You are on page 1of 6

1. .

KAHALAGAHAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN SA MABISANG PAGSASALITA“Ang

isang taong epektib na magsalita saharap ng pangkat ng mga tao ay higit namadaling
nakakakuha ng respeto ng ibang tao.”
2. 2. KAHALAGAHAN NGPAGLINANG NG KASANAYANSA MABISANG PAGSASALITA
Lahat ng mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daidig ay may mataas ng
antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan upang umakit
ng mga tagahanga at tagasunod.
3. 3. MGA PINUNOABRAHAM LINCOLN Dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at
nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi
maging sa buong mundo. Hindi ,mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang pormal na
edukasyon at siya’y mahirap na mamamayan lamang. Ang tagumpay ni Lincoln ay
maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang
magsalita sa harap ng publiko
4. 4.  Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni
Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya. Hanggang
sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural
Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng
daigdig.
5. 5. FRANKLIN DELANO ROOSEVELT Nanatali sa White House nang apat na sunud-sunod
na termino mula 1923-1945. Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa pagsasalita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain ng
pagsasalita. Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan. Maging
ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay
ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang tagapakinig.
6. 6. JOHN F. KENNEDY Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita
niya sa serye ng mga debateng ipinalabas ng mga programang pantelebisyon. Dahil sa
Kanyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing halalalan.
7. 7. DEMOSTHENES tanyag na isang dakilang orador. Pautal magsalita ngunit tinuruan niya
ang kanyang sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa
harap ng hampas ng alon sa dalampasigan. Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato
upang maituwid lamang ang kanyang pananalita.
8. 8. “Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa
isang tao”.“Ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong
pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad kundi maging sa iyong buhay”.
9. 9. MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA“Ang mabisang
komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang
impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon”.
10. 10. KAALAMAN “Upang maging isang epektib na tagapagsalita, kailangang may sapat kang
kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.” Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang
usapan. Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika. Ikatlo, kailangang may
sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling kultura at
kultura ng iyong kausap.
11. 11. KASANAYAN “Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan kung kaya’t ito ay
isang kasanayang maaaring linangin.” Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-
iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan
ng presence of mind.) Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga
kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di- berbal.
12. 12.  Ikatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre
tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.
13. 13. TIWALA SA SARILI Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi
o hindi palakibo. Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o
sa harap ng publiko. Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe.
Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng pagsang-ayon
sa mga tagapakinig.
14. 14. MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA“Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita
sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y sakakayahan niyang
mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa
reaksyon ng kanyang tagapakinig sakanya”.
15. 15. Ngunit paano nga ba maging isang mahusay na tagapagsalita?Sa pamamagitan ng
mabisang paggamit ng kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita.
16. 16. TINIG Pinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita. Kinakailangang ito ay
mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan. May mga sitwasyon na hindi
nangangailangan ng malakas na tinig. Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop
sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.
17. 17.  Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na pataas at
mayroon ding pababa. Katulad ng lakas kailangan ang himig ay angkop din.
18. 18. BIGKAS Napakahalang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangan ito
ay mataas at malinaw sa pagbigkas ng mga salita. Ang maling pagbigkas ay maaaring
magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig. Lalo na’t ang ating wika ay
napakaraming Homonimo. Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang
pagbibigkas dito.
19. 19.  Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin o stress sa mga
salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata upang maging
malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.
20. 20. TINDIG Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may
