You are on page 1of 2

SIMPLE AT Biglaan ngunit di malilimutang araw ng aking buhay

Umaga palang noon ngunit dinig ko na ang boses ng aking nanay na sumisisgay ng “Agriing kayon aldaw
win”ito ay Ilocano na salita na kung isasalin natin sa tgalog ay “gising na tanghali na”.OO ,ANG NANAY
KO ANG ALARM CLOCK SA LOOB NG AMING TAHANAN AT ADVANCE SIYA MAG-ISIP,INUUNAHAN NIYA
PAG-IKOT NG AMING ORASAN.NAG-AALMUSAL AKO NG ARAW NA IYON NG DUMATING ANG AKING
KUYA GALING SA SANTO TOMAS ,NAGUILIAN,ISABELA DAHIL ANG KASINTAHAN NIYA AY TAGA DOON AT
NAGULAT NALANG KAMI NG SABIHIN NIYA NA MAGPAPAKSAL NA SIYA AT SA ARAW DING IYON
PUMUNTA NA KAMI SA SANTO TOMAS UPANG HINGIN ANG SAGOT NG MAGULANG NG BABAE.AKO AT
ANG NANAY KO AY HIDI NA NALIGO DAHIL SA PAGMAMADALI,PERO NAG TOOTHBRUSH AT NAGPALIT
NAMAN KAMI NG DAMIT PARA KAHIT PAPAANO NAMAN AY HINDI KAMI MABAHO.ANG AMING
SASAKYAN NOON PAPUNTA DOON AY ISANG ELF TRUCK,NABABAD KAMI SA INIT NOON DAHIL PAYONG
LANG AT TELA ANG AMING PANANGGA SA SIKAT NG ARAW AT SAKTO PANG SUMMER NOON.

NAGSISISI AKO NOONG KAMI AY NASA CAUAYAN CITY PALANG DAHIL SABI NG AKING PINSAN
MALAYO PA KAMI SA AMING PAROROONAN AT BAKU -BAKO DAW ANG DAAN PAPUNTA
DOON.HABANG UMAANDAR ANG SASAKYAN BIGLA NALANG AKONG NABUHAYAN NG SABIHIN NG ISA
KONG PINSAN NA MARAMI DAW MALILIIT NA SAKAHAN DOON NA GAYA NG BANAUE RICE
TERRACES,MANGGA,MAIS,AT KAMOTENG KAHOY.NOONG PAPASOK NA KAMI SA NAGUILIAN
NAGTATAKA AKO DAHIL MARAMING PASIKOT-SIKOT AT HALOS MAGKAKAMUKHA LANG ANG
DAAN,PERO BUTI NALANG KABISADO NG PINSAN KO ANG DAAN PAPUNTA DOON.TOTOO ANG SINABI
NG PINSAN KO NA MARAMING MANGGA,MAIS,AT KAMOTENG KAHOY DOON NGUNIT ANG KABA SA
AKING DIBDIB AY BIGLA KONG NARAMDAMAN NG MAKITA KO ANG PALIGID NA PARANG
HAUNTED.PAGKALIPAS NG ILANG ORAS AY NAWALA DIN ANG AKING PANGAMBA DAHIL NATAWA AKO
SA AKING PINSAN NA HABANG UMAANDAR ANG SASAKYAN LAHAT NG MAAABOT NIYANG MANGGA AY
KINUKUHA NIYA.ISA NAMAN ITONG PINSAN KO NA LOKO-LOKO NA AMING DRIVER ,BINABAGALAN NIYA
ANG TAKBO NG AMING SASAKYAN PARA MAKARAMI ANG AKING PINSAN SA PAGPITAS NG
MANGGA.DOON WLANG KATAO-TAO KAYA MALAYA KANG KUMUHA NG MANGGA AT MAIS,BASTA
HUWAG KALANG MAGPAPAHULI SA MAY-ARI.HUWAG NIYO ITONG TUTULARAN , PAGDATING NG
PINSAN KO SA KANILANG BAHAY AY SUMAKIT ANG KANIYANG TIYAN DAHIL SA DAMI NG KANIYANG
KINAIN NA MANGGA.NOONG NAKARATING NA KAMI SA SANTO TOMAS ,LALO AKONG NAMANGHA SA
MGA NAKITA KONG MALILIIT NA BANAUE RICE TERRACES,ANG TUBIG SA KANILANG ILOG AY
MALINIS ,ANG KANILANG POSO AY KAKAIBA,AT NAGKAROON DIN AKO NG KAALAMAN NA ANG
KAMOTENG KAHOY AY KANILANG NILILINISAN,GINIGILING,IBINIBILAD,AT IBINIBENTA UPANG GAWING
HARINA. ANG MGA HANAPBUHAY NILA DOON AY PAGTATANIM NGHALAMANG-
UGAT,PANGINGISDA,PAGTATANIM NG PALAY ,MAIS ,MANGGA AT IBA PA.SA LAHAT NG AKING
NABANGGIT TUNAY NA MAHIRAP ANG BUHAY DITO NGUNIT KUNG ANG GUSTO MO AY MAPAPASYALAN
NA MEDYO MALAPIT AT WALANG GAANONG TURISTA ,SIYEMPRE PWEDE KANG PUMUNTA
DITO,MAAARI KANG MAG-RIDE,MALIGO SA ILOG,MAG PIKNIK,AT MAGNILAY-NILAY.SIMPLE LANG ANG
PAMUMUHAY NILA RITO DAHIL IILAN LANG ANG MGA GUSALINA IYONG MAKIKITA.KAPAG PUMUNTA
KA DITO MA-IISIP MO NA ANG PAGPUNTA DITO AY MAS SULIT KAYSA SA PAMAMASYAL SA SM.HINDI KA
MAHIHILO SA AIRCON O USOK NG MGA SASAKYAN DAHIL DITO MISMONG ANG MGA PUNO AT IBA
PANG HALAMAN ANG MAGBIBIGAY SA IYO NG SARIWANG HANGIN.KAPAG PUMUNTA KA SA SM
GAGASTOS KA NG NAPAKALAKING HALAGA DAHIL MAAAKIT KA SA MGA BAGAY NA IYONG MAKIKITA
NGUNIT KAPAG PUMUNTA KA SA SANTO TOMAS MAAAKIT KA SA PALIGID PERO KAUNTING PERA LANG
ANG MAGAGASTOS MO.KAYA’T PUNTA NA SA SANTO TOMAS NAGUILIAN UPANG MARANASAN ANG
SIMPLE AT MAGANDANG PAGLALAKBAY.ATING IPAGMALAKI ANG YAMAN NG ATING PROBINSYA
NGUNIT GAWAING MAKAKALIKASAN DAPAT ANTING ISABUHAY.

You might also like