iling na lang siya ng iling. Ang sakit. May isasaklap pa ba? "Hindi, e. Hindi,
Troy. Hindi pwede... Hindi pwede."

"Please. Sobrang halaga ng pamilya ko sa'kin. At nagkakamali ka kung inaakala mong


iiwan ko sila oras na maalala kita. No. Hinding hindi ko sila tatalikuran. May
kanya-kanya na tayong buhay. May pamilya ako. May asawa ka. Sakali mang maalala
kita at maalala kong mahal nga kita, hindi ba parang... tama na lang? Kasi marami
na'ng masasaktan. Marami na'ng hadlang."

Sunod-sunod pa rin ang pag-iling niya. "No. No. I won't care. I can't care. Kahit
na buong mundo pa ang humadlang sa pagmamahal ko sa'yo, hindi pa rin sapat na
dahilan 'yon para sumuko ako."

"E, ako? Hindi pa ba sapat na ako mismo ang isa sa mga hadlang? Kasi kasama 'ko sa
mundong 'to, e. Hindi mo ba nakikita? Maalala ko man ang lahat... Maalala ko man
ang.. tayo... Hindi ba parang napaka-imposible na 'yung tayo ulit?"

She can't believe these. Parang hindi niya na kilala si Troy. Na dati, siya lang
ang priority nito. Pero ngayon, ito pa mismo ang nagpapamukha sa kanya na... na
wala nang pag-asa. Pa'no nito nagagawang sabihin sa kanya ang lahat ng 'yon?

Imposible? "Bakit sabi nila wala namang imposible? Pero bakit para sa'yo, imposible
'yung tayo?" sumbat niya rito.

Napabuntong-hininga si Troy. At sa tingin niya, pinagpapasensyahan na lang siya


nito.

Tinignan ulit siya ni Troy. "Fine. Siguro nga. Siguro nga tama sila. Siguro wala
talagang imposible. Pero meron lang talagang hindi pwede."
"At tayo 'yon?" Hindi niya napigilan ang sarkasmo sa boses niya.

Again, he sighed. "I'm sorry."

Ang hirap huminga!

Sorry... Lagi na lang sorry. Imposible na maging tayo kaya sorry na lang?

Bigla na lang siyang lumuhod.

Iyak ng iyak na napayuko siya. Sobrang sakit na pero hindi pa rin niya kayang
sumuko, e. Kaya kagaya ng ginawa nito noon sa kanya, siya naman ang lumuhod ngayon
sa harap nito. And Troy could only mutter a curse.

Alam niyang nataranta si Troy pero ano'ng magagawa niya? Kung mababago ng pagluhod
niya ang isip nito, kahit isang taon pa siyang lumuhod gagawin niya.

"Please, stand up. Don't do this", pakiusap nito sa kanya. "F-ck, stop this."

Pero hindi siya tuminag. Lalo lang siyang napaluha nang marinig muli ang pagmumura
nito. Kung pa'no siya nito suwayin kapag ayaw nito sa ginagawa niya. Kung pa'no
siya laging napapasunod ng galit na tono nito. Pero ngayon, imbis na sundin niya
ang sinabi nito, nagmatigas pa siya at nagmakaawa habang umiiyak.

"Please? Ako... Ako, Troy, nagmamakaawa ako sa'yo. Alalahanin mo lang ako.
Alalahanin mo lang tayo. Alalahanin mo lang na mahal kita at mahal mo 'ko... 'Yun
lang, kuntento na 'ko."

Malalim na nagbuntong-hininga si Troy. "At pagkatapos, ano? Wala nang mababago! Ito
na tayo. May kanya-kanya nang mundo. Please, tumayo ka. At nakikiusap ako.... tama
na."

Tama na... Si Troy na mismo 'yung nakiusap na tama na.


"Tama na? Tama na ba talaga? Bakit parang mali pa? Bakit parang magiging tama lang
kung tayo na ulit?"

Pero 'yung wala kang marinig na kung ano mula sa kanya, ang sakit pala talaga?
'Yung lumuhod ka na nga't lahat, wala pa ring kwenta. Nagmakaawa ka na't binaba
nang husto 'yung sarili mo, hindi pa rin sapat para mabago 'yung desisyon niya.

Pinaglalaruan ba siya ng mga pangyayari? Katulad ng kung paano'ng nauulit sa kanya


ang ginawa niya noon kay Troy. Ang pagluhod at pagmamakawa nito na tinanggihan
niya... ngayon, heto't bumalik na sa kanya.

Sana kainin na lang siya ng lupa, e. Para tapos na. Para hindi na siya nasasaktan
ng ganito.

Ang hirap kasi. Ang bigat. Ang sakit.

