You are on page 1of 11

THESIS DEFENSE NOTES

Title: Wikang Filipino sa Negosyo: Pagsusuri sa paggamit ng Wikang Filipino sa patalastas ng mga piling
Produkto ng isang kumpanya sa Pilipinas

CHAPTER 1

I. PANIMULA

GLOBALISASYON AT ANG WIKA

- Mahalaga ang ginagampanan ng wika sa usaping ito, bagaman hindi pa gaanong pinag-aaralan at
dinidiskurso ang relasyon ng wika at ng patalastas, nilalayon ng papel na ito na ipakita ang
komprehensibong pagsusuri at kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa patalastas ng mga
piling produkto
- Wikang ingles lamang ang alam gamitin ng mga manggagawa ay naging dagok sa kanilang
oportunidad sa trabaho sapagkat ayon sa sarbey sa pag aaral ni simon 6,000 na business firms sa
23% na sumagot lumabas na 60,000 na trabaho ang nangangailangan ng pagiging maalam sa
ikalawang wika at ang natitirang 77% naman ay nagresulta na 120,000 na trabaho pa ang
nangangailangan ng mga trabahador na maalam sa banyagang wika
- Sa mundo ng globalisasyon espesipiko sa usapin ng pagnenegosyo, mahalaga ang paggamit ng
lokal na wika sa mga bansang hindi wikang ingles ang pangunahing wika (GLOBALIZATION,
INTERNATIONALIZATION AT LOCALIZATION)
- Ayon sa artikuloy ni Prabaleen Bajpaisa ng Investopedia, sa kalagitnaan ng 2010 hanggang taon
2019 ay pumalo sa 6.4% ang economic growth dahilan ng patuloy na pag-invest ng mga iba’t
ibang foreign companies gaya ng Nestle

KASAYSAYAN NG NESTLE CORPORATION

- 1895 binuksan ang merkado ng Pilipinas sa produkto ng SwissCompany na Nestle


- 1911 Dinala ang kumpanya sa bansa na itinayo sac alle renata binodo
- Suliranin nang sumabak ang pilipinas sa ikalawang digmaang pandaigdig
- Pagkatapos ng digmaan bumalik ito sa bansa dala ang pangalang Filipro Inc
- 1960 nang nakipag partner ang Nestle S.A sa San Miguel Corporation
- 1962 tinawag itong Nutripro at nagtayo ito ng factory sa Alabang, Muntinlupa
- 1977 naman nang naging isa ang Filipro at Nutripro na tinawag na nutripro
- 1986 nang iniba ang pangalan nito at ganap na tinawag na Nestle Philippines Inc

WIKANG FILIPINO SA PATALASTAS

- Wikang filipino bilang midyum para maabot nito ang kanyang target market o madla
- 1976 nang ipakalat ang print ad ni Nida blanca sa Bearbrand instant powdered milk na
gumagamit ng wikang filipino
- Pag lubog ng kumpanya sa lokal na wika at kultura para magkaroon ng koneksyon sa kanyang
target market
- Sa pagtakbo ng panahon ginagamit na ng korporasyon ang wikang filipino bilang midyum sa mga
adbertisment
- Paggamit ng wikang umiiral dito upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa madla

TATALAKAYIN DITO ANG…

- Kung ano ang ginamit na salita sa wikang filipino sa patalastas


- Inaasahan na mas maiintindihan ang malalim na ugnayan ng usaping pangwika sa usaping
negosyo
- Magiging pantulong ito sa sining sa pamamagitan ng pagpapakilala ng ating wika at maipakilala
rin sap ag-aaral ang danas at kulturang Pilipino
- Intelektuwalisasyon ng wikang filipino

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


1. Paano ginamit ang Wikang Filipino sa patalastas ng mga piling produkto ng Nestle Philippines
Inc.?
- Makikita natin dito ang kagamitan ng wikang Filipino sa patalastas bilang isang patunay ng
lokalisasyon o pag adapt ng kumpanya upang mailako o maibenta ang kanilang produkto gamit
ang wikang Pambansa

