You are on page 1of 19

Talaan ng Nilalaman

I. Introduksyon

 Depresyon

II. Rasyunal/Layunin ng Pag-aaral

 Pangkalahatang Layunin

 Mga Tiyak na Layunin

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

 Sa mga Mag-aaral

 Sa mga Guro

IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

V. Kahalagahan ng Pag-aaral

VI. Rebyu/Pag-aaral

 Depresyon

 Sintomas

 Pagsusuri

 Paggamot

 Pagtulong

V. Depinisyon ng Terminolohiya

IV. Pagsisiyasig at mga Datos


A. Introduksyon

Sa bansang Pilipinas na kung saan ay hindi nabibigyan ng karagdagang pansin ang mental health,

kinakailangan pa ng high profile case bago pag-usapan ang suicide at depression. May iilang

mananaliksik na pinagaaralan ang ganitong kaso ngunit ito ay para lamang makakalap ng maayos

na data o di kaya’y para lamang sa national prevention program. Isa ang bansang Pilipinas sa may

mataas na bilang ng mga kabataang nagpapatiwakal ng dahil sa matinding kalungkutan.

Sa panahon ngayon marami na ang mga kabataan na nakararanas ng depresyon na kung saan at

maaaring maapektuhan ang kanilang pang-araw araw na gawain. Bilang isang estudyante, maaaring

ang magdulot ng depresyon ay ang sobrang pag-isip nila sa kanilang pag-aaral ngunit hindi lahat ng

kabataan ay pag-aaral ang naging sanhi ng depresyon, “Maaaring ang maging sanhi nito ay ang

problema sa pamilya at mga karelasyon” ayon kay Christine Krisha Samson na aking nakapanayam.

“Ano nga ba ang depresyon?” ito ang kalimitang tanong ng iba, ayon sa Handbook of Depression na

isinulat nila Ian H. Gotlib at Constance L. Hammen, ang depresyon raw ay isang uri ng psychiatric

disorders na kung saan naapektuhan nito ang pagiisip ng isang tao, madalas na naaapektuhan nito

ay ang mga kababaihan. Sa marami ng ginawang pananaliksik ukol rito, lumalabas na ang mga

kabataan lalo na ang mga estudyante ang madalas makaranas nito

Ang isang taong nakakaranas ng depresyon at maaaring hindi nangangailangan ng propesyonal na

panggagamot dahil minsan mismong may katawan ang dapat gumawa ng oaraan upang maiwasan

niya ang depresyon o malabanan nya ang matinding pagkalungot. Ang kanilang mga pamilya ang isa

sa mga makakatulong sa kanila upang magamoy o mawala ang depresyon na kanilang nararanasan

dahil sa pag-aaral o sa kahit anong dahilan kung bakit sila nagkakaroon ng ganitong uri ng sakit.
B. Layunin ng Pag-aaral

Napili ng mananaliksik ang paksang ito sapagkat ito ay may kaugnayan sa larangang ginagalawan ng

mananaliksik. Ang depression ay laganap ngayon sa mga kabataan na maaring maging sanhi ang

iba’t-ibang aspeto. At ditto sa ating bansa ay hindi pa ganoong siniseryoso ang usapin ukol sa mental

health illness kung kaya’t ninanais ng mananaliksik na alamin ang sanhi at dulot nito sa buhay ng

bawat kabataan. Higit sa lahat, ninanais rin ng mananaliksik na alamin ang mga paraan kung paano

ito masosolusyunan upang ito ay mapabatid sa mga mambabasa.

Pangkalahatang Layunin:

Nilalayon ng mananaliksik na malaman at matukoy ang ibat-ibang sanhi ng depresyon. At kung ano

ang epekto nito sa kabataan. Hinahangad ng mananaliksik na alamin kung ano ang nararanasan ng

mga taong may depresyon at kung paano nila ito nilabanan o patuloy na nilalabanan.

Mga tiyak na layunin:

 Ano ang depresyon;

 Ano ang dahilan o sanhi ng depresyon;

 Ano ang negatibong dulot nito sa kabataan?