magandang tindig. Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapani
paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang
sakitin. Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugud-lugod hindi lamang sa
pandinig ng tagapakinig. Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin
upang siya’y maging higit na mapanghikayat.
21. 21. KUMPAS Kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung walang kumpas
ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot. Ngunit ang paglumpas ay kinakailangan
maging angkop sa diwa o salitang binabanggit. Tandaan na ang bawat kumpas ay may
kalakip ding kahulugan.
22. 22.  Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang
binibigkas kasabay ng kumpas. Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas. Hindi
rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o alanganing kumpas ng kamay.
23. 23. KILOS Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw. Mga mata,
balikat, paa, at ulo. –ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang
nagsasalita. Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng mga mata o kawalan ng
panuunan ng paningin sa kausap.
24. 24.  Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa
pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya. Ang labis na
paggalaw naman ng ulo ay hindi angkop kagaya ng pagtango o pagiling ay maaaring
makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nagsasalit. Ang labis na paggalaw o
paglalakas naman ay pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.
25. 25. TAKOT SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA Lahat ng tao ay may kinatatakutan.
Ang iba’y takot sa dilim, ay mga takot naman sa matataas na lugar. May ibang takot sa
pagsakay ng eroplano o barko. May mga tao din na takot sa insekto. Minsang sinabi ng
dating Pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na “walang dapat katakutan kundi
ang takot mismo”.
26. 26.  Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, at
hindi ang pagtalikod dito. Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na
“XENOPHOBIA” o “STAGE FRIGHT” . Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling
gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.
27. 27. MANIPESTASYON NG “STAGE FRIGHT” Panginginig ng kamay. Pangangatog ng
tuhod. Kawalan ng ganang kumain. Pananakit ng tiyan. Di-pagkatulog. Pananakit ng ulo.
Pagkautal. Pagkalimot ng sasabihin. Paninigas ng pagkakatayo. Kawalan ng panuunan ng
paningin. Biglang pagbilis ng pulso. Mataas na presyon ng dugo.
28. 28. IBA’T IBANG DAHILAN NG “STAGE FRIGHT” Takot sa malaki at di-pailyar na madlang
tagapakinig. Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla. Damdaming
kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng kabataan, kapayatan, di kaaya
ayang mukha o kulay o di magandang postyur. Kakulangan o kawalan ng kahandaan
Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.
29. 29.  Ngunit kailangan ng bawat tagapagsalita ang tensyon. Ito kasi ang magtritriger sa
katawan ng lumikha ng adrenalin upang magtulak ng isang indibidwal na mag- perporm ng
higit na mabuti. Nagagawa ng isang matalinong tagapagsalita na maging positibo ang
tensyon at hindi negatibo. Ngunit kung labis ang takot, hindi na ito magiging produktibo.
Samakatwid, kailangan itong kontrolin.
30. 30. MUNGKAHI KUNG PAANO MAAAYOS ANG “STAGE FRIGHT” Magkaroon ng
positibong atityud. Isiping kayang mong magsalita sa harap ng madla. Isiping di ka nagiisa.
Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
Tanggapin mo ang iyong sarili, iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong mga kasalanan at
hahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan. Magkaroon ng marubdob na
pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita. Harapin ang takot, huwag mong takasan.
31. 31.  Magpraktiska ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang
sa pagharap sa malalaking madla. Isipingang tagapakinig ay palakaibigan at hindi
mapanghusga. Magbihis ng naayon sa okasyon. Mag-imbak ng maraing kaalaman.
Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at mga taga pakinig. Magdasal.
Humingi ka ng lakas ng loob at dunong sa Poong Maykapal.
32. 32. PROPAYL NG EPEKTIBONGISPIKERa. Responsableb. Magiliw at kawili – wiling
pakingganc. Malawak ang kaalamand. Palabasae. Palaisipf. Mayaman ang koleksyon ng
ideyag. May interes sa paksang tinatalakayh. Obhetiboi. May sense of humor
33. 33. j. Gumagamit ng mga angkop na salitak. Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng
tagapakinigl. Sapat at angkop ang lakas ng tinigm. Malinaw at wasto ang pagbigkas ng
salitan. Gumagamit ng angkop na kumpas at kilosñ. Hindi iniinsulto o sinasaktan ang
damdamin ng tagapakinigng. Maingat sa paggawa ng kongklusyon, paratang at batikos
34. 34. o. May panuunan ng paningin sa tagapakinigp. Angkop ang kasuotan sa okasyonq.
Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang sinasabir. Walang nakakadistrak na mannerismss.
Mainam ang tindig o postyurt. Maayos at lohikal ang presentasyon mula sa simula, gitna
hanggang wakasu. Iniiwasan ang mapalabok na pananalita
35. 35. v. Binibigyang-diin ang mahahalagang konsepto o kaisipanw. Alam kung kailan tatapusin
ang pagsasalitax. Iniiwasan ang pagyayabangy. Mayaman ang bokabularyoz. Taglay ang
mga angkop at inaasahang gawi, personalidad at karakter
36. 36. GODBLESS! 
37.