- Dito din pumapasok kung paano ito binabatay at paano ito binubuo. Titignan kung mainam nito
na sinusunod ang tamang estraktura ng isang pangungusap o parirala sa loob ng wikang Filipino
o ito ay sumusunod na sa ibang pamantayan sa pagbuo ng mga pangungusap at parirala

- Sa pamamagitan ng katanungan na ito atin makikita kung gaano ka importante ang ating
gramatikang estraktura lalo na sa isang mabisang komunikasyon upang mas maging malinaw ito.
Dagdag pa dito ang maipakita ang malalim na ugnayan ng usaping pangwika sa usaping negosyo

2. Ano-ano ang mga ginamit na salita upang mabuo ang konteksto na pinapakita sa patalastas ng
mga piling produkto ng Nestle Philippines Inc.?
- Pagkatapos malaman ang paraan kung paano binuo o ginamit ang wikang Filipino sa mga
patalastas, titignan naman dito ang lohikal na kahulugan na lumalabas sa mga nabuong parirala
at pangungusap

- Sa pamamagitan ng mga salitang ginamit sa mga parirala at pangungusap mas masusuri ng maigi
ang malalim na kahulugan nito at maipapakita ang konteksto sa loob nito.

- Ito ang maaring tumugon sa layunin na matukoy at maipakilala ang kultura at danas ng Pilipino
na maaring ginagamit sa sining at patalastas

- Isang maiging batayan upang mas masuri ito ay ang pagiging matagumpay na masuri ang
estraktura ng mga parirala at pangungusap para mas maging criedible at may matibay na
batayan ang sinasabi sa matutukoy na konteksto na pinapakita ng patalastas.

- Aalamin din kuna ano at paano ginamit ang retorika sa mga patalastas.
3. Paano nakatulong sa Nestle Philippines Inc ang wikang Filipino sa patalastas ng kanilang mga
piling produkto?
- Dito makikita ang maaring kinabukasan ng ating wika sa larangan ng pag nenegosyo at sa
larangan ng pagbuo ng adbertisment
- Inaasahan dito ang mas malalim na pagpapaliwanag sa gampanin ng wika sa kumpanya at sa
paglalako o pag advertise ng kanilang produkto sa midya
- Dito maipapasok ang sinasabing intelektwalisasyon ng wikang filipino. Inaasahan na
matutugunan nito ang layunin ng pag-aaral na makapag ambag sa intelektwalisasyon

III. BALANGKAS TEORETIKAL

The language of consumer advertising: linguistic and psychological perspective ni Hosni M. El-Dali galing
sa United Arab Emirates University, Al-Ain UAE

Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos

- Tumatalakay ito sa tatlong larangan Advertising, Linguistic at Psychology. Advertising at


Linguistic lamang ang binigyang pokus sa pag-aaral na ito
- Unang pagtahak ng pag-aaral ay tungkol sa retorika sa pagbuo ng mga pangungusap parirala ng
mga brandnames,logo,trademark, jingle o slogan na ginagamit sa adbertisement
- COHERENCE AT COHESION: pagkakaunawa sa nabuong pangungusap o parirala. Cohesion
naman gampanin ng isang salaysa sa pamamagitan ng pagsusuri ng gramatikang estruktura nito
upang maipakita kung paano ito nabuo at naipalabas ang nais sabihin. Sa pamamagitan ng
balarila ng wikang Pambansa ito ang magiging batayan sa pagsusuri ng wika
- IMPORMATIBO: makapagbibigay ng mga bagong impormasyon sa mga tagapanood
- QUANTITY: tamang bilang ng impormasyon ang dapat ihahain
- QUALITY: lahat ng impormasyon na ilalahad dito ay totoo pagiging tapat
- RELATION: pagiging angkop ng sinasalaysay sa pangungusap sa pinapakita sa patalastas
- PRESUPPOSITION: dito pumapasok ang simula ng argumento ng isang patalaastas kung saan
nagmumula ang malayang pagpili ng nakakakita nito
- SIGN O SEMIOTIC: pagbuo ng mga bagong salita, mga tayutay at simbolismo na ginamit para sa
interpretasyon sa nagaganap na patalastas