 Paano ito matutugonan?


C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa patuloy na paglaganap ng bilang ng mga kabataang depressed. Na maaaring mag-resulta ng

isang kahindikhindik na pangyayari. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kapaki-pakinabang

sa mga sumusunod:

 Sa mga Mag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyang linaw at karagdagang kaalaman ang mga

mambabasa ukol sa depresyon na magsisilbing patnubay at makakatulong para makakuha ng

paraan kung paano masosolusyunan ang depresyon.

 Sa mga Guro

Upang bigyang ideya ang mga guro tungkol sa depresyon


D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng sanhi at dulot ng depresyon sa mga kabataan

sa mga paaralan na may edad ika-labing tatlo hanggang ika-labing siyam taong gulang.

Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa mga kabataan. Hinahangad din ng pagsasaliksik na ito na suriin

ang iba’t ibang mga pananaw at persepsyon ng bawat kabataan ukol sa epektong dulot ng

depresyon. Sa huli, magmumungkahi ang mananaliksik ng mga solusyon upang maiwasan ang

pagkakadama ng matinding kalungkutan na tinatawag nating depresyon.


E. Rebyu/Pag-aaral

Mga kabatayang kaalaman ukol sa depresyon:

Ano ang depresyon?

Ang depresyon sa mga kabataan ay maaaring minsanang problema o maaaring magpatuloy.

Karamihan sa mga kabataan mahihirapan nang ilang linggo o buwan. Kung walang paggagamot,

maaaring bumalik ang depresyon at lumala.

Ang mga kabataang nagkaroon na ng depresyon ay mas malaki ang peligro ng depresyon sa huling

mga taon ng kanilang kabataan at nasa sapat na gulang. Ang eksaktong sanhi ng depresyon ay hindi

nalalaman. Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at

mga kilos. Kung wala ang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa

kung papaanong mag-isip, makaramdam, o kumilos ang isang taong may depresyon. Ang kabataang

may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.

Ang depresyon ay malamang na namamana sa mga pamilya. Hindi ito nalalaman kung ito ay sanhi

ng mga gene na napapasa mula sa magulang papunta sa anak. Maaari rin na ang mga magulang

ang may negatibong pananaw, at natututunan ng mga kabataan ang ganitong pag-uugali mula sa

mga magulang.

Maaaring mapasimulan ito ng mga kaganapan na sobra sa stress tulad ng mga problema sa

paaralan, naaapi, pagkawala ng isang kaibigan, paghihiwalay ng mga magulang, o pagkamatay ng

alagang hayop o miyembro ng pamilya. Ang mga kabataang may malalalang kapansanan na matuto,

pisikal na may hadlang (handicaps), o mga problemang medikal ay kadalasang nagkakaroon ng

depresyon. Gayunman, ang depresyon ay maaaring magsimula nang walang partikular na sanhi.
 

Ang depresyon ay mas malala kapag nagsimula ito bago sa edad na 10 o 11 at hindi resulta ng

partikular na kaganapan. Sa kabataan, parehong mga batang lalaki at mga batang babae ay

kapwang nasa peligro. Sa panahon ng mga taon ng teen, ang mga kabataang babae ay doble ang

lamang kaysa sa mga batang lalaki na magkakaroon ng depresyon.

Ano ang mga sintomas?

Ang depresyon ay magkaiba sa mga bata at mga kabataan kaysa sa mga may sapat na gulang. Ang

mga may sapat na gulang ay kadalasang inilalarawan ang mga pakiramdam ng kalungkutan at

kawalang pag-asa na kasama ang kapaguran. Ang mga kabataang depressed ay kadalasang mas

irritable at moody. Maaari silang maging matigas ang ulo. Maaaring madaling magbago ang kanilang

mood mula sa kalungkutan papuntang pagka-irita o biglang galit. Ang ilang bata at kabataan ay hindi

alam na sila ay depressed. Imbes na pag-usapan ang tungkol sa kung gaanong kasama ang kanilang

nararamdaman, maaari silang magpahayag sa kilos. Maaaring tingnan mo ito bilang maling pag-

uugali o pagsuway.

