You are on page 1of 19

lOMoARcPSD|14356629

Final Filipino Concept Paper 1

Bachelor of Science in Management Accounting (Pontifical and Royal University of


Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines)

StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)
lOMoARcPSD|14356629

PAGSASALIKSIK: IBA’T IBANG SALIK NG SIKOLOHIYA NA MAKAKAAPEKTO SA


ISANG INDIBIDWAL SA LARANGAN NG PAGNENEGOSYO

___________________________________

ISANG KONSPETONG PAPEL


NA INIHARAP KAY GNG. LIGAYA BRON
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

___________________________________

ASIGNATURANG PILIPINO 2: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

___________________________________

NINA:
22 JOHN MICO HALILI
23 JOHN PHILIPPE JOSUE
PAMANTASAN NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
2015

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog naming sa aming pinakamamahal at kagalang galang na


guro na si Gng. Ligaya O. Bron;

Sa aming mga minamahal na magulang, at aming mga pamilya;

Sa aming mga kamagaral, at mga kaibigan;

Sa mga taong magkakaron ng benepisyo sa pagaaral na amin ginawa; at

Sa Panginoong Diyos na walang sawang nagbibigay sa amin ng pagunawa at pagmamahal.


Gabayan niyo kami at bigyan ng talino at lakas sa paggawa n gaming konseptong papel

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

PASASALAMAT

Nais naming pasalamatan ang mga taong gumabay at tumulong sa amin upang mabuo
ang konseptong papel na ito:

Prof. Ligaya O. Bron, sa paggabay sa amin sa pagbuo nitong konspetong papel, pati na
rin sa pagpapaalala at pagbibigay ng mga tips upang mas madali naming magawa ito;

Prof. John Donnie A. Ramos, Ph.D.,Dean ng College of Science,at kay Prof. Ma. Carlota
B. Decena, Ph.D., Asst. Dean ng College of Science, sa pagpayag sa amin upang maisagawa
namin ang pagsasaliksik sa isa ninyong hawak na klase, Sa Ust Library na pinagkunan naming
ng mga impormasyon na aming gagamitin.; (philippe pa add na din nung mga nagsagot ng
survey, yung section ng ate mo tsaka yung ate mo na din.)

Ang aming mga magulang, sa patuloy na pagsuporta sa amin, at sa pagpayag upang


manatili kami sa unibersidad upang magawa at matapos namin itong konseptong papel; at

Ang Panginoong Diyos, sa walang humpay at patuloy na paggabay sa amin upang


magawa naming nang maganda, maayos, at sa organisadong paraan, ang konseptong papel na ito.

TALAAN NG NILALAMAN

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

I. Titulo ………………………………………………………………………………… i

II. Pasasalamat ………………………………………………………………………….. ii

III. Paghahandog ………………………………………………………………………... iii

IV. Talaan ng Nilalaman ……………………………………………………………..…. iv

V. ABSTRAK ………………………………………………………………………….. v

VI. KABANATA 1

A. Rasyunal ………………………………………………………………………… 1

i. Panimula ………………………………………………………………… 1

ii. Kasaysayan ……………………………………………………………… 1

iii. Kahalagahan ………………………………………………………….…. 2

iv. Kabuluhan ………………………………………………….…………… 2

VII. KABANATA 2

A. Layunin ………………………………………………..………………………… 3

VIII. KABANATA 3

A. Paraan ng Pananaliksik ………………………………..………………………… 4

B. Teknik …………………………………………………………………………… 4

C. Instrumento ……………………………………………………………………… 5

D. Pagpapahalaga sa mga Datos …………………………………………….……… 5

IX. KABANATA 4

A. Resulta ng Pag-aaral ………………………………………………..…………… 6

X. Talasanggunian ……………………………………………………………………… 7

XI. Apendises ………………………………………….………………………………… 8

ABSTRAK

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

Pamagat: PAGSASALIKSIK: IBA’T IBANG SALIK NG SIKOLOHIYA NA


MAKAKAAPEKTO SA ISANG INDIBIDWAL SA LARANGAN NG
PAGNENEGOSYO

Mananaliksik: John Mico Halili

John Philippe Josue

Digri: Bachelor of Science in Accountancy

Paaralan: Unibersidad ng Santo Tomas, España, Maynila

Layunin:

1.) Upang matukoy kung ano ang mga karaniwang mga salik na mararanasan ng isang
indibidwal na

nakakaapekto sa isang negosyo

2.) Upang malaman kung paano makikitungo sa iba na nakakaranas ng problemang


nagdudulot ng di pagkakaunawaan sa isang negosyo

Tanong:

1.) Paano makakaapekto ang mga salik ng sikolohiya sa isang indibidwal?

2.) Paano malulutas ag mga suliraning nararanasan ng isang negosyo na nagging dulot ng
mga salik ng sikolohiya?

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

Lagom:

Matapos ang pagsasaliksik, aming natuklasan na ang sikolohiya ay may naibabahagi sa


isang indibidwal na nakakaapekto sa kanyang pag-iisip at pagkilos sa larangan ng pagnenegosyo.
Iba’t ibang mga salik ang maaaring makaapekto sa isang tao. Ilan sa mga ito ay ang ugali, mga
nakalipas na karanasan, impluwensya sa mga kamag-anak at kaibigan, at mga sakit o disorders.

Ayon sa mga datos na aming nalikom, ipinapakita na ang sikolohiya ay isang paraan
upang ating maintindihan ang ibang mga tao sa ating kapaligiran. Ito ay nakatutulong upang
maging bukas tayo sa iba at malaman kung paano makikisalamuha at pakikitunguhan ang isang
indibidwal, partikular ang iyong mga katrbaho at iyong mga mamimili.

Parte na ng ating buhay ang pakikitungo sa iba. Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging
hospitable sa ibang tao, lalong-lalo na sa mga bakasyunista, pati na rin sa ating mga bisita sa
bahay, kamag-anak man o kaibigan. Sabi nga nila, “No man is an island.” Hindi tayo nabubuhay
ng mag-isa lamang. Mahirap man sa umpisa, matututo’t matututo tayong makipag-usap sa ibang
tao. Isang dahilan ito kung bakit hindi mahirap para sa atin ang makisalamuha sa iba. Nasa
bagong lugar man tayo o nasa isang handaan kung saan wala tayong masyadong kakilala, hindi
ito hadlang upang tayo’y makisalamuha.

Pagdating naman sa ating mga problema, karamihan sa atin ay gumagawa ng paraan


upang malutas ang mga ito sa kalmadong paraan. Sabi nga nila, “Huwag kang gagawa o bubuo
ng desisyon kapag ikaw ay galit o malungkot sapagkat ito’y iyong pagsisisihan sa huli.” Kapag
tayo ay galit o malungkot pag dumadating ang isang problema sa ating buhay, hindi makabubuti
kung tayo’y bubuo na ng desisyon sa mga oras na yun sapagkat may mga emosyong
nangingibabawa sa ating katawan at kaluluwa. Hindi tayo makakapag-isip nang mabuti at
maaaring magresulta ito sa hindi magandang pangyayari. Ngunit, kung ating sinubukang lutasin
ang ating mga problema sa kalmadong paraan, mas malaki ang posibilidad na malulutas na natin
ang ating mga problema at magiging maganda ang kalalabasan nito, sapagkat nakakapag-isip
tayo nang maayos at deretso at ding ating inaalam ang maaaring maging cosequence o
drawback sa mga gagawin natin.

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

“Social Psychology,” Consumer Psychology,” at “Industrial Organization / Training &


Development”. Ilan lamang ito sa mga inaaral ng ating mga estudyante sa departamento ng
sikolohiya. Ayon sa aming datos, ito ay makatutulong sa atin upang ating malaman kung paano
makikitungo sa ibang tao sa larangan ng pagnenegosyo. Malalaman natin dito kung paano natin
pakikitunguhan ang ating mga kasamahan sa trabaho, lalo na sa ating mga kliyente.