IV. BALANGKAS KONSEPTWAL

1. Pipili ng limang produkto ng nestle Philippines incorporated, (Bearbrand, Maggi Magic Sarap,
Nestle All purpose cream, Milo, Nescafe) gamit ang kanilang mga patalastas na susuriin at
ilalapat ng teorya sap ag-aaral ni El-Dali
2. Ang susuriin dito ay ang Coherence at Cohesion, upang mas masuri ang estraktura nito magiging
gabay ang balarilang wikang Pambansa ni Lope K. Santos. Pag nasuri na ito mas madali na
maipapakita ang lohikal na kahulugan o pinapahiwatig sa mga pangungusap at parirala
3. Impormatibo, pag sinabi ang impormatibo dito tinitignan kung malaman ba ang patalastas sa
mga datos. Naibibigay ba nito ang angkop at tapat/totoo na datos sa mga konsyumer o
audience. Upang malaman ito makikipanayam ang mananaliksik sa mga konayumer dahil sila
ang nakakakita o para sa kanila ang hinahain na impormasyon sa bawat patalastas
4. Relation, dito naman tinitignan ang pagiging angkop ng mga pangungusap,parirala,impormasyon
at visual na pinapakita sa patalastas sa mismong produkto
5. Presuppostion, dapat makita ng mga mananaliksik sa bawat patalastas ang pagpapakita sa mga
konsyumer ng Kalayaan sa pagpili o argumento na pinapakita sa bawat patalastas na gagamitin
6. Sign o semiotics, ang mga masisining na tayutay, simbolismo, mga salita na ginamit sa patalastas
ang nais maipakita dito upang mas madiskurso ang pinapahiwatig dito. U
7. Sa pamamagitan nito, naipapakita ang retorika ayon sa teorya ni El-Dali
8. Pakikipag panayam sa mga nasa nestle dahil mas maipapakita dito ang malalim na paliwanag
ukol dito. Sa mismong produkto, at mismong paggamit ng wikang Filipino sa pag-eendorso
9. Sa pamamagitan nito, makabubuo ng pagsusuri sa mga patalastas at kung paano ginamit ang
wikang filipino bilang instrument sap ag-eendorso

V. SAKLAW AT LIMITASYON
- Gagamitin sa pananaliksik na ito ang Nestle Philippines Inc
- Biatay sa airtime sa telebisyon psti na rin sa social media
- Nestle Philippines Inc. na limitado lamang ang patalastas
- Adbertisement sa loob ng taong 2010-2020
- Nescafe, Bearbrand,Maggi Magic Sarap, Nestle Cream, Milo

VI. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


- KAPWA MANANALIKSIK – makapagbigay ng mga datos patungkol sap ag-aaral ng wika,
komunikasyon, adbertismo at kultura. Para sa kakulangan na dapat solusyunan patungkol sa
paglubog ng ibang larangan sa sariling wika

- LINGGUWISTA – upang mapalawak ang pag-aaral ng wikang filipino upang magamit pa ito sa
ikauunlad ng bansa at upang makita ang suliranin sa wika at mas lalong maintindihan ang wikang
ginagamit

- GURO NG WIKA – mapaunlad ang pagtuturo ng wikang Filipino at makatulong sa pagtuklas ng


bagong kaalaman na mas magpatitibay sa kahalagahan ng pagtuturo at pag-aaral ng wikang
filipino

- NEGOSYANTENG PILIPINO – makatutulong ito sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa wikang


Filipino pati na rin ang pagpapaunlad nito sa larangan ng negosyo ng makatutulong sa
ekonomiya at pagpapayaman at pagiging intelektuwalisado nito

- NESTLE Philippines – higit pang mapabuti ang kanilang naunag produkto at bumuo ng bago pang
produkto na pasok at abot kaya ng masa.