Ang isang kabataang may depresyon ay maaaring:

I. Madalas na mairita, uminit ang ulo, magkaroon ng madalas na silakbo ng paninigaw o

pagrereklamo, o padaskul-daskol na pagkilos.

II. Sinisira ang mga bagay tulad ng mga bagay na pambahay o mga laruan.

III. Nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “I hate myself” o “I’m stupid”

IV. Nawawalan ng interes sa mga bagay na dating gusto niya at kadalasang gustong mapag-isa.

V. Makalimutan ang mga bagay at mahirapan sa pag-iisip nang malalim.

VI. Matulog nang matagal, mahirapang makatulog sa gabi, o magising sa gabi at hindi magawang
makabalik sa pagtulog.

VII. Mawalan ng ganang kumain, maging mapili sa pagkain, o kumain ng mas marami kaysa sa

karaniwan.

VIII. Maging sobrang sensitibo sa pagtanggi o kabiguan.

IX. Ma-guilty nang walang dahilan o maniwala na wala siyang kuwenta

X. Saktan ng iyong anak ang kanyang sarili, tulad ng pagkagat, paghampas, o paghiwa sa

kanyang sarili.

XI. Pag-usapan ang tungkol sa kamatayan at pagpapakamatay, tulad ng pagsasabi ng, “sana

namatay na lang ako/sana mamatay na ako”.

Ang mga teenager ay kailangang pangasiwaan ang kanilang pagdadalaga o pagbibinata, mga kauri,

at pagkakaroon ng pakiramdam sa sarili. Sa lahat ng kalituhan, madaling hindi makita ang mga

senyales ng teenage na depresyon. Ang mga teen na may depresyon ay maari rin magkaroon ng

mga sintomas tulad ng madalas na magalit, magkaproblema sa paaralan, labagin ang mga

patakaran, at paglayo sa mga kaibigan at pamilya.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak o isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip ang

tungkol sa mga sintomas ng bata, history ng medikal at pamilya, at anumang gamot na iniinom ng

bata. Sisiguruhin niya na walang medikal na karamdaman o problema sa droga o alkohol ang iyong

anak na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.

Karamihan sa sintomas ng depresyon ay mga sintomas din ng iba pang sakit. Minsan mahirap

mabatid ang depresyon sa iba pang problema tulad ng sakit na bipolar, pagkaligalig at sakit na post-

traumatic stress. Ang isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip na nag-e-espesyalista sa


pakikipagtulungan sa mga bata at teen ay pinaka-kuwalipikado na suriin ang depresyon.

Papaano itong ginagamot?

Ang parehong mga gamot at therapy na pakikipag-usap ay nakatutulong na gamutin ang depresyon

sa mga bata at teen. Kung may sinumang pisikal o seksuwal na nananakit sa iyong anak, o ang iyong

anak ay tinatakot, ginugulo, o inaapi, ang tagapayo ay maaaring gumawa ng aksyon para tulungang

mapanatiling ligtas ang iyong anak.

Ang cognitive behavior therapy (CBT) ay tinutulungan ang mga bata na matutunan ang tungkol sa

depresyon, kasama ang pagtuturo ng mga kasanayan sa pangangasiwa ng kanilang mga pisikal na

sintomas, negatibong pag-iisip, at problema sa mga pag-uugali.

Ang therapy na pamilya ay kadalasang talagang nakakatulong. Tinatrato ng therapy na pamilya ang

pamilya bilang isang buo kaysa magtuon sa anak lamang. Ang mga bata ay kadalasang

nakakaramdam ng sobrang nasusuportahan kapag kasamang dumadalo sa therapy ang mga

magulang at kapatid at nagtutulungan bilang isang grupo.

Ang mangilan-ngilang klase ng gamot ay makakatulong na gamutin ang depresyon.