"Kahit ano, gagawin ko. Kahit ano. Sabihin mo lang, kahit na ano pa 'yan. Please
lang. Please lang, Troy. Please... Please.... Alalahin mo lang ako...."

Halos ngumawa na siya habang nakaluhod sa harap nito..... pero wala. Sa part niya,
sobrang sakit. Pero kay Troy, naiirita na 'to dahil sa paulit-ulit niyang
pagpupumilit.

Wala na, e. Wala na siyang ibang narinig mula kay Troy. Wala na siyang ibang
narinig kundi ang malalim na pagbuntong-hininga nito.

F-ck. May mas sasakit pa ba sa nararamdaman niya ngayon? Ganito ba kasakit 'yung
naramdaman ni Troy noong ito ang lumuhod at nagmakaawa sa kanya? Hindi ba mas
masakit 'tong ngayon? Kasi parang istatwa ang pinagmamakaawaan niya ngayon, e.
Istatwa. Walang pakiramdam. Walang pakialam... Hindi siya mahal.

Hindi na siya mahal...

Ang sakit lang isipin na hindi na siya mahal ni Troy. Ang sakit sakit isipin kaya
pa'no niya tatanggapin?
SAMANTALANG mula sa bintana, sa kwarto nilang pamilya sa ikatlong palapag ng bahay,
kitang kita ni Margarette ang lahat.

Gusto niyang mag-iwas ng tingin pero hindi niya magawa. Nasasaktan siya. Pero hindi
niya alam kung nasasaktan siya para sa dalawa, o para sa kahihinatnan nila ng anak
niya. Dahil nakapagdesisyon na siya.

HABANG sa may 'di kalayuan naman kung saan tanaw ni Tim Angelo mula sa
loob ng sasakyan ang pagmamakaawang iyon ng asawa niya, mas pinili niyang pigilan
ang sarili niya na sugurin si TJ at alugin ang utak nito hanggang sa maala nito si
Arianna.

Nangako siya, e. F-ck, nangako siya sa sarili niya na hindi niya na hahayaang
maging miserable gaya nang dati si Arianna, pero ngayon... Iyak ng iyak, nasasaktan
at nagmamakaawa habang nakaluhod.... F-ck, pero hindi lang kasi 'yon, e. Ayaw
niyang intindihin ang sariling damdamin niya pero.... pero sobrang bigat na pala.

Pero agad na isinantabi niya 'yon. Dahil habang nakaluhod at nagmamakaawa si


Arianna kay TJ, bigla na lang dumating at lumabas mula sa sasakyan ang tatay ni TJ.

Tumayo na lang bigla si Arianna at agad na sumakay sa sasakyan nito at pinaandar


'yon.

Kinabahan na naman siya. Saan pupunta ang asawa niya? Sa ga'no'ng estado? Pa'no
kung mapahamak ito?

"Sh-t." Hindi tinted ang sasakyan niya at wala siyang pakialam kung nakita man siya
ng mag-ama nang dumaan siya para sundan si Arianna.

"Jesus. Slow down, Arianna!" kinakabang sigaw niya sa sarili niya sa loob ng
sasakyan.
Sa tuling magpatakbo ni Arianna, hindi imposibleng maaksidente 'to!

"God...." Laking pasasalamat niya na lang nang magmenor ito't hindi nagalusan.
Parang sampung taon ang nabawas sa edad niya, e.

And damn it. Bar? Alak? E, may sakit ka. F-ck. Inis na inis siya sa isip niya pero
malalim na buntong-hininga lang ang nagawa niya.

WALANG Angelo na pipigil sa paglalasing niya kaya sa bar agad nagtuloy si


Yanna.

Wala. Parang manhid na siya sa dami ng nainom niya. Ni hindi niya nga alam kung ano
ang iniinom niyang alak, e. Basta inom lang siya ng inom.

Infairness, tulala lang siya. Parang... parang hindi na siya nasasaktan. Kasi nga
parang manhid na siya. Kanina pa nga siya sarkastikong ngiti ng ngiti, e.

Think of the time not long ago

All those days we spent alone

Walking hand in hand and never letting them go

Gusto niyang magmura. Gusto niyang murahin ang kumakantang 'yon sa stage. Bakit
pipili na lang ng kakantahin, 'yung malungkot pa? E, ang tahimik ng lugar.

But now you're into someone knew


And I can't forgive you

For making all those promises that never will come true

And now she really did glare at the woman who's singing that goddamn song.

Is she kidding her?

Tell me now where did our love go

Tell me now I've got the right to know

Tell me how you can stand the way you're hurting me so oh oh

Tell me if you ever change your mind

Tell me if you wanna make it right

Am I the only one hurt tonight?

