You are on page 1of 3

Benevolent Assimilation

Noong Disyember 21, 1898, sinabi ni Pangulong William Mc Kinley sa kongreso ng


America ang patakarang Benevolent Assimilation na nagsasaad na: Ang Pilipinas
paunlarin, sanayin sa kabihasnan, turuan at hasain sa agham ng sariling pamamahala.”
Nais din nilang iangat ang ekonomiya at linangin ang pagsasarili ng bansa, Ang
patakarang Makataong Asimilasyon ay may mga sumusunod na simulain:

1. Pagpapahayag ng pagsakop sa buong kapuluan.

2. Pagtatatag ng isang pamahalaang naaayon sa pamahalaan ng America

3. Pagkilala sa mga karapatan ng mga mamamayan

4. Pagbabawal sa mga gawaing mapagsamantala sa mga Pilipino. ito ang kauna-unahang


opisyal na patakaran ng America na pinairal sa Pilipinas. Ito din ang nagsilbing patnubay
sa pamahalaang militar ng bansa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Kailan ipanatupad ang Benevolent Assimilation?


2. Ano-ano ang mga patakaran na nakapaloob sa Benevolent Assimilation?
3. Ano ang naging mabuting epekto nito sa pamamahala sa Pilipinas?
Pamahalaang Militar

Ang Pamahalaang Militar Nang bumagsak ang Maynila kamay ng mga Amerikano ay
minadali ni Pangulong Mc Kinley, bilang katas-taasang pinuno ng Sandatahang Lakas ng
United States na ilagay ang siyudad sa ilalim ng pamahalaang militar sapagkat magulo pa
ang kalagayan at nagangailangan ng pamahalaang makakalutas ng suliranin sa lalong
madaling panahon . Itinalaga ni Pangulong Mc Kinley si Heneral Wesley Merrit, ang puno
ng sandatahan lakas ng United States sa Pilipinas na maging gobernador militar noong
Agosto 26, 1898. Si Heneral Wesley Merrit ay nagtaglay ng tatlong (3) kapangyarihan ng
pamahalaan, ang tagapagpaganap, tagapagbatas at tagapaghukom. Pati ang mga
humalili sa kanya na sina Heneral Otis (1898-1900) at Heneral Mac Arthur (1900-1901) ay
nagtaglay din ng katulad ng kapangyarihan. Nang itatag ang hukuman ay inalis ang
kapangyarihan ng hudisyal o tagapaghukom sa kamay ng gobernador militar at ng itatag
ang Komisyon ng Pilipinas noong Setyembre 1900 ay inalis naman ang kapangyarihang
lehislatibo o tagapagbatas . Nang pasinayaan si William Howard Taft bilang gobernador
sibil ng Pilipinas ay inalis ang kapangyarihang ehekutibo o tagapagpaganap sa
gobernador militar. Sa mga bahagi ng bansa na hindi pa sumusuko sa mga Amerikano
ang ibang mga Pilipino, nanatili ang kapangyarihang ehekutibo sa goberdador militar. Sa
pook ng mga Moro ang kapangyarihang ito ay nanatili sa kanya hanggang 1914. Ang
pamahalaang militar ang naging tagapamayapa ng bahagi ng bansa na ayaw kilalanin ang
Estados Unidos at ito din ang naging pundasyon ng planong pamahalaang sibil.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Kailan ipanatupad ang Pamahalaang Militar?

2. Ano-ano ang mga patakaran na nakapaloob sa Pamahalaang Militar?

3. Ano ang naging mabuting epekto nito sa pamamahala sa Pilipinas?

4. Bakit pinatupad ang Pamahalaang Militar?


Pamahalaang Sibil

Ang Pamahalaang Sibil ay itinatag upang mailipat ang pamamahala sa Pilipinas sa kamay
ng mga sibilyan ay pinagtibay ng kongreso sa Susog Spooner ni Senador Johyn C.
Spooner ng Wisconsin sa badyet ng hukbo na nagtatadhana ng pagtatatag ng
Pamahalaang Sibil sa bansa. Dahil dito ang pamamahala ng military na Amerikano sa
Pilipinas at winakasan at inilipat sa Kongreso; Umiral ang pamahalaang sibil sa bansa
noong Hulyo 4, 1901 at si William Howard Taft ang unang gobernador sibil. Ang
kapangyarihang ehekutibo ay inilipat sa kanya. Bukod sa pagiging gobernador sibil siya rin
ay tagapangulo pa rin ng Komisyon sa Pilipinas, na siyang lehislatibo. Noong ika-6 ng
Pebrero, 1905, ang titulong gobernador sibil ay pinalitan ng gobernadora heneral. Mga
Pilipinong Naitalaga upang Manungkulan sa Pamahalaang Hawak ng United States

1. Cayetano Arellano – itinalagang Punong Mahistrado sa Kataas-taasang


Hukuman .Unang Pilipinong naluklok sa mataas na tungkulin.

2. Pardo de Tavera, Benito Legarda at Jose Luzuriaga – Nahirang na kasapi ng Komisyon


3. Gregorio Araneta – nahirang na Kalihim ng Pananalapi at Katarungan.

Kinilala bilang kauna- unahang Pilipino na namuno sa Kagawarang Pampangasiwaan.


Sinikap ni Taft na isaayos ang kabuhayan ng bansa.

 Ang Kongreso ng America ay naglaan ng $3,000,000 bilang tulong sa Pilipinas


dahil sa pinsala ng Digmaang Pilipino-Amerikano na naging sanhi ng paglaganap
ng gutom. at sakit.
 Inasikaso niya na bawiin sa simbahan ang malawak na lupaing pag-aari ng mga
prayle upang maibigay sa mga magsasaka.
 Sa pamamagitan ng pahulugan, ipinagbili ni Taft ang mga lupaing ito sa mga
magsasakang nangungupahan ng lupang sinasaka. “Ang Pilipinas ay para sa mga
Pilipino,” mga katagang ipinahayag ni Taft na higit pang nagpalapit sa loob ng mga
Pilipino sa kanya at dahit dito madaling nahikayat ang maraming Pilipino na
makiisa sa bansang America.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Kailan ipanatupad ang Pamahalaang Sibil?
2. Ano-ano ang mga patakaran na nakapaloob sa Pamahalaang Sibil?
3. Ano ang naging mabuting epekto nito sa pamamahala sa Pilipinas?
4. Bakit pinatupad ang Pamahalaang Sibil?

You might also like