Makikipagtulungan ang iyong healthcare provider sa iyong anak para piliin ang pinakamainam na

gamot para sa iyong anak. Maaaring kailanganin uminom ang iyong anak nang higit sa isang klase

ng gamot. Kung magpapatuloy ang mga sintomas ng pagkaligalig, kung gayon ang mga gamot lang

para sa pagkaligalig ang maaaring idagdag. Kung mayroon din ang iyong anak ng ADHD, ang mga

gamot para sa ADHD ay maaaring ireseta.

Bagama’t bihira, ang mga antidepressant ay maaaring gawing manic ang isang bata o teen
(pakiramdam na sobrang pinasigla at nagiging napakaaktibo), mas depressed, o kahit na pag-iisip ng

pagpapatiwakal. Napakahalaga na magbantay sa mga bago o lumalalang sintomas, lalo na kapag

unang sinimulang uminom ng gamot ang bata. Makipag-usap sa healthcare provider ng iyong anak

tungkol sa mga peligro at benepisyo ng mga gamot na ito. Sa karaniwan may mas maraming

benepisyo kaysa sa mga peligro.

Ano ang magagawa para matulungan ang mga taong depressed?

Suportahan sila. Himukin ang mga ito na pag-usapan ang tungkol sa kung anuman ang gusto nilang

pag-usapan. Maging isang mabuting tagapakinig. Nakakatulong ito sa mga bata na umpisahang

maunawaan na ang kanilang mga nararamdaman at naiisip ay talagang mahalaga, na talagang nag-

aalala ka tungkol sa kanila, at hindi ka tumitigil mag-alala kahit na sila ay ma-depressed. Kung

papaalisin ka nito, huwag lalayo. Ipaalam sa mga ito na naroroon ka para sa kanila sa tuwing

kailangan ka nila. Paulit-ulit na ipaalala ito sa mga bata. Maaaring kailangan nilang marinig ito nang

madalas dahil pakiramdam nila ay hindi karapat-dapat sa pagmamahal at atensyon.

Makipag-ugnayan sa mga guro, kaibigan at iba pang tao na nakapalibot sa iyong anak para mag-

share ng impormasyon tungkol sa mga sintomas na maaaring nararanasan ng iyong anak.

Maging hindi pabagu-bago. Unawain na hindi ka responsable sa depresyon ng iyong anak, kahit na

kung ang isang bagay tulad ng diborsyo ay maaaring nagpasimula nito. Maging matatag at hindi

pabagu-bago sa mga patakaran at kahihinatnan. Kailangang malaman ng iyong anak na ang mga

patakaran ay gagamitin pa rin sa kanila. Hindi nakakatulong na turuan ang mga bata na maiiwasan

nila ang mga kahihinatnan kung sila depressed.

Tulungan ang iyong anak na matutunang pangasiwaan ang stress.Turuan ang mga kabataang ito na

sanayin ang malalim na paghinga o iba pang technique sa pagpapahinga kapag ang pakiramdam ay
nai-stress. Tulungan ang isang taong depressed na maghanap ng mga paraan para

makapagpahinga, bilang halimbawa kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng sine, o

maglakadlakad.

Pangalagaan ang pisikal na kalusugan. Siguruhin na kumakain ng malusog na diyeta at nakakakuha

ng sapat na tulog at ehersisyo araw-araw. Turuan ang mga kabataan na iwasan ang alkohol,

caffeine, nicotine, at mga droga.

Suriin ang mga gamot ng isang taong nakadarama ng matinding kalungkutan. Sabihin sa lahat ng

healthcare provider na gumagamot sa isang taong depressed ang tungkol sa lahat ng gamot na

iniinom nito, para makasiguro na walang conflict sa mga gamot na antidepressant. Siguruhin na

iniinom nito ang kanyang mga gamot araw-araw, kahit na maganda ang pakiramdam. Ang pagtigil sa

mga gamot kapag maganda ang kanyang nararamdaman ay maaaring muling makapagsimula sa

mga problema.

Kontakin ang iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o ang

mga sintomas nito ay mukhang lumalala.