38. DESCRIPTION
39. A short presentation on Pampublikong Pagsasalita
40. TRANSCRIPT
41.
Ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITA

Ang PAMPUBLIKONG
PAGSASALITAInihanda ni Val VibalAMA ATMMay 13 14, 2015ANO ang PAGSASALITA?isa
sa pangkalahatang kasanayan ng taoisang likas na gawain ng tao na wika ang midyum sa
pagpapahayag ng kanyang diwa, iniisip, paniniwala at damdamin (Garcia, 2006)Paraan ito
ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa anumang lugar, sitwasyon at panahon

ANO
ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITA?Ito ay pagharap sa maraming tao habang
ipinararating sa kanila ang kanyang nasa isipan

Ito ay ang pakikipagkomunikasyon
o pagpaparating ng ideya gamit ang wika at may pagkilos upang ipaalam sa kanila ang
nangyayari sa isipan ng tagapagsalita.

Ito ay ang pagbuo ng talumpati o pormal na
pagbigkas ng talumpati sa harap ng maraming tao, kung saan pinakikita ng ispiker ang
kahusayan sa pagbigkas

ANO ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITA?

isang anyo ng komunikasyon na ang tagapagsalita ay humaharap sa malaking bilang ng
tagapakinig at nagsasalita tungkol sa isang paksa. Ito ay ang pakikipagugnayan ng mga
ideya gamit ang mga salita at kilos upang malaman ng iba kung ano ay iyong isinasaisip
(word net dictionary)

Isang sining, maaring binuo sa pamamagitan ng pagsasanay.

BAKIT MAHALAGA ang EPEKTIBONG PAGSASALITA?Ang isang taong epektib
na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto
ng ibang tao.

Lahat ng mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng
daidig ay may mataas ng antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging
kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod.

BAKIT MAHALAGA
ang EPEKTIBONG PAGSASALITA?

Ang paglinang sa kasanayang ito ay
malamang na magbunga ng mga positibong pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad
kundi maging sa iyong buhay. Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa
pakikipag-usap nang pribado sa isang tao.ANO ang LAYUNIN ng EPEKTIBONG
PAGSASALITA?Ayon kina White at Henderlider sa kanilang aklat na Public Speaking may 3
layunin ng pagsasalita:MagpabatidManghikayatManlibangPreparado/may Kahandaang
Talumpati (Prepared Speech) dahil itoy may paghahanda, binibigkas ito nang maayos,
detalyado at masusi. Ditoy may pagkakataong makapangalap ng impormasyon o datos ang
magtatalumpati sapagkat binibigyan siya ng sapat na oras.Mga Uri ng Talumpati2. Walang
Ganap na Kahandaan (Impromptu Speech) sapagkat walang paghahanda, ang
mananalumpati ay nagsasalita nang ayon sa kanyang kaalaman o kabatiran lamang.

3. Talumpating Ekstemporanyo (Extemporaneous Speech) ang nagtatalumpati ay
naghahahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Inihahanda niya ang panimula at
pangwakas ng kangyang talumpati, at saka niya nilalagyan ng laman sa kanyang isip ang
kabuuan ng kanyang sasabihin. TATLONG BAHAGI ng PAMPUBLIKONG
PAGSASALITAPAMBUNGAD

KATAWAN ng TALUMPATI

PAGSASARA o
HULING BAHAGIANO ang MAHAHALAGANG ASPETO ng PAMPUBLIKONG
PAGSASALITA?Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga
partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa
epektibong proseso ng komunikasyon.ANO ang MAHAHALAGANG ASPETO ng
PAMPUBLIKONG PAGSASALITA?KAALAMANKASANAYANTIWALA sa
SARILIKAALAMANUpang maging isang epektib natagapagsalita, kailangang may sapat
kangkaalaman hinggil sa ibat ibang bagay.

