You are on page 1of 15

ANG PAHAYAG NG TESIS O THESIS

STATEMENT

 Naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng


sulating pananaliksik.
 Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa
pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik
tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa
pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at
ebidensiya.
 Malalaman ng mambabasa kung tungkol saan ang
sulating pananaliksik.
 Nagbibigay direksiyon sa mananaliksik sa
pangangalap ng mga ebidensiyang magpapatunay sa
kaniyang argumento.
PAGBUO NG MAHUSAY NA PAHAYAG
TESIS
• Magsimula muna sa paunang pangangalap ng
paunang impormasyon o datos.
• Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang
makita mo ang kaugnayan ng bawat isa sa inyong
paksa.
• Kung sapat na ay buoin mo na ang tesis batay sa
iyong mga ebidensiyang nakalap
MAAARING MASUBOK KUNG MAHUSAY
O MATIBAY ANG PAHAYAG TESIS SA
PAMAMAGITAN NG SS.
Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
Maaari bang patunayan ang posisyong pinanindigan
nito sa pamamagitan ng pananaliksik
PARAAN NG PAGLAHAD SA PAHAYAG NG TESIS
ayon kay Samuels (2004)

 Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama


rito ang opinyon o posisyon.
 Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang
isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito
maaaring malutas
 Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang
perspektibo o pananaw.
 Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama
rito ang opinyon o posisyon.
 Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang
isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito
maaaring malutas
 Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang
perspektibo o pananaw.
PAKSA:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang
awiting isinalin sa ibang lengguwahe

TESIS:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit
kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang hindi
hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang
lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.
PAKSA
Mas pinipili ng mga tao ang mga kapihan bilang lugar
para sa socialization kompara sa mga fastfood
outlets,restoran, o karinderya

TESIS
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapihan ay
nakapag-project ng imahen sa lipunan sa tulong ng
media bilang lugar kung saan nagkita-kita o
nakikipagkilala ang mga taong sinusuportahan naman ng
kanilang arkitektura, internal na disenyo, at pagtawag sa
pangalan ng kostumer na bumili kaya siya nakikilala ng
iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan.

You might also like