- ADVERTISERS O GUMAGAWA NG MGA PATALASTAS - magagamit nila ito upang mas makabuo
ng isang matibay na komunikasyon mula sa kanilang produkto tungo sa mga konsyumer
- MTRCB - makatutulong ito sa mga ginagawang pagsusuri ng MTRCB sa mga ineere sa
malawakang midya sa loob ng Pilipinas. Inaasahan na mabibigyan ng maiging pagsusuri ang mga
patalastas at magagampanan ng MTRCB ang kanilang gawain bilang ahensiya

- ASC o iba pang ahensiya na sumasaklaw sa advertising – maipapakita dito ang pag lapat ng mga
patalastas sa kanilang guidebook sa pagbuo ng mga patalastas at iba pang paraan ng
adbertisment. Maari nila masuri dito kung dapat ba na baguhin o dapat pang pag-igihin para
mas mailapit ang mga produkto sa mga konsyumer

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

- Adbertisement – tinatwag sa mga kagamitang pag-eendorso


- Coherence – lohikal na kahulugan ng mga parirala at pangungusap
- Cohesion – paraan sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap na ginagamit (gramatikang
estraktura)
- Endorso – tumatalakay sa malikhaing pagpapakilala ng produkto sa merkado.
- Konsyumer – sangkot sa pananaliksik na ito, mga namimili sa merkado at para sa kanila ang pag-
eendorso
- Marketing – sangay sa larangan ng negosyo kung saan nagpopokus sa larangan ng
komunikawsyon at relasyon ng produkto at kumpanya tungo sa merkado at mga konsyumer
- RETORIKA – sangay ng komunikasyon na tumatalakay sakabisaan ng panghihikayat
- Semiotics – tinatalakay ang pagpapakahulugan sa mga simbolismo na ginagamit na kaakibat ang
lipunan sa pagpapakahulugan
- Socia media – birtwal na paraan ng interaksyon at komunikasyon gamit ang makabagong
teknolohiya
- Target Market – pangkat ng mga tao na may pagkakapreho sa kanilang demograpiko kung saan
sila ang pangunahing tumatanggap ng mga adbertismo o patalastas

KABANATA 2

KAUGALIAN AT KASANAYAN SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO O LOKAL NA WIKA SA PATALASTAS

- Pagtingin s aantas ng wikang ingles bilang wika ng mayayaman,matalino o magaling at ng nasa


kapangyarihan

- KRISHNA AT AHLUWALIA (2008) kaya naman pagdating sa patalastas ng mga produkto para sa
kaluhuan o karangyaan e higit na epektibo ang paggamit ng wikang ingles. Subalit higit naming
epektibo ang paggamit ng wikang lokal sa patalastas ng mga produkto na kinakilangan katulad
na lamang ng ginagawa ng Nestle Phils. (kumbaga sinasabi sa part na ito pag luho pinapakita
ang pag gamit ng English nalumalapat sa aesthetic at yung gusto iparamdam pero pag needs na
gumagamit ng wikang filipino dahil para sa lahat ito may kumpitensya pa din ng wika sa
pageendorso)
- MUAKA (2014) upang mas maunawaan ang cultural nuances o pagkakaiba ng kultura batay sa
lugar nito, mas mainam kung magkakaroon ng konsultasyon sa mga taong nagsasalit ng
naturang wika, ang paglubog sa kanilang kultura at pag-unawa sa dinamiko ng kanilang speech
community dagdag pa niya ang pagpili ng gagamiting wika sa patalastas ay maraming
kinokonsiderang batayan (ang pagtingin sa kultura,lipunan,political at ekonomikal na pangyayari
ng kanilang piniling lugar at populasyon. Nakasanayang wika na nauunawaan at naipapasok sa
danas ng masa )

- Hindi basta-basta ang pagpili ng gagamiting wika at kung ano ang gagamiting salita sa patalastas
ng produkto, kailangan lumubog at alamin ang wika at ang pinanggalingan na kultura pati na rin
ang konteksto nito

- Isang kasi din dito ang bilingualism BHATIA (2006) advertisers and marketers around the world
consciously or unconsciously opt for englishlocal language(s) bilingualism as an advertising
strategy that is still becoming more widespread. Hindi mawawala sa mga patalastas ang
paggamit at pagsamahin ang magkakaibang wika nang dahil sa globalisasyon bukod sa wika
kumlat rin ang iba’t ibang korporasyon dala ang kanilang identity

- BHATIA (2006) in the non speaking world, English seems to be the most favored language of
products and company naming. Kahit sa mga ibang bansa na hindi wikang ingles ang
pangunahing wika, mas ginagamit pa din ang ingles sa pagpapangalan, produkto at sa mismong
kumpanya