Kongklusyon:

Batay sa mga lagom na aming natuklasan, napag-alaman namin na ang pag-uugali ng


isang tao ang una sa listahan ng mga salik na nakakaapekto sa isang indibidwal. Ito ang
pinakaunang tinitingnan ng isang tao sa kanyang kapwa bago nila harapin at kausapin sila.
Kapag kanilang nalaman na ang kanilang kliyente ay mabilis magalit at maikli ang pasensya,
gagawa sila ng paraan upang mapakitunguhan sila nang maayos, at organisadong maisagawa ang
transakyson. Ayon na rin sa aming research, may pantay na bilang ang mga taong gustong
magtrabaho magisa, at gustong makipagtulungan sa iba. Samakatuwid ang bawat tao ay may
kanya kanyang pagiisip tungkol sa mga bagay, at kanya kanyang ugali sa pakikibagay.

Rekomendasyon:

Sa aming pananaliksik, napagtanto naming na lahat ng tao ay may kanya kanyang


hangarin, kanya kanyang pagiisip, at pag-uugali. Ngunit hindi sapat na ang mga tao ay magkanya
kanya lamang, minsan kailangan din nilang makitungo para makatapos ng mga Gawain. Ang
pinakamainam na solusyon na aming naisip batay sa aming research ay ang pagisip ng paraan ng
pakikitungo sa bawat tao upang maiwasan ang pagtatalo, at mapabilis at maisaayos ang mga
transaksyon sa isang organisadong paraan.

Inaanyayahan po naming ang iba pang mananaliksik na kapareho ng nireresearch sa amin


na palawakin pa an gaming mga natuklasan, at ipagpatuloy kung may nakaligtaang
impormasyon.

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

KABANATA 1

RASYUNAL

Panimula

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

Ang bawat tao ay may sariling pagkakakilanlan, pag-iisip, at pag-uugali; dito nabubuo
ang ating pagkatao. At sa isang grupo ng mga tao, iba’t ibang personalidad ang makikita’t
maoobserbahan natin sa bawat indibidwal, na bumubuo naman sa ating pag-uugali, o sa paraan
ng pakikisalamuha natin sa iba.

Kasaysayan

Ang pagkatao natin ay ang ating pagkakakilanlan, na natatangi sa iba. Ito ang nagiging
basehan natin upang ating makilala at malaman kung sino an gating mga magulang, guro,
kaibigan, kaklase, atbp. Ito ay base sa ating mga genes na nagmula sa ating mga magulang. Isa
rin sa mga pinagkukunan ng ating pagkatao ay ang ating kapaligiran, o ang iba’t ibang
impluwensya na ating natatanggap mula sa ating mga kamag-anak, kaibigan, atbp. pati na rin ng
ating kultura o ang ating kabuhayan.

Ang ating pagkatao ay nakukuha rin natin dahil sa ating pag-uugali. Ayon kay Ajzen
(2001) at kina Krech, Crutchfield, at Ballachey (1962), “Attitudes are enduring systems of
positive or negative evaluations, emotional feelings, & action tendencies with respect to an
individual’s social world.” Nais iparating nito na iba-iba ang ating pag-uugali. Dala ito ng ating
kapaligiran, kung saan inaakma natin ang ating sarili sa kung ano ang nasa paligid natin. Ayon
naman kay Allport (1935), “Attitudes are mental states developed through experience, which are
always ready to exert an active influence on an individual’s response to any conditions and
circumstances that the attitudes are directed towards.” Ipinapakita naman dito naang ating pag-
uugali ay nahubog mula sa ating mga karanasan. Kahit ano man ang dumating sa buhay ng isang
tao, alam niya kung paano ito haharapin at bibigyang-lunas. Ito rin ay nagsisilbing aral sa atin,
lalo na sa mga panahong nagkamali tayo. Ginagamit natin ang karanasang iyon upang malaman
na natin kung ano’ng gagawin sa oras na dumating ulit ito sa ating buhay.

