You are on page 1of 18

Modyul 2

HIRARKIYA NG
PAGPAPAHALAG
A
Tent ng Pagpapahalaga
1. Kumuha ng isang buong papel.
2. Tupiin ang papel sa dalawa at
gawing parang tent.
3. Sa isang bahagi ng tent, isulat ang
iyong pangalan at sumulat ng
tatlong bagay na mahalaga sa
iyo. Isulat kung bakit mahalaga ito
sa iyo.
4. Sa kabilang bahagi, isulat ang iyong sagot sa
mga sumusunod na katanungan:
 Kung ikaw ay may magic na may
kakayahang magpabago ng tatlong
bagay
tungkol sa iyong sarili, ano ang
babaguhin
mo?
 Gumawa ng maikling pagpapaliwanag sa
iyong naisip at naramdaman sa iyong ginawang
listahan.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga pinagbatayan mo sa


pagpili ng mga bagay na mahalaga
at hindi
mahalagang bagay para sa iyo?
2. Ano-anong hakbang ang gagawin
upang makamtan ang mga bagay
na mahalaga para sa iyo?
Mga larawan ng mga ilang bagay na
mahalaga sa tao:

 Iayos ito ayon sa antas ng


pagpapahalaga ng bawat
isa.
 Simulan sa
pinakamababang halaga
hanggang sa
pinakamahalaga.
 Ipaliwanag ang paraan ng
pagsasaayos ninyo sa mga
larawan.
Mga Bagay Batayan ng
Pagraranggo
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
O Pag-aralan ang talahanayan sa
ibaba. Ang kaliwang hanay ay
nagpapakita ng mga bagay na
karaniwang pinahahalagahan ng tao.
O Punan ang mga puwang sa
ikalawang hanay ng mga posibleng
masamang epekto sa sobrang
pagbibigay halaga sa mga nasa
kaliwa.
Pagtalakay sa Sitwasyon:

Hindi ko dapat bigyan ng Sapagkat……………


labis na pagpapahalaga

Halimbawa: Maaring mapayabayaan ko


pagliliwaliw ang aking pag-aaral at hindi
ko magawa ang mga dapat
gawin
1. Pera o salapi 1.
2. katanyagan 2.
3. Panlabas na hitsura 3.
4. Bagong teknolohiya 4.
5. Mga usong gamit mula sa 5.
mga
dayuhan
Pamprosesong Tanong:
Bilang isang mag-aaral ano ang
kabutihang maidudulot ng pagkatuto
sa tamang pagpapahalaga sa mga
bagay na pinahahalagahan ng isang
tao?
Limang Katangian ng Mataas
na Halaga

By| Max Scheler

Pamantayan sa pagpapasya sa antas ng


halaga
Unang Pamantayan
O Habang mas tumatagal ang halaga,
mas tumataas ang antas nito.
O Ang halaga ay nasa mataas na antas
kung hindi ito kailanman nababago ng
panahon (timelessness).
O Hal.Ang paggastos ng pera upang
ibili ng aklat ay mas mataas kaysa sa
ipambili ito ng pagkain.
Ikalawang Pamantayan
O Mas mahirap mabawasan ang kalidad
ng halaga.
O Ang halaga ay nasa mataas na antas
kung sa kabila ng pagpapasalin-salin,
napapanatili parin ang kalidad nito
(indivisibility).
O Hal. Ang halaga ng karunungan ay
hindi nababawasan kahit na ito ay
naisasalin sa ibang mga tao.
Ikatlong Pamantayan
O Mataas ang antas ng halaga kung ito ay
lumilikha ng ibang halaga.
O Ito ay nagiging batayan ng iba pang
mga halaga.
O Hal.Isang tao na nagtratrabaho sa ibang
bansa at tinitiis ang lungkot para kumita
ng salapi para makapag-aral ang anak
dahil mas mataas ang pagpapahalaga
para sa kanya ang makapagtapos ng
pag-aaral ang kanyang mga anak.
Ika-apat na Pamantayan
O May likas na kaugnayan ang antas ng
halaga at ang lalim ng kasiyahang
nadarama sa pagkamit nito.
O Mas malalim ang kasiyahan na
nadarama sa pagkamit ng halaga,
mas mataas ang antas nito.
O Hal. Mas magiging maligaya ang
bakasyon ng isang mag-aaral kung ito
wala itong bagsak na subject.
Ikalimang Pamantayan
O Ang halaga ay nakabatay sa
nararamdaman ng ibang tao.
O Ang isang halaga ay nasa mataas na
antas kung hindi ito nakabatay sa
taong nakakaramdam nito.
O Hal. Tinitiis ng magulang na hindi
makabili ng para sa kanya upang
mayroong ibigay sa kanyang mga
anak.
Sumulat ng isang
sanaysay hinggil sa
paksang :
“ PAG-IBIG, PAG-ASA,
at PANANAMPALATAYA”.
O Takdang Aralin:
Lumikha ng mga salawikain
hinggil
sa ibat-ibang antas ng
pagpapahalaga.
Thank you…

You might also like