- BHATIA (1987,1992,2001) ginagamit ang ingles kaysa sa ibang wika dahil nakapagbibigay ito ng
psychological effect lalo sa mga bansang sinakop ng kanluranin kung saan limiltaw pa rin ang
kolonyal na mentalidad. Epekto ng kolonyoalismo sa pagiging bilingual ng mga ta o

- Grosjean (2010) mas lalong napapansin ang wika sa ating bayan kapag marami ang may ng wika
kaya rito yumayabong ang kakayahan ng pilipino. Mas lumalawak pag mas ginagamit kung
nahahasa ang pagiging bilingualismo mas naipapakita ang code-switching

- La Ferle at Lee (2019) pagdating sa usaping pangwika sa patalastas dapat kasama ang kultura ng
isang lipunan. Maiintindihan ito kahit ibang wika o ingles man ang ginagamit pagdating sa
patalastas at magagamit ang kultura sap ag-aaral na bicultural na mas lalong huhugpong ang
bilang ng konsyumer

- Luna at Peracchio (2005) Language schemas include individual’s perceptions about the social
meaning of the language the culture associated with the language, attitudes toward the
language, the kind of people who speak the language, the contexts when the language can be
used, the topics for which the language is appropriate and beliefs about how others perceive the
language ( sinasaalang alang dito kung paano nauunawaan ang wikang ginagamit at isa sa
paliwanag nito na mas lalo itong lalawak sa mga madla kung saan maipapakita ang tamang pag
unawa
- Klimenko (n.d) sinasabi dito na mabilis itong kumalat (code switching) sa ating bans ana kung
tawagin ay taglish ito ay kumalat o inadapt sa mga sikat na mga estasyon ng telebisyon at radio
lalo na sa mga patalastas.

- Ayon sa pag-aaral ni klimenko sa loob ng 127 na komersyal ay dalawalamang ang komersyal na


hindi gumamit ng wikang ingles, 84 naman ang komersyal na gumamit ng taglish ngunit mas
lamang pa rin ang paggamit ng wikang ingles at 28 komersyal naman ay ang lamang sa paggamit
ng wikang filipino. Kabilang din dito ang paggamit ng wikang kastila lalo na sa mga pangalan ng
produkto.

- Kadalasan ang code switching ay nakikita sa mga pabalat at tagline halimbawa sa mga sabon
minsan nakasulad “siksik pack” “tipid pack” okaya naman halimbawa sa mcdonalds na “im lovin
it” na sinalin sa “love ko to”

- Billones (2012) sa pag-aaral niya tungkol sa code-switching ang wikang filipino at wikang
Cebuano ang ginagamit dahil ito ang sikat na wika sa pilipinas at ang mga balita ay gumagamit
ng wikang ingles sa nakalimbag na pahayagan sa bansa. Katanggap-tanggap ang wikang ingles
bilang isa sa opisyal na wika sa bansa magagamit ito sa pagkakaroon ng naturang pagpapakita ng
pagkamalikhain sa paggamit ng wika para sa pakikipagtalastasan kaya ang code-switching ay
naging paraan kung saan ito ay nakatuon sa panghikayat na layunin

- CRYSTAL (2003) “Only English has reached a fundamental point of being global language which
no language has ever attained before”

HIKAYAT SA MIDYA: ANG RETORIKA NG WIKA SA PATALASTAS NG MGA PRODUKTO SA MUNDO NG


TELEBISYON

- (ROSALES-VIRAY,2015) sa telebisyon,radio,kahit na sa print media makakitatayo ng