Sa larangan ng negosyo, bukod sa mga kinuhang kurso at mga pinag-aralan sa kolehiyo,


kasama rin ang pagkatao at pag-uugali ng isang indibidwal na ating tinitingnan. Ating inuusisa
kung ang kanyang kakayanan at personalidad ay akma at nararapat sa posisyong binibigay mo sa
iyong kumpanya.

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

Interesado kaming malaman kung paano nakakaapekto ang iba’t ibang salik ng
sikolohiya, na umiiral sa isang indibidwal, sa isang negosyo at kung paano magagawan ng
solusyon ang isang suliranin, kung hindi ito maiiwasan.

Sa kasulukuyan, kulang at minimal lamang an gaming kaalaman sa mga iba’t ibang


konsepto at mga bahagi ng sikolohiya, kung kaya’t gusto naming palawakin ang aming kaalaman
sa pamamagitan ng pagsasaliksik, pagtalakay, at pagsasanay sa iba’t ibang salik ng sikolohiya.
Layunin naming madagdagan ang aming kaalaman ng sa gayon ay malaman naming kung paano
mahaharap ang mga suliraning kinakaharap ng isang negosyo.

Kahalagahan

Napakahalaga nito dahil ito ay makatutulong upang maging alerto ang mga negosyante sa
mga darating na suliranin sa kani-kanilang mga negosyo. Ito ay makatutulong upang maging
handa sila sa oras na dumating at maranasan na ito. Sa ganitong paraan, hindi sila mahihirapan
upang mahanap ang solusyon – pagiging kalmado at hindi matataranta sa sitwasyong
kakaharapin nila.

Kabuluhan

Sa pamamagitan ng konseptong papel na ito, mailalahad naming ang mga salik na


makakaapekto sa isang negosyo, kaakibat nito ay ang mga paraan kung paano malulutas ang mga
suliraning makakaharap ng isang indibidwal sa larangan ng pagnenegosyo. Makabubuting pag-
aralan ito upang ang mga suliranin ay malutas agad at mapanatiling minimal ang problemang
kakaharapin ng isang negosyo, na maaaring maging sanhi ng pagkalugi nito.

KABANATA 2

LAYUNIN

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

1.) Paano nakakaapekto ang mga salik ng sikolohiya sa isang indibidwal?


Dahil sa iba’t ibang mga sakil ng sikolohiya, naapektuhan ang pakikitungo ng
isang indibidwal sa kanyang kapwa: sa kamag-anak, kaibigan, kaklase, katrabaho,
kapitbahay, atbp. Malaki ang nagiging papel nito sa ating buhay pagdating sa ating pag-
iisip, paggalaw, at pagkilos. Ang ating pag-uugali ay isa sa pangunahing
pinanggagalingan nito. Ang pag-uugaling ito ay maaaring dulot ng impluwensya sa kanya
ng mga taong nakapaligid sa kanya, isa ring salik na nakakaapekto sa isang indibidwal.
Kung pinalaki ang isang tao sa disiplinadong paraan, malaki ang posibilidad na ganito rin
ang kanyang paraan ng pakikitungo sa kanyang mga makakausap sa kanyang paglaki.
Ngunit kung ang paraan ng kanyang pagpapalaki ay magaan lamang, hindi magiging
mahirap para sa kanya ang pakikitungo sapagkat siya’y napapayagan sa kung ano man
ang kanyang nais na gawin. Isa pang maaaring panggalingan ay ang mga nakaraang
pangyayari sa buhay ng tao. May mga pagkakataon na nagiging dahilan ang nakaraan ng
isang tao sa kanyang pakikitungo sapagkat kanya nang naranasan ito at maaaring may
natutunan na siya rito. Hindi mo ito maiaalis sa kanya agad sapagkat tumatak at malaki
ang naging epekto nito sa kanya. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung paano
makisalamuha ang isang tao.

2.) Paano malulutas ang mga suliraning nararanasan ng isang negosyo na naging dulot ng
mga salik na ito?

