You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
Manticao District
PATAG ELEMENTARY SCHOOL

QUARTER 1 SUMMATIVE TEST NO. 4


Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang Kinalalagyan
ng ng Bilang
Aytem
Nakapagbibigay
konklusyon tungkol sa
(AP4AAB
kahalagahan ng mga 100% 15 1-15
– Ij – 13)
katangiang pisikal sa pag –
unlad ng bansa.
Kabuuan 100 15 1 – 15
GRADE 4 – ARPAN
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
Manticao District
PATAG ELEMENTARY SCHOOL

ARPAN 4 Summative Test


No. 4

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score:


_______
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____1.) Ano ang kahalagahan ng malaking bulubundukin sa pag-unlad ng


bansa?
A. bilang panangga ng bagyong dumarating sa bansa
B. naging sentro ng komunikasyon at transportasyon
C. walang magandang naidulot ang kabundukan sa Pilipinas
D. nakatutulong sa pagbibiyahe ng mga produktong gulay sa ibang
bansa
_____2.) Ano ang magandang naitutulong ng dalampasigan sa pag-unlad ng
ating bansa?
A. naging pastulan ng mga hayop
B. walang pakinabang ang dalampasigan sa bansa
C. naging tirahan ng mga mamamayan ang dalampasigan
D. nagbibigay - saya sa mga turista lalong lalo na sa panahon ng tag-init
_____3.) Paano nakatutulong ang mga bulkan sa pag-unlad ng bansa?
A. pinagkukunan ng mga halamang dagat
B. lugar-pasyalan tuwing panahon ng tag-init
C. madalas pasyalan ng turista at kailangan lamang ng pag - iingat
D. daungan ng mga malalaking barko na may lamang mga produkto
_____4.) Ano ang kahalagahan ng Talon ng Maria Cristina sa pag-unlad ng
bansa?
A. naging lugar-pasyalan tuwing panahon ng tag-init
B. naging sentro ng gawaing pangkabuhayan sa Timog – Silangang Asya
C. Ito ay pinagkukunan ng mga yamang dagat tulad ng perlas at korales.
D. Ito ay nagtutustos ng lakas ng elektrisidad sa maraming lugar sa
Mindanao.
_____5.) Sa paanong paraan nakatutulong ang malawak na katubigan sa
bansa?
A. naging pastulan ng mga hayop
B. naging tirahan ng mamamayan
C. naging taniman ng gulay at prutas
D. naging pagkakikitaan at pangisdaan ng mamamayan
_____6.) Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng lokasyon sa pag – unlad
ng bansa?
A. naging lugar - pasyalan ng mga turista
B. naging taniman ng iba’t ibang produkto
C. naging sentro ng transportasyon
D. naging sentro ng komunikasyon, transportasyon at gawaing
pangkabuhayan
_____7.) Kung ang anyong tubig ay nagsisilbing daanan ng mga sasakyang
pandagat para sa kalakal, ano naman ang anyong lupa?
A. dahil sa sasakyang pandagat napaunlad ang kalakalan
B. nagbibigay – saya sa mga turista sa panahon ng tag – init
C. taniman ng iba’t ibang produkto gaya ng palay, tubo at mais
D. nabibighani ang mga turista tuwing nasisilayan ang mga ilog, lawa at
talon

_____8.) Paano nakatutulong ang RORO (Roll on, Roll off) sa pag-unlad ng
bansa?
A. tanyag na look sa bansa
B. naging pasyalan ng mga turista
C. nagsisilbing taniman ng mga iba’t ibang butil
D. sasakyang pandagat na may lamang kalakal galing sa ibang bansa
_____9.) Si Mang Danny ay isang “tourist guide” sa Isla ng Samal. Magiliw niyang
inaasikaso ang mga turistang pumupunta doon. Malaki ba ang
maitutulong ng kanyang ginagawang trabaho sa pag – unlad ng kanilang
lugar?
A. Hindi, dahil walang mga turistang gustong pumunta sa kanilang lugar.
B. Hindi, dahil kunti ang mga turistang gustong pumunta sa kanilang lugar.
C. Oo, dahil kunti ang turistang nabibighaning bumisita at nadaragdagan
ang kita ng pamahalaan.
D. Oo, dahil maraming turista ang nabibighaning bumisita at
nadaragdagan ang kita ng pamahalaan.
_____10.) Sa pagiging arkipelago ng bansa, maraming maaaring
mapakinabangan dito lalong lalo na sa anyong lupa nito. Sa iyong
pananaw, ano ang kahalagahan nito sa pag-unlad ng bansa?
A. dahil kukunti ang mapagtataniman sa bansa
B. dahil nagsisilbing taniman ng iba’t ibang butil
C. dahil hindi umunlad ang mga negosyo sa bansa
D. dahil marami ang nawalan ng trabaho sa bansa

II. Panuto: Gumuhit ng bituin ( ) kung ang pangungusap ay nagpapahayag sa kahalagahan


ng katangiang pisikal at buwan ( ) naman kung hindi.

_____11. Walang magandang daungan para sa mga produktong galing sa


ibang lalawigan.
_____12. May nakabibighaning mga kabundukan at bulkan na nagsisilbing
pasyalan.
_____13. Iilan ang mga turista ang nahihikayat dahil sa maruming dalampasigan
at mga ilog nito.
_____14. May napakagandang mga dalampasigan na nagbibigay saya lalo na
sa panahon ng tag - init.
_____15. Sentro ito ng komunikasyon, transportasyon at gawaing pangkabuhayan sa Timog-
silangang Asya.

Prepared by: EVELYN A. GEORPE


Teacher 1

You might also like