adbertisment kahit saan pumunta may makikita ka na ganito. Malaki ang impluwensya ng Midya
sa wika; at gayundin ang wika sa midya (mahalagang gampanin ng wika sa paglaganap ng midya
konektado ito)
- Minor language ang wikang ingles kahit sinabi na wikang ginagamit ng midya sa pilipinas ay ang
wikang Pambansa
- Ginagampanan ng wika sa midya ang pagiging instrument nito sa pagbibigay ng impormasyon
- (ROSALES-VIRAY, 2015) hindi uubra ang paggamit ng isang wika na hindi kayang unawain ng
madla upang turuan sila sa mga konsepto na mahirap lalong maintindihan
- Gaya sa mga nabanggit sa unang subtopic dapat malinaw ang pagkasaad ng konteksto
- Dagdag pa dito ay ang paglikha o nagpapakita sa mga tao ng reyalidad sa pamamagitan ng
wikang tatagos sa kaniyang target market ay maari itong tumagos sa kanilang isipan upang
manghikayat
- (KUMAR AT RAJU 2013) ang adbertisment ay epektibo sa lahat ng klase ng midya dahil sa
impluwensya nito sa madla ngunit ang telebisyon ay isa sa pinakamalakas ang hatak sa usapin na
ito dahil rin sa layo ng naaabot nito kaya nitong impluwensyahan hindi lamang ang pag-
uugali,istilo ng pamumuhay at sa katagalan pati ang kultura ng isang bansa.
- Buhay ang wika palagi ito nadadagdagan at sa pamamagitan ng midya nagiging bahagi ng
bokabularyo ng lipunang Pilipino ang mga salitang tumatatak mula sa midya
- (ROSALES-VIRAY, 2015) bawat pagpasok ng mga salitang ito sa ating kamalayan siya ring
pagpasok ng mga kaisipan na naging bahagi rin ng ating pagkilos at personalidad na sa kalaunan
ay nagkakaroon ng epekto sa ating pagkonsumo ng mga produkto, pagkonsumo ng kultura,
pagtingin sa lipunan at marami pang iba”
- Dapat madaling maintindihan sa midya lingua franca ang gagamitin at hindi gagamitng mga
teknikal terms
- (ROSALES-VIRAY, 2015) “kinakailangan ng mga tagapaglikha ng midya ang ilapit ang kanilang
produkto sa kanilang madla.pinakauna dito ay ang paggamit nila ng wikang malapit sa madla
pangalawa ay apggamit nila ng tema na malapit sa ordinaryong interes” (p.10)
- Dahil alam na ang mga wika at salitang gagamitin dito na papasok ang retorika
- (FUENTES-OLIVERA et al. 2001) ang element ng panghihikayat sa mga manonood nito ay ang
pinakatunguhin ng isang kataga o tagline o catchphrase. Isang klase ng sining ang pagpili ng mga
salita at estruktura nito upang itanim sa utak ng mga tao ang ninanais nilang maging kalabasan
o resulta
- Paggamit ng mga salita,puns,makabagong paggamit ng mga idyoma at kolokasyon ay nakaaakit
at nakaiimpluwensya sa atensyon ng mga manonood
- Sinasabi na ang matalinong paggamit ng wika ay isang paraan sa pagpapaganda ng mga
slogan,catchphrase at tagline ng mga komersyal
- Nakatulong ito sa paggamit ng mga matatalinghagang salita sapagkat ang pinakagamit ng wika
sa mga komersyal ay manghikayat kung saan sa isang banda ay nakabubuo sila ng kanilang
pananaw sa kanilang produkto
- HASHIM (2010) isa sa mga estratehiya ng patalastas ay nangangailangan na ang pag-eendorso ay
mayroong kredibilidad sa kanyang retorika o ethos sa produktong nais ibenta
- Gampanin ng isang patalastas na tiyakin na mapupukaw nila ang atensyon ng kanilang mga
potensyal na konsyumer at ang benepisyo nito sa kanila
- Sa pamamagitan ng retorika mas napagtitibay ang kredibilidad sa produkto
- Gamit ang konteksto ng patalastas
- DOAN (2017) nakaugalian nang tingnan ang retorika bilang sinasalitang wika ngunit dahil
ginagamit din ang mga larawan at ilustrasyon sa mga patalastas upang mahikayat ang mga
manonood, naihahalintulad din itong kapantay ng patalastas gamit ang wika. \
- FRIEDMAN (1988) ginagamit ang patalastas ang telebisyon at radio para mas lumakas pa ang
imahe ng produkto ng isang kumpanya
- Visual demonstrations (TV) Billboard or poster. Hindi pwedeng ilapat ang mga nagbabalita o
balita sa adbertisement pero may mga theme pa din an pinapakita
- Mas malakas ang hatak ng telebisyon sap ag-eendorso ng produkto dahil mayroon itong Biswal
na katangian
- DOAN (2017) maaring mahumaling masyado ang mga manonood sa iba’t ibang larawang ginamit
na nagreresula sa pagkalito at makalimutan na ang mismong ineendorsong produkto kaya
naman sa kasong ito, kailangang gamitan ng mga salita upang mabigyang diin ang mensahe

