Narito ang kasaysayang hinggil sa mga kontrobersyang pinagdaanan ng Wikang
Pambansa. Una. Ang pagkakaisang pasiya sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal na pumili ng isang katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng Nasyonalisya at KOntra-Kolonyalista. Matatandaan na hindi nagka-sundo ang mga delegado sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal kung aling katutubong wika ang dapat sa ideklarang wikang pambansa Sa unang diskusyon pa lamang, o sa pamamagitan ng talumpati ni Felipe R. Jose noong 13 Agosto 1934,ay Tagalog na ang liyamadong katutubong wika. Ngunit sinalungat ito ng mga delegadang nagnanais na wika ang naging kalaban Tagalista ang mga delegadong nagpasok sa Sebwano at llokano. Ang mga delegadong ang humati sa nasyonalismong pangwika noong 1934. muli noong 1972, at hanggang ngayon, lalo na sa panukalang Federalismong Pampolitika (Amario, 2015). Ikalawa: Ang di-makatuwirang implementasiyon na ginawa ng admnistrasvong Arroyo sa wikang Filipino. Noong Siyay Pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang Executive Order Blg. 210 na may pamagat na "Estabtishing the Policy to Strengthen the use of English as a Second Language in the Education System". Nilayon ng naturang EO na palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit nit (ng Ingles) bilang wikang panturo, bagay na kinuwestiyon sa Korte suprema noong Abril 27, 2007. Para sa mas malinaw na kabatiraan. Ilan sa pinakamahalagang isisnasaas ng EO 210 ay ang mga sumusunod: ..ang wikang Ingles ay ituturo bilang panagalawang wika sa lahat ng antas ng sistema ng edukasyon, simula sa unang baiting. ...ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum sa pagtuturo ng asignaturang English, Math at Science hanggang sa ikatlong baitang. ...ang wikang Ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika ta pagtuturo sa lahat ng institusyong pampubliko sa antas sekundarya. ...bilang pangunahing midyum sa pagtuturo ang bilang ng oras na ilalaan sa mga asignaturang ituturo sa Ingles sa antas ng sekundarya ay hindi bababa ng 70% ng kabuuang oras na inilalaan sa tahat ng larangan ng pagkatuto (learning areas) ...ang wikang ay mananatiling midyum ng pagtuturo asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. Bakit ito ang ninais ng dating Pangulong Arroyo? Ano ang kanyang naging batayan sa pag-uutos na palakasin ang (Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katwiran. Mahina sa Ingles ang mga estudyante, ayon sa taya ng noo'y Pangulo Nagulat siya nang malaman na maraming bakanteng trabaho sa mga call center, ang di napupunan dahil bumabagsak sa eksaminasyon sa Ingles ang mga aplikante. Dagdag pa niya, Ingles ang wika ng Information and Communitation Technology o ICT. Ang solusyon ng Pangulo sa problema ay ang agarang pagpapalakas sa Ingles bilang wikang panturo. Oktubre 3, 2011- Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa
Kolehiyo Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo sa pagtataguyod ni Dr. David Micheal M. San Juan--convenor ng Tanggol Wika, Associate Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila at sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may layuning "Urging the Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Education (DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on the implementation of the senior high school/junior college and Revised General Education Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program which might cause the downsizing or even abolition of the Filipino departments in a number of universities (other departments would surely be downsized too)." AGOSTO 29, 2012- Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M.C. Umali, Esq. nawalang asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education Curriculum (RGEC). DISYEMBRE 7, 2012- Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at noo'y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa DLSU, inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang "Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum" na may pamagat na "Isulong ang Ating Wikang Pmabansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas." Hunyo 16, 2014- Sa pagtataguyod nina Dr. David Micheal M. San Juan, convenor Tanggol Wika at Dr. Antonio Contreras at paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diaylogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i reconvene ang Technical Panel/ Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Hunyo 21, 2014- Bienvenido Lumbera, National Artist-isa sa mga tagapagsalita sa Forum at paglahok sa halos 500 delegado mula sa mga kolehiyo, unibersidad at organisasyong pangwika at pangkultura, nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultasyong forum sa DSLU-Manila. HULYO 4, 2014- Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng Tanggol Wika. Agosto 2014- Inilabas ang dokumentaryong gaya ng "Sulong Wikang Filipino (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbrera) at "Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para Kanino?" Setyembre 2014- Inilabas ang dokumentaryong "Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa". Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr .Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terru Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng Act Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Micheal M. San Juan, ang nasabing petisyon. Abril 21, 2015- Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito at kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamgitan ng pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO). Hulyo 18, 2016- Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the Implementation of the CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 Entitled "General Education Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies". Setyembre 23, 2016- Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Phillipine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na Philippine History subject). Hulyo 11, 2017- Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED-Dr. Patrícia Licuanan at may paksang Clarification on the Offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher Education Programs, na hindi naman nila gaanong ipinalaganap. Agosto 9, 2017- Natanggap ng Tanggol Wika ang isang "manifestation and motion" sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General. Agosto 25, 2017- Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos na para sa Makabagong Edukasyon (KMEd). Anuman ang maaaring kahinatnan ng mga naging pagkilos ng Tangent Wika, mainam nang mairehistro pa rin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga SuSing argumento rig Tanggol Wika para sa pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Kailanman ay laging mananaig ang halaga ng Wikang Pambansa sa kalinangan ng mga Filipino.