You are on page 1of 2

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement

Ito ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik.

Isang matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol


sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensya.

Sa pamamagitan nito, malalaman ng mambabasa ang mga sumusunod:

Tungkol saan ang sulating pananaliksik

Direksiyon sa mananaliksik sa pangangalap ng mga ebidensyang magpapatunay sa kanyang argumento.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis


1. Magsimula sa paunang pangangalap ng impormasyon o datos.
2. Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita mo ang kaugnay ng bawat isa sa iyong
paksa.
3. Tanungin ang sarili: Sapat na ba ang impormasyon nakalap para makabuo na nang isang
mahusay na pahayag ng tesis o kailangan mo pang magsaliksik upang higit pa itong mapagtibay?
4. Kung sapat na, buoin mo na ang tesis batay sa iyong mga ebidensyang nakalap.
5. Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga sumusunod:
a. Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
b. Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
c. Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
d. Maari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng
pananaliksik?
Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis (SAMUELS – 2004)
1. Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
2. Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito
maaaring malutas.
3. Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
4. Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.
5. Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/hindi nangyari ang
mga bagay&bagay sa nakalipas.
6. Pagkomparahin ang dala%ang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
7. Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimplu%ensiyahan ang isang paksa kaya ito
naging ganito o ganoon (Halimbawa: musika, sining, politika)

Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag ng Tesis


Paksa:

Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinasalin sa ibang lengguwahe.

Tesis:

Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang
hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.

Paksa:

Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula.

Tesis:

Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng telebisyon at pelikula
kaya suportado o tinatangkilik nila ito.

Paksa:
Mas pinili ng mga tao ang mga kapihan bilang lugar para sa socialization kompara sa mga fastfood
outlets, restoran, o karinderya.

Tesis:

Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapihan ay nakapag-project ng imahen sa lipunan sa tulong ng
media bilang lugar kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala ang mga taong sinusuportahan naman ng
kanilang arkitektura, internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan ng kostumer na bumili kaya siya
nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan.

You might also like