PAGTALAKAY SA GAMPANIN NG WIKA SA LARANGAN NG NEGOSYO AT ADBERTISMENT


- EMODI (2011) pinapatunayan dito na ang wika ay hindi lamang sa pakikipagkomunikasyon
ginagamit,bagkus ang wika ay nagagamit na rin sa pakikipagkalakalan upang kumita. Sa
madaling salita, sa loob ng negosyo Malaki pa rin ang gampanin ng wika
- YADONG LUO AT ODED SHEKNAR (2006) sa usaping wika sa loob ng pagnenegosyo, hindi lamang
ito tumatalakay sa komunikasyon at pagkakaunawaan. Sinasabi rin na tinitignan ang
estratihiya,organisado,estraktura ang komunikasyon
- Sa pamamagitan nito ay mas mabilis ang daloy ng negosyo sa mas malawakang merkado kaya
hindi maiiwasan ang paglubog at mag-adapt sa mga lokal na wikang naabot ng isang kumpanya
- GIBSON ang wika at kultura ang tunguhang bansa,nangangahulugan lang na dapat lumubog ang
kumpanya sa wika at kultura upang matugunan at mas maging epektibo ang negosyo
- LUO AT SHEKNAR (2006) mayroong functional language sa bawat negosyo at mayroong tatlong
uri ito. Ang functional language ay ang wikang ginagamit sa mas mabilisna daloy ng
pakikipagkalakalan. Pormal na ginagamit na wika berbal man o pasulat
- FUNCTIONAL LANGUAGE IS THE LOCAL LANGUAGE. Lokal na wika ay dapat madalas na
ginagamit sa iba’t ibang larangan sa pagaaral ni GIBSON mas magiging epektibo ang
komunikasyon sa negosyo pag ginamit ang lokal na wika
- FUNCTIONALLANGUAGE IS THE PARENT’S LANGUAGE. (mother tongue) bilang functional
language upang mas mapagtibay nito ang koneksyon sa loob ng pagnenegosyo
- “the direct role that the language plays in influencing corporate communication and
coordination across national boundaries” paglubog ng dambuhalang korporasyon ay inaalam din
nila ang wikang sinasalita dahil isa ito sa maaring functional language
- FUNCTIONAL LANGUAGE IS A THIRD LANGUAGE. Dahil sa isa tayo sa mga nasakop ng bansang
estados Unidos kadalasan ito ay wikang ingles na ang ginagamit pero sa ibang bansa hindi dahil
intelektwalisado ang kanilang wika
- VILLALON (2020) mahalagang sinusulong ang intelektuwalisasyon sa lahat ng porma ng
komunikasyon sa pamamagitan ng pagsulong nito mas mapaiigting ang paggamit ng lokal na
wika at mother tongue bilang functional language sa ating bansa
- EDWARD BLAIR (2008) sa pagpili ng gagamiting wika bilang midyum ng isang patalastas ang
unang hakbang tungo sa pagiging epektibo nito
- JOS HRNIKX FRANK VAN MEURS AT ANJA DE BOER (2010) upang makabuo ng isang matibay na
komunikasyon sinasabi dapat na ilalapat sa kultura ng target market upang ito ay maging mabisa
sa mata nila
- HOFSTEDE 1980,2001 the adaption of advertisements to the needs and taste of each local
culture is a precondition for successful advertising. This claim is based on cultural studies that
have demonstrated that cultures differ in their value hierarchies that is their rankings of which
values are relatively important or relatively unimportant
- VILLALON (2020) Mainamn a ibatay sa ganitong karanasan ang mga produktong may hatak sa
masa at irerekomendang tukuying ang produktong ito upang mahikayat an mga markeer na
possible pala ang marketing sa Filipino
- Marife Villalon “Paghubog at paglubog sa masang mamimili: isang panimulang pag-aaral sa
potensyal ng wikang filipino sa larangan ng marketing
- BONIFACIO SIBAYAN bahagi ng kalakalan o negosyo sa controlling domain at mahalagang parte
nito ang marketing kaya naman sinuri dito ang wikang ginamit upang maipaabot ang lahat ng
impormasyon at panghihikayat sa mga mamimili gamit ang wikang nauunawan ng lahat
- may guidebook na ginagamit ang Advertising Standard Council o ASC at Association of
Accredited Advertising Agencies at Philippine Association of National Advertisers na may
guidebook din sa pagbuo ng mga kagamitan ng isang patalastas wala itong sinasabi na tamang
wika na gagamitin sa mga advertising pero ang importante ay malinaw na nabibigay sa mga
konsyumer ang mga impormasyon ukol dito
- Sabi sa nakapanayam ni Marife Villalon sa kanyang pag aaral, mahalaga ang Filipino upang
maabot ng masa ang mga mamimili ito ay nagpapatibay ng naturang produkto ang imahe nito
bilang maasahang tatak