Una, ating dapat alamin ang mga salik ng sikolohiya na maaaring makaapekto sa
isang tao. Ito ay upang malaman natin kung ano ang nararanasan ng ating kapwa, lalo na
ang mga kasama natin sa trabaho o negosyo. Pangalawa, dapat tayo’y may pang-unawa
sa mga taong nakararanas ng mga salik na ito. Dapat alam natin kung paano natin sila
pakikitunguhan. Sa ganitong paraan, mas madali natin silang makakausap patungkol sa
negosyo.

KABANATA 3

Paraan ng Pananaliksik

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

Ang mga naisip ng mga mananaliksik upang maisagawa ito ay ang pagsasagawa ng
sarbey, na isasagawa sa isang klase sa departamento ng agham (College of Science), partikular sa
departamento ng sikolohiya.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sulat upang humingi ng permiso mula sa


departamento ng agham, partikular sa sikolohiya, upang mapayagan kaming magsagawa ng
sarbey sa isang klase. Aming naisagawa ang pagsasarbey sa 3P2, isang seksyon ng sikolohiya sa
ikatlong taon. Nakapamahagi kami ng sarbey sa halos apatnapung (40) katao.

Teknik

Instrumento

Ang mga mananaliksik ay nag-isip at bumuo ng sarbey na ipapamahagi sa mga taong


sasagot nito. Bumuo kami ng anim (6) na tanong, na makakatulong sa amin upang lumawak ang
aming kaalaman tungkol sa mga salik ng sikolohiya na umiiral sa isang negosyo. Ang unang
tanong ay tungkol sa kung paano nila nilulutas ang kanilang mga problema na kanilang sasagutin
sa pamamagitan ng pagpili sa mga ibinigay na sagot. Ang pangalawa naman ay kung nahihirapan
ba sa silang makitungo sa ibang tao na sasagutin ng “Oo o Hindi” kasunod ng pagpapaliwanag,
at ito ang pangatlong katanungan. Ang ikaapat at ikalima naman ay may pagpipilian din. Ang
pang-apat na katanungan ay kung ano ang mas gusto nila: ang magtrabaho mag-isa o magtrabaho
ng may kasama. Pipili lamang sila ng isa. Ngunit sa ikalimang tanong naman kung saan nais
naming malaman kung anu-ano sa mga salik na aming ibinigay ang nakakaapekto sa
pakikitungko ng isang indibidwal, ay maaari silang mamili ng higit sa isang sagot. At para sa
huling katanungan namin ay nais naming malaman ang kani-kanilang mga opinyon kung ang
sikolohiya at ang pag-aaral nito ay makatutulong upang mas maintindihan natin ang ibang tao at
makatulong sa atin upang ating malaman kung paano natin sila pakikitunguhan.

Pagpapahalaga sa mga Datos

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

Nakasisiguro ang mga estudyante na aming naging respondente na pananatilihin naming


konpidensyal ang mga datos na aming nalikom mula sa kanila. Hindi namin ilalabas ang mga
naging sagot nila, lalo na ang kanilang pagkakakakilanlan. Ito ay para sa kanilang kaligtasan
sapagkat maaaring magdulot ito ng hindi pagkakauawaan sapagkat nagbigay sila ng kani-
kanilang mga opinyon, na maaaring hindi pabor sa ibang tao.

RESULTA NG PAG-AARAL

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

Paano mo hinahap ang iyong mga problema?

25

20

15

10

0
Agresibo Sa kalmadong paraan

Karamihan sa mga mga estudyante ay sa kalmadong paraan nila hinaharap ang kanilang
mga problema.. Kanilang nireresolba ang mga ito nang tahimik at kalmado. Para sa kanila, ito
ang mas magandang paraan upang malutas ang mga suliraning nararanasan nila, kumpara sa
agresibong paraan ng paglutas.