Oh baby, why don't you care?

Whatever happens to me, you won't be there

And I know wherever we go

We'll be apart, apart, apart

She can't believe it. Sino'ng nagbayad sa babaeng 'yon para kantahin ang kantang
'yon? Is somebody playing on her? Oh, right. God.

Inisang lagok niya ulit ang inabot ng bartender sa kanya.

Can't you see what you have done to the girl that you adored

I used to touch the sky but now I'm down to the floor
I'm down in hell! She screamed inside.

I gave my everything to you

And we both know that whoever you replace me with

She'll never love you like I do

Tell me now where did our love go

Tell me now I've got the right to know

Tell me how you can stand the way you're hurting me so oh oh

Tell me if you ever change your mind

Tell me if you wanna make it right

Am I the only one hurt tonight?

Oh baby, why don't you care?

Whatever happens to me, you won't be there

And I know wherever we go

We'll be apart, apart, apart

You're no longer the man you used to be

'Cause the man that I love wasn't cruel to me

He'd never hurt me so

Now I'm on my knees, as you watch me cry

You just stand there calm, all you do is sigh

No way, I can't recognize

You're not mine anymore

That f-cking song like a bullet shot staright to her heart.


Gusto niya na lang magbigti, e.

You're not mine anymore

(Can't you come back to me?

The way you used to be)

You're not mine anymore

(Can't you come back to me?

Can't you bring your love back to me?)

Gusto niyang sugurin 'yung bwiset na singer na 'yon. Gusto niyang tanungin kung
ano'ng problema nito't parang ginagago siya. Gusto niyang sumigaw ng pagkalakas-
lakas! Pero nanghihina na siya.

Sobrang sakit na ng ulo niya kakaiyak. Kakaisip.

Mariing pinunasan niya ng mga kamay ang mga luha niya.

Ayoko na... Please, ayoko na...

Aalis na lang siya. Pero wala siyang dalang pera, ano'ng ibabayad niya? Bahala na.
Ang gusto niya lang umalis na. Kahit saang lugar siya magpunta, parang
pinaglalaruan siya.

Tumayo siya. Pero bigla na lang siyang nahilo at muntik nang matumba.

Buti na lang, may sumalo sa kanya.

"I'm here... I'm just here."


At 'yung pilit niyang pinapatigil na pag-iyak? Ngayon mas lumala pa.

Napakapit siya sa damit nito habang yakap-yakap siya nito. Napahagulgol na lang
siya. "Angelo, ang sakit sakit...."

***

Para po sa mga gustong makaalam, English version/cover po ni Moa ang song na


ginamit. It hurts ang title. Original by 2ne1. Nasa side po kung gustong pakinggan.

*******************************************
[14] 4. Holding on and letting go.
*******************************************

4. HOLDING ON AND LETTING GO.

"PLEASE, eat", tinapat pa ni Angelo kay Arianna ang kutsarang may lamang pagkain.

"Wala talaga 'kong gana", sagot niya.

And that did it.

Angelo muttered a curse under his breath, put the tray away then stood up.

"Please naman, Arianna", nagtitimping humawak sa magkabilang bewang si Angelo.


"Kain-tulog-iyak na nga lang ang ginagawa mo, babawasan mo pa ng isa? Jesus. I
don't want you dead!"

Napapikit siya.

Ngayon lang siya sinigawan ni Angelo matapos ang mga pangyayari. He was always the
calm and understanding one. Siguro kasi, lahat nga naman napapagod. Kung siya nga,
pagod na pagod na.

"I'm not gonna die, Angelo. I just don't feel like eating."

"Bullsh-t. Ano ba'ng kinain mo kanina? E, tinikman mo lang 'yung sopas! At agahan
pa 'yun, Arianna! Hapunan na ngayon. Pwede ba'ng lumampas naman sa limang subo ang
kainin mo? Kagagaling mo lang sa trangkaso, gusto mo bang bumalik na naman?"

She shook her head.

"Don't yell." The words slipped her mouth nervously, almost afraid.

"I'll not yell if you will just take care of yourself. Look at you. You're bone
skin, Arianna. Sobrang lumaglag ang katawan mo."

Parang bata kung sermunan siya ni Angelo. She can tell, nag-aalala na nangsobra sa
kanya ang asawa niya.

"Okay, I'll eat", she finally said. Para lang hindi na siya sigawan ni Angelo.
She's had enough of the yelling from her parents, twin, and friends.

"No. You'll eat after we talk. You weren't hungry anyway, right? Now, let's talk."
Mukhang naubusan na ng pasensya si Angelo.

Ano'ng pag-uusapan nila? Damn, she's going to be sick just thinking of her arguing
with Angelo.

