You are on page 1of 1

Ang napili kong lugar na aking pinaglakbayan ay “Enchanted Kingdom” o kung tawagin ay “EK” ang

lugar na ito ay matatagpuan sa Sta Rosa Laguna. Ang lugar na ito ay sikat na sikat sa karamihan at ito ay
lagging dinadayo ng mga tao, ng mga pamilya, at mga magtotropa kapag gusto nilang mag gala o maging
masaya. Isa ito sa mga pinaka sikat na amusement park sa Pilipinas dahil sa tinatangi nitong kagandahan
at sa dami nang pwede mong gawin kapag ikaw ay nagpunta dito kaya kung balak mong gumala kasama
ang iyong mga barkada, pamilya, o jowa dito ka na magpunta.

Bata pa lamang ako nung una akong nagpunta dito, siguro ako ay tatlo o dalwang taong gulang pa
lamang kaya hindi ko masyadong nadama ang mga pwede mong gawin dito. Bumalik na rin ako rito nung
ako ay g7 at g8 dahil dito kami nag fieldtrip. At ngayon habang ako ay nagbibinata na at nagkakapera na
galing sa magulang bumalik ulit ako rito kasama ang aking mga kaibigan. Lahat ng pwede kong sakyan ay
sinakyan ko na kahit sobrang hilong hilo na ko o nasusuka na ako para hindi masayang ang perang
ibinayad ko para makapasok dito. Hindi na nga ako kumain eh dahil sa mahal ng bilihin sa loob nito.
Marami akong alaala sa lugar na ito kasama ang aking mga kaibigan kaya ito ang pinili kong lugar para sa
aktibidad na ito.

Kung akala nyo hanggang sa mga sm at robinson lang kayo, balang araw kayo ay makakapunta rin sa
mga lugar na hindi nyo inaasahan konting tiis lang at darating din ang panahon na lahat nang gusto mong
puntahan ay mararating mo rin.

You might also like