Una, kailangang alam mo ang paksa ng
isang usapan.Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika.Ikatlo, kailangang
may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling
kultura at kultura ng iyong kausap.KASANAYANAng pagsasalita ay isa sa apat namakrong
kasanayan kung kayat ito ayisang kasanayang maaaring linangin.

Una, kailangang
may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. (May mga
sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.)Ikalawa, kailangang may sapat na
kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at
iba pang anyong di-berbal.KASANAYANIkatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa
pagpapahayag sa ibat ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran.TIWALA sa SARILIAng isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang
nagiging kimi o hindi palakibo.Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng
tagapakinig o sa harap ng publiko.Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa
kanilang mensahe.Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o
makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.ANO ang mga SALIK sa EPEKTIBONG
PANANALITA? Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang
panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kayay sa kakayahan niyang mapanatili ang interes
ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang
tagapakinig sakanya.

ANO ang mga SALIK sa EPEKTIBONG PANANALITA?
TINDIGKUMPASTINIGKILOSBIGKASTINIGPinaka mahalagang puhunan sa isang
nagsasalita.Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan.May
mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig.Ano mang lakas o hina ng
tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng
isang nagsasalita.

Kaakibat ng tinig ay ang himig.May himig na mabagal, may himig
na pataas at mayroon ding pababa.Katulad ng lakas kailangan ang himig ay angkop din.

BIGKASNapakahalang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.Kailangan ito ay
mataas at malinaw sa pagbigkas ng mga salita.Ang maling pagbigkas ay maaaring magdulot
ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig.Lalo nat ang ating wika ay napakaraming
Homonimo.Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito.

Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin o stress sa mga
salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata upang maging
malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.

TINDIGAng isang tagapagsalita lalo na
sa isang pagtitipon ay kailangan may magandang tindig.Kinakailangang my tikas mula ulo
hanggang paa.Hindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siyay parang
nanghihina o kung siyay mukhang sakitin.Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging
kalugud-lugod hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig.Kailangan din niyang maging
kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siyay maging higit na mapanghikayat.

KUMPASKumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita.Kung walang kumpas ang
nagsasalita ay magmumukhang tood o robot.Ngunit ang paglumpas ay kinakailangan
maging angkop sa diwa o salitang binabanggit.Tandaan na ang bawat kumpas ay may
kalakip ding kahulugan.

Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa
kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas.Tandaan na kailangang maging
natural ang kumpas.Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o alanganing
kumpas ng kamay.

KILOSSa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay
maaaring gumalaw.Mga mata, balikat, paa, at ulo. ang pagkilos ng mga ito ay maaaring
makatulong o makasira sa isang nagsasalita.Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng
mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap.

Samantala, ang
mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan
ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya.Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay hindi
angkop kagaya ng pagtango o pagiling ay maaaring makapagpalabo sa mensaheng
ipinahahatid ng isang nagsasalit. Ang labis na paggalaw o paglalakas naman ay pwedeng
maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.

Propayl ng Epektibong Ispikera.
Responsable b. Magiliw at kawili wiling pakingganc. Malawak ang kaalamand. Palabasae.
Palaisipf. Mayaman ang koleksyon ng ideyag. May interes sa paksang tinatalakayh.
Obhetiboi. May sense of humor

j. Gumagamit ng mga angkop na salitak.
Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng tagapakinigl. Sapat at angkop ang lakas ng tinigm.
Malinaw at wasto ang pagbigkas ng salitan. Gumagamit ng angkop na kumpas at kilos. Hindi
iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng tagapakinigng. Maingat sa paggawa ng
kongklusyon, paratang at batikos

o. May panuunan ng paningin sa tagapakinigp.
Angkop ang kasuotan sa okasyonq. Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang sinasabir. Walang
nakakadistrak na mannerismss. Mainam ang tindig o postyurt. Maayos at lohikal ang
presentasyon mula sa simula, gitna hanggang wakasu. Iniiwasan ang mapalabok na
pananalitav. Binibigyang-diin ang mahahalagang konseptoo kaisipanw. Alam kung kailan
tatapusin ang pagsasalitax. Iniiwasan ang pagyayabangy. Mayaman ang bokabularyoz.
Taglay ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad at karakter