KABANTA 3 METODOLOHIYA

DISENYONG PANANALIKSIK

- Dahil ito ay tumutugon sa pagsusuri ng mga salitang ginamit sa patalastas isa itong
Quantitatibong pag-aaral
- Makikipag panyam pero hindi gagamit ng statistical instruments para sa mga makakalap na
datos bagkus ang mga sagot ay maaring maging pantulong na datos sa maaring kalalabasan ng
pag-aaral na susundin ang konseptwal na balangkas

PARA SA PANGANGALAP NG DATOS

- Dapat mapanood muna ang mga napiling patalastas upang may ideya sa nilalaman katulad ng
mga salitang ginamit,parirala at pangungusap at higit sa lahat ang adbertisement
- Gamit ang pag-aaral ni El-Dali ito ang magsisilbing gabay upang ito ay nasuri at upang mailahad
ang mga datos na sasagot sa mga suliranin
- Tinitignan ang mga sumusunod: Coherence,Cohesion,Informative,Quality,Quantity,Relation,Sign
o Semiotcs at Presupposition
- Kasama ang paggamit ng Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos
- Makikipag panayam sa mga konsyumer o mamimili at sa mga nasa loob ng kumpanyang napili
lalo na sa sangay ng namamahala sa adbertisement

METODO SA PAGSUSURI NG DATOS

- SA PAG-AARAL NI HONI M. EL-DALI pinapapliwanang dito ang lingguwistika sa patalastas


- Higit na sinasaalang alang din dito ang komunikasyonsa loob ng patalasyas
- Coherence,cohesion,Impormatibo, kwality kwantitiy relations sign o semiotics at presupposition
- Kasabay pa nito ang pakikipagpanayam sa indibidwal na bahagi ng kumyanya sa sangay ng
marketing at advertising

PINAGMULAN NG DATOS

- Mga pag-aaral na sinaad sa chaper 2


- Upang madagdagan ang mga datos bukod sa pagsusuri ninanais ng mga mananaliksik
namakapanayam ang marketing o advertising team ng Nestle Philippines Inc. padadalhan ng
liham at maaring sadyain ng mga mananaliksik na punahan ang kanilang kumpanya sa syudad ng
makati upang personal na makpaanayam ang mga indibidwal

INSTRUMENTONG GINAMIT
- Unang mapapnsin natin dito ay ang msmong sangkot sa pag-aaral ay ang mga produkto na
ginamit ng nestle Philippines
- Mga patalastas sa telebisyon at mga nalathala sa social media na inere sa taong 2010 -2022
- NESCAFE: para kanino ka bumabangon 2020
- BEARBRAND: Tibay everyday 2013
- MAGGI MAGIC SARAP: Tribute 2012
- MAG MILO BREAKFAST EVERYDAY: 2022
- NNESTLE ALL PURPOSE CREAM “IBA NA” 2015
- Talatanungan tungkol sa pagbuo ng kagamitang pang-eendorso o mga adbertismo
pakikipanayam sa mga espesyalista sa sangay ng marketing
- Talatanungans a mga konsyumer lalo na sap ag tingin sa quality at quantity umiikot sa katapatan
ng patalastas at mga impormasyon na binibigay nito

MGA ETIKAL NA KONSIDERASYON

You might also like