Tanungin ang mga kabataan kung nakakaramdam sila ng pagpapatiwakal o nakagawa ng anumang

bagay para saktan ang kanilang sarili. Kumuha ng emergency na pag-aalaga kung ito ay may mga

ideya ng pagpapatiwakal o pananakit ng iba o pananakit sa kanyang sarili.


F. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas mapadali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mananaliksik

na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang

bawat isa sa pamanahong papel na ito:

Depression: Ang depression ay isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng matinding kalungkutan na

sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili, kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na

nakasisiyang gawain.

Mental Health: Ito ang naglalarawan ng isang antas o kapakanan ng pangsikolohiya o ng isang

kawalan ng isang diperensyang pang-isipan.

Suicide: Ito ang pagpapatiwakal ng isang tao na maaaring may iba’t ibang sanhi o dahilan.

Psychiatric Disorder: ay isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang indibidwal na

magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing na hindi bahagi ng normal na

pag-unlad sa isipan ng isang normal na indibidwal.

Cognitive Behavior Therapy (CBT): ay tinutulungan ang mga bata na matutunan ang tungkol sa

depresyon, kasama ang pagtuturo ng mga kasanayan sa pangangasiwa ng kanilang mga pisikal na

sintomas, negatibong pag-iisip, at problema sa mga pag-uugali.


Pagsisiyasig Ukol sa Paksang “Depresyon sa Kabataan.”

Ang pinagkunan ng mga karagdagang datos ay tatlumpung (30) kabataan na nagmula sa bayan ng

Pulilan, Bulacan na may edad na labing-tatlo (13) hanggang labing-siyam (19) taong gulang. Ang

mananaliksik ay naghanda ng pagsisiyasig sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang mga

tanong upang matugunan ang pangangailangan sa asignaturang “Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Filipino”.

Ang datos sa itaas ay nagpapakita na mas maraming kabataan ang nakadarama ng depresyon sa

kadahilanang sila ay humaharap sa matinding problema. Maaring ito ay problema sa pamilya,

kaibigan, karelasyon atbp.

Ano ang depresyon?

KP MK 1. Ano ang depresyon?


43% 43%

 Biglaang pagkadama ng

SP matinding kalungkutan.
13%

Labing-isangg (11) kabataan ang

nagsabing ang depresyon na kanilang nararamdaman ay ang biglaang pagkadama ng matinding

kalungkutan sa hindi malamang sanhi.

“Ang depresyon ay isang kondisyon na pinagdadaanan ng isang tao na kung saan sila ay

nakakramdam ng matinding kalungkutan, pagkawalang silbi at kagustuhang mapag-isa,” ayon kay


Nina Marie Peralta na aking nakapanayam.

Ayon naman kay Christine Samson, “Ang depresyon ay isang matinding kalungkutan na hindi mo

maintindihan.”

 Sakit sa pag-iisip.

Apat (4) sa mga kabataang aking nakapanayam ay nagsasabing ang depresyon ay isang uri ng sakit

sa pag-iisip.

Ayon kay Alette Joy Labrador, isang guro “Ang depresyon ay isa sa pinaka-mabigat na kaaway ng

isang tao. Isa din itong maituturing na silent killer, tahimik umatake ngunit matindi ang nagiging

epekto.”

 Kawalan ng pag-asa dahil sa mga hinaharap na problema

Labing-limang (15) kabataan ang nagsaad na dahil sa kanilang problema kaya sila ay nakadarama

ng depresyon.

“Ang depresyon para sa akin ay ang pag-iisip ng responsibilidad dahil ako nga ay isang batang ina.”

Ayon kay Rodora Pascual.

Tinatayang walumput-tatlong (83%) porsyento ng kabataan ang dumaranas ng depresyon na ang

sanhi ay kanilang problemang kinakaharap. Samantala labing-pito rito ay nakaranas ng isang

matinding pait ng nakaraan.


ANO ANG SANHI AT DULOT NG DEPRESYON?
MD
17%

2. Ano ang sanhi at

dulot ng
MP
83%

MP MD
depresyon?

