You are on page 1of 12

BASE SA AMING NAKALAP NA

IMPORMASYON SA
PAMAMAGITAN NG INTERBYU,
NARIRIRTO ANG ILAN SA MGA
KASAGUTAN NG MGA MAG-
AARAL MULA SA BAITANG 12
NARANASAN MO NA BANG BUMUO
NG ISANG POSISYONG PAPEL?
Maraming beses na siyang nakagawa ng
posisyong papel, at isa sa mga hindi niya
malilimutang paksa ay ang posisyong papel
tungkol sa SOGIE Equality Bill na kung saan
ay sinang-ayunan at pinagtibay niya ang
kaniyang posisyong papel.
Bakit kailangang bumuo ng posisyong
papel?
Respondente 1:
Ang posisyong papel ay nagpapakita ng mga opinion ngunit hindi lamang basta
opinion, kailangan din ng mga batayan o katotohan nang sa gayon ay masuportahan ang
ating opinion o mga sinasabi sa papel. Ito ay inuuposisyon ng isang kataga o isang isyu na
sa ganoon ay masulusyunan ang suliranin ng isyung ito.

Respondente 2:
Sa posisyong papel mo maiipakita o sasabi ang opinyon mo base sa isang paksa,
na kung saan ay may mga negatibo at positibong pananaw at maiipaliwanag nang maayos
gamit ang ebidensya na gamit ang katotohanan.
SA IYONG PALAGAY ANO ANG
KAHALAGAHAN NG POSISYONG
PAPEL?
Respondente:
Ang posisyong papel ay mahalaga sapagat ito ay
isang pormal na argumento na kung saan ay
inuuposisyon natin ang isyu at ito ay magagamit natin sa
pagsasabi ng saloobin na suportado ng katotohan at
hindi basta basta opinyon.
PAANO MO MAGAGAMIT ANG
KAHALAGAHAN NG POSISYONG PAPEL?
Respondente 1:
Nagagamit ang kahalagahan ng posisyong papel sa pang-araw-araw
na pamumuhay katulad ng pakikipag-usap sa mga kaibigan, may mga sarili
kayong opinyon na may mga pinaniniwalaan at doon nyo mauunawaan ang
punto ng bawat isa.

Respondente 2:
Ang posisyong papel ay kinakailangang kongreto at masasabing
epektibo ang papel at dapat ito ay makatuwiran o may halaga sa sinasabi at
konektado sa paksa at hindi mga opinyon o paninira ang mga sasabihin.
MAY POSITIBO AT NEGATIBO BANG EPEKTO ANG
PAGTUKOY SA KAHALAGAHAN NG POSISYONG
PAPEL?
Respondente 1:
Ang positibong kahalagahan sa pagtukoy ng posisyong papel ay makatutulong lalo
na sa mga estudyante upang malaman nila kung ano ang nilalaman o mga dapat sa
paggawa ng posisyong papel ng sa ganoon ay maging maalam o dalubhasa na sa pagsulat
ng posisyong mailathala ng buong opinion ang gusting sabihin ukol sa isang misyon.

Respondente 2:
Ang positibong epekto ay nakakapag bahagui ka ng opinyon mo may suporta ng
katotohanan galing sa iba’t ibang reperensya, samantalang ang negatibong epekto nmn
nito ay maaaring ang iba ay hindi sumang-ayon sa panig mo at may ibang pagkakaintindi
sa paksa.
Base sa aming nakalap na
impormasyon sa “internet”
Ang posisyong papel ay isang dokumento o pahayag na
naglalaman ng opinyon, pananaw, o stand ng isang indibidwal,
grupo, o organisasyon hinggil sa isang partikular na isyu o
suliranin. Ito ay naglalayong ipahayag at ipakita ang pananaw
ng isang entidad sa isang tiyak na usapin, karaniwang may
layuning linawin ang kanilang posisyon, magbigay-daan sa
masusing pag-aanalisa, at magbigay ng patnubay sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga pangunahing argumento at
katwiran. Ang posisyong papel ay maaaring gamitin sa iba't
ibang larangan tulad ng politika, ekonomiya, edukasyon, at iba
pa, bilang isang paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw at
pagtukoy sa mga solusyon sa mga kinakaharap na mga isyu.
Kailangang bumuo ng isang posisyong
papel upang maipahayag at maipakita ang
pananaw o “stand” ng isang indibidwal, grupo,
o organisasyon hinggil sa isang tiyak na
usapin. Ito ay naglalayong magbigay-linaw,
magbigay-daan sa masusing pag-aanalisa, at
magbigay ng patnubay sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga pangunahing argumento at
katwiran.
Ang kahalagahan ng posisyong papel ay
nagbibigay-daan sa organisasyon ng mga ideya at
pananaw hinggil sa isang isyu, na nagtataguyod ng
masusing pag-unawa at pagtalakay ng mga suliranin. Ito
rin ay nagbibigay ng oportunidad sa mga indibidwal at
grupo na ipahayag ang kanilang sariling pananaw at
magkaroon ng boses sa lipunan. Bukod dito, ang
posisyong papel ay maaaring magamit bilang isang
kasangkapan sa pagtukoy ng mga solusyon at hakbang
na dapat gawin upang ma-address ang isang partikular
na suliranin.
Ang mga kahalagahan ng posisyong papel ay kinabibilangan
ng:

- Pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon sa isang


organisado at sistematikong paraan.
- Pagtutok sa mga pangunahing isyu at argumento hinggil sa
isang partikular na usapin.
- Pagtulong sa proseso ng pagpapasya at pagpaplano sa mga
hakbang na dapat gawin upang matugunan ang isang suliranin.
- Pagbibigay-daan sa malalim na pag-aaral at pagtatalakay ng
mga isyu sa isang tiyak na pamamaraan.
- Paglilinaw at pagpapakita ng suporta sa isang panig o posisyon
sa isang partikular na usapin.

You might also like