25

20

15

10

0
Oo Hindi

Madali nilang napapakitunguhan ang iba sapagkat likas na ito sa’ting mga Pilipino – ang
pagiging hospitable at mabait pagdating sa ibang tao. Kilala tayo sa pagiging pala-kaibigan at
mahilig makipag-usap at makipagkilala sa iba. Hindi tayo sanay na wala tayong kinakausap, lalo
na sa mga handaan at fiesta.

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

16
14
12
10
8
6
4
2
0

Ayon sa iba pa naming nakuhang datos, pantay lamang ang naging sagot ng mga
estudyante kung mas nais nilang magtrabaho mag-isa o nang may kasama. Nakadepende ito sa
kung ano ang hilig ng isang indibidwal, dahil ito ay may malaking epekto sa kanya sa kapag
siya’y nagtatrabaho na. Kung sa tingin nila ay mas marami silang magagawa nang walang
kasama, mas pipiliin nilang magtrabo mag-isa. Pero kung hindi naman, mas pipiliin nilang
magtrabaho ng may ibang kasama.

30
25
20
15
10
5
0

Ayon sa nakuha pa naming mga impormasyon, ang ugali ang pinakauna sa listahan,
kasunod ng mga nakaraang pangyayari, impluwensya sa iba, at sakit, na nakakaapekto sa
pakikisalamuha ng isang tao. Ayon sa kanila, isa mga pinakatinitingnan ng isang tao ay ang
ugali. Ito ang pinagbabasehan nila sa kung paano nila pakikitunguhan ang taong iyon.

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

At ang pinakahuli sa mga nakalap naming datos, mas makabubuti sa isang tao kung may
kaalaman siya tungkol sa iba’t ibang mga salik ng sikolohiya. Sa ganitong paraaan, makatutulong
ito upang ating maintindihan ang ating mga kapwa na nakakaranas ng mga salik na ito, at
malalaman natin kung paano sila kakausapin at haharapin.

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

SANGGUNIAN

Business Psychology & Organizational Behaviour

Eugene McKenna

2012

Abnormal Psychology

James N. Butcher

Susan M. Mineka

2014

Cross-Cultural Psychology: Critical thinking and contemporary application, 4th edition

Eric B. Shiroev

David A. Levy

2010

Personality Psychology

Randy J. Larsen

David M. Buss

2002

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)


lOMoARcPSD|14356629

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

ALFREDO M. VELAYO – COLLEGE OF ACCOUNTANCY

A. Y. 2014 – 2015

PAGSASALIKSIK: IBA’T IBANG SALIK NG SIKOLOHIYA NA NAKAKAAPEKTO SA ISANG


INDIBIDWAL SA LARANGAN NG PAGNENEGOSYO

1. PAANO MO HINAHARAP ANG IYONG MGA PROBLEMA?


O SA KALMADONG PARAAN
O AGRESIBO
O IBA PA: _______________________

2. NAHIHIRAPAN KA BANG MAKITUNGO SA IBANG TAO?


O OO
O HINDI

3. KUNG OO, PAANO MO SILA HINAHARAP?

__________________________________________________________________

KUNG HINDI, BAKIT?

__________________________________________________________________

4. ANO ANG MAS GUSTO MO?


O MAGTRABAHO NG MAG-ISA
O MAGTRABAHO SA ISANG GRUPO

5. ANU-ANONG MGA SALIK NG SIKOLOHIYA ANG MAAARING MAKAAPEKTO SA


PAKIKITUNGO MO SA ISANG TAO?
O UGALI
O NAKARAANG PANGYAYARI NG ISANG TAO
O IMPLUWENSYA MULA IBA (PAMILYA, KAIBIGAN, ATBP.)
O SAKIT (DISORDERS)
O IBA PA: ___________________________

6. SA TINGIN MO BA, MAKATUTULONG KUNG ANG MGA TAO AY MAY KAALAMAN SA


IBA’T IBANG MGA SALIK NG SIKOLOHIYA, PARTIKULAR SA LARANGAN NG
PAGNENEGOSYO? BAKIT O BAKIT HINDI?

________________________________________________________________________

Downloaded by Aloy Gaffud (crimsonred_eyes@yahoo.com)

You might also like