BAKIT TAYO
MAY TAKOT sa PAMPUBLIKONG PAGSASALITA

Ang takot sa pagsasalita sa
harap ng madla ay tinatawag na XENOPHOBIA o STAGE FRIGHT . Ito ang takot na
mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.

Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, at
hindi ang pagtalikod dito.

Manipestasyon ng Stage FrightPanginginig ng
kamay.Pangangatog ng tuhod.Kawalan ng ganang kumain.Pananakit ng tiyan.Di-
pagkatulog.Pananakit ng ulo.Pagkautal.Pagkalimot ng sasabihin.Paninigas ng
pagkakatayo.Kawalan ng panuunan ng paningin.Biglang pagbilis ng pulso.Mataas na
presyon ng dugo.

Ibat Ibang Dahilan ng Stage FrightTakot sa malaki at di-pailyar na
madlang tagapakinig.Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng
madla.Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng kabataan,
kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay o di magandang postyur.Kakulangan o kawalan
ng kahandaanKakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

Ngunit
kailangan ng bawat tagapagsalita ang tensyon. Ito kasi ang magtritriger sa katawan ng
lumikha ng adrenalin upang magtulak ng isang indibidwal na mag-perporm ng higit na
mabuti.Nagagawa ng isang matalinong tagapagsalita na maging positibo ang tensyon at
hindi negatibo.Ngunit kung labis ang takot, hindi na ito magiging produktibo.Samakatwid,
kailangan itong kontrolin.MGA DAPAT GAWIN UPANG MAWALA ang KABA sa
PAGSASALITAMaaring isagawa ang mga sumusunod:Pag-eensayoMaging pamilyar sa mga
kontekstoPisikal na GawainHigit sa lahat, ang takot at pangamba ay maiiwasan kapag ang
mananalumpati ay nakakasiguro sa kanyang sarili at siyay handang-handa sa kanyang
sasabihin.Sa paghahahanda ng isang mahusay na talumpati, isaalang-alang ang mga
sumusunod:Maliwanag na paksaTiyak ang layuninNakatatawag-pansin ang introduksyon at
nagbibigay ito ng diwa ng direksyon na patutunguhan ng talumpatiMaliwanag na
ipinahahayag ang paksa at layunin sa tesisDapat itong nagpapakita ng pruweba ng
pagsusuri sa manonoodAng talumpati ay may maliwanag at tiyak na punto tungkol sa
tesisG. Ang talumpati ay malinaw at nauunawaan H. Ang wikang ginamit ay maliwanag at
angkop para sa paksa I. Gumagamit ng mga kilos ng katawan na makatutulong sa
pagpapahayag ng mga kaisipan J. Gumagamit ng sapat na lakas ng tinig, tamang
pagbibigkas o artikulasyon ng mga salita at tunogK. Ang kongklusyon ay nagbubuod ng mga
pangunahing ideya at nagbibigay ng diwa ng pagtatapos ng talumpatiEtika sa Pagsasalita sa
Publiko

1. Iwasan ang paggaya o sa madaling salita wag mangopya ng ibang
talumpati, maliban na lang kung binigyan mo ng pagkilala ang mga salita na hiniram mo
mula sa kanyang talumpati.

2.Wag magbigay ng maling impormasyon !

3.Paghandaan ang araw ng iyong talumpati.

4. Respetuhin ang iyong sarili.
Manindigan sa iyong mga paniniwala

5. IGALANG ang inyong TAGAPAKINIG

You might also like