 Mga problemang kinakaharap ng isang tao.

Dalawampu’t-limang (25) kabataan ang nagsasabing ang depresyon na kanilang nadama/nadarama

ay nagmula sa kanilang mga problemang kinakaharap.

 Mga di inaasahang pangyayari sa buhay. (Pagkabigo, Pagkamatay ng minamahal, atbp.)

Samantala lima (5) sa mga kabataang aking nakapanayam ay sinasabing ito ay nagmula sa isang di

inaasahang pangyayari sa kanilang buhay na nagiwan ng matinding sugat at sakit sa kanilang

damdamin.

Ayon sa datos limamput-tatlong


KAILAN MO MASASABING NAKADARAMA NG
DEPRESYON ANG ISANG TAO? porsyento (53%) ang

nagpasyang masasabi mong

depressed ang isang tao kapag


M
47% ito ay malungkot at tuliro.
MT
53%
Samantala, apat-naput pitong

porsyento (47%) naman ang

nagsabing kapag ito ay moody o


MT M

pabago bago ng nadarama.

3. Kailan mo nasasabing nakadarama ng depresyon ang isang tao?

 Malungkot at Tuliro

Labing-anim (16) na kabataan ang nagsasabing ang nararamdaman ng isang taong depressed ay

ang pagiging malungkot at pagka-tuliro.


 Moody

Samantala labing-apat (14) naman ang nagpasyang nagiging moody ang mga kabataan kapag ito ay

depressed.

Tinatayang labing-apat (14) naman ang


Paano mo uunawain ang isang taong
depressed? nagpasyang ito ay dapat na aluin at

bigyan ng mga payo.Sa datos na nasa

ibaba tinatayang limangput-tatlong (53%)


PC
47% PI
53% ang sumagot ng pagiintindi at pakikinig sa

mga saloobin ng taong may depresyon

PI PC ang makakatulong rito. Subalit, apatnaput-

pitong (47%) tao naman ang nagpasyang

dapat itong aluin ang bigyan ng payo.

4. Paano mo uunawain ang isang taong may depresyon?

 Pagintindi, Pakikinig sa mga saloobin nito.

Labing-anim (16) na porsyento ng kabataan ang nagsasabing ang isang taong depressed ay

nararapat lamang na unawain at intindihin upang hindi ito magdulot ng isang bagay na makakasama

para sa kanya.

 Pag-comfort at pagbibigay ng karampatang payo rito.

5. Nakaranas ka naba ng depresyon? Kung oo, paano mo ito nilabanan? Kung hindi,

paano mo ito lalabanan kung sakali?


 Dalawampu-dalawang
Kasarian
(73%) mga babaeng

27%
kabataan at walong lalaking

(27%) kabataan ang

nagsabing sa pamamagitan

73% ng paglapit sa Diyos at Pag-

alo ng pamilya maaaring


B L
labanan ang depresyon.

Labing-tatlong babae rito ay nakaranas na ng depresyon. Samantala tatlong lalaki ang

nagsabing nakaranas na rin sila ng depresyon. (67%)

Nakaranas ka naba ng depresyon?

33%

6. Paano nakakaapekto

67% ang depresyon sa

buhay ng isang tao?

Oo Hindi  Pagpapatiwakal

Anim (6) na kabataan ang

nagpasyang ang depresyon ay maaaring mauwi sa pagpapatiwakal ng isang tao. Ayon kay Christine

Samson, “Walang positive thoughts na pumapasok sa iyo kaya nga 60% ng tao/kabataan na

depressed ay nagpapakamatay.”

 Pananakit sa sarili

Ayon naman sa siyam (9) na kabataan ito ay maaaring mauwi sa pananakit sa sarili.

 Pagkabalisa
Labing-limang (15) kabataan
EPEKTO NG DEPRESYON
naman ang nagpasyang ito ay

20% maaaring magdulot ng

pagkabalisa.

50%

30%

PT PS PK

You might also like