Alam niya... Alam niyang nakita ni Angelo ang pagluhod niya kay Troy. Pero lumipas
ang ilang linggo na hindi nito binanggit sa kanya 'yon.
"Tell me. Kapag ba pinagpatuloy mo 'yang pagiging miserable mo, mamahalin ka ba
ulit ni TJ?"

Do'n nawala ang pangamba niya.

"Angelo."

"Don't. Don't use that goddamn tone to me, Arianna. I've had enough. This? This
must stop."

She closed her eyes. "What do you want me to do?"

"What do I want you to do?"

Her lips began to tremble. Kaya niyang makipagtigasan at makipagpalitan ng salita


sa iba. Pero ngayong si Angelo na? Hindi niya na kaya.

Angelo was the only one who can shake her. And deep inside, she knows she was just
waiting for his turn to.

Through those hard days, he was always just there. Cooked for her, persuaded her to
eat, tucked her to bed and just held her in his arms until she stopped crying.

Pero ngayon, hindi na nakapagpigil si Angelo.

Nagsisimulang mamuo ang mga luha sa matang naghintay siya sa sasabihin ni Angelo.

"I'm not even asking for something big." Bumuntong-hininga si Angelo pagkaraa'y
bumalik at naupo sa gilid ng kama sa harap niya. Hinawakan siya ni Angelo sa mga
balikat at mahinahong nagsalita. "Just face the truth, Arianna. Face the truth,
face the reality. I'm not even asking you to accept the reality. Just face it. You
can hate it but you can't turn your back to reality. Just face it. 'Cause one day
you'll learn to accept it."
She pursed her lips together, trying to stifle a sob. "You're asking me to move
on."

"No, damn it." Napabitiw si Angelo sa kanya at nagpakawala ng malalim na buntong


hininga. "Hindi ko sinasabi sa'yong mag-move-on ka. Simula pa lang alam kong
imposible na. Nu'ng patay nga siya, alam kong hindi mo kaya, ngayon pa kayang buhay
pala siya?"

Napapikit siya. God. He knows her too well.

"Tanggap kita kahit hindi mo kayang kalimutan siya. Kaya kong magtiis kahit hindi
mo magawa. Mahal kasi kita, Arianna. Alam mo naman 'yun, di ba? Mahal kita. At
minahal kita kasama ang katotohanan na hindi ko siya kayang palitan sa puso mo."

"Angelo..." Words left her.

How can she be so cruel?

The man in front of her is just too good to be true. And he loves her. So much it
breaks her heart to pieces. Why on earth can't she just take her whole heart to
him? He's worth it. He's very worth it.

"Arianna, mahal mo ba 'ko?"

Biglang napaangat ang tingin niya kay Angelo. Napakurap-kurap siya.

Her tongue left her but he didn't need to ask!

Napapikit si Angelo nang hindi siya sumagot.

She reached for him and held his hands. "Of course, I love you, Angelo. I do."

Dumilat si Angelo at deretsong tinitigan siya. Pagkaraa'y pilit na ngumiti. "Mahal


mo ba talaga 'ko? O sinabi mo lang 'yon dahil alam mong inaasahan ko?"

"My God, no!" She cupped his face. Natatakot siya. Ito na ba 'yung iiwan siya ni
Angelo? No. Hindi niya kaya. "I love you, Angelo. I love you. I love you, God, I
really do." She hugged him tight, crying, afraid he's finally had enough of her and
that he's gonna leave her any moment now.

And relief flooded through her when he hugged her back.

"That's all I need to stay and hold on to you, Arianna. That's all I need to not
let you go. As long as you love me, I'm not gonna let you go."

Doon niya na narinig na suminghot si Angelo.

Lalo siyang napaiyak. Si Angelo, umiiyak.

She lowered her head to his neck and hugged him tight. "I'm so sorry. I'm so sorry.
Please don't let me go."

Mahigpit na ginantihan siya ng yakap ni Angelo. "I won't."

Hindi niya alam kung ilang minuto silang nasa ganoong pwesto lang. Kanina pa
tumigil sa pag-iyak si Angelo, pero siya, iyak pa rin ng iyak.

How can a man love her this much when all she cares about is herself?

"I'm sorry", ang kanina niya pa sinasabi sa pagitan ng pag-iyak niya.

"Sshhh... It's okay, baby. I'm here. You love me and I'm here", he said while
caressing her hair.

Dumistansya siya kay Angelo pero hindi niya inalis ang mga kamay sa batok nito.
"I love you, and I'm hurting you." And that is a fact.

"F-ck the latter, the first one is all that matters." Angelo even gave her a smile.

She shook her head. "That's not true."

How can he pretend he's not hurting when the evidence was all written in his eyes?

"Of course, it is true." Pinunasan ni Angelo ang luha sa pisngi niya. "Asawa mo
ako, at may karapatan akong masaktan. May karapatan na 'ko. Oo, kasi hindi mo na
lang ako kaibigan, asawa mo na 'ko. Pero hindi ko isusumbat sa'yo 'yon, Arianna.
Alam kong wala pa sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman mo ang nararamdaman ko.
In fact, I can live with the pain. As long as I have you, I can live with the
pain."

Ayan na naman. Umiiyak na naman siya.

Bakit siya pa? Sa dinami-rami ng babaeng deserving sa pagmamahal ni Angelo, bakit


siya pa ang minahal nito? Bakit siya pa na may mahal na iba?

"I love you." I really do.

Angelo, once again, smiled. "I'm happy you do. Akala ko hindi mo 'ko mahal, e.
Akala ko mahihirapan kang mahalin ako dahil sa kanya."

Si Angelo? Mahirap mahalin?

"You are every woman's dream, Angelo. And I'm sorry you fell in love with me."

He cupped her face and looked her in the eyes. "I'm not. You're the strongest,
bravest"-dumbest, she thought, "and the most beautiful woman in the world. Truth be
told, I love you so much it hurts some times. But what can I do? Remember the first
time we met?"

She can only answer him with sobs.


"The first time I saw you, I knew I'd care this much for you."

Hindi niya alam ang gagawin niya. Kaya napayakap na lang siya kay Angelo.

It felt unreal. A man caring this much for her. Just like a dream. Na kapag dumilat
siya, mawawala na si Angelo sa kanya.

Lalong humigpit ang yakap niya.

The first time they met. The day when everyone thought Troy died. Deep in her
heart, she knew everything was planned. She met Angelo when she lost Troy. Fate,
isn't it? Deep down her, she's still grateful God gave her Angelo when He took her
Troy.

She looked at her husband, searching a decision in those warm raven black eyes.

And there she found it. Even if it breaks her heart to let her first love be with
his family, it will break her even more if she let this man go.

Oo nga naman.

'Pag nagmukmok ba siya't nagpakamiserable, babalik ba ang ala-ala ni Troy?


Mamahalin ba ulit siya ni Troy? Hindi naman, di ba?

Mas pipiliin niya nang sumaya sa taong mahal siya kaysa ang magpakatanga sa taong
minahal lang siya.

Mahal niya si Troy. Mahal, na mahal, na mahal.

Pero mahal niya rin si Angelo.

Masakit. Pero kailangang tanggapin.


Troy is happy with his family. Siguro naman, deserve niya ring maging masaya kay
Angelo.

Hinaplos niya ang mukha ni Angelo. "Hindi ka naman mahirap mahalin, e. Mahirap lang
talaga siyang kalimutan", she answered her own thoughts earlier.

Her words obviously pained him. And it pained her that she's looking at him break.

"But I'll try", she quicly added, trying to find the words. "For you, I'll f-forget
him, i-if that's what you want...."

Paiyak na naman siya. Pero nawala 'yun sa sumunod sinabi ni Angelo.

"Don't."

She stopped for a moment. Confused.

"Don't what? Why?"

"I'm not asking you to forget him. Don't forget him. Look how it pains you when
he's the one who did forget you."

Saglit na natulala siya.

She tried herself not to cry but she just can't.

When everyone else was telling her to forget, Angelo tells her not to.

Umiiyak na napayuko siya, hiyang hiya sa asawa niya. "It's different, anyway, isn't
it? It will not pain him if I do. He can't even remember me. He'll just go on."
Then flashback of the night she begged for Troy... Napapikit na lang siya. Sobrang
hiyang hiya siya kay Angelo.
"I know. But I'm not telling you not to forget him because I care for his feelings.
I'm telling you not to because I know it will be hard for you. You've gone through
so much pain, Arianna. All I want is for you to stop hurting."

Again, she hugged him tight. Buried her face on his neck as she cried hard.
"Please, Angelo. Please, take away the pain."

"We will try."

Angelo hugged her. And she answered him back with a tight one.

They will try. They will both try.

Ilang minuto rin silang magkayakap ni Angelo. Iyak lang siya nang iyak, habang
pinapatahan naman siya ni Angelo.

"Hush, baby. Besides, tell you what? The best way to forget someone is to lose
focus on forgetting that someone. So, you see? There's really something evil hiding
in my words." He even gave away a low chuckle, hoping to lighten up the mood.

And it did. She laughed while crying. Then playfully slapped his chest. "You just
spill the evil secret motive, idiot."

"Oops."

She smiled. And then she's starting to cry again.

"What a lucky stupid I am. I'm so lucky I have you", she said through sniffs.

Hinarap siya ni Angelo.

"Do you, now? They say I'm quite a possession", he humored her.
She looked him in the eyes and wholeheartedly answered. "You are."

He smiled. "Hello, lucky."

And it felt like ages since she last laughed.

Parang ang laki ng nabawas sa bigat ng nararamdaman niya. She can't believe she has
Angelo. She really don't and won't know what to do without him.

***

IT took more than three weeks for Arianna to face the truth, but still finding it
hard to accept the reality.

Lahat, napabayaan niya. Trabaho niya, mga empleyado niya, mga kaibigan, mga
magulang, si Queen, at ang asawa niya.

Ngayon lang siya natauhan. Ngayon lang siya parang tinadyakan para lang magising sa
katotohanan.

Naiwan siyang tulala sa kwarto nilang mag-asawa.

Angelo just left. He left her but reassured her he'll still be there when no one
else will, anymore.

Oo. Matagal nang tumigil sa pagpunta sa bahay nila ang mga kaibigan niya.
Nakikibalita na lang kay Angelo paminsan-minsan. Siguro, nasawa na sa kagagahan
niya.

Paulit-ulit na nag-echo sa isip niya ang huling sinabi ni Angelo sa kanya. "You
need to think about it, alone. I'm just a knock away, Arianna. Kapag handa ka nang
harapin ang katotohanan, nandito lang ako. Hindi kita iiwan, alam mo 'yan. Alam
mong hindi ko gagawin 'yan."

She closed her eyes as tears started to flow down her face, again.

No, they didn't have a fight. They had a confrontation. That leads to light talk to
even small laughs to decision to reassurance.

Si Angelo na natitirang hindi siya pinipilit na harapin ang katotohanan...... just


did.

Lahat ng pagpapamukha ng mga taong malalapit sa kanya, lahat 'yon, isa-isang


nagbalikan sa ala-ala niya.

'Yung pag-ismid ni Kiray at alam niyang pinarinig talaga nito sa kanya na; "Dati
'yung samahan nila, nakakatuwa't nakakatawa. Ngayon, nakakaawa na lang."

Ang akala niyang natitirang makakaintindi sa kanya sa mga kaibigan niya. Si Bea.
"Alam ng lahat na boto ako kay TJ, Yanna. Pero noon 'yon. No'ng hindi pa komplikado
ang lahat. Then, when the stupid part of me actually believed Krystanlord, maybe,
was TJ. Pero noon 'yon, Yan. No'ng wala pa kayong kanya-kanyang pamilya."

Pati ang pasensyosang si Julia, napuno na sa kanya. "Tama na. Alam mo, sa totoo
lang? Sawang sawa na 'kong nakikitang nasasaktan ka."

Even EJ. "Beh, alam naming malaki ang damage na nagawa ng mga pangyayari sa'yo. Sa
sobrang laki nga, umabot na hanggang sa asawa mo." At alam niya, sarcastic si EJ
no'n.

Even the boys.

"Ikaw lang ang nahihirapan, Yan. Kalimutan mo na lang 'yung si TJ", Jake said.

"Gago naman 'yun, e. Lahat tayo kinalimutan", Derick followed.

Lahat. Lahat ng sinabi nila, masakit. But she just answered them all with a fierce
glare.

Then when Keslo together with her twin, Brianna tried to shake her to her senses.

'Yung halatang nauubusan na ng pasensyang boses ni Keslo; "Kung nasasaktan ka, edi,
tama na. Sino ba kasi'ng nagsabing magtiis ka?"

Take note, may ilangan pa sila ni Keslo dahil nga sa pag-amin nito.

But then she answered him with a strong "Mahal ko! Sapat para tiisin ko 'yung
sakit!"

And then her twin, Brianna's strong blow followed. "Bakit kailangan mong magtiis?
My God, A! So what kung mahal mo siya? Mahal ka ba niya? Kung mahal mo siya... E,
ano? May mahal naman siyang iba!"

"At ipapaalala ko lang sa'yo dahil mukhang nakakalimutan mo na, may asawa kang
mahal na mahal ka habang pinipilit mo 'yang pagmamahal mo sa taong ni hindi ka
maalala", dagdag pa ni Keslo.

Napapikit siya.

Angelo.

All of them care for her and for Angelo.

Hindi na niya kailangang ulit-ulitin sa sarili niya na alam niyang nasasaktan niya
ang asawa niya. Ang hindi niya matanggap ngayon, e, ang hinayaan niyang masaktan si
Angelo dahil lang nasasaktan siya.

Stupid of her.

Mama Therese was right. She will never be deserving of Angelo's love.
MAG-aalas-tres na ng madaling araw nang mapagdesisyunan niyang puntahan
na si Angelo.

Enough thinking, she finally made a decision.

Pinuntahan niya si Angelo sa dating kwarto nito. Iniwanan kasi siya ni Angelo para
makapag-isip at gumawa nang malaking desisyon.

She opened the door, and found her husband sleeping in the dark.

She climbed to the bed and hugged her husband from his behind.

Nagising si Angelo. Inaantok na hinarap siya nito at agad na yumakap din sa kanya.

"Hey there. What time is it?" he asked.

"Still dawn", she murmured. Her face pressed to his chest.

"Are you okay?"

Her worrier. The ever so loving husband in the world.

She smiled. "Better."

And she felt him smile.

This. This is comfortable. This is just what she needs.


"So...?"

She moved closer to Angelo and hugged him even more tighter. "Let's start from
here."

Angelo kissed her head longer than normal, then hugged her tight. "Together."

Together.

***

MONTHS after...................

"Ma'am, 'yung next appointment n'yo po naghihintay na sa office n'yo! Ma'am ba't
naman kasi late kayo? Sabi ko nga po ako na magsusukat, pero mapilit talaga, kayo
gusto. Naku naman, ma'am. Nag-date na naman kayo ni Sir Angelo kagabi, 'no?"

She pivoted and faced Molly. Bigla namang parang nanliit 'tong assistant-slash-
trainee niya.

"Pwede, Molly? Chill ka lang. Suswelduhan kita kahit magback-out 'yang kliyente
natin na 'yan."

Nagkandahaba naman ang ngusong bumulong na lang si Molly. "Buti na lang pasensyosa
si Ma'am Ganda."

She rolled her eyes. Kanina pa Ma'am Ganda nang Ma'am Ganda 'tong si Molly
pagdating niya pa lang ng building. Kesyo naghihintay daw si Ma'am Ganda at ilang
oras na. Best design daw ang i-present niya kay Ma'am Ganda para naman daw makabawi
sa sobrang tagal niya. E, pa'no kung hindi magustuhan at hindi bumigay kay Ma'am
Ganda na 'yan ang best design? Jusmiyo.

"Pero, Ma'am!" Bigla namang naiba tono ni Molly nang sinundan na ulit siya sa
paglalakad. "Kwento ka naman dyan abaout sa date n'yo ni Sir Ge! Uuy...! For sure,
romantic date na naman 'yun. Hay... Kailan kaya ako makakahanap ng Angelo Piero
ko?"

"Never", she smirked then rolled her eyes at Molly.

Ang totoo niyan, kaya siya late-at hindi lang siya, pareho sila ni Angelo-e, dahil
napasarap sila ng tulog. Angelo kasi. Natawa't iling siya sa sariling naisip.

"Naku, Ma'am, ha! H'wag mo lang mapakawalan 'yang si Sir! Sasaluhin ko talaga
'yan."

"Shut up, Molly." Natatawang sumakay na sila sa elevator.

Yes. Naging close na rin sila ni Molly. Dati, takot na takot sa kanya 'yan, e. Pero
nu'ng bumalik siya sa pagiging Yanna dahil kay Krystanlord, naging maganda na ang
samahan nila ni Molly. Ito nga ang tumulong kay Angelo sa pag-aasikaso ng trabaho
niya nitong nawala siya dahil sa mga nakaraang pangyayari, e. Molly is her most
trusted and hopefully the next one of the bests designer in the Philippines. Lately
kasi, natanghal siya sa sikat na magazine bilang one of the bests.

"Ay, ma'am, may meeting tayo mamaya, ha? Prestentation ng both teams kaya baka
medyo malate ang lunch. Okay lang 'yan, pahinga muna kayo ni Sir Ge, seselos na
'ko, e", humagikgik pa ang loka. "Ano'ng oorder-in ko ma'am?"

"Kahit ano."

"Hmm, kahit ano.... Sana meron sila niyan."

Bwiset din minsan 'tong si Molly, e. Napailing na lang siya.

"Ano nga'ng apelyido ni Ma'am Ganda na 'yan?" tanong niya kay Molly. Since late na
nga siya, alangan namang wala pa siyang manners na ni apelyido ng kliyente niya,
hindi niya alam.

"Herron po. Naku, ganda niya, Ma'am. Bagay siguro 'yung Design 138673 sa kanya",
humagikgik na naman habang nag-iimagine 'tong si Molly.
Again, napailing na lang siya. At habang naglalakad papasok sa opisina niya,
napapaisip siya.

Herron? No way in this world...

Boom.

Sh-t.

Margarette stood up when she entered her room.

What the hell is going on? Sabi ni Angelo sa kanya, ang sabi raw ni Troy, aalis din
agad ang pamilya nito ng bansa dahil ayaw gawing komplikado ni Troy ang lahat.
Which was funny because everything's already complicated. And months have passed.
Why are they still here? Margarette in front of her, especially?

Confident na nga siyang hindi na sila magkikita-kita, e. Kasi ang akala niya, wala
na talaga ang mga ito sa bansa. Para na rin sa ikabubuti ng lahat. Pero ano 'to?

This is again, unexpected.

Her business face already plastered, she walked to her table and pretended to look
for something there.

Herron, huh? Why? Afraid she's gonna turn her down when the surname Fontillejo
appeared in her appointments? She mentally smirked.

"I'm sorry, I'm late, Mrs. Herron-Fontillejo", she greeted. Though calling her by
Troy's surname stings. "I believe my secretary just forgot to put your husband's
surname next to yours."

"No, I deliberately didn't tell her."

"Oh, really? Okay", she shrugged her shoulders. "But just so you know, I can
separate personal from business."

"Now, I can see."

Muntik pang tumaas ang kilay niya. "Then, we're good." She pressed the intercom and
talked to Molly. "Bring the Elegance book here, Molly." Then she turned to ask
Margarette. "What's the occasion, Ma'am?"

"You can drop the formality, Yanna-I mean, Aria. It's just a gallery opening."

"I prefer the Ma'am." She turned to the intercom. "And the Simplicity. That's all.
Now, Molly."

Naglakad na siya at naupo sa couch katapat ni Margarette.

Sa totoo lang, kating kati na siyang tanungin kung ano'ng ginagawa nito rito. Kung
bakit sa kanya napiling magpagawa ng damit at kung bakit hanggang ngayon ay nasa
Pilipinas pa rin ito. Most importantly, kung kasama ba nito si Troy. Pero lahat
'yon, kinimkim niya lang.

"Do you have a particular design in your mind?" she asked Margarette.

"No. I don't really have any idea. You see, that's why I'm actually here."

"Here", almost a whisper, she almost smirked.

"Yes. Like you, this is pure business to me. My friends recommended you. And I have
seen one of your boutiques."

For a moment, she wondered if Margarette really has friends apart from her close
friends. Why, naging kaibigan din ng mga kaibigan niya si Margarette noon. At hindi
niya maalala na may iba pa itong kaibigan. Well, ano nga namang alam niya. And for
a moment, she also wondered why she didn't just buy a dress from her boutique-that
will save them from seeing each other. And why she didn't just let Molly get her
measurements. Why she needed her to be the one to.
Matapos niyang sukatan at makapili ng design si Margarette, sa wakas, makakahinga
na rin siya nang maluwag. That was really awkward, they just managed to act well.

Margarette stood up and walked to the door. Normally, ihahatid niya pa hanggang sa
elevator ang mga nagiging kliyente niya. Kaya syempre, iyon din ang gagawin niya
ngayon. Pure business. Even if it's making her sick.

Pipili na lang ba naman kasi ng designer, siya pa.

Hindi niya kasi talaga maintindihan. Kasi kung alam niya nga na si Maragrette pala
'yon, baka hindi niya nga pinagbigyan ang appointment nito. Maraming designers,
bakit sa kanya? Ano, para tignan kung pa'no siya nabubuhay sa kabila ng lahat? O
para pagmalakihan na ito ang asawa ni Troy at hindi siya?

To hell with her.

"Yanna."

She looked at Margarette who's now inside the elevator.

Hindi maamo ang mukha ni Margarette. Hindi nagpapaawa, hindi nagtataray. Wala.
Parang ni hindi niya nga mabasa, e.

Sumara ka na. Sumara ka na, paulit-ulit na sabi niya sa isip niya.

Pero bago pa sumara ang pinto, nakapagsalita na si Margarette.

"This is out of business. I just want you to know...... We, are not leaving the
Philippines."

What?

Sumasara na ang pinto kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay niya.


"......Not even in the near future."

Margarette's long gone and she was just there, standing in front of the elevator
door.

What the hell was she trying to tell her?

***

Note:

Pahinga muna tayo sa suspense, kahit matagal na tayong pahinga sa tagal ng update
nito. Hehe. Ala lang. 'Yoko lang na puro iyakan at gulatan ang nagaganap. Light
muna ngayon. Pero sa next chapter- actually, dalawang update ang next-revelations
na naman. Malapit na, guys. Malalaman n'yo na lahat.

Salamat po sa pag-aabang kahit sobrang tagal ng update.

Don't worry, hindi na aabutin ng buwan